You are on page 1of 18

Araling Panlipunan

Unang Markahan

Modyul 6 – Sinaunang Kabihasnan


ng Mesopotamia at India
(WEEK 6)

Naikonseptwalisa ni

Miah C. Auman
1
Modyul 6: Sinaunang Kabihasnan
ng Mesopotamia at India
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga
at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Kakayahan:
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia at India, batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.

Paksa /Subject Code


Kabihasnan ng Mesopotamia at India, batay sa politikal, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala at lipunan.

Subukin
Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa
Modyul 6, sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin.
Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong
kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo
ang lahat ng mga tanong.

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang salitang Casta ay nangangahulugang __________.


A. lahi B. lipunan C. mahihirap D. marangal
2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kabihasnang Indus?
A. Akkadian B. Chaldean C. Harappan D. Persian
2
3. Anong imperyo sa Timog Asya ang nagpatayo ng Taj Mahal?
A. Gupta B. Maurya C. Mogul D. Vedic
4. Ang tawag sa estrukturang nagsilbing templo ng Sumer.
A. Cuneiform B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat
5. Ang lahat na pahayag tungkol sa kabihasnang Indus ay TAMA maliban sa ______
A. Umusbong ang dalawang kambal na lungsod.
B. May sistema ng pagsusulat na tinatawag na cuneiform.
C. Daan-daang pamayanan ang naninirahan sa lambak ng Indus kabilang
ang mga Aryan.
D. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at
Pakistan.
6. Alin sa mga sumusunod na pinuno ang HINDI kabilang sa kaharian ng
Mesopotamia?
A. Akbar B. Darius C. Hammurabi D. Nebuchadnezzar
7. Ang lipunang magsasaka na walang sariling lupa, mga mangangalakal
at mga artisan.
A. Brahmin B. Pariah C. Sudra D. Vaisya
8. Ano ang kauna-unahang imperyong itinatag sa buong daigdig?
A. Akkadian B. Assyrian C. Babylonian D. Sumerian
9. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa heograpiya ng Lambak
ng Indus?
A. Umusbong ang lungsod ng Akkad at Sumer.
B. Ang Indus River ay dumadaloy hanggang Afghanistan.
C. Magkasing-lawak ang lupain ng Indus at Mesopotamia.
D. Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River.
10. Ang lungsod na nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus River ay ang
___________.
A. Akkad B. Harappa C. Mohenjo-Daro D. Mogul
11. Sa sinaunang panahon, mahalaga ang ginampanan ng mga pinuno sa paglutas ng
mga suliraning panlipunan. Sa kasalukuyan, gayundin ang ginawa ng ating mga
pinuno sa panahon ngayong lumaganap ang pandemya. Paano natin
matutulungan ang ating gobyerno upang masugpo ang pagkalat ng Covid-19?
A. Sumunod sa batas ayon sa health protocols.
B. Bigyan ng tulong ang mga nangangailangan.
C. Sisihin sila sa kanilang pagkakamali.
D. Gayahin ang mga pinunong hindi marunong sumunod sa batas.
12. Paano bumagsak ang imperyong Mogul?
A. Namatay ang pinuno dahil sa sakit.
B. Sinalakay ito ng mga taga-Gitnang Asya.
C. Mahina ang mga pinuno at nag-alsa ang mga mamamayan.
D. Maraming problema ang dumating sa imperyo gaya ng pandemya.

