You are on page 1of 17

8

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING
PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 8
Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I–Linggo 8: Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheet
Manunulat: Rochelle C. Abdullah at Crystal Ann S. Liad

Pangnilalamang Patnugot: Nimfa V. Alaska

Editor: Lorna A. Quiatzon

Tagawasto: Maritess L. Arenio, Nimfa V. Alaska

Tagasuri: Maritess L. Arenio

Tagalapat: Baby Erma P. Anas

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Maritess L. Arenio, EPS, AP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Annabelle M. Rabang (College Professor, College of


Education-Palawan State University

)
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig

MELC: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig. (AP8HSK-Ij-10)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.
3. Nailalarawan ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Subukin Natin
Panuto: Unawain ang bawat katanungan at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
________ 1. Ano ang kauna-unahang nakasulat na batas sa kasaysayan na naglalaman
ng 282 batas at parusa na sumasaklaw sa lahat ng aspekto ng buhay ng tao?
A. Kodigo ni Kalantiaw C. Kodigo ni Hammurabi
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Malolos

________ 2. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinatayo ni Haring


Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of
the Ancient World?
A. Pyramid C. Great Wall
B. Ziggurat D. Hanging Garden

________ 3. Ang Dakilang Pader ng Tsina ay naitayo sa layunin na:


A. Maging pook sambahan ng mga Tsino
B. Maging libingan ng mga yumaong emperador ng Tsina.
C. Maging tanggulan laban sa mga nomadikong nagmula sa hilagang Tsina.
D. Magkaroon ng maunlad at sentrong kalakalan sa lumalaking
populasyon ng Tsina.

________ 4. Anong mga relihiyon ang nag-ugat sa kabihasnang Indus?

A. Judaism, Kristiyanismo, Jainism, at Islam


B. Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism
C. Buddhism, Judaism, Shintoism, at Sikhism
D. Zoroastrianism, Taoism, Shintoism, at Shamanism

1
________ 5. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga kontribusyon
ng sinaunang kabihasnan?
A. Mas progresibo ang kabihasnan noon kung ikukumpara sa kabihasnan
ngayon.
B. Kakaiba at kahanga-hanga ang mga naimbentong kagamitan
kasalukuyang panahon.
C. Patuloy na pinagyayaman at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga
kontribusyong ito.
D. Hindi sapat ang kaalaman at kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makabuo ng katangi-tanging imbensiyon.

_______ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ambag ng kabihasnang


Egypt?
A. Faiyum C. Geometry
B. Piramide D. Calligraphy

_______ 7. Ang sumusunod ay patunay na kapaki-pakinabang ang mga kontribusyon ng


mga sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon MALIBAN
sa:
A. Paggamit ng kalendaryong may 365 na araw
B. Ginagamit ng nakararaming magsasaka ang patubig o irigasyon sa ano
mang parte ng mundo.
C. Paggamit ng calligraphy o kaligrapo sa bawat paaralan upang makabuo at
maipakita ang ideya.
D. Tinatangkilik ng mga turista ang mga istrukturang tanyag sa iba’t ibang
bahagi ng mundo, katulad ng Taj Majal at Great Wall of China.

________ 8. Ang pagsasagawa ng mummification ay nagsimula noong 2600 BCE s


sinaunang Ehipto. Paano isinasagawa ang prosesong ito?
A. Sinusunog ang bangkay upang maging abo.
B. Pinatitigas ang bangkay sa pamamagitan ng yelo.
C. Pinatutuyo ang bangkay sa pamamagitan ng kemikal.
D. Binababad sa honey o pulot-pukyutan ang bangkay sa loob ng ataol na
bato.

