You are on page 1of 25

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 8
Klasikal na Kabihasnan
Hindi Kukupas Kailanman!

Ikalawang Markahan
Modyul 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang pag – usbong at pag – unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa America, Africa at mga
Pulo sa Pacific.

2
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

2
Ikaw ay inaasahang makapagsuri sa pag – usbong at pag – unlad ng klasikal na
lipunan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.

Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga layuning dapat mong matutuhan:

1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng mga klasikal na lipunan ng Africa,


America at Mga Pulo sa Pacific.
2. Nasusuri ang impluwensiya ng pisikal na heograpiya sa pag-usbong at pag-
unlad ng mga klasikal na lipunan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.
3. Natutukoy ang mga katangian ng mga pinuno at ang mga nagawa nito sa
sinaunang kaharian at imperyo sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
4. Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na lipunan ng Africa,
America at Mga Pulo sa Pacific.
5. Naipagmamalaki at napahahalagahan ang mga nagawa at naiwang pamana
ng kabihasnang klasikal ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa pag-usbong at pag-unlad ng
mga klasikong kabihasnan sa Africa, America at Mga Pulo
sa Pacific. Tiyak akong ikaw ay handa na at nasasabik
nang sagutan ang Unang Pagsubok.

3
Gawain: IDENTIPIKASYON
Panuto: Alamin ang mga tinutukoy na salita sa bawat pangungusap na may
kinalaman sa Kabihasnan ng Africa, America at mga Pulo sa Pacific. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

Atoll Inca Micronesia Maya


animismo at mana Melanesia Polynesia Ghana
Aztec Mesoamerica Songhai

_____________ 1. Ang pangkat na ito ay binubuo ng Marianas Islands, Carolina


Islands at iba pa. Binubuo ng maliliit na pulo at atoll.
______________2. Ito ay sinasabing pinakamalaki sa tatlong grupo ng Isla sa Pacific
Ocean. Ang pangkat na ito ay binubuo ng New Zealand, Hawaii at
iba pa. Ang sentro nito ay ang Tohua.
______________3. Ito ay binubuo ng New Guinea, Solomon Islands at iba pa. Ang
mga taong nakatira dito ay maiitim ang kulay ng balat kaya dito
hinango ang pangalan ng pangkat na ito.
_______________4. Ito ay nangangahulugang “IMPERYO”.
_______________5. Ito ang mga pinaniniwalaan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific na
may kinalaman sa kanilang pagsamba at relihiyon.
_______________6. Ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng
buhay na tao para sa kanilang Diyos.
_______________7. Kabihasnang kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong
nilikhang isinulat na wika nito sa bagong Columbian na America.
_______________8. Ito ay lunduyan ng mga unang kabihasnan sa Amerika. Ito ang
rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at
Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador at
nangangahulugang “gitna”.
_______________9. Nagsimulang mamuno ang dinastiyang Sunni na nagpalawak sa
teritoryong ito.
_______________10. Ang unang estadong naitatag sa kanlurang Africa.

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga


katanungan. Maaari mo nang hilingin sa iyong
tagapagdaloy na suriin at iwasto ang iyong gawain.
Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang iyong pagkatuto!

4
Malaki ang naging kontribusyon ng Roma sa pagpapayaman ng kabihasnan ng
daigdig. Kaya tingnan natin ngayon ang gawaing ito kung inyong maaalala ang
nakalipas nating aralin.
Gawain: PICTURE PUZZLE
Panuto: Buuin ang mga bahagi ng larawan at sagutin ang mga tanong.

Larawan mula sa:


https://www.thoughtco.com/a
ncint-roman-history-salutatio-
112667
The Roman Colosseum. Banar
Fil Ardhi/EyeEm/Getty Images

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nabuo mong larawan mula sa picture puzzle?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Bakit maituturing na kabihasnang klasikal ang kabihasnan ng mga Romano?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Natatangi ang sibilisasyong umusbong sa sinaunang Africa. Malaki ang naging


impluwensya ng heograpiya sa naging pamumuhay ng mga tao sa sinaunang
Aprika. Ang mga tao ay natutong makibagay sa pabago-bagong klima na
nararanasan. Kapag nagbago ang klima o lumaki ang populasyon sa lugar na
kanilang tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan
matutugunan nila ang kanilang pangangailangan.

Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa


mga tao sa Europa at Asya. Ito ang naging dahilan upang ang kanilang wika,
kultura’t tradisyon ay labis na naimpluwensyahan ng mga dayuhang ideya at gawi.

Aralin Klasikong Kabihasnan

1 sa Africa

Ang Ghana, Mali at Songhai ay ilan sa mga kahariang umusbong sa Subsaharan


Africa na naitayo sa mga Savanna sa rehiyon ng Kanlurang Africa. Dahil sa
pakikipag-ugnayan ng Hilagang Africa at Gitnang Silangan ay naimpluwensyahan

5
ang mga ito ng Islam. Kinilala ang mga nasabing kaharian bilang Gitnang
Kaharian. Kontrolado nila ang mga mahahalagang daanan ng kalakalan mula
hilagang Aprika hanggang Kanlurang Africa.

