You are on page 1of 4

Written Report: Introduction to Humanities Topic: Architecture of Mesopotamia

Slide 1 Isang magandang araw sa inyong lahat, sa ating propesor Sir Baun at sa inyo aking mga kamagaral, ngayong araw na ito ay ating paguusapan ang tungkol sa Architecture o ang The art and science of designing and erecting buildings and other physical structures. Ating tuklasin bakit nga ba itoy isang sining At kung paano din ito nagging science.

Slide 2 Bago natin talakayin ang tungkol sa Architecture of Mesopotamia, bigyan muna nating pansin kung ano nga ba ang Architecture? Ayon sa aking paghahanap ng kahulugan neto sinasabing ang pinagmulan ng salitang ito ay hango sa salitang Chief at Builder o Pangulo at Manggagawa. Dito rin nga sinasabing itoy proseso ng pagplaplano, magdedesenyo at pagsasagawa. Mapapansin natin sa kasaysayan na ang Architecture ay naging bahagi upang maipakita ang simbolo ng bawat sibilisasyon o bawat henerasyon o bawat nasyon. At ngayon nga, ang inyong lingcod ay magtatalakay tungkol sa arkitektura ng Mesopotamia.

Slide 3 Ang salitang Architecture ay maaring magkaroon ng ibat ibang kahulugan ayon sa pananaw at paggamit nito. Ilan sa mga ito ay patungkol sa ano mang gusali o pisikal na istrukutura. Gayun din nga sinasabing ito ay sining at siyensya nang pagdedesenyo at pagtatayo ng gusali. At ito rin nga ay istilo at pamamaraan ng pagsasagawa ng gusali. Sa pagpatuloy n gating pagaaral, makikita natin bakit nga ba ito ang binigay na pakahulugan sa arkitektura.

Slide 4 Ngayon sa pagtatayo ng gusali ay madaming dapat ikonsidera at pagisipan. Gaya nga ng pagplaplano upang maging organisado ang pagsasagawa ng gusali, pagdedesenyo upang maging maaliwalas ang kalalabasan and porma ng pagsasagawa nito, espasyo at ang kapaligiran nto na syang magpapakita ng tunay na kagandahan, teknikal, sosyal, makakaliksan, and mga ilang bagay pang dapat pagisipan. Dito rin nakapaloob ang usapin tungkol sa kung anong materyales at papaano ito gagamitin kasama ng halaga sa bawat materyales sapagkat nararapat na maging malinis at maayos ang pagsasagawa nito at hindi bara bara lamang.

Slide 5 Ang mga larawang ito ang nagpapakita kung anong uring ng arkitektura meron an gating kasaysayan. Makikita nating sa paglipas ng panahon nagbabgo ang materyales, ang uri ng pagtatayo, ang mga desenyo at maging ng mga dahilan o pagkagamit nito.

Slide 6 Ano ang inyong nakikita sa harapan? Ito ay isang larawan ng isang Templo mas kilala sa tawag na Ziggurat, kung ating maalala ito ay nagging simbolo ng mga taga-Mesopotamia sapagakat nagsilitawan ang mga ganitong uri ng gusali ng kanilang kapanahunan na syang nagsiling paraan nila ng pagsamba sa kanilang tinuturing na mga dyos.

Slide 7 Wag nating patagalin pa at ating na ngang pagaralan ang Architecture of Mesopotamia .

Slide 8 Ang Arkitektura ng Mesopotamia ay kilalang kilala sa lugar ng TigrisEuphrates river system, sapagkat ang kahulugan ng Mesopatimia ay ang kalupaan sa pagitan ng dalawang ilog, ang lugar din itong ang tinatwag nating Iran. At nakilala ang Arkitektura ng Mesopotamia sa ibat ibang aspeto gaya ng tinatawag na Urban Planning, ang Courtyard House at nang kilalang simbolo o tatak ng Mesopotamia ang Ziggurat

Slide 9 Atin naming pagusapan muna ang tungkol sa kanilang ginamit na materyales sa pagbuo. Dahil nga sa sila mga sinaunang mga sibilisasyon kayat hindi pa ganap ang kaninalang kaalaman sa pagtatao ng mga gusali kung ikukumpara sa kasalukuyan subalit hindi maikakailang silay may aking galling sa paggawa. Ang kanilang ginamit na pinakamateryales ay mga pinatigas na putik na pinagsama sama upang maing patibayan, haligi at pader na syang bumubuo na buong anyo ng gusali. Mapapatunayan ito sa mga guho sa Gbekli Tepe.

Slide 10 Ito ang larawan ng Gbekli Tepe kung itoy titignan sa mapa. Dito nakita ang karamihan sa mga guho o labi ng mga gusaling itinayo ng mga taga-Mesopotamia.