________ 9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pamana ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Pangangalaga sa mga ambag ng sinaunang kabihasnan.
B. Pagtangkilik sa mga sining at arkitektura ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Patuloy na paggamit at pagpapayaman ng mga ambag ng sinaunang
kabihasnan
D. Lahat ng nabanggit

_______ 10. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga katangi-tanging ambag ng


kabihasnang Tsina MALIBAN sa:
A. Calligraphy
B. Decimal System
C. Pagpapatupad ng sistemang Serbisyong Sibil (Civil Service)
D. Mga praktikal na kagamitan gaya ng wheelbarrow, pamaypay, at payong

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng
Natatangi at mahalaga ang mga
Balakid naging kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa lahat ng aspeto ng
pamumuhay ng sangkatauhan. Ang
mga pamanang ito ay nagpamalas ng
Great Sphinx kadakilaan, talino, at galing ng mga
sinaunang tao sa daigdig sa iba’t ibang
Ito ay isang higanteng iskultura na larangan. Malaki ang naging
gawa sa apog o limestone na kapakinabangan ng mga ambag na ito
matatagpuan malapit sa The Great upang mapagaan, mapabuti, at
Pyramid sa Giza, Egypt. Ito ay mapaunlad ang buhay ng
may ulo ng isang tao at katawan sangkatauhan.
ng isang leon.

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Ang tungkol sa batayan ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? Natutuhan mo na ang pag-aaral ng
sinaunang kabihasnan ay nakabatay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan.
Sa araling ito, iyong tuklasin at alamin ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan upang higit mo pa itong maipagmalaki at mapahalagahan.

Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

KABIHASNANG MESOPOTAMIA

• Ang unang nabuong sistematikong paraan ng panulat


ng mga Sumerian. Ito ay may 600 pananda sa
pagbubuo ng mga salita o ideya at gumagamit ng
Cuneiform pictograph na naglalarawan ng mga bagay. Nakatulong
ito sa pagtatala ng mga dasal, batas, epiko, at kontrata
ng negosyo. Sa pagkakaimbento nito ay nabuo ang iba
pang modelo ng pagsulat.
• Ang Ziggurat o templo para sa mga diyos ay isang
estruktura na nagsilbing bahay-panambahan, tirahan
ng mga pari, at gawaan ng mga artisano. Dito
Ziggurat sinasamba at pinararangalan ang diyos o patron ng
isang lungsod. Ito ay naging sentro rin ng kanilang
pamayanan. Ang isa sa mga halimbawa nito sa
kasalukuyang panahon ay ang TheGreat Ziggurat of Ur
na makikita sa probinsiya ng Dhi Qar, sa Timog na
bahagi ng Iraq.

3
• Ito ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, ang hari
ng Babylonya mula 1792-1750 BCE, na naging kauna-
Kodigo ni unahang nakasulat na batas sa kasaysayan. Binubuo
Hammurabi ito ng 282 batas at parusa na sumasaklaw sa lahat ng
aspekto ng buhay ng tao. Ang batas na ito ay nagbigay
ng katarungan at kaayusan sa kanilang pamayanan. Ito
rin ay nagsilbing batayan sa mga nililikhang batas noon
at sa kasalukuyan.
• Itinuturing itong kauna-unahang panitikan sa daigdig.
Ito ay kuwento ng kabayanihan at pakikipagsapalaran
Epic of Gilgamesh ni Haring Gilgamesh na hari ng Uruk sa Sumeria. Isa sa
mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The
Great Flood ng Bibliya.
• Ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinatayo ni
Hanging Gardens of Haring Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa na si
Babylonia Reyna Amytis. Ito ay napabilang sa Seven Wonders of the
AncientWorld.
Iba pang Kontribusyon:

• Kauna-unahang aklatan
• Paggawa ng unang mapa
• Sexagesimal system o
pagbibilang na nakabatay sa 60.
• Phonetic alphabet na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto
• Monotheism o pagsamba sa iisang diyos
• Gulong - sa pagkakatuklas nito, nagawa ang unang karwahe
• Dome at vault sa arkitektura at inhenyera – ginamit sa mga palasyo at
templo
• Astronomiya gaya ng zodiac sign at horoscope
• Oven o pugon
• Bibliya (Lumang Tipan)
• Relihiyong Judaism at Zoroastrianism
KABIHASNANG INDUS

• Ang kauna-unahang paggamit ng sistemang


alkantarilya o sewerage system ay nagmula sa mga
Dravidian o ang mgaunang tao sa India. Masasalamin
Sewerage System ito sa pagkakaroon ng mga palikuran ng mga
kabahayan sa kabihasnang ito. Nakatulong ang
sistemang alkantarilya upang magkaroon ng sariling
paliguan at imbakan ang lahat ng dumi ng tao.