HEOGRAPIYA

“The Dark
Continent”
Ang Africa ang Malaki ang naitulong ng
pangalawang pakikipagkalakalan sa
pinakamalaking pamumuhay ng mga
kontinente sa taga Africa na tinatawag
daigdig. na Trans-Sahara.
Larawan mula sa:
https://search.creativecommons.o
rg/photos/7c430e4b-cef7-4896-
bed0-b161e7f72151

Sa Silangang Africa
350 C.E. namayani ang kaharian
ng Axum.

Sa Kanlurang Africa,
naging
700
makapangyarihan ang
Imperyo ng Ghana.

Nang matalo ang


1240 Imperyong Ghana,
naitatag ang Imperyong
Mali.

Ang Dinastiyang Sunni


1335 ang nagpalawak sa
teritoryo ng imperyong
Songhai.
Larawan mula sa:
http://resourcesforhistoryteachers.pbworks.com
Pinagkuhanan:
/w/page/124186914/Sub-
Datos mula sa Grade 8 Learners Module (Blando R.C., etc.al.
Saharan%20African%20Civilizations%3A%20%2
Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng
0Ghana%2C%20Mali%20and%20Songhai
Daigdig. Vibal Group. Inc. Deped-IMCS. Pasig City. Philippines)
pahina 208.

Ang Imperyong Ghana


 Ang unang estado na naitatag sa Kanlurang Africa.
 Dulot ng lokasyon nito, sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito.
 Nagkaroon dito ng malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad na lamang
ng ivory, ostrich, feather, ebony at ginto na ipinagpapalit ng mga katutubo sa
mga produktong asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad at iba
pang produktong wala sila.

6
Mahalagang Salik sa Paglakas ng Ghana
 Ang pagiging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa.
 Nakabili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo na
ginamit upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga pangkat na mahina ang
mga sandata at ang mga kabayo bilang transportasyon para sa mga mandirigma
nito.

Ang Imperyong Mali


 Ang tagapagmana ng Ghana.
 Noong 1240, sinimulan ni Sundiata Keita ang pagkamit ng Mali sa
kapangyarihan nito at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana.
Lumawak ito pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River,
pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert.
 Noong 1255, namatay si Sundiata, ngunit iniwan nito ang Imperyong Mali na
pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.
 Higit pang pinalawak ang teritoryo ng imperyo nang namuno si Mansa Musa
noong 1312 kung saan naging bahagi din nito ang malalaking lungsod
pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao noong 1325.

Ang Imperyong Songhai


 Nakikipagkalakalan sila sa taun – taong pagdating ng Berber sa ruta ng
kalakalan sa Ilog ng Niger simula pa noong ika-walong siglo.
 Tinanggap ng mga hari ng mga Songhai na si Dia Kossoi ang Islam noong taong
1010. Samantala, nagpatayo naman ng mga moske si Muhammad Askia.
 Sinalakay at binihag ang Imperyong Mali noong taong 1325.
 Lumitaw ang bagong dinastiya noong taong 1335, ang Sunnin na matagumpay
na bumawi sa kalayaan ng Songhai mula sa Mali.
 Sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo
mula taong 1461 hanggang 1492, pinalawak niya ito mula sa mga hangganan ng
kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.

Gawain 1.1. ANONG SAY MO?


Layunin: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pag-unlad ng sibilisasyon sa
heograpiya at klima ng kabihasnan.
Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Isulat ang iyong paliwanag batay sa katanungan tungkol sa heograpiya ng
klasikal na lipunan ng Africa.

Sa iyong palagay ang heograpiya at klima ba sa klasikal na lipunan ng Africa ay


nakapagpaantala ng pag-unlad ng sibilisasyon o kabihasnan dito? Patunayan ang
iyong naging kasagutan.

7
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 1.2. KUHA MO!


Layunin: Natutukoy ang mga pinuno batay sa larawan, ang kanilang mga
imperyong pinamunuan at mga mahahalagang nagawa sa kabihasnan ng Africa.
Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Punan ang tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan
tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan ng Africa.
Imperyong
Mahalagang
Pinuno Pinamunuan sa
Nagawa
Kabihasnan ng Africa

1. Sunni Ali
Larawan mula sa:
https://sites.google.c
om/site/songhaiempi
rehp/home/periodiza
tion-continuity-and-
change

2. Sundiata
Keita
Larawan mula sa:
https://www.thinglin
k.com/scene/862729
785292357632

3. Mansa
Musa I
(Larawan mula sa:
https://biographypoint
.com/mansa-musa-
biography/

4. Muhammad
Askia
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ca/
pin/378724649905084434
/?nic_v1=1a91Vp97MfTF%
2BTo4ruZsv8tUIdIK0MMH
atDV6Rh4KsxHeTUZK6NL
qT97zTNhowyDRp

