You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ____________________ Pangkat:_______Guro: ____________________

ARALIN 6: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


MELC: Nasusuri ang mga kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China

Inaasahan
Ang Modyul na ito ay para sa Aralin ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang mga
paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay may hangarin na matulungan ka na maging isang
estudyante na may kaalaman sa mga naging pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig na may positibong kaisipan sa naging impluwensiya nito sa kasalukuyang panahon.

Matapos ang Modyul, ang mga mag- aaral ay inaasahan na…


Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa
a. politika
b. ekonomiya
c. kultura
d. relihiyon
e. paniniwala at
f. lipunan

Paunang Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Panahon kung kailan mayroon nang maunlad na pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at kultura
ang isang pamayanan o lungsod-estado.
A. Kabihasnan B. Klasikal C. Kontemporaryo D. Midyibal

2. Nagtataglay ng 232 batas na naglalaman ng pamantayan ng sinaunang Babylonian.


A. Bibliya B. Kodigo ni Hammurabi C. Torah D. Vedas

3. Itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo, ang unang pangkat ng mga tao na
nakasakop sa isa pang pangkat ng tao.
A. Imperyong Akkadian C. Imperyong Babylonian
B. Imperyong Assyrian D. Imperyong Chaldean

4. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa maraming Diyos.


A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular

5. Sinaunang paraan o sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.


A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglypics D. Pictogram

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

6. Tawag sa pinuno ng mga kaharian sa Kabihasnang Ehipto. 2


A. Emperador B. Hari C. Patesi D. Pharaoh

7. Mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura


at paraan ng pagtatayo.
A. Irigasyon B. Obelisk C. Piramide D. Ziggurat

8. Sa lipunan ng sinaunang Ehipto, nasa kanilang kamay ang malalawak na lupain, hindi
nagbabayad ng buwis at may malawak na karapatan.
A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo

9. Ang uri ng pamahalaan na haring Diyos ang kanilang pinuno.


A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Teokrasya

10. Ang pinakamahalagang Diyosa para sa mga Ehipsyo na kumakatawan sa isang ina at
asawa.
A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris

Balik Tanaw

GAWAIN 1: MAPASURI
Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba at ilarawan ang heograpikal na katangian ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang katangiang pisikal ng mga lugar kung saan unang umusbong ang
mga kabihasnan sa daigdig?
2. Bakit sa mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Paano nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao ang katangiang pisikal ng sinaunang
kabihasnan?

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

3
Matapos mong sagutan ang mga pamprosesong tanong, halika at ating alamin ang
naging pag-unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa daigdig.

Maikling Pagkilala
sa Aralin

LARAWAN SURI

Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay pagkakakilanlan ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig. Suriin ang mga ito at piliin sa loob ng kahon ang katawagan. Isulat ang tamang
sagot sa ibaba ng larawan.

1. 2. 3. 4. 5. 6.

7. 8. 9. 10. 11. 12.

CODE OF WOOD
PYRAMID SEWERAGE
HAMMURA TAJ MAHAL CLEOPATRA BLOCK
OF GIZA SYSTEM
BI PRINTING

GREAT
HINDUISM CONFUCIUS ZIGGURAT MUMMIFICATION CUNEIFORM
WALL

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga larawan na nasa itaas?
2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa pagtukoy sa mga salik sa pagbuo ng isang
kabihasnan?
3. Ano ano ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig?

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

4
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga
nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang
pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower
Egpyt.
Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto
1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE)
Ito ay tinawag din na “Panahon ng Piramide” itinatag ito ni Haring Menes sa panahon na ito
nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide upang maging libingan ng mga Pharaoh. Ang
kanilang pinuno ay tinatawag na Pharaoh. Itinuturing ng mga tao na ang kanilang pharaoh ay
Diyos kaya kontrolado nito ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang uri ng pamahalan
na may ganitong sistema ay tinatawag na teokrasya.
Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian
 Djoser- sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step
pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780.
 Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na
itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro
kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na
itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang 80
nakahanay na piramide.
Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng
Ehipto Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan at
mataas na kaalaman sa arkitektura. Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay ng
kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang sumunod
na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes.
2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)
Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang
pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang
sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang
nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa
katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria.
Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kaharian ng ito ay makaranas ng sunod-sunod
na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay ng mga
Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang pamumuno ng
mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng Thebes. Ang
kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian.
3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at
nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa paghahari
ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod:
Thutmose II Nasakop ang Nubia para sa imperyo
Sinakop ang Syria at Palestina
Hatshepsut Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig
Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar
Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto
Thutmose III Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang
kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa
kaniyang pamumuno

Amenhotep IV Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos


Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton.

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

Tutankhamen Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang


kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik
niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya.
Rameses II Nilabanan ang mga Hittites.
Nagpatayo ng malawakang mga templo.
Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa
pagkakaalipin

Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil 5alay,
humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga
dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto nang
sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag ang lungsod
ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na si Ptolemy. Si
Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile” Sinubukan niyang
iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony. Ngunit hindi siya nag
tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng
pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.