• Ang kauna-unahang akda o treatise na isinulat ni


Arthasastra Kautilya noong ikatlong siglo BCE. Ito ay naglalaman
(The Science ng mga mahahalagang ideya at polisiya hinggil sa
of Material Gain) ekonomiya at
pamahalaan.

• Isa itong mahalagang kaisipang pangmedisina na


Ayurveda o binibigyang-tuon ang panggagamot ng karamdaman
“Agham ng Buhay” pati na rin ang kagalingang pisikal, pangkaisipan, at
pangkaluluwa. Kinilala ito bilang isang
alternatibong paraan ng panggagamot.

4
• Ang dalawang epikong pinagmulan ng kuwento kung
ano ang pananampalataya at buhay ng sinaunang
Aryan. Ang Ramayana (Rama’s Way) ay isang salaysay
tungkol sa pagpapalayas kay Prinsipe Rama sa
kanyang kaharian at pagsagip sa kanyang asawa na
si Prinsesa Sita mula sa isang demonyong si Ravana
at pagpapanumbalik ni Rama sa trono. Ang
Ramayana at Mahabharata (The Great Story of the Bharatas) ay
Mahabharata isang salaysay tungkol sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na kapwa magkakamag- anak –
ang mga Pandava na kumakatawan sa kabutihan at
kaayusan at ang mga Kaurava na kumakatawan sa
kaguluhan at kasamaan. Ang Mahabharata ang
pinakamahabang tulang epiko sa daigdig
• Itinuturing na isa sa pinakamagandang arkitekturang
Indian na itinayo sa pagitan ng 1620-1648. Ito ay
Taj Mahal
isang musoleyo na ipinatayo ni Shah Jahan para sa
paborito niyang asawa na si Mumtaz Mahal.
Iba pang Kontribusyon

• Decimal System
• Urban o City Planning
• Konsepto ng zero
• Surgeryo operasyon at amputasyon (pagputol o pagtanggal ng
naapektuhang bahagi ng katawan)
• Halaga ng pi (3.1416) at 365.3568 na bilang ng araw sa isang taon
• Gulong ng magpapalayok o potter’s wheel na nakatulong upang mapadali
ang paggawa ng palayok
• Telang cashmere, calico, at chintz na hanggang sa kasalukuyan ay
ginagawang damit at sapin sa bahay
• Pinagmulan ng apat sa mga dakilang relihiyon na sinusunod ng
sangkatauhan sa ngayon – ang Hinduism, Buddhism, Jainism, at
Sikhism.

KABIHASNANG TSINO
Ang Dakilang • Ipinatayo ni Emperador Shi Huang Di ng
Pader ng Tsina Dinastiyang Qin upang magsilbing tanggulan
(The Great Wall laban sa mga tribong nomadiko na nagmumula sa
of China) hilagang Tsina. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang
panahon.
Calligraphy o • Ang uri ng pagsulat na inimbento sa panahon ng
Kaligrapo Dinastiyang Shang. Ginagamit dito ang mga
larawan o pictogram na dikit-dikit ang
pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang
ideya.
• Ito ay isang mahalagang ambag ng mga Tsino sa
Acupuncture
larangan ng medisina. Ang acupuncture ay ang
paraan ng pagtusok ng maninipis na karayom sa
ilang bahagi o parte ng katawan ng tao para
maibsan ang sakit at gumaling sa karamdaman.
Sa ngayon ay kinikilala ito bilang isang mabisang
alternatibong paraan ng panggagamot.

5
• Ang dalawa sa sinauna at mahahalagang aklat na
pamana ng Tsina. Ang I Ching ay isang aklat ng
panghuhula o Book of Divination na nagbibigay
I Ching (Classic of perspektiba at pamamaraan ng prediksiyon ukol
Change) at Bing Fa (Art sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Ang Bing Fa ay isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu na
of War)
itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at
pinakasikat na aklat na naglalaman ng iba’t
ibang estratehiyang militar.

• Ito ay ang kaisipan na ukol sa tamang


Feng Shui o pagbabalanse ng yin (sumisimbolo sa kababaihan
Geomancy – malambot at kalmado) at yang (tumutukoy sa
kalalakihan – matigas at masigla)

• Pagsusulit para sa mga nais manilbihan sa


Civil Service Examination pamahalaan. Mahalagang bahagi ito sa pagpili
ng mga mahuhusay na kawani ng pamahalaan.