Slide 11 Sa paggamit ng mga taga-Mesopotamia ng mga Mudbrick o pinatigas na mga putik, ay nagkaroon din sila ng pagbabago ng paggamit nito o tinatawag na 3 Periods of Brick Style at ito ang sumununod: Patzen, Riemchen and Plano-convex. Ang mga pagababgo sa mga istilyong ito ay ang uri ng pputik na kanilang ginagamit, sapagkat sa huling istilo na Plano-convex, ay tinatawag na Adobe Brick ang kanilang ginagamit na isang uri ng brick na may pinakamagandang uri sa lahat ng kanilang nadiskubre na syang ginamit nila sa pagtatayo ng kanilang mga patibayaan.

Slide 12 Bilang dagdag kaalaman narin sa atin, tinatawag na Tell/s ang isang lugar na minsan ginawang tirahan ng mga tao na sa paglipas ng panahon ay kanila itong nilisan at unti-unting nagmukha itong guho o labi.

Slide 13 Itoy halimbawa ng tinatawag na tells

Slide 14 Noon din nga ay may problemang kinakaharap ang bawat kanilang itinatayo, kung sa atin sa panahon natin ay kalawang ang kalaban ng mga bakal at naya at sunog sa mga kahoy ay unti unti namang nabubulok ang bawat Adobe brick nila kayat ginagawan nila ito na mga paraan upang mapatagal at mapanatili ang maayos nitong anyo sa pamamagitan ng cones of colored stone, terracotta panels, at clay nails. Dito din nga ay may mga magagarang mga kagamitan na silang isinasama sa pagtatayo gaya ng cedar ng Lebanon, diorite ng Arabia, at lapis lazuli mula sa India.

Slide 15 Kapansin pansin din ang ilan sa mga bagay na ginamit at isinagawa ng mga taga-Mesopotamia at ito ang ilan sa kanila. Ang kanilang mga temppo ay naglalakihang mga gusali na gawa sa Crude Brick na sinusuportahan nga mga buttresses, ipinapakita din ditto na meron nang mgadaluyan ng ulan. Isa nga rito ay gawa sa tinatawag na Lead. Kamangha mangha din nga ang kanilang mga pader sapagkat ginagamitan nila ito ng zinc at kung minsan pa ngay ginto na meron ding mga tiles.

Slide 16 Dito din nga makikita natin na mga tao noon ay sinasamahan ng pagukit ang kanilang mga likhang arkitektura, sapagkat nagiging talaan nila ng kasaysayan at nang kanilang mga kadakilaan nag aninalng mga pader. Halimbawa nga nito ay ang sa kahiraan ng Assyria.

Slide 17 Matapos nating talakayin ang unang bahagi, na tungkol sa mga materyales ay tumungo naman tayo sa kanina pang binabanggit na Urban Planning.

Slide 18 Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang tinatawag na Urban Planning, dito ayon sa Oxford Dictionary of Geography, ay sinasabing ang Urban Planning ay ang pagsasaayos pangkalooban ng isang pamayanan upang mapabuti at labanan ang ibat ibang sakuna o problema gaya ng mga pagkabulok, mga problema sa daanan o kalsada at marami pang iba.

Slide 19 Ngayon, pansinin natin kung paanong ang mga sinaunang tao ay naisagawa ng tinatawag na Urban Planning. Noong Neolithic Revolution, o ang bagong bato. Dito makikita ang pagunalad sa loob ng bawat pamayanan, na unti unti ay nagkakroon nan g pagplaplano patungkol sa desenyo ng mga gusali, ng mga pader sa palibot ng bayan, ng mga daanan at ibat iba pa. Mapapansin din kung paano isinaayos ang bawat lugar kung saan nagbigay ng karampatang lugar para sa bawat uri ng mamayanan at kanilang hanapbuhay.

Slide 20 Kung papansinin ang larawan, makikita dito na hindi salasalabat o gulo gulo ang pagtatayo ng kanlang mga tahanan at maging ng kanilang mga pader at mga templo. Itoy isang halimbawa ng paglalarawan kung paano sa unang panahon pa lamang nalalaman nan g tao kung ano mga kagandahan sa pagsasayos ng bawat bagay.

Slide 21 Kung ating babalikan ang huling larawan, nakita natin na ang sentro ng kanilang pamayanan ay ang kanilang templo. Sapagkat gayun na lamang ang kanilang kalooban sa pagsamba sa kanilang dyos kayat ito ang sentro ng kanilang lugar, mula nga ditto ay ibat ibang tirahan mula sa mayaman hanggang sa mga alipin ang pagtatayo ng kanilang mga panuluyan.

Slide 22 Sa kanilang ngang mga daanan ay maituturing na organisado sapagkat nagawan nila ng ibat paggagamitan ang kanilang mga daanan.

You might also like