3
13. Sa kabila ng kakulangan ng kaalaman ni Akbar ay narating ng kanyang imperyo
ang tugatog ng kapangyarihan at napag-isa niya ang mga estadong nagdigmaan.
Paano natin mailalarawan ang kanyang pamumuno? Ang kanyang pamumuno
ay nakasalalay sa______
A. mga mamamayan ang tagumpay.
B. nakabatay sa suporta ng mga tao.
C. sensiridad ng kanyang panunungkulan.
D. dami ng yaman ng kaban ng mga ninuno.
14. Ang Vaisya ay isang antas sa lipunan ng India na kinabibilangan ng mga
mangangalakal, artisan at magsasakang maylupa. Alin sa mga ito ang maituturing
na Vaisya sa kasalukuyan?
A. kasambahay C. pedicab driver
B. Overseas Filipino Workers D. nagtitinda sa palengke
15. Ang Taj Mahal ay itinayo bilang mausoleum sa asawa ni Shah Jahan. Ang Hanging
Gardens naman ay itinayo para sa pinakamamahal na asawa ni Nebuchadnezzar.
Alin naman sa mga sumusunod ang itinayo bilang simbolo ng walang katapusang
pagmamahal ni Teodorico Adarna sa kanyang asawang si Leah Villa Albino-
Adarna?
A. Chinese Temple B. Seaside C. Sirao Farm D. Temple of Lea

Aralin Sinaunang Kabihasnan ng


1 Mesopotamia

Alamin
Magandang araw mga mag-aaral! Sa modyul na ito alamin natin kung ano ang
ating matutunan tungkol sa Kabihasnan ng Mesopotamia. Inaasahan natin na
masusuri ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
A. Nasusuri ang kabihasnan ng Mesopotamia batay sa politika, ekonomiya, kultura,
relihiyon, paniniwala at lipunan;
B. Napahahalagahan ang kontribusyon ng kabihasnang Mesopotamia; at
C. Nasasagot ng tama ang mga katanungan sa Trivia tungkol sa mga mahahalagang
pangyayari at kontribusyon sa kabihasnang Mesopotamia.

4
Panimulang Gawain

Magbalik tanaw muna tayo tungkol sa Heograpiya ng sinaunang kabihasnan.


Mahalaga ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo ng isang sibilisasyon. Nakabatay sa
heograpiya ng kabihasnan ang lahat ng aspektong pampolitika, pang-ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.

Larawan-Suri: Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa kabihasnan ng


Mesopotamia, kilalanin natin ang mga nasa larawan. Isulat sa sagutang papel ang
pangalan ng mga estruktura sa letrang A at sa B, ilarawan kung para saan ang mga ito.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

A.______________________________________ A.______________________________________
B.______________________________________ B.______________________________________

Tuklasin at Suriin
Bago natin umpisahan ang ating talakayan bigyan muna natin ng
kahulugan ang mga sumusunod na salita:

Ekonomiya : Ito ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa sa


larangan ng paggawa, pamumuhunan, pinagkukunang -yaman,
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,
at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo.
Kultura : Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.
Lipunan : Isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa.
Paniniwala : Ito ay isang prinsipyo ng isang tao at mga bagay na pinaniniwalaan.
Politika : Ito ay nauugnay sa pag-impluwensya sa mga aksiyon at mga
patakaran ng isang pamahalaan.
Relihiyon : Ito ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala at pananam-
5
palataya; sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng
sangkatauhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Kabihasnan ng Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay hango sa salitang Greek na MESO – pagitan at


POTAMOS o ilog, ito ay nangangahulugang sa pagitan ng dalawang ilog. Matatagpuan
ang Mesopotamia sa Kanlurang Asya na kasalukuyang ay ang bansang Iraq at bahagi
ng Syria at Turkey. Dumadaloy dito ang dalawang ilog, Tigris at Euphrates.

Sumer ▪ Ito ay binubuo ng labindalawang (12) estado.


(3500-2340 BCE) ▪ Nag-aalaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at
Before Common Era -BCE baboy. Pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.
▪ Naimbento nila ang cuneiform na paraan ng
pagsulat na ginagamitan ng stylus at clay o
luwad na lapida.
▪ Tinatawag na Ziggurat ang estrukturang
nagsisilbing tahanan at templo ng mga patron o
diyos na makikita sa bawat lungsod. Naniniwala
sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-
uugaling tao.
▪ Nakatira ang mga nomadikong Sumerian sa mga
cuneiform lupaing sakahan ng lambak-ilog.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
▪ Naimbento ang gulong na yari sa kahoy na
ginagamit sa chariot.

