You are on page 1of 9

ASIGNATURA: Araling Panlipunan 7

PAKSA: KABIHASNAN AT SIBILISASYON


MELC: Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.

Panuto: Basahin nang tahimik ang sumusunod na sipi. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

KABIHASNAN AT SIBILISASYON

Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at


kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay
nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating naging bihasa siya o
nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, nanirahan sila sa
mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at
pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na
nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang – araw – araw nilang
hanapbuhay. Dahil dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na
nakasanayan o nakagawian.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang


umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Subalit hindi
tahasang sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung
namuhay ka sa hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng
sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito
matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong
humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad sa
kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakaroon ng oraganisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang – ekonomiya at uring panlipunan,
mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura, at sistema ng
pagsusulat. Kung susuriin, ang Sumer, Indus, at Shang ay ang mga lungsod na
nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Lumaki ang
kanilang populasyon na luminang sa lupain na agrikultural na pagkalaon ay
pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay at nakaimbento ng mga kagamitan
sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang iba naman ay
napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos na tinawag na
Politeismo. Nakapagtayo ng mga temple, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa
metal na nagamit sa kalakalan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga artisan. At
ang huli ay ang pagka – imbento ng sistema ng pagsulat.

Halaw mula sa aklat ni Grace Estela C. Mateo, Ph.D., Asya Pag-usbong ng


Kabihasnan
MGA TANONG:
1. Ano ang tawag sa masalimuot na uri ng pamumuhay?
a. Kabihasnan
b. Lipunan
c. Lungsod
d. Sibilisasyon
2. Saan kadalasan namuhay ang mga sinaunang Asyano?
a. Bundok at Sapa
b. Kapatagan at Karagatan
c. Lambak at Ilog
d. Tangway at Ilog
3. Ano – ano ang nakagawiang hanapbuhay ng mga sinaunang Asyano na
kanilang nalinang dahil sa kanilang kapaligiran?
a. Pagluluto at Paghahabi
b. Pagsasaka at Pangingisda
c. Pakikipagkalakalan
d. Pangangaso at Pamumulot ng pagkain
4. Paano umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?
a. Kapag ang tao ay nagkaroon na ng kakayahan na paunlarin ang
kaniyang nalalaman at gawin itong basehan upang paunlarin ang
kaniyang pamumuhay
b. Kapag ang tao ay natuto ng makihalubilo sa iba at nagkaroon na ng
kakayahang linangin ang kaniyang nalalaman sa tulong ng mga tao sa
paligid niya
c. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay
d. Kapag ang tao ay natutong mamuhay ng mag-isa at hindi inaasa sa
iba ang kanilang hanapbuhay
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa batayang salik sa
pagkakaroon ng kabihasnan?
a. Iisang relihiyon at paniniwala
b. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
c. Organisado at sentralisadong pamahalaan
d. Pagkakaroon ng sistema ng pagsusulat

INIHANDA NI:
Sanny Jean Rosa-ut
Guro sa Araling Panlipunan 7
Panuto: Basahin nang tahimik ang sumusunod na sipi. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

KABIHASNANG SUMER: Ang Unang Sibilisasyon

May isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf
hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Kilala ang lugar na ito bilang
Fertile Crescent dahil sa hugis nito. Nasa silangang bahagi ang lambak-ilog ng
Tigris at Euphrates. Ang dalawang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
Turkey at dumadaloy tungo sa Persian Gulf. Ang lambak-ilog ng Tigris at
Euohrates ay kilala naman sa pangalang Mesopotamia. Ang salitang “Mesopotamia”
ay mula sa wikang Greek na nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog”.

Ang Mesopotamia ay kinilala bilang “cradle of civilization” dahil dito


umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Naging tagpuan din ito ng iba’t
ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.

Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at


Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros. Subalit hindi
naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia.
Pagsasaka ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Sumer. Nagtayo ng mga
kanal at dike para sa sistema ng irigasyon. Nagtatag din sila ng mga lungsod-
estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo at namuhay ng pangkat–pangkat at
magkakahiwalay. Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang sistema ng pamahalaan
na kung saan ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-estado at walang
iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang lungsod–estado. Madalas ang alitan
dahil sa hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod ng bawat estado. Ang
mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at
Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na
Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga diyos na nagsisilbing
panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform na
binubuo ng 500 pictograph at mga simbolong sinusulat sa tabletang luwad (clay
tablet) gamit ang stylus. Kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala
o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na
naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang
isang pangyayari. Sa pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng mahahalagang
tradisyon, epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito
ang Epiko ng Gilgamesh.
Pagpapatuloy…

