You are on page 1of 10

1

ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN


Pangalan _____________________________________________________________
Pangkat ________ Guro ________________________________________________

lin
Aralin
Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Africa, America, at mga
34 Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Most Essential Learning Competencies


Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang
klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. (MELC Code: AP8DKT-IIf-8)

Ang modyul na ito ay ginawa upang…


Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa Africa,
America, at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kontribusyon ng
kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
3. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang
klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga kabihasnan sa America ang tinaguriang "rubber people"?
A. Aztec B. Inca C. Nazca D. Olmec
2. Anong sibilisasyon ito na may makikitang napakaraming mga imahe ng
mga halaman at hayop na iginuhit sa ibabaw ng lupa sa disyerto?
A. Aztec B. Inca C. Nazca D. Olmec
3. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa chinampas ng mga
Aztec?
A. lumulutang na hardin C. bangkang de-motor
B. sistema ng pagkakaingin D. panritwal na laro

8- AP- Qrt 2- Week 4


2
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

4. Alin sa mga Pulo sa Pacific ang nakilala sa paggawa ng makukulay na


maskara, pigura, at kagamitang panseremonya na gawa sa kahoy, talukab
ng pagong, at kabibe?
A. Melanesia B. Micronesia C. Pacificnesia D. Polynesia
5. Anong kaharian sa Africa nakilala ang tinatawag na stelae o haliging bato
bilang pananda ng libingan ng mga namatay na hari?
A. Axum B. Egypt C. Mali D. Songhai

Panuto: Tukuyin kung saang kabihasnan matatagpuan ang bawat larawan at


ipaliwanag ang kahalagahan nito sa mga nabanggit na kabihasnan sa loob ng (4-5)
pangungusap.

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

8- AP- Qrt 2- Week 4


3
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

Pamana ng mga Klasikong Kabihasnan


Africa
Maliban sa piramide ng Egypt na kasama sa Seven
Wonders of the Ancient World. Nakilala din ang
kaharian ng Axum, dahil sa stelae o haliging batong
may disenyo na itinayo bilang pananda ng libingan ng
Stelae mga namatay na hari, at parangal sa kanilang
https://africaorbital.files.
kadakilaan sa panahon ng kanilang pamumuno. Ang
wordpress.com /2011/10/c-t-to-
durban-_1web.jpg stelae ay may taas na 100 na talampakan.

Noong 3000 B.C.E. Nagkaroon ng tinawag na Trans-


Sahara. Ito ay ang pagpasok ng caravan o pangkat ng
mga taong magkakasamang naglalakbay dala ang
kanilang mga kalakal o produkto. Nakilala ang mga
imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai, na naging
Caravan
https://i.pinimg.com/originals makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa
/47/ee/b4/47eeb4e6b01e338149 mga mamamayan sa labas ng Africa.
1e2915c96cf3e5.jpg

America
Ang mga Olmec ay tinatawag na rubber people dahil
sila ang kauna-unahang taong gumamit ng puno ng
dagta. Paglilok ng mga higanteng ulo na yari sa bato.
Nagpasimula ng isang larong panritwal na tinawag na
Pok-a-tok, kahalintulad ng larong basketbol, subalit
ang ginagamit ay mga siko at baywang sa pagpapasok
ng bola na gawa sa bato na nakalagay sa isang
Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato
mataas na pader. Hiegroglyphics naman ang sistema
https://olmec101.weebly.com/
uploads/1/9/8/1/19813739 ng kanilang pagsusulat.
/1562375_orig.jpg