Akkad
(2340-2100 BCE) ▪ Ito ang kauna-unahang imperyo sa daigdig na
itinatag ni Sargon I. Siya ay nagmula sa hilagang
bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng
Akkad.
▪ Si Naram-Sin ang pinakahuling mahusay na
pinuno ng Akkad.
▪ Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng
mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob
ng sumusunod na tatlong siglo, ang mga
lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin
Sargon I at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA rehiyon.

Babylonian ▪ Pinakamalaking lungsod-estado

6
(1792-1595 B.C.E) ▪ Nabuo ang positional number system,
mathematical calculation, quadratic equation,
astrolohiya and arkitektura.
▪ Nasakop ang Babylon ni Hammurabi at ginawa
niyang kabisera ng imperyong Babylonia.
▪ Code of Hammurabi ang kauna-unahang batas
na naisulat sa buong daigdig.
▪ Nagkawatak-watak ang kahariang Babylon
noong namatay si Hammurabi.
▪ Paglusob ng mga Kassite, isang tribong Indo-
Europeo. Sinundan ito ng mga Hittite na may
Kodigo ni Hammurabi higit na mahusay na armas na gawa sa bakal.
https://learnodo-newtonic.com/babylon-achievements

Assyrian Nasupil ni Tiglath-Pileser I ang mga Hittite at naabot


(1813-605 B.C.E.) ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at
itinatag ang imperyong Assyrian.
▪ Nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar
pakanluran upang mapasakamay ang
mahahalagang rutang pangkalakalan at
makatanggap ng tributo.
▪ Malulupit ang mga pinuno at malakas na
hukbo.
▪ Naitatag ang kauna-unahang aklatan na may
battering ram. 200,000 tabletang luwad na itinayo ni
https://study.com/academy/lesson/assyrian-empire-contributions-
Ashurbanipal.
achievements.html
▪ Bumagsak ang Assyrian sa kamay ng mga
Chaldean sa isang pag-aalsa lamang.
Chaldean
(612 -539 BCE) ▪ Ang bagong imperyo ng Babylonia ay naitatag ni
Nabopolassar matapos pangunahan ang isang
pag-aalsa laban sa Assyria.
▪ Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II, anak ni
Nabopolassar ang natitirang hukbo. Natamo ang
rurok ng kadakilaan ng imperyo sa pamumuno
ni Nebuchadnezzar II.
▪ Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of
Babylon para sa kanyang pinakamamahal na
Hanging Gardens asawa na may sakit sa isip.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA ▪ Nilusob at nasakop ang imperyong Babylon ng
mga Persian sa pamumuno ni Cyrus ng Persia.

7
Persian ▪ Tinawag na Imperyong Achaemenid ang imperyong
(539-330 BCE) ito na tinaguriang pinakamalawak na imperyo. Ang
Persia sa kasalukuyan ay ang bansang Iran na
naging sentro ng imperyong ito.
▪ Umabot sa India sa pamumuno ni Darius. Hinahati
ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at
pinamahalaan ng gobernador o satrap.
▪ Nagpagawa sila ng mga Royal Road at naging tanyag
ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong
Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
▪ Nabuo ang kauna-unahang batas ng mga karapatan
gaya ng pagkapantay-pantay ng relihiyon at
kalayaan.
▪ May matatag na sistemang legal at saligang batas o
Cyrus the Great constitution.
https://www.thecollector.com/cyrus-the-great/

Isaisip

Sa ating talakayan, maraming mga pamana ang kabihasnang Mesopotamia.


Bilang mag-aaral, anong mga pamana ang nakatatak sa iyong isipan? Magbigay ng
tiglilimang (5) kontribusyon sa larangan ng matematika (mathematics) at politika
(politics) at ipahayag kung paano mo ito pahahalagahan sa kasalukuyan. Isulat lamang
sa sagutang papel.