8
Gawain : ALAMIN MO AKING KABIHASNAN
Panuto: Tukuyin ang kabihasnan o imperyo na inilalarawan ng bawat pahayag.
Ilagay ang kung ito ay Ghana, kung ito ay Mali at naman kung
ito ay Songhai.
1. Ang imperyong ito ay umabot mula sa karagatang Atlantiko hanggang
sa lupain ng Nigeria sa kasalukuyan.
2. Sa imperyong ito, mahuhusay ang mga tao sa pakikipagkalakalan at
pakikipagtalastasan sa Arabo.
3. Sa Hilagang Africa lumaganap ang Islam.
4. Hinango ang pangalan ng imperyong ito mula sa mga salitang
“mandirigmang hari” na siyang tawag sa pinuno nito.
5. Naging malawakan ang kalakalan ng ginto, bakal, palay, yma, mga
iba’t ibang butyl, mga inukit na pigurin sa kahoy, mga tela at iba pa.
6. Lalaki lamang ang maaaring maging hari.
7. Napaunlad ni Mansa Musa ang imperyong ito.
8. Ang Kanlurang Africa ang naging pinakamalaki at
pinakamakapangyarihang imperyong pangkalakalan.
9. Nanguna ang imperyong ito sa larangang militar at napasakamay nila
ang malaking bahagi ng Kanlurang Africa.
10. Ang imperyong ito ay tinaguriang “lupain ng itim”.

Aralin Klasikong Kabihasnan sa

2 America

Tulad ng Kabihasnan ng Africa, umusbong din ang klasikong kabihasnan sa


America na kung saan ay nabuo din ang kasaysayan, kultura at kaalaman ng mga
sinaunang tao sa larangan ng arkitektura, matematika at enhinyerya. Halimbawa
ng mga estruktura dito ay ang Great Pyramid of Cholula sa Mexico.
Naging mahalaga ang kabihasnan ng America mula noon hanggang sa
kasalukuyang panahon. Kaya halina, tayo’y maglakbay sa pamamagitan ng mga
matutunghayan nating mga gawain sa modyul na ito.

Ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao ay hindi lamang sa mga kontinente ng Asya,


Europe at Africa, kundi nakamit din ng mga katutubo sa kontinente ng Amerika
ang kadakilaan ng isang kabihasnan.

9
Sa araling ito maipapakita ang pagkakabuo ng klasikal na lipunan ng Amerika.
Ang tatlong kabihasnang sumibol sa Gitna at Timog Amerika ay ang Inca, Maya at
Aztec.

KLASIKAL NA LIPUNAN NG AMERICA


H Lunduyan ng mga unang
E “gitna”
kabihasnan sa Amerika.
O
G
R Ang Mesoamerica o Central America
A ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa
P River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
I of Fonseca sa katimugan ng El
Y Salvador. Larawan mula sa:
A https://www.pinterest.ph/pin/3210
22279664781531/

Pamayanang Magsasaka (2000-1500BCE)

• Sa kasalukuyang Veracruz, nagtatanim


sila ng mais sa matabang lupain ng
Yucatan Peninsula.
• Nagsimula ang mga tao na kumain ng
isda at karne.
• May politikal at panlipunang kaayusan.
• Ang mga Olmec ang pinaka – nakilala
Larawan mula sa: http://daigdig- sa mga bagong tatag na lipunan.
kasaysayan.blogspot.com/2015/10/mga-
kabihasnan-sa-mesoamerica-
maraming.html

• Ang kalendaryo at isang sistema ng


pagsulat gamit ang carvings ay
kanilang naimbento.
• Sumasamba sila sa mga hayop na
jaguar.
• Sila ang kauna-unahang taong
gumagamit ng dagta ng mga punong
goma dahilan upang tawagin silang
“rubber people”
• Ang “Colossal Head” ay isa sa mga
halimbawa ng kanilang mga lilok na
anyong ulo.
• Isang rituwal na kahalintulad sa
basketbol ang Pok-a-tok na
karaniwang nilalaro nila, ngunit sa
larong ito, ang mga manlalaro ay hindi
Larawan mula sa:
https://www.travelingbackintime.com/teotihu gagamit ng kanilang kamay upang
acan-pyramids-mexico-city/
hawakan ang bola.

10
• Nangangahulugang “tirahan ng Diyos”.
• Si Quetzalcoatl (Feathered Serpent God)
ay ang pinakamahalagang Diyos.
• Ang monopolyo ng cacao, goma,
balahibo at obsidian ay mga bagay na
naging kilala sa kanilang kabihasnan.
• Ang pagsalakay sa lungsod ng ilang
tribo sa hilaga, pagsunog ng
Teotihuacan at banta mula sa karatig-
lugar ang naging dahilan ng pagbagsak
sa lungsod.
Larawan mula sa:
https://www.metmuseum.org/blogs/collect
ion-insights/2018/mesoamerican-

Maya at Aztec

 Mexico
 Guatemala
 Belize
 El Salvador
 Kanlurang bahagi ng Honduras

Larawan mula sa: http://www.ancientamerica.org/

A. MAYA

Ang kabihasnang Maya ay matagumpay na mga magsasaka at nakagawa ng mga


dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo. Karamihan sa
kanila ay naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa
mga lungsod kapag mamimili at may panrelihiyong pagdiriwang.