Ilan sa mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang Sumer ay ang pagkalikha ng


unang sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform, pagkaimbento ng gulong,
sentralisadong pamahalaan ng mga lungsod-estado, paggamit ng Kalendaryong
lunar, paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze. Umunlad ang mga
pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi
naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang dahilan ng walang pagkakaisa ng
mga mamayan. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga
pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang mga ito. Bumagsak ang Kabihasnang
Sumer dahil sa kawalan ng pagkakaisa, walang natural na depensa sa mga
mananakop, mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga
tagasunod.
Halaw mula sa aklat ni Grace Estela C. Mateo, Ph.D., Asya Pag-usbong ng Kabihasnan,
Araling Panlipunan 7, Ikalawang Modyul: Sinaunang Kabihasnan sa Asya

MGA TANONG:
1. Bakit tinawag ang lupang matatagpuan sa Persian Gulf bilang Fertile
Crescent?
a. Dahil sa hugis arko ng matabang lupa na matatagpuan dito
b. Dahil sa kakaibang dibisyon ng lupa na matatagpuan dito
c. Dahil sa pagkakaroon nito ng masaganang tanim
d. Dahil sa palagi itong nasisinagan ng buwan na nagpapataba ng lupa
dito
2. Saan nanggagaling at dumadaloy ang tubig sa mga ilog ng Tigris at
Euphrates?
a. Nanggagaling ito sa kabundukan ng Turkey at dumadaloy tungo sa
Persian Gulf
b. Nanggagaling ito sa kabundukan ng Turkey at dumadaloy tungo sa
Sumer
c. Nanggagaling ito sa karagatan ng Mediterranean at dumadaloy
tungo sa Persian Gulf
d. Nanggagaling ito sa karagatan ng Mediterranean at dumadaloy
tungo sa Dead Sea
3. Bakit tinawag na “cradle of civilization” ang Mesopotamia?
a. Dahil dito nadiskubre ang matabang lupa na maaaring taniman
b. Dahil dito nagtipon – tipon ang iba’t ibang grupo ng tao
c. Dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao
d. Dahil dito unang nanirahan ng permanente ang mga tao
4. Ano – ano ang mga pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon?
a. Jericho sa Israel, Catal Huyuk sa Anatolia, at mamamayan ng Sumer
b. Jericho sa Israel, Catal Huyuk sa Anatolia, at pamayanan sa Zagros
c. Mamamayan ng Sumer, Catal Huyuk sa Anatolia at pamayanan sa
Zagros
d. Mamamayan ng Sumer, Ur, Uruk, at Eridu
5. Bakit madalas ang alitan ng mga pamayanan sa lungsod – estado?
a. Dahil sa hangganan ng kanilang nasasakupan at iba’t ibang pinuno na
sinusunod ang bawat estado
b. Dahil sa hindi paggalang sa teritoryo ng bawat lungsod – estado kay
sila nagkaroon ng alitan
c. Dahil sa hindi pagkakaunawaan at pagkakaroon ng agawan sa
kapangyarihan ng mga pinuno
d. Dahil sa walang proteksiyon ang bawat lungsod – estado kaya
madalas magkaroon ng gulo sa kanilang pagitan
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging pamana ng
Kabihasnang Sumer sa mundo?
a. Cuneiform
b. Epiko ng Gilgamesh
c. Pottery Wheel
d. Ziggurat
7. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Sumer?
a. Kawalan ng pagkakaisa
b. Pag-alis ng mga Sumerian sa Mesopotamia
c. Paglaganap ng kakaibang sakit
d. Pananakop ng mga Akkadian
8. Bakit mahalagang matutunan mo ang mga naging kaganapan sa Kabihasnang
Sumer?
a. Dahil ang kabihasnang ito ang pinakaunang kabihasnang umusbong sa
Asya
b. Dahil bahagi ang kabihasnang ito sa paghubog ng ating
pagkakakilanlang Asyano.
c. Dahil naging mahalaga ang kabihasnang ito sa mga pangyayari sa
kasaysayan.
d. Wala sa mga nabanggit.
Panuto: Basahin nang tahimik ang sumusunod na sipi. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

ASYA: Katangiang Pisikal

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Nasasakop nito mula 10°
hanggang 90° Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longitude.
Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang mga continent sa daigdig. Sa
kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44, 486, 104 kilometro kuwadrado,
halos katumbas ng pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at
1
Australia, at halos ¼ lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong ( ) bahagi
3
ng kabuuang lupa ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog –


Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural sona ang mga rehiyong ito
sapagkat isinaalang – alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal, at kultural na
aspekto.

Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan


sa Asya. Ito ay biniyayaaan ng iba-ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na
nakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Ilan sa mga natatangi dito ay
ang Mt. Everest na kilala bilang pinakamataas na bundok sa mundo, Tibetan
Plateau na pinakamataas na talampas sa mundo, ang Indonesia bilang
pinakamalaking archipelago sa mundo, Caspian Sea bilang pinakamalaking lawa sa
mundo, ang Lake Baikal bilang pinakamalalim na lawa sa mundo at marami pang iba.