Isagawa
Mga mag-aaral, kumusta ang pakikipagsapalaran sa kabihasnang
Mesopotamia? Ngayon naman, mayroon tayong maikling TRIVIA GAME tungkol sa
kabihasnan ng Mesopotamia. Ihanda ang sagutang papel.

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ang
naturang impormasyon ay Tama at M naman kung ito ay mali.

1. Itinatag ni Nabopolassar ang imperyong Chaldean.


2. Ang imperyong Persian ang nagpatayo ng Royal Road.

8
3. Ang Sumer ang unang imperyo na naitatag sa buong daigdig.
4. Nagpagawa ng Hanging Gardens si Cyrus the Great para sa kanyang asawa.
5. Ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain sa gitna ng dalawang ilog.
6. Ang Code of Hammurabi ang kauna-unahang batas na naisulat sa buong
daigdig.
7. Bumagsak ang Assyrian sa kamay ng mga Babylonian sa iisang pag-
aalsa lamang.
8. Ang mga pinuno ng Sumer ay malupit at mabagsik. Malakas din ang kanilang
hukbo.
9. Naimbento ng Sumer ang gulong na yari sa kahoy na ginagamit sa chariot.
10. Ang Chaldean ay may matatag na sistemang legal at saligang batas o
Constitution.

Aralin Sinaunang Kabihasnan ng


2 India

Alamin

Sa modyul na ito alamin natin kung ano ang ating matutunan tungkol sa
Kabihasanan ng India. Inaasahan natin na masusuri ang mga ito sa pamamagitan ng
mga sumusunod:
A. Nasusuri ang kabihasnan ng India batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala at lipunan;
B. Napahahalagahan ang mabuting katangian at kontribusyon ng mga pinuno; at
C. Nakabubuo ng table diagram tungkol sa mga pinuno at kontribusyon ng
Kabihasnang India.

Balikan
Mga Mag-aaral, bago natin simulan ang pagtalakay sa ikalawang aralin, balikan
muna natin ang kabihasnang Mesopotamia. Sa Mesopotamia naitayo ang iba’t ibang
estruktura gaya ng ziggurat at Hanging Gardens bilang simbolo ng pagmamahal. Sa
pagpapatuloy ng ating talakayan sa Aralin 2, malalaman naman natin ang kultura at
mga matatayog na estrukturang naitayo ng kabihasnang India.

9
Tuklasin at Suriin

Sa pagkakataong ito simulan natin ang talakayan tungkol sa maunlad at makulay na


kabihasnang Indus (India). Susuriin natin ang mga magagandang pangyayari na
nagbigay-daan tungo sa maunlad na sibilisasyon. Alamin natin kung ano ang mga
naiambag ng sinaunang kabihasnang Indian sa pamumuhay natin ngayon?

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa


mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang
India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang
Indus; ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod na diyagram.

Harappa Ang Dravidian ang bumuo sa Mohenjo- Daro


kabihasanang ito.
Masusi at planado ang
paggawa ng mga malalapad na
kalsada.
▪ Hugis parisukat at
malalawak ang espasyo
ng kanilang mga bahay.
▪ Meron din silang
palikuran at itinuturing
na sila ang
pinakaunang gumawa
This Photo by Unknown Author is licensed
ng sewerage system sa This Photo by Unknown Author is licensed
under CC BY-NC-ND
under CC BY-SA kasaysayan.

Dravidian

▪ Matatagpuan ang kanilang maliit na pamayanan sa mababang bahagi, may


mainit na klima at halos walang magpagkukunan ng suplay na bakal.
▪ Sila ay nakikipagkalakalan upang mapunan ang pagkukulang ng ibang
pangangailangang suplay.
▪ Dahil sa sewerage system maganda ang sakahan ng mga Dravidian. Nag-aalaga
din sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa at kambing.
▪ Ginagamit ang tanso, bronse, at ginto ng mga artisano sa kanilang mga gawain.
▪ Pictogram ang sistema ng pagsulat na may selyong Harappan na natagpuan sa
Sumer.