• Bumuo ng mga malalaking pyramid at


palasyo kabilang ang Mayan Ruins.
• Nagkaroon ng hieroglyphic na istilo ng
pagsulat, mas eksaktong kalendaryo,
pagbilang at nakintindi sa konsepto ng
zero (0). Larawan mula sa:
https://en.wikipedia.org/wiki/Mesoamerican_py
ramids at
https://tarotprophet.com/astrology/mayan-
astrology/
B. AZTEC

Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang


mitikong lugar sa hilagang Mexico. Sinasabing pinakamarahas na kabihasnan
dahil sa pag-aalay nila ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.

Sila ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti-


unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.

11
Ang kanilang ekonomiya ay nakabatay sa pagtatanim. Bagamat ang lupa sa paligid
ng mga lawa ay mataba subalit hindi naman ito sapat para sa buong populasyon.

• Ang kabisera nito ay ang Tenochtitlan.


• Ang Mexico ay halos tirahan na ng mga Aztec.
• Ang kanilang siyudad ay nagsimula bilang dalawang
maliliit na isla sa Lawa ng Texaco.
• Ang Diyos ng Araw ay ang kanilang kinikilalang
pinakamataas na diyos.
• Nakagawa sila ng kalendaryo at nagpatayo ng mga
paaralan. Larawan mula sa:
https://www.ancient.eu/articl
• Ang mga doktor ay natutong gamutin ang mga bali sa e/896/the-aztec-calendar/ at
buto at ang mga dentist sa paggamot ng cavities ng https://en.wikipedia.org/wiki/
List_of_Aztec_gods_and_supern
ngipin. atural_beings

C. INCA
Saklaw ng Timog Amerika
Larawan mula sa:
• Peru http://ontheworldmap.com/sout
h-america/map-of-south-
america-with-countries-and-
• Bolivia capitals.html

 Ecuador

Isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa Latin Amerika ang Inca. Matatagpuan
ito sa timog na bahagi ng bundok ng Andes sa pinakahilagang hangganan sa
Ecuador. Naging kabisera ang Cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang Peru.

Ang maraming bagay at lugar ay itinuturing na huaca o banal ng mga Inca. Tulad
na lamang ng mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito:
mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan.
Ang bawat tahanan ng bawat pamilya ay may inilalaang lugar para mga bagay na
itinuturing nilang huaca. Bahagi ng kanilang seremonyang panrelihiyon ang
paghahandog at pag – aalay ng sakripisyo na may dasal.

• Ang Diyos ng Araw ang pinakaimportanteng


Diyos nila kung saan ang Temple of the Sun
ay binuo sa kapital nilang Cuzco.
• Nakabuo ng mga daanan at kalye.
• Gumagamit ng quipus na taling nakabuhol
at may kulay para sa pagtatago ng mga
impormasyon sa kanilang gobyerno.
• Nakalikha ng terrace farming para sa
mabubundok na lugar. Larawan mula sa:
https://www.historyextra.com/period/
medieval/last-days-incas-inca-empire-
spanish-conquest-how-why/

12
Gawain 2.1. THINKING ABOUT YOU!
Layunin: Naipaliliwanag ang impluwensiya ng heograpiya sa kabihasnan ng
America.
Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa “thinking balloon” kung paano
nakaimpluwensya ang heograpiya sa kabihasnan ng America.

1. Paano nakaapekto 2. Bakit mahalaga sa


ang heograpiya sa mga Aztec ang
pagbuo ng mga paggawa ng
kabihasnan sa artipisyal na pulo?
Mesoamerica?

3. Paano namuhay
ang mga sinaunang
Amerikano?

Larawan mula sa https://pngtree.com/freepng/cartoon-


pupil-thinking-about-problem-png-transparent-
bottom_4603875.html

Gawain 2.2: DIKSYUKLASIKAL

Layunin: Naitatala ang mga kahulugan at katuturan ng bawat salita.


Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Tukuyin ang katuturan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa
nakalaan na patlang.