8- AP- Qrt 2- Week 4


4
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN
Ang mga Maya ay gumawa ng mga pyramid na sentro
ng bawat lungsod at dambana para sa kanilang mga
diyos. Katulad ng mga naunang kabihasnan ito ay
bumagsak dahilan upang lisanin, ihinto ang paggamit
ng kalendaryo at estado.
Ang mga Aztec ay lumikha ng mga chinampas o mga
Pok-a-tok artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating
https://www.pinterest.com/pin/539
garden upang madagdagan ang lupang pagtataniman.
939442825285764/.
Nakagawa ng kalendaryong bato. Magagaling din sila
sa paggawa ng dam, irigasyon at mga kanal.
Ang mga Inca ay nagpasimula ng paggamit ng
inhenyerang haydrolik sa pamamagitan ng paggawa ng
Chinampas mga kanal na madadaluyan ng tubig patungong
https://www.ancientpages.com/wpc disyertong bundok. Pagtatanim sa paraang terasa. Sa
ontent/uploads/2018/01/chinampa
kabihasnang America nagmula ang tsokolate na mula
sa kakaw. Ang chocolate ay mula sa salitang Aztec na
chokolatl.

Ang Nazca, Peru ay nakilala sa kanilang multicolor


pottery at higanteng mahiwagang guhit. Napakaraming
mga imahe ng mga halaman at hayop na iginuhit sa
Imahe ng mga halaman at hayop ibabaw ng lupa sa disyerto ng Nazca.
https://cdn.worldtourismportal.com
/wp1024x706.jpg

Mga Pulo sa Pacific


Ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia ay mga pulo
sa Pasipiko na may sariling katangian at kakayahan.
Ang Polynesia ay mahusay maglilok sa kahoy ng iba't
ibang disenyo ng mga bulaklak at hayop at heometrical
Maskara ang disenyo.
https://3y1vhshh00927sf0pozgjp6d
Ang Micronesia naman ay nag-uukit ng maskara at
wpengine.netdnassl.com/wpcontent/
uploads/2013/07/hawaii-tiki-
pigura sa kahoy.
gods.jpg Ang Melanesia ay artistiko pagdating sa mga maskara,
pigura, at kagamitang panseremonya na gawa sa
kahoy, talukab ng pagong at kabibe napininturahan ng
itim, pula o puti.

8- AP- Qrt 2- Week 4


5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

Gawain A. Panuto: Tukuyin ang ambag ng kabihasnang klasiko na inilalawaran sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. ________ Sistema ng pagsulat ng mga Olmec.

2. ________ Artipisyal na pulo na kung tawagin ay “Floating Garden”.

3. ________ Pinagmulan ng pagkaing tsokolate sa Kabihasnang America.

4. ________ Pangkat ng mga taong mangangalakal sa malawak na disyerto ng

Sahara.

5. ________ Haliging bato na itinayo bilang pananda na libangan ng mga namatay

na hari.

Gawain B. Panuto: Pagpangkatin ang mga ambag ayon sa Klasikong Kabihasnan.


Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

caravan Africa
chinampas
chocolate
mascara
multicolor pottery
piramide America
pok-a-tok
rubber
stelae
Pulo sa
Pacific

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa mga pamanang iniwan ng mga klasikong kabihasnan?

2. Ano ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan ng

Africa, America, at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang

8- AP- Qrt 2- Week 4


6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN
kamalayan?

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong mabuhay sa panahon nila, saan mo nais

mapabilang na kabihasnan ayon sa kanilang mga naging ambag? Bakit?

Ipaliwanag

Huli mang umusbong at nakilala ang mga kabihasnang klasiko sa Africa,


America, at mga Pulo sa Pacific, hindi maipagkakaila na natatangi ang mga
kulturang nalinang sa mga kabihasnang ito. Dahil dito, natatangi rin at lubhang
mahalaga ang mga pamanang iniwan nila sa kabihasnan ng daigdig.