10
▪ Maraming mga teorya sa pagwakas ng kabihasnang ito tulad ng pagbaha, lindol
o pagsabog ng bulkan. Ito rin ay posibleng winasak ng mga pangkat nomadikong
pastoral na mula sa gitnang Asya kabilang ang mga Aryan.

Aryan

▪ Ang kahulugan ng salitang Arya ay “marangal” sa wikang Sanskrit.


▪ Pinaniniwalaang nagmula ang mga Aryan sa steppe ng Asya, kanluran ng Hindu
Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass.
▪ Matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan
sa lambak ng Indus.
▪ Itinatag ng mga Aryan ang Panahon ng Vedic na nagtungo sa kanlurang Europe
at timog-silangan ng Persia at India. Sila ang nagdala sa mga lugar na ito ng
wikang tinatawag ngayong Indo-Europeo.

Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)

▪ Ang pagiging pinuno sa kanilang kaharian ay namamana.


Politika
▪ Dating pagpapastol ang kanilang kabuhayan, nang lumaon
Ekonomiya
natuto silang magsaka.
▪ May sistema ng pagsulat. Sa larangan ng kultura at lipunan
Kultura nangingibabaw ang mga kalalakihan.
▪ Ang kanilang mga diyos ay kadalasan mga lalaking
Relihiyon mandirigma.
▪ Mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo
ng mga pari.
▪ May apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig
Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay
Paniniwala nangangahulugang “karunungan” na binubuo ng mga
himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain, at salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula
1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E.
Sistemang Caste:
Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-
hulugang “lahi” o angkan.
Brahmin - kaparian
Ksatriya - mandirigma
Lipunan Vaisya - mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa
Sudra - magsasakang walang sariling lupa
Dravidian -inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah - naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay,
nagbibitay sa mga kriminal

11
Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.)

KAHARIAN NG MAGADHA

▪ Ang kahariang Magadha ay naging pinakamatatag


at pinakamasagana sa katunayan mataba ang
lupain, may mga mineral na bakal, mayaman ang
kagubatan. Ang elepante ang pinakamahalaga sa
pagsasaka at sa panahon ng digmaan.

▪ Si Bimbisara ang naging pinakamahusay na


pinuno. Matagumpay niyang pinamumunuan ang
pamayanan, naging malakas ang kaharian. Maayos
na pangangasiwa sa administrasyon at hinahati
niya ang mataas na opisyal sa tatlong sangay
Bimbisara
executive, military at judicial.
https://ancestors.familysearch.org/en/LYPH-
7NF/bimbisara-king-of-magadha-0570+BC-0491+BC

▪ Sa panahon ng kahariang Magadha, sumalakay sa


hilagang-kanlurang India ang isang hukbo na
pinamumunuan ni Cyrus the Great ng Persia.

▪ Sinakop ng Persia sa pamumuno ni Darius ang


Lambak Indus at Punjab nang halos dalawang siglo.

▪ Nagtapos ang kapangyarihang Persia sa kamay ni


Alexander the Great ng Macedonia. Natalo sa
labanan ang Persia sa India.

Alexander the Great


https://exploration.marinersmuseum.org/subject/alexander-
the-great/

12
Imperyong Maurya
▪ Sinakop ni Chandragupta Maurya ang kahariang
Magadha at ang mga lupaing naiwan ni Alexander
the Great ang lugar sa hilagang bahagi ng India.
▪ Ang imperyong ito ay pinakaepektibo at
pinakamahusay na autokrasyang pamumuno.
▪ Si Ashoka o Asoka (269-232 B.C.E} ang isa sa
pinakamahusay na pinuno sa kasaysayan ng
daigdig.
▪ Sa panahon ding ito umusbong ang pangalang
Kautilya o Chanakya na isang pilosopo, estadista
at tagapayo ni Chandragupta Maurya na may akda
ng Arthasastra. Ang Arthasastra ay tungkol sa
politika, ekonomiks, (Sanskrit: “The Science of
Indian Emperor
Material Gain”).
Chandragupta
https://www.ancient.eu/image/2125/statue-of-mauryan- ▪ Pagkatapos ng madugong pakikibaka ni Asoka sa
emperor-chandragupta/
mga kalinga ng Orissa, maraming taong namatay,
tinalikuran niya ang karasahan at sinunod ang mga
turo ni Buddha.