1. halach ___________ 2. ___________


uinic Teotihuacan ___________
___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ 13 ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
3. quipu ___________ 4. obsidian ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
5. Olmec ___________ 6. ___________
___________ ___________
___________ chinampas ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________
___________ ___________
___________ 8.stela ___________
7.pok-a-tok ___________
________ ________
___________ ___________
___________
___________ ___________
___________
___________ ___________
___________
___________ ___________
___________
___________ ___________
9. Quechua ___________
___________ 10. mita ___________
________ ___________
________
___________
___________ ___________
___________
___________
___________ ___________
___________
___________
___________ ___________
___________
___________
___________ ___________
___________
___________
___________ ___________
___________
________
___________ ___________
________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
___________ ___________
Gawain : HALAGA NG MAKULAY NA KABIHASNAN
___________ ___________
Panuto: Basahin ang pahayag ng bawat bilang. Gamit ang pangkulay, lagyan ng
________ ________
kulay ASUL kung nararapat ang nakasaad na pamumuhay at kulay PULA naman
kung hindi nararapat. Kulayan ito sa kahon na katabi ng mga pahayag.
Pahayag Kulay
1. Pagpili ng pinuno batay sa kagalingan ng tao.
2. Pag-alay ng tao upang kasihan ng diyos.
3. Paggawa ng maayos na kalsada at daan.
4. Pananakop ng mga kaharian.
5. Paggamit ng halamang gamot para sa karamdaman.
6. Pagpapanatili sa mga estruktura at arkitektura mula noon
hanggang ngayon.
7. Pagpapahalaga sa agrikultura bilang pangunahing kabuhayan
ng mga tao at maunlad na kalakalan.
8. Malupit na pamamahala ng mga pinuno.
9. Pagpapahalaga sa Astronomiya at Matematika.
10. Isinasawalang bahala ang mga alipin.

14
Aralin Klasikong Kabihasnan sa
3 mga Pulo sa Pacific

Mayaman sa likas na yaman ang mga Pulo sa Pasipiko. “Paraiso ng Hardin ng


Eden” ang tawag ng mga eksplorador ng Europeo sa mga Pulo sa Pasipiko.
Karamihan sa mga pulo nito sa kasalukuyan tulad ng Hawaii, Tahiti, Guam,
Samoa at Palau ay turismo ang pinakamahalagang industriya. Ito ay nahahati sa
tatlong pangkat batay sa pagkakatuklas ng kanilang katangian. Ang Melanesia ay
binubuo ng mga taong maiitim ang balat; Micronesia ay ang mga maliliit na pulo;
at Polynesia ay may maraming pulo.

MGA PULO SA PASIPIKO

MICRONESIA- POLYNESIA-
maliliit na mga isla maraming isla
micro- maliit poly- marami
nesia- isla nesia- isla

MELANESIA- maiitim ang


mga tao dito
mela- maitim
nesia- isla
Larawan mula sa:
https://www.britannica.com/place/Pacific-Islands

Kulturang Pasipiko
Ang rehiyon na Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko.
-Binubuo ito ng Polynesia, Micronesia at Melanesia.

Polynesia
Galing sa salitang Griyego na polus na
nangangahulugang marami at nesos na ang ibig
sabihin ay pulo tulad ng Fiji, Samoa, Tonga at
Tuvalu.

Sakop nito ang triangulong territoryo:


-Hilagang-Silangan ang Hawaii
Larawan mula sa:
- Timog-Silangan ang Easter Island https://commons.wikimedia.org/wiki/File:M
- Kanluran ang New Zealand ap_OC-Polynesia-CentralPacific.png

15
Kultura at Kabuhayan
 Ang pamumuhay sa Polynesia ay umaangkop sa uri ng kapaligiran nito.
Magagaling na manlalayag ang mga tao dito.
 Ang mga katutubo sa Hawaii at karamihan sa mga Polynesian ay sanay sa
sonang tropical bagamat mayroong ilang naninirahan sa New Zealand at
nasanay sa mahalumigmig na kapaligiran.
 Yari sa kahoy, kawayan, at mga dahon ng saging ang tahanan ng mga
Polynesian. Pangingisda at pagtatanim ng breadfruit, saging, gabi at niyog ang
kanilang pamumuhay.
 Ang kava ay ginagamit sa mga seremonya ng pamayanan bilang inumin.
 Ang Catamaran ay naimbento nila na isang bangka na may dalawang hull or
katawan.

Melanesia
Ang salitang Melanesia ay nagmula sa salitang
Griyego na Melas na ang ibig sabihin ay maitim at
nesos na ang ibig sabihin ay pulo.

Ito ay matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko at may


lahing Austronesian. Ang mga Melanesian ay
sumasakop sa mga isla sa malawak na lugar mula
sa Silangang Indones hanggang sa malayo sa Larawan mula sa:
https://www.researchgate.net/figure/1-
silangan ng mga isla ng Vanuatu at Fiji. Map-of-Melanesia-Source-Hobe-
Wikimedia_fig1_275210382

Mamayan
 Sinasabing matagal nang nanirahan ang mga ninuno ng mga Melanesian
sa New Guinea bago ito nagsimulang lumipat sa mga pulo sa Timog
Pasipiko 35000 taon na ang nakalipas. Nakaabot sila hanggang Solomon
Islands at maliliit na pulo na malapit dito.
 Sanay ang mga katutubo ng New Guinea na tumira sa gubat. Ang
pangangaso, pagtatanim, at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay.
 Magkaiba ang lahi ng mga Melanesian kung ihahambing ito sa mga
Polynesian at Micronesian.
 Ang katangian ng indibidwal tulad ng kalinangan sa paglaban at
kagalingan sa paghihimok ng katapatan ng nakakarami ay ang paraan sa
pagpili ng pinuno sa kanilang tradisyunal na lipunan.