Iba pang Kontribusyon


• Abacus • Papel -naimbento noong 105 A.D.
• Chopsticks • Seda
• Kalendaryo • Seismograph
• Magnetic compass • Sundial
• Pamaypay • Woodblock printing sa paglilimbag
• Payong • Wheelbarrow o karetilya
• Pulbura para sa • Water clock
paputok

KABIHASNANG EHIPTO
• Ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na nabuo
noong 3000 BCE. Ito ay galing sa salitang Griyego na
Hieroglyphics nangangahulugang “sagradong ukit”. Ang sinaunang panulat
na ito ay unang ginamit ng mga pari sa kanilang mga ritwal. Ito
ay naging mahalaga sa pagtatala ng mga
kaganapan at sa pakikipagkalakalan.

Piramide • Ang piramide ay ang kauna-unahang monumentong bato na


nanatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ito ay nagsilbing
(Pyramid)
libingan ng mga pharaoh at monumento ng kanilang
kapangyarihan. Ang piramide ni Khufu o Cheops ay ang
pinakamalaking piramide na makikita sa Giza, Egypt.

• Ang proseso ng pag-eembalsamo na nagsimula noong 2600


BCE na kung saan ang katawan ng isang yumao ay
Mummification sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing.
Ang mga Ehipsyano ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin
ang bangkay. Isinasagawa nila ang prosesong ito sa
paniniwalang maaaring mabuhay muli ang mga yumao, lalo na
ang mga pharaoh.
Faiyum • Ang faiyum o malaking imbakan ng tubig ay ipinatayo upang
magtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Ang sistemang ito
ng irigasyon ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.
6
Iba pang Kontribusyon

• araro
• Geometry
• sagradong pagdiriwang
• pagsasaayos ng nabaling buto
• kalendaryo na may 365 na araw

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Makabayang Pilipino Serye II: Asya: Pag-Usbong ng
Kabihasnan: Batayang Aklat Para sa Ikalawang Taon, Quezon
City: Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2008, 131-
133.)

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat,


Quezon
City: Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2012, 42-
104.)

(Pinagkunan: Teofista L. Vivar et al., Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat,


Quezon City: Department of Education-SD Publications, Inc., 2000, 30-69.)

Pinagkunan: “Modyul 14 Mahahalagang Pamana ng mga Sinaunang Asyano sa Daigdig.”


SlideShare, May 27, 2020. https://www.slidehsare.net/EvalynLlanera/modyul-14-
mahahalagang-pamana-ng-mga-sinaunang-asyano-sa-daigdig.)

(Pinagkunan: “Project EASE-Araling Panlipunan III Modyul 3: Ang mga Unang Kabihasnan.”
Department of Education, May 28, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph.)

7
Tayo’y Magsanay

Gawain 1

Panuto: Piliin mo sa kahon ang tamang konsepto na tumutukoy sa bawat bilang.


Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Calligraphy Mummification Acupunture

Faiyum Hieroglyphics Cuneiform

________ 1. Pagtutusok ng maninipis na karayom sa ilang bahagi ng katawan ng


tao para maibsan ang ilang karamdaman.
________ 2. Proseso ng pag-eembalsamo kung saan gumagamit ng kemikal para
patuyuin ang bangkay bago ilibing.
________ 3. Sistema ng panulat ng sinaunang Ehipto na ibig sabihin ay
“sagradong ukit”.
________ 4. Ang uri ng pagsulat na inimbento ng mga Shang sa Tsina na gamit
ang mga larawan o pictogram.
________ 5. Malaking imbakan ng tubig na ipinatayo upang magtustos ng tubig
sa panahon ng tagtuyot sa Ehipto.