Imperyong Gupta

▪ Ang imperyong ito ay hango sa pangalan ng unang


imperyong Maurya. Itinatag ito ni Chandragupta I
noong circa 319-335 C.E.
▪ Sa pamumuno ni Chandragupta II nakontrol niya
ang Hilagang India at muling naging kabisera ang
Pataliputra.
▪ Pinakamaunlad na imperyo ang Gupta at dahil dito
tinagurian itong panahon ng klasikal sa India.
▪ Nailalarawan itong isang sopistikadong kultura na
Surgery may makabagong pagsulong sa panitikan, sining at
https://www.quora.com/What-were-some-of-Indias-contributions-to-
science-during-the-Gupta-period
agham.
▪ Umunlad ang larangan ng matematika kung saan
naimbento ang paggamit ng zero at decimal point,
astronomiya, ang pagkalkula ng 365.358 na araw sa
isang taon.
▪ Nalinang din ang siruhiya (surgery) sa panahong ito.
▪ Kinilala din ang pinakamahusay na manunulat at
makata sa panahong ito na si Kalidasa.
▪ Humina at bumagsak ang imperyong Gupta dahil
sinakop ng mga White Hun (Iranian o Turk) mula sa
Isang barya namay larawan Gitnang Asya.
nina Chandragupta I at
Kumaradevi.
https://en.wikipedia.org/wiki/Chandragupta_I

13
Imperyong Mogul
▪ Sinakop ni Zahir-ud-din Muhammad Babur isang
Muslim, ang hilagang India at Delhi noong 1526 at
itinatag niya ang Imperyon Mogul o Mughal Empire.
Pagkatapos ng kanyang pamumumo pumalit sa
kanya ang kanyang apo na si Abū al-Fatḥ Jalāl al-
Dīn Muḥammad Akbar. Sa kabila ng kakulangan sa
kaalam dahil hindi marunong magbasa at magsulat
narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan
sa kanyang pamumuno.
Taj Mahal ▪ Gumawa siya ng mga programa para sa mga di-
https://www.smithsonianmag.com/travel/eight-secrets-taj-
mahal-180962168/
Muslim upang mapanatili ang pagkakaisa ng
kanyang imperyo.
▪ Nagtupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at
pinalakas ang makatarungang pangangasiwa.
▪ Maraming mga magagaling na pinuno ang humalili
kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng
Taj Mahal bilang alaala sa namayapa niyang asawa.
▪ Sa pamumuno din ni Aurangzeb o Muḥī al-Dīn
Muḥammad ipinagbabawal niya ang sugal, alak,
prostitusyon, at sati o pagsunog ng buhay sa mga
biyuda.
Akbar
http://www.mughalhistory.com/akbar.htm

Isaisip
Ang kabihasnang Indian ay isang mayabong at makulay na sibilisasyon. Ang
kontribusyon ng kabihasnang Indian ay may kaugnayan pa rin sa pamumuhay natin
ngayon. Ang mga pinuno ang isa sa naging dahilan sa pag-unlad ng kanilang imperyo.
Bilang isang mag-aaral ano sa palagay mo ang susi ng tagumpay ng bawat pinuno sa
kabihasnang Indian? Punan ang Talahanayan ng mga Pinuno ng mga mahahalagang
impormasyon sa sagutang papel.

TALAHANAYAN NG MGA PINUNO


Pangalan ng Pinuno Mga Katangian ng Pinuno Mga Kontribusyon sa
Kabihasnan
1.
2.
3.
4.