Micronesia
Ang pangalan ay hango sa salitang Griyego
na Mikros na ang ibig sabihin ay maliit at
nesos na ibig sabihin ay mga pulo. Ang pulo
ng Guam, Northern Mariana Islands, Kribati
Palau, Federated States of Micronesia,
Marshall Islands, Nauru at Wake Islands ay
bahagi ng Micronesia. Isa din itong bahagi ng
Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.
Larawan mula sa:
https://www.mapsland.com/oceania/micronesia

16
Kultura
 Nagmula din sila sa lahi ng Austronesyano na mula sa Timog China at
Formosa (Taiwan). Sila ay mahusay ring maglayag sa karagatan. Magkaugnay
ang kultura sa kabihasnan ng Pilipinas at Polynesia.
 Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng
pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago.
 Ang iba pang kabuhayan nila ay pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at
pangangaso ng mga marsupial at ibon.
 Kabilang sa grupo ng mga wikang Austronesian ang wika ng mga
Micronesian. Iba't – iba ang wikang ito: Ang Wika ng Marianas ay Chamorro,
taga-Chuuk ay Chuukese, Yap ay Yapese, Kosrae ay Kosraeese at Pohnpei ay
Pohnpeinese.
 Naniniwala sila sa animismo at mana.

Gawain 3.1: PICTURE SPOT


Layunin: Nasusuri ang mga larawan tungkol sa kabihasnan ng mga pulo sa
Pacific.
Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Tukuyin ang mga nasa larawan at ipaliwanag ng isa hanggang
dalawang pangungusap kung ano ang ipinapakita nito.

Larawan mula sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Polynesian_culture at http://asiapacificislandescapes.com.au/fiji-island-


resorts/about-fiji/fiji-culture/

Larawan mula sa: https://www.cheapoair.com/miles- Larawan mula sa:


away/experience-pacific-island-art-and-culture-at-these- https://fineartamerica.com/featured/place-of-refuge--
five-us-museums/ puuhonua-o-honaunau-national-park-hawaii-kerri-
ligatich.html

Larawan mula sa: spc.int/sdp/culture

17
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 3.2: PAMANANG HINDI MAKAKALIMUTAN!


Layunin: Matukoy ang mga pamana at kahalagahan nito sa kabihasnan ng mga
pulo sa Pacific.
Kagamitan: Panulat at papel
Panuto: Magbigay ng limang pamana ng Klasikal na Lipunan ng Mga Pulo sa
Pasipiko. Tukuyin kung paano ginamit ang mga ito. Pagkatapos ay ipaliwanag
kung ano ang kahalagahan o pakinabang nito sa kasalukuyang panahon.
Mga Pulo sa Pacific Pamana Kahalagahan

Polynesia

Melanesia

Micronesia

Gawain: AKING REPLEKSIYON


Panuto: Sagutan ang mga katanungan batay sa iyong natutuhan sa mga paksa
tungkol sa Klasikal na kabihasnan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.

1. Ano ang iyong pagtingin sa mga klasikal na kabihasnan ng


Africa, America at mga Pulo sa Pacific?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Ano ang naging kahalagahan ng mga pamana ng klasikal
na kabihasnan ng Africa, America at mga Pulo sa Pacific sa
kasalukuyang panahon?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Alin sa mga klasikal na lipunan na ito na hanggang sa
kasalukuyan ay mayroon pa rin? Kung mayroon, ano sa
tingin mo ang dahilan bakit hanggang ngayon ay nanatili
pa rin ang kanilang lipunan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

18
● Tulad sa Asya, umusbong malapit sa ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa
Africa at America. Umusbong naman malapit sa Ilog Nile at Ilog Niger ang mga
sinaunang kabihasnan at imperyo sa Africa. Mayroon ding umusbong malapit sa
baybayin. Samantala, sa mga tropical rainforest naman umusbong ang mga
sinaunang kabihasnan at imperyo sa America.
● Malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Matagumpay na iniangkop ng mga sinaunang
tao ang kanilang pamumuhay sa mga anyong lupa, anyong tubig at klima sa
kanilang lugar. Mahusay nilang nilinang ang mga likas na yaman sa kanilang
lugar na nagbunga sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay pagtatag ng mga
sinaunang kabihasnan.
● Ang mga Pulo sa Pacific ay matatagpuan sa karagatang pasipiko. Kabilang dito
ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ito ay binubuo ng libo-
libong pulo na tinitirahan ng mga mamamayang nasanay sa kulturang
pangkaragatan.