Gawain 2

Panuto: Unawain mo ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Isip


kung ang pangungusap ay tama at Puso kung ang pangungusap ay mali. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Ang Great Wall of China ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob
ng mahabang panahon.
_______ 2. Ang Calligraphy ay ang unang nabuong sistematikong paraan ng panulat ng
mga Sumerian na may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya at
gumagamit ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay.
_______ 3. Ang Kodigo ni Hammurabi ang kauna-unahang akda o treatise na isinulat ni
Kautilya noong ikatlong siglo BCE at ito ay naglalaman ng mga
mahahahalagang ideya at polisiya hinggil sa ekonomiya At pamahaalan.
_______ 4. Sa Kabihasnang Tsino, ang Civil Service Examination ay ang pagsusulit para
sa mga nais manilbihan sa pamahalaan.
_______ 5. Ang Great Sphinx ay ang kauna-unahang monumentong bato na nanatili pa
hanggang sa kasalukuyan ay kilala sa kabihasnang Ehipto.
_______ 6. Hierogplyphics ay ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano
na nabuo noong 3000 BCE.
_______ 7. Ramayana at Mahabharata ang dalawang epikong pinagmulan ng kuwento
kung ano ang pananampalataya at buhay ng sinaunang Aryan.
_______ 8. Ang Bibliya (Lumang Tipan) o Bible (Old Testament) ay nagmula sa
kabihasnang Mesopotamia.
_______ 9. Ang Feng Shui ay ang kaisipan na ukol sa pagbabalanse ng yin at yang.
_______ 10. Ang kauna-unahang akda o treatise na isinulat ni Kautilya noong
ikatlong siglo BCE ay tinatawag na Arthasastra.
8
Paano nakatulong ang kontribusyon ng sinaunang
kabihasnan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?

Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Kumpletuhin ang dayagram sa ibaba. Isulat ang pamana ng mga


sinaunang kabihasnan na sa tingin mo ay may higit na pakinabang sa daigdig at sa
ating bansa ngayon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Gawain 2

Panuto: Mula sa tekstong iyong nabasa, pagnilayan kung ano para sa iyo ang
malaking kapakinabangan ng mga pamana o ambag ng sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyan. Pagkatapos ay lumikha ng liham pasasalamat para sa pamanang
ito.

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga


ambag ng sinaunang kabihasnan?

?
9
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Pumili sa ibabang kahon ng
tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang.

Cunieform Ziggurat Sewerage system

Taj Mahal Great Wall of China Calligraphy

Civil Service Exam Hieroglyphics Mummification

Phonetic alphabet

10
Ating Tayahin
Panuto: Unawain ang bawat katanungan at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______ 1. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinatayo ni Haring
Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the
Ancient World?
A. Pyramid C. Great Wall
B. Ziggurat D. Hanging Garden
_______ 2. Anong mga relihiyon ang nag-ugat sa kabihasnang Indus?
A. Judaism, Kristiyanismo, Jainism, at Islam
B. Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism
C. Buddhism, Judaism, Shintoism, at Sikhism
D. Zoroastrianism, Taoism, Shintoism, at Shamanism

_______ 3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ambag ng kabihasnang Egypt?
A. Faiyum C. Geometry
B. Piramide D. Calligraphy

_______ 4. Ang pagsasagawa ng mummification ay nagsimula noong 2600 BCE sa


sinaunang Ehipto. Paano isinasagawa ang prosesong ito?
A. Sinusunog ang bangkay upang maging abo.
B. Pinatitigas ang bangkay sa pamamagitan ng yelo.
C. Pinatutuyo ang bangkay sa pamamagitan ng kemikal.
D. Binababad sa honey o pulot-pukyutan ang bangkay sa loob ng ataol na
bato.

_______ 5. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga katangi-tanging ambag ng


kabihasnang Tsina MALIBAN sa:
A. Calligraphy
B. Decimal System
C. Pagpapatupad ng sistemang Serbisyong Sibil (Civil Service)
D. Mga praktikal na kagamitan gaya ng wheelbarrow, pamaypay, at payong

_______ 6. Ang Dakilang Pader ng Tsina ay naitayo sa layunin na:


A. Maging pook sambahan ng mga Tsino
B. Maging libingan ng mga yumaong emperador ng Tsina.
C. Maging tanggulan laban sa mga nomadikong nagmula sa hilagang Tsina.
D. Magkaroon ng maunlad at sentrong kalakalan sa lumalaking
populasyon ng Tsina.

_______ 7. Ano ang kauna-unahang nakasulat na batas sa kasaysayan na


naglalaman ng 282 batas at parusa na sumasaklaw sa lahat ng
aspekto ng buhay ng tao?
A. Kodigo ni Kalantiaw C. Kodigo ni Hammurabi
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Malolos

11
_______ 8. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga kontribusyon ng
mga sinaunang kabihasnan?