14
Isagawa at Pagyamanin
Maraming kontribusyon ang kabihasnan ng India sa iba’t-ibang larangan na
kung saan naging malaking ambag ito sa kasalukuyang pamumuhay. Sa isang buong
papel, kopyahin at buuin ang Table Diagram ng Kabihasnang India batay sa mga
hinihinging impormasyon at sa ibaba nito ibigay ang mga mabuting katangian ng mga
pinuno at iyong aral na natutunan mula sa kanila.

KABIHASNAN NG INDIA
Mga Mga Mga Ambag sa Iba’t-ibang Larangan
Kaharian Pinuno Politika Ekonomiya Kultura Relihiyon Lipunan
Magadha
Maurya
Gupta
Mogul
Mga mabuting katangian ng pinuno:_______________________________________________
Mga aral na natutunan mula sa mga pinuno:_______________________________________

Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng salitang Arya?


A. mabagsik B. malakas C. marangal D. matipuno
2. Ang mga Persian ay nagpagawa ng pinakamahabang daanan o Royal Road. Ano
naman ang pinakamataas na national highway sa Cebu City?
A. N. Bacalso Avenue C. R. Duterte Street
B. Osmeña Boulevard D. Tres De Abril Street
3. Sa pamumuno ni Aurangzeb o Muḥī al-Dīn Muḥammad ipinagbabawal niya ang mga
sumusunod maliban sa ________________.
A. sati B. sigarilyo C. sugal D. prostitusyon
4. Alin sa mga sumusunod na pamana sa kabihasnan na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng mga klinika sa pampaganda gaya ng Belo Medical Group at Manny &
Pie Calayan Clinic?
A. black ink B. mummification C. surgery D. tattoo
5. Bakit naging mahusay at matagumpay ang pamamahala ni Bimbisara sa kaharian
ng Magadha?
A. Naging matapat at mapagbigay na pinuno.
B. Gumawa siya ng mga programa para sa mahihirap.
15
C. Mahigpit ang pamamahala at binigyan ng mangaral na trabaho ang
mamamayan.
D. Maayos na pangangasiwa sa administrasyon at hinahati niya ang mataas na
opisyal sa tatlong sangay.
6. Ano ang kauna-unahang imperyo sa daigdig?
A. Akkadian B. Babylonian C. Chaldean D. Sumerian
7. Alin sa sumusunod ang mga mahalagang pamana ng kabihasnang Indus?
A. cuneiform, Code of Hammurabi, sexagesimal system, ziggurat
B. geometry, hieroglyphics, kalendaryo, mummification, pyramid
C. decimal system, palikuran, sewerage system, surgery, Taj Mahal
D. Great Wall, Feng Shui, magnetic compass, seda, seismograph
8. Anong imperyo sa Mesopatamia ang nagpatayo ng ziggurat na nagsisilbing tahanan?
A. Assyrian B. Chaldean C. Persian D. Sumerian
9. Sila ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu
Kush.
A. Aryan B. Dravidian C. Gupta D. Maurya
10. Naging matagumpay ang pamumuno ni Akbar sa kabila ng kakulangan sa
kaalaman. Paano niya napagtagumpayan ang kanyang imperyo?
A. Naging mabagsik si Akbar sa pamumuno dahilan upang mapasunod ang
kanyang mga nasasakupan.
B. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan ng tao gaya ng pagkain.
C. Naging mabait at sinusunod ang mga payo ng mga tao at kaibigan.
D. Gumawa ng programa upang mapanatili ang pagkakaisa ng kanyang imperyo.
11. Paano mapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon
sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkakatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran sa mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kabihasnang Indus?
A. Gupta B. Magadha C. Maurya D. Persian
13. Ang Hanging Gardens ay itinayo para sa pinakamamahal na asawa ni
Nebuchadnezzar. Ang Taj Mahal naman ay itinayo bilang mausoleum sa asawa ni
Shah Jahan. Ano naman ang estrukturang naitayo bilang simbolo ng walang
katapusang pagmamahal ni Teodorico Adarna para sa kanyang asawa?
A. Chinese Temple B. Seaside C. Sirao Farm D. Temple of Lea
14. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Persian ay TAMA maliban sa _____.
A. Mayroong saligang batas C. Malupit ang kanilang pinuno.
B. Nagpagawa ng Royal Road. D. Sila ay mayroong sistemang legal.
15. Anong imperyo ang nakaimbento sa paggamit ng zero at decimal point?
A. Gupta B. Magadha C. Maurya D. Mogul