LIPUNAN SA SINAUNANG EHIPTO


1. Hawak ng hari ang kapangyarihan na mamuno.
Ang mga maharlika ay mayroong malalawak na
lupain at pribilehiyo na hindi nararanasan ng ibang
mamayan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at
pagkakaroon ng malawak na karapatan.
2. Ang mga sundalo ay nangangalaga sa katahimikan
at kaayusan. Nagtataglay din ng maliit na lupain kung
ikukumpara sa mga maharlika.
3. Ang mga magsasaka, pastol at mangagawa ay
karaniwang mamamayan sa lipunan.
4. Ang mga alipin ang pinakamababa. Sila ay ang
mga hindi nakapagbayad sa utang, mga naging bihag
sa digmaan, at mga salarin na inakusahan ng krimen.

Maaaring umangat ang kanilang uri batay sa


kanilang kakayahan at pagsisikap.

Ang mga kababaihan ay may mataas na


kalagayan at malaya. Maaring rin sila magmana ng
ari-arian at sumubok magnegosyo.

Mahigit na 2,000 Diyos ang sinasamba ng


sinaunang Ehipto. Ang paniniwala at pagsamba
sa maraming Diyos ay tinatawag na Politeismo. Si
Amon-Ra, ang Diyos ng araw ang
pinakamahalaga sa lahat sapagkat siya ang
nagbibigay-liwanag. Ang Diyosa na si Isis ang
kumakatawan sa isang ina at asawa. Ang Diyos
ng mga nasa kabilang buhay at Ilog Nile na
kumokontrol sa pagbaha ay si Osiris. Ang Diyos
ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan ay si
Bastet na isang pusa.

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

Bilang pagpapahalaga sa mga yumao pinasimulan nila ang pag-eembalsamo o


mummification o pagpreserba sa mga patay. Pinatutuyo nila ang bangkay at nilalagyan ng
kemikal. Pagkatapos ay babalutan ito ng linen at palalamutian ng alahas. Hieroglypics ang
tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o
larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang
matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng
astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan.

Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng unang


kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba pang
mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng panahon
ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na kabihasnan o
imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang nanirahan dito ang
mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian, Babylonian, Hittites,
Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician.

Sumerian (3500-2340 B.C.E.)


 Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nag-
alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng
isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi.
 Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o
Diyos na makikita sa bawat lungsod.
 Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at
pag-uugaling tao.
 Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad
na lapida.
 Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi
nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkadian (2340-2100 B.C.E.)


 Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-
unahang imperyo sa daigdig.
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o
Agade.
 Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).
 Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan
nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
 Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa
Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa
katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

Babylonian (1792-1595 B.C.E.)

 Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng kabiserang lungsod na Babylon, ang Mesopotamia.


 Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa
hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
 Naging tanyag sa batas na “mata sa mata at ngipin sa ngipin” (“an eye for an eye, and a
tooth for a tooth”) mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi na binubuo ng 282 batas
na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnan
 Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
 Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat
naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
dayuhang pinuno.

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

Assyrian (1813-605 B.C.E.) 7

 Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at
naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
Sila ay malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite.
 Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran
upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tributo.
 Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na
pamamahala sa kaniyang panahon at nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan
 Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.

Chaldean (612-539 B.C.E.)

 Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia


matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
 Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang
natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
 Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng
kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa,
kinilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
 Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia
hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.

Persian (539-330 B.C.E.)

 Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. (Iran)


 Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga
Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(Turkey ngayon).
 Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) narating ng Persia ang tugatog ng
tagumpay. Umabot ang sakop hanggang India.
 Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang
imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
 Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699
na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
 Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag
ni Zoroaster.

Hittite

 Mga mandirigmang Indo-Europeo na nanirahan sa silangang bahagi ng Asia Minor


noong 2000 B.C.E.
 Ipinalaganap ang monoteismo, uri ng relihiyong sumasamba sa iisang diyos.
 Makapangyarihan dahil sila ang kauna-unahang nakatuklas at gumamit ng bakal bilang
sandata at kasangkapan. Nakilala din sila sa paggamit ng kabayo at ginagamit ito bilang
chariot.

Phoenician

 Ang kabihasnang Phoenician ay lumitaw noong 2000 B.C.E sa silangan ng Dagat


Mediteranean o kasalukuyang bansang Lebanon.
 Dahil sa kanilang katangiang pisikal nakilala sila bilang mga mangangalakal at
manlalayag.
 Ang purple dye na simbolo ng kamaharlikahan sa kabihasnang kanluranin ang
pangunahing produkto na kanilang kinakalakal sa mga Europeo.
 Nakabuo ng alpabeto na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto.

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

8
 Sila ay naging tanyag ng kanilang sakupin at naging kolonya ang Carthage (Tunisia) na
makapangyarihan sa Mediteranean.

Ang mga unang kaharian sa Mesopotamia ay nagtagal nang mahabang panahon. Ang ilang
bahagi ng Mesopotamia ay napasailaalim sa pamamahala ng mga Romano.

Gawain

I. PANUTO: Tukuyin ang imperyo na inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng tamang sagot sa
mga kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang.