A. Mas progresibo ang kabihasnan noon kung ikukumpara sa kabihasnan


ngayon.
B. Kakaiba at kahanga-hanga ang mga naimbentong kagamitan sa
kasalukuyang panahon.
C. Patuloy na pinagyayaman at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga
kontribusyong ito.
D. Hindi sapat ang kaalaman at kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makabuo ng katangi-tanging imbensiyon.

_______ 9. Ang sumusunod ay patunay na kapaki-pakinabang ang mga kontribusyon


ng mga sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon MALIBAN
sa:
A. Paggamit ng kalendaryong may 365 na araw.
B. Ginagamit ng nakararaming magsasaka ang patubig o irigasyon sa
anomang parte ng mundo.
C. Paggamit ng calligraphy o kaligrapo sa bawat paaralan upang makabuo at
maipakita ang ideya.
D. Tinatangkilik ng mga turista ang mga istrukturang tanyag sa iba’t ibang
bahagi ng mundo, katulad ng Taj Majal at Great Wall of China.

_______ 10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pamana ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Pangangalaga sa mga ambag ng sinaunang kabihasnan.
B. Pagtangkilik sa mga sining at arkitektura ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Patuloy na paggamit at pagpapayaman ng mga sinaunang kabihasnan.
D. Lahat ng nabanggit

12
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin
Ating Pagyamanin
1. C 6. D
Gawain 1 (Posibleng Sagot)
2. D 7. C
3. C 8. C Pamana ng Sinaunang Kabihasnan: Gulong
4. B 9. D
Kapakinabangan sa Daigdig: Nakatulong ito
5. C 10. B upang makabuo ng iba’t ibang uri ng sasakyan
at para mapaunlad ang iba’t ibang teknolohiya.
Ating Tayahin Kapakinabangan sa Pilipinas: Nagamit ang
1. D 6. C konsepto ng gulong upang makagawa ang
Pilipinas ng jeep at tricycle.
2. B 7. C
Gawain 2: Ang sagot ay nakadepende sa sagot ng
3. D 8. C
mga bata
4. C 9. C

5. B 10. D

Ang Aking Natutuhan


Tayo’y Magsanay
1. Cuneiform
Gawain 1
1. Acupuncture 2. Ziggurat
2. Mummification 3. Sewerage System
3. Hieroglyphics
4. Taj Mahal
4. Calligraphy
5. Faiyum
5. Great Wall of China

6. Calligraphy
Gawain 2
1. Isip 6. Isip 7. Civil Service Exam

2. Puso 7. Isip 8. Hieroglyphics

3. Puso 8. Isip 9. Mummification

4. Isip 9. Isip 10. Phonetic alphabet

5. Puso 10. Isip

13
Sanggunian

1. Aklat

Mateo, G., Jose, R., Camagay, M., Miranda, E. and Boncan, C. Makabayang
Pilipino Serye II: Asya: Pag-Usbong Ng Kabihasnan: Batayang Aklat Para Sa
Ikalawang Taon. Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon: Vibal Publishing
House, 2008.

Mateo, G., Tadena, R., Jose, M., Balonso, C., Boncan, C. and Ong, J.
Araling Panlipunan Serye III: Kasaysayan Ng Daigdig: Batayang Aklat Para
Sa Ikatlong Taon. Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon: Vibal Publishing
House, 2012.

Vivar, T., Discipulo, N., Rillo, P. and de Leon, Z. KASAYSAYAN NG


DAIGDIG: Batayang Aklat Para Sa Ikatlong Taon. Quezon City: Kagawaran ng
Edukasyon: SD Publications, 2000.

2. Website

“Modyul 14 Mahahalagang Pamana Ng Mga Sinaunang


Asyano Sa Daigdig.” SlideShare. May 27, 2020.
www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-14-mahahalagang-pamana-ng-
mga-sinaunang-asyano-sa-daigdig.

“Project EASE- Araling Panlipunan III Modyul 3: Ang Mga Unang Kabihasnan.”
Department of Education. May 28, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/.

14
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

15

You might also like