16
Karagdagang Gawain
Paggawa ng Poster. Batay sa iyong mga natutunan na mga ambag ng kabihasnan
ng India, gumawa ng poster gamit ang kalahating cartolina at mga pangkulay.
Pagbabatayan ang sumusunod na rubrik sa pagmamarka:

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG POSTER


Pamantayan Indikator Puntos Natamong
Puntos
Naipakita at naipaliwag ng maayos ang
Nilalaman ugnayan ng lahat ng mga konsepto sa 15
paggawa ng poster.
Kaangkupan sa Maliwanag at angkop na mesahe sa
Konsepto paglalarawan ng konsepto. 15
Pagkamapanlikha Orihinal na ideya sa paggawa ng poster 10
Originality
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
Presentasyon Presentasyon 5

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng


Creativity kulay upang maipahayag ang 5
nilalaman, konsepto at mensahi.
Kabuuan 50

Sanggunian
Aklat:

Blando, R. et al. (2013). Modyul ng Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City, Philippines:


DepEd-IMCS

Online References:

आशीष भटनागर, World History Encyclopedia. (2013). Statue of Mauryan Emperor


Chandragupta. Retrieved on June 20, 2020 from https://www.worldhistory.org/image

Anirudh. (2018).10 MAJOR ACHIEVEMENTS OF ANCIENT BABYLONIAN CIVILIZATION.


Retrieved on June 19, 2020 from
https://learnodo-newtonic.com/babylon-achievements

Ballhatchet, K.A. (n.d.). Akbar the Mughal Emperor. Retrieved on June 17, 2020 from
https://www.britannica.com/biography/Akbar

17
Cheng, L. (2017). Eight Secrets of Taj Mahal. Retrieved on June 22, 2020 from
https://www.smithsonianmag.com/travel

Crystalink.com. (n.d.). Ziggurats. Retrieved on July 31, 2021 from


https://www.crystalinks.com/ziggurat.html

Flicker.com. (2010). Flicker Prints. Retrieved on June 16, 2020 from


https://www.flickr.com/photos/supercake/4883764621

History Discussion. (n.d.). Rise and Growth of the Magadhan Empire. Retrieved on
June 19, 2020 from https://www.historydiscussion.net/history-of-india

Persianempires.com. (n.d.). Persian Empire Accomplishments, Achievements,


Contributions. Retrieved on June 19, 2020 from http://persianempires.com/

Sumeriancivilizationhonors.weebly.com.(n.d). Accomplishments Inventions and Other


Knowledge. Retrieved on June 17, 2020 from
https://sumeriancivilizationhonors.weebly.com/

Szczepanski, K. (2019). The Gupta Empire: India's Golden Age. Retrieved on June 17,
2020 from https://www.thoughtco.com/gupta-empire-in-india-collapse-195477

The Editors of Encyclopaedia Britannica.(n.d.).Mauryan Empire


Ancient State, India. Retrieved on June 18, 2020 from
https://www.britannica.com/place/Mauryan-Empire

The Met. (n.d.). Cuneiform Tablet: House Sale Contract, Quradum Archive. Retrieved on
June 16, 2020 from http://metmuseum.org/collection/the-collection-
online/search/321782

Wikipedia.com.(2020). Ekonomiya, Kalinangan, Lipunan. Retrieved on June 19, 2020


from https://tl.wikipedia.org/wiki/

18

You might also like