Sa Asya rin matatagpuan ang iba’t ibang vegetation o uri o dami ng halaman
sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima
nito. Ilan sa mga ito ay ang steppe, prairie, savanna, tundra, at taiga. Sa iba’t
ibang bahagi rin ng Asya mararanasan ang iba’t ibang uri ng klima na angkop sa
iyong kagustuhan at pangangailangan.

Matatagpuan rin dito ang iba’t ibang likas na yaman na pangunahing dahilan
kung bakit maraming bansa ang nagnanais na makarating sa mga bansa sa Asya
upang makipagkalakalan at manakop ng mga lupain dito. Gayundin ang mga
magagandang tanawin na sa Asya lamang matatagpuan.

Halaw sa: http://asyaheograpiya.blogspot.com/2016/12/asya-tingnan-mo-ang-


ganda-ko.html?m=1
Panuto: Basahin nang tahimik ang sumusunod na sipi. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

ASYA: Ang Limang Rehiyon Nito

Ang rehiyon ng Asya ay nahahati sa lima. Una ay ang Hilagang Asya, ito ay
binubuo ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Turkmenistan, at
Uzbekistan. Ito ang mga bansang kabilang sa tinatawag na sentral continental.
Mahabang taglamig at maikling tag-init ang nararanasang klima sa mga lugar na
ito. Ang malaking bahagi sa rehiyong ito ay kilala sa tawag na Russian Asia o Asian
Russian.

Pangalawa ay ang Timog Asya o ang Katimugang Asya. Ito ay binubuo ng mga
bansa sa timog ng Himalaya. Kabilang dito ay ang Afghanistan, Bangladesh,
Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Kasama rin ang Burma at
Tibet sa rehiyon na ito. Lugar ng Mystisimo ang tawag sa katimugang Asya dahil
sa kanilang iba’t ibang relihiyon gaya ng Hinduismo, Buddhismo, Jainismo, at
Sikhismo.

Pangatlong parte ng Asya ay ang Kanlurang Asya. Ito ay binubuo ng mga


bansang Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Iraq, Kuwait, UAE, Yemen, Oman, Qatar,
at Bahrain. Judaismo, Kristiyanismo, at Islam ang relihiyon ng mga taong
naninirahan dito. Disyerto ang lugar na ito kaya mainit at kunti lamang ang ulan.
Mayaman sa krudo at langis ang rehiyon na ito.

Ang pang-apat ay ang Silangang Asya. Ito ay kinabibilangan ng mga bansang


People’s Republic of China, North Korea, South Korea, Mongolia, Japan, at Taiwan.
Ang mga bansang kanilang dito ay natatangi sa larangan ng ekonomiya sa buong
mundo. Gaya ng ibang mga bansa sa Asya, sila ay mayaman din sa kultura at may
iba’t ibang paniniwala sa relihiyon at pilosopiya na humubog at bumago sa kaisipan
at gawi sa pagdaan ng panahon.

Ang panglima ay ang Timog – Silangang Asya. Binubuo ito ng Pilipinas,


Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Myanmar, Cambodia, Laos,
Brunei, at East Timor. Tropikal ang klima dito na mainam sa pagsasaka. Mayaman
din ito sa iba’t ibang likas na yaman na siyang dahilan kung bakit marami ang na-
eenganyong magbakasyon sa mga bansang ito.

Halaw sa: http://takdangaralin.ph/mga-rehiyon-sa-asya/


Panuto: Basahin nang tahimik ang sumusunod na tula. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Babae, Noon at Ngayon


Ni Raquel Buerano

Kababaihan, kilala bilang may pusong dakila


Noong unang panaho’y tinuturing na mahina
Walang silbi sa lipunan ang kanilang salita
Taga bahay kung ituring, taga-luto’t, taga-alaga.

May diploma man ay wala pa ring silbi


Pagka’t ang lalaki ang itinuturing na haligi
Ang babae noo’y isang lamang taga-silbi
Laging nakaasa sa kinikita ng lalaki.

Sa paglaon ng panahon, nabago ang lahat


Ang lalaki’t babae’y, pareho nang gumaganap
Ang karapatan ay magkapantay at sa batas ay nakasulat
Babae’y di na maaapi, madudusta, at mahahamak

Maigi ang dulot ng makabagong batas


Pagkaalipin ng mga babae ngayon ay nagwakas
Lalaki at babae’y pareho na ng karapatan
Maging sa pamumuno maaari nang magtulungan

Malaki na ang pagbabago ng kababaihan ngayon


Maaari nang mamuno at magkaroon ng posisyon
Malakas ang kaisipan at laging palaban
Mahirap man ang pagsubok hindi basta-basta sinusukuan

Magkaiba man ang kababaihan noon at ngayon


Ang mahalaga nakakuha tayo ng leksyon
Hindi man nagkakapareho ang kanilang henerasyon
Babae kinikilala ka na lumalaban, namumuno, at umaaskyon.

Halaw sa: http://haribon.org.ph/ang-babae-noon-at-ngayon/

You might also like