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
___1. Ano ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa?
A. Axum B. Ghana C. Mali D. Songhai

___2. Ano ang kahulugan ng Ghana?


A. Diyos B. Hari C. Kaharian D. Palasyo

___3. Ano ang imperyo na matatagpuan sa kahabaan ng karagatang Atlantiko at


Ilog Niger?
A. Bantu B. Ghana C. Mali D. Songhai

___4. Isa sa naiambag ng kabihasnang Inca ay ang Aqueduct. Ano sa tingin mo


marahil ang magiging epekto kung hindi nila ito natuklasan?
A. Mas hahaba ang pagtagal ng kabihasnang Inca.
B. Mas maraming maghihirap dahil walang trabaho sa lugar.
C. Mas maraming masisirang bahay at daan kapag umuulan.
D. Mas yayabong ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang kabihasnan.

19
___5. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec na ang mga dayuhan ay
mensahero ng diyos. Bakit inakalang sugo ng diyos ang mga dumating na
dayuhan na pinamunuan ni Hernando Cortez?
A. Dahil sila ay mabubuting tao.
B. Dahil sila ay may dalang ginto.
C. Dahil naiiba ang mga mukha nito.
D. Dahil sila ay makapangyrihang nilalang.

___6. Alin sa naging pamumuhay ng mga Aztec ang hindi nararapat na tularan ng
tao sa kasalukuyan?
A. Pagsasagawa ng planadong lungsod
B. Pagpapaigting sa larangan ng kalakalan.
C. Pag-alay sa Diyos ng sariwang puso ng tao
D. Pagpapalakas ng aspektong militar ng imperyo

____7. Karaniwan makikita sa sentro ng pamayanang Maya ang pagkakaroon ng


isang piramide na may dambana para sa Diyos. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. Ang mapayapa at maayos ang lipunan ng kabihasnang Maya.
B. Ang bawat lungsod-estado ng Maya ay maayos, mapayapa at tahimik.
C. Pagpapahalaga sa relihiyon ang pinaka sentro sa bawat lungsod estado
ng Maya.
D. Binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang relihiyon kahit noong
sinaunang kabihasnan.

___8. Paano naiiba ang kulturang Melanesian sa kulturang Micronesian?


A. Ang mga Melanesians ay naglalagay ng mga totem poles sa labas ng
kanilang bahay samantalang krus naman ang inilalagay ng mga
Micronesians.
B. Ang mga katutubong Micronesian ay nakatira sa kagubatan
samantalang ang mga Melanesians naman ay mga magagaling na
manlalayag.
C. Ang mga katutubong Melanesians ay nakatira sa kagubatan
samantalang ang mga Micronesians ay mga magagaling na
manlalayag.
D. Ang Melanesian ay hindi marunong sa pangingisda samantalang ang
mga Micronesians naman ay magaling sa pangangaso.

____9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao


sa mga Isla ng Pacific.
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Isla ng Pacific ay
Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mag isla ay matatagpuan sa mga
lawa o dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Isla ng Pacific ay naniniwala
sa banal na kapangyarihan o “mana”.

20
____10. Ang mga taong naninirahan sa mga pulo sa Pacific ay magkakaiba sa
pisikal na anyo, sa kultura at gawi. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Nagmula sa iba’t ibang lugar
B. Iba-iba ang mga sumakop sa isla
C. Nakibagay na lamang ang mga tao sa kanilang paligid
D. Nanggaling sila sa iisang ninuno ngunit nagkaroon ng away ang bawat
isa.

11-15. Graphic Organizer


Panuto: Punan ang graphic organizer ng imperyo o kabihasnan batay sa klasikal
na kabihasnan nito.
(5 puntos)

Africa

America
Klasikal
na
Lipunan

Mga Pulo sa
Pacific

21
Mga Aklat:
Bustamante, Eliza D. (2009). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette
Publishing House Corporation, pp.212-217

Cruz, Mark Alvin M. Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group, Inc. pp.64-86

Soriano, Celia D. (1999). Pana-Panahon (Kasaysayan ng Daigdig) Work text para sa


Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Rex Bookstore, Inc., pp.119-124

Mga Module:
Blando R.C., etc.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng
Daigdig. Vibal Group.Inc. Deped-IMCS.Pasig City. Philippines). pp.179-218

Project Ease Araling Panlipunan III, Modyul 6, DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, pahina 28-33.

Project Ease Araling Panlipunan III, Modyul 7, DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, pahina 18-20.

Online Sources:

Ang Axum bilang Sentro ng Kalakalan. https://ghanamali.weebly.com/

Catedral, Xenia. Namuhay noong 2000 BCE. 28 June 2015.


https://prezi.com/giej_kghf-6o/namuhay-noong-2000-bce/

Kyo,Rei, Mga Kabihasnan sa Mesoamerica, 3 October 3 2015. http://daigdig-


kasaysayan.blogspot.com/2015/10/mga-kabihasnan-sa-mesoamerica-
maraming.html

Ilagan, Aila Marie, Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon. 13 October 2011.


http://ailamarieilagan.blogspot.com/2011/10/kabihasnan-sa-sinaunang-
amerika-maya.html

Magdaraog, Danz, Ang Mga Kabihasnan sa Amerika, 3 July 2013.