Kasaysayan ng Daigdig.Edisyong 2015; By Educational resources Corporation by: Ederlina D. Baleña, Sandra
Ileto-Balgos, Dolores M. Lucero, Arnel M. Peralta, & Jose Bilasano-Editor, p.90-106

Binabati ka namin at natapos mo ang araling ito. Bilang pagwawakas magbigay ng


4 na kontribusyon sa bawat isang klasikong kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

• Kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasiko


Africa,
America, at
Mga Pulo sa Pacific

8- AP- Qrt 2- Week 4


7
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang magandang katangian ng mga kabihasnan sa
America ang dapat tularan ng kasalukuyang panahon?
A. May sariling batas na sinusunod ang bawat mamamayan.
B. Naging sarado ang kanilang mga pamayanan sa mga dayuhan.
C. Nakapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng hamon ng
kapaligiran.
D. Nagtalaga sila ng mga matatalino at mayayamang pinuno sa bawat
pamayanan.
2. Alin sa mga kabihasnan ang nakapag-ambag ng mga multicolor pottery?
A. Africa B. Inca C. Maya D. Nazca
3. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa chinampas ng mga Aztec?
A. 3-field system ng pagtatanim.
B. Pagtatanim sa pamamagitan ng pagkakaingin
C. Paglalagay ng mga pataba sa mga lupang pagtataniman.
D. Tinatabunan ng lupa ang mga sapa upang makalikha ng mga artispisyal na
pulo.
4. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang hindi kabilang sa America?
A. Aztec B. Inca C. Nazca D. Olmec
5. Saang bansa matatagpuan ang sibilisayon ng Nazca?
A. Australia B. Egypt C. Mexico D. Peru
B. Panuto: Tukuyin ang kabihasnang klasiko at kontinente na tinutukoy ayon sa
ambag na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Hal.
Egypt-Africa
1. Gumawa ng pamosong chinampas o tinatawag na “floating darden”.
2. Nagpatayo ng stelae bilang pananda na libangan ng mga namatay na hari.
3. Tinawag na mga taong goma dahil sa paggamit nila ng mga dagta ng goma.

4. Pulo sa Pasipiko na naglililok sa mga kahoy ng iba't ibang disenyo ng mga


bulaklak at hayop at heometrical ang disenyo.
5. Sibilisasyon na may makikitang napakaraming mga imahe ng mga
halaman at hayop na iginuhit sa ibabaw ng lupa sa disyerto

8- AP- Qrt 2- Week 4


8
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

Panuto: Unawain at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa aralin.

1. Nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan


sa kabila ng hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay. Hindi nalalayo sa ating
kasalukuyang kalagayan bagamat ito ay banta ng COVID, anong katangian ng
1
mga katutubo ang maaari nating tularan upang magtagumpay sa hamon ng
pandemya na ating kinahaharap ngayon?

2. Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga pinuno sa tagumpay ng kani-


kanilang kabihasnan. Kung ikaw ay magiging pinuno ng isang bansa, anong
higit na bibigyan mo ng pansin upang maging matatag at maunlad ang iyong
nasasakupan?

3. Natunghayan mo ang hindi matatawarang nagawa ng mga Klasikong


Kabihasnan ng Africa, America at mga pulo sa Pacific sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa
kasalukuyang panahon kung wala ang mga kontribusyon ng mga nabanggit na
kabihasnan?

8- AP- Qrt 2- Week 4


9
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL- Week 4


Pangalan________________________________________________________________
Pangkat __________ Guro __________________________________________

1. 2. 3. 4. 5.

Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa mga nabanggit na kabihasnan sa loob ng (4-5)


pangungusap.( Dalawa sa tatlong kabihasnan)

A. B.

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

8- AP- Qrt 2- Week 4


10
ARALING PANLIPUNAN 8-IKALAWANG MARKAHAN
B

AFRICA

AMERIcA

PULO SA
PACIFICO

Pamprosesong Tanong: Isulat ang iyong sagot sa iyong potfolio

Punan ang tabulasyon ng Kontribusyon


AFRICA AMERIKA PULO SA PACIFIC

1 1 1

2 2 2

3 3 3

4 4 4

A. B.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

ISULAT ANG IYONG SAGOT SA PORTFOLIO

8- AP- Qrt 2- Week 4

You might also like