___________ 1. Sumusulat sila sa clay tablet gamit ang stylus


___________ 2. Malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite
___________ 3. Magagaling na maglalayag at mahuhusay na mga mangangalakal
___________ 4. Ito ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo
___________
___________ 5. Nagmula sa lahi ng mga Babylonian
___________ 6. Nakatuklas ng paggamit sa bakal
___________ 7. Nakilala sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin”
___________ 8. Mga taong Indo-Europeo na may sentralisadong pamahalaan at sistema ng
pagbubuwis
___________ 9. Patesi o haring pari ang tawag sa kanilang pinuno, kilala din sila bilang mga
magsasaka
___________ 10 Nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan

CHALDEAN BABYLONIAN ASSYRIAN PHOENICIAN

HITTITES SUMERIAN AKKADIAN PERSIAN

II. Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mahalagang pangyayari sa


Kabihasnang Ehipto. Isulat ang titik A- J sa patlang.
_________ 1. Pananalakay ng mga Hyksos
_________ 2. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.
_________ 3. Itinatag ni Haring Menes ang Lumang Kaharian
_________4. Sinalakay ni Alexander the Great ang Ehipto at itinatag ang lungsod ng Alexandria
_________ 5. Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto.
_________ 6. Pinasimulan ang pagpapatayo ng mga piramide
_________ 7. Natalo at napatalsik ang mga Hyksos sa pamumuno ni Ahmose I
_________ 8. Naging gobernador si Ptolemy
_________9. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa pamamagitan ng kalakalan at pagpapalawak
ng teritoryo
_________10. Naganap ang Exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

TANDAAN

 Ang sinaunang kabihasnang Ehipto ay mayroong dalawang magkahiwalay na kaharian


ang Upper Egypt at Lower Egypt
 Si Menes ang pinuno ng Upper Egypt na sumakop sa Lower Eypt na nagbigay-daan
upang mapag-isa ang Ehipto sa mahabang panahon.
 Ang pharaoh ang namumuno at may hawak ng kapangyarihan sa sinaunang Ehipto.
 Nakilala ang kabihasnang Ehipto sa kanilang hieroglypics, mummification, at ang
kahanga-hangang piramide.
 Ang Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang
maunlad na kabihasnan sa buong mundo.
 Ang kabihasnang Mesopotamia ay pinanahan at sinakop ng iba’t ibang pangkat ng tao
kabilang ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Hittite, Phoenician,
at Persian.

Pag- alam sa mga


Natutuhan

Panuto: Punan ang talahanayan ng iyong natutunan sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Kabihasnan Antas ng Tao Sistema ng Antas ng Pamahalaan Relihiyon


sa Lipunan Pagsulat Teknolohiya
Ehipto

Mesopotamia

Pagninilay

A. Mahalaga pa ba sa kasalukuyan ang sining ng pagsusulat?

 Gumawa ng iyong sariling estilo o sistema ng pagsusulat.


 Maaring gumamit ng mga simbolo o bagay na kakatawan dito.
 Subukang ipabasa kung ito ay mauunawaan ng iyong kasama sa bahay.

B. Sa mga namuno sa sinauang panahon, ibigay ang mga pinakamahalagang katangian sa


palagay mo ang dapat na taglayin ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bansa.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
C. Ihambing mo ang pagpapahalaga ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang panahon
batay sa sumusunod:
1. Pananampalataya 2. Karapatang pantao 3. Pagmamahal sa bayan

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8

10
Panghuling Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang itinuturing na kauna-unahang pharaoh na babae sa Kabihasnang Ehipto at buong


daigdig.
A. Amethyst B. Cleopatra C. Hatshepsut D. Nefertiti

2. Kauna-unahang paraon o pharaoh ng Sinaunang Ehipto


A. Amenhotep B. Khufu C. Menes D. Rameses

3. Pharaoh na pinasimulan ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang Diyos, si


Aton, na sinasagisag ng araw.
A. Amenhotep IV B. Khufu C. Menes D. Rameses

4. Ang uri ng tao sa lipunan ng sinaunang Ehipto na nangangalaga sa katahimikan at kaayusan.


A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo

5. Ang itinuturing na Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan sa sinaunang Ehipto.


A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris

6. Imperyo sa sinauang Mesopotamian na nakatuklas ng paggamit ng bakal.


A. Akkadian B. Phoenician C. Hittites D. Sumerian

7. Ang tawag sa imperyong itinatag ng mga Persiano.


A. Achaemenid B. Hittite C. Phoenician D. Sumerian

8. Ang nagsisilbing tagapamuno sa mga lalawigan sa imperyong Persiano.


A. Emperador B. Hari C. Patesi D. Satrap

9. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa iisang Diyos.


A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular

10. Ang kasalukuyang bansa na kabihasnang lumitaw sa silangan ng Dagat Mediteranean.


A. Iran B. Carthage C. Lebanon D. Persia

Binabati kita sa iyong matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Bilang isang
estudyante, matagumpay mong binigyang tugon ang hamon sa iyong pag-aaral sa kabila ng
new normal na ating kinahaharap sa bansa.

Hanggang sa muli!

May-akda

May-akda: Ruth N. Maninang


AP8- Qrt1- Week 6

You might also like