https://www.slideshare.net/danz_03/ap-iii-ang-mga-kabihasnan-sa-amerika

Magsino, Daron, Sinaunang Sibilisasyon sa Africa, 21 February 2014.


https://www.slideshare.net/DaronMagsino/sinaunang-sibilisasyon-sa-africa

Melanesia.Mimir, Encyclopedia of Tagalog.https://mimirbook.com/tl/07e52637ea5

Micronesia. March 12, 2019. https://tl.wikipedia.org/wiki/Micronesia


22
Miclat, Jared Moises, Ang Kabihasnan ng Mesoamerica. 10 August 2016.
https://www.slideshare.net/JaredMoisesMiclat/ang-kabihasnan-ng-
mesoamerica

Polynesia. 24 November 2017. https://tl.wikipedia.org/wiki/Polynesia

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Shiela C. Bernardo – Head Teacher III


Writers: Aileen S. Saluna – Teacher II

23
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa: ____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg: 2 Modyul Blg. 3 Linggo Blg.: 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong at pag-


unlad ng mga klasikong kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific.
Layunin: Nakapagmumungkahi ng mga gawain upang maiwasan ang pagbagsak
ng kaharian o kabihasnan kung sakaling maging pinuno ka ng klasikal na lipunan
ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific.
Paksa: Mga klasikong kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific.
Gawain: HUGIS NG PANGARAP!
Panuto: Isulat ang iyong mga kasagutan sa bawat hugis na nakapaligid sa hari na
nasa ibaba.
Kung ikaw ang namumuno sa mga klasikal na lipunan ng America, Africa at
mga Pulo sa Pacific, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang pagbagsak ng
kaharian o kabihasnan nito?

_____________
_____________
_____________ __________
_____________ __________
_____________ __________
_____________ _________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____

_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
_____________ _________
(Larawan mula sa::https://www.jing.fm/iclip/u2q8r5y3y3i1q8r5_king-clipart-
_ black-and-white-75461-black-and/ _________
24
Aralin 1: Klasikal na Lipunan ng Africa
Gawain 1.2 Pag-alam sa
Unang Pagsubok Balik – tanaw 1. Sunni Ali-Songhai Natutuhan
Nagpalawak ng teritoryo sa
1. Micronesia pamamagitan ng
2. Polynesia 4 1 pakikidigma 1.
2. Sundia Keita-Mali 2.
3. Melanesia - nagtatag ng imperyong
4. Inca Mali 3.
5. Animism at 2 3 3. Mansa Musa I-Mali 4.
- nagsagawa ng banal na
mana paglalakbay sa Mecca
5.
6. Aztec Colisseum noong AD 1324 6.
7. Maya
4. Muhammad Askia- 7.
Songhai
8. - Sinuportahan ang Islam 8.
Mesoamerica sa pamamagitan ng 9.
pagpapatayo ng mga moske 10.
9. Songhai at binatay sa Koran lahat
10. Ghana ng mga batas sa imperyo

Aralin 2: Klasikal na Lipunan ng America


6. Chinampas-mga Pag-alam sa
Gawain 2.2
artipisyal na pulo na Natutuhan
4. Obsidian- isang kung tawagin ay mga 1.Asul
1. halach uinic-
maitim at kristal na floating garden 2. Pula
“tunay na lalaki”
bato na nabuo mula sa 7. Pok-a-tok-kahawig ng 3. Asul
2.
tumigas na lava na basketball-bolang 4. Pula
Teotihuacan-
ginamit sa seremonyal 5. Asul
“tirahan ng diyos”
Teotihuacan sa 8. stela- inukit ng mga 6. Asul
at unang
paggawa ng Maya ang tala ng mga 7. Asul
kabihasnang
kagamitan, salamin at nagawa ng kanilang 8. Pula
nabuo sa Valley
talim ng kutsilyo mga pinuno 9. Asul
of Mexico
5. Olmec- kauna- 9. Quechua-paggamit ng 10. Asul
3. quipu- lubid o
unahang kabihasnan iisang wika
pisi na may
sa Central America na 10.mita- sapilitang
buhol
nangangahulugang paggawa
rubber people dahil
sila ang kauna-
unahang gumamit ng
dagta ng mga puno ng
rubber o goma

Aralin 3: Klasikal na Lipunan ng mga Pulo sa Pacific


Ghana
Unang Balik – tanaw Pangwakas na 11-15.
(5 Africa Mali
Pagsubok Pagsusulit puntos)
1. Mayan Calendar Songhai

1. Micronesia 2. Aquedact 1. B 6. C Maya

2. Polynesia 3. Chinampas 2. B 7. C
America
Aztec
4. quipu Klasikal
3. Melanesia na
5. obsidian 3. C 8. B Lipunan
Inca

4. Taro at 6. ollama Polynesia


yam 4. C 9. C Mga Pulo sa
Pacific Melanesia
5. Animism at 5. C 10. A Micronesia
mana

25

You might also like