You are on page 1of 6

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Araling Panlipunan Unang Markahan
Modyul 6: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang
matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 8.
Ang modyul na ito ay mayroong isang aralin na nakatuon sa “Mga Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigidig.”
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra
lamang ng wastong sagotang isulat sa sagutang papel.
1. Sistema ng pagbibilang na nakabatay sa 60.
a. Counting System c. Numeral System
b. Dewey Decimal System d. Sexagesimal System
2. Estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng lungsod. Ito rin
ang sentro ng kanilang pamayanan.
a. Sumer c. Uruk
b. Ur d. Ziggurat
3. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na
buhay.
a. Code of Hammurabi c. Law of 10 Tables
b. Code of Nebuchadnezzar d. Law of 12 Tables
4. Kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kwento ni haring Galgamesh
ng Uruk sa Sumeria.
a. Epic of Gilgamesh c. Odyssey
b. Mahabharata d. Ramayana
5. Kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan o ekonomiya.
a. Arthasastra c. Laissez Faire
b. Crime and Punishment d. Treatise on Government
6. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India o pagpapanatili ng
kalusugan.
a. Ayurveda c. Rig Veda
b. Atharva Veda d. Yajur Veda
7. Isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilyang magkakamag-anak.
a. Epic of Gilgamesh c. Odyssey
b. Mahabharata d. Ramayana
8. Pinakakilalang pasyalan o puntahan ng mga turista sa India. Ito ay ipinatayo ni Shah
Jahan.
a. Amber Palace c. Red Fort
b. Hawa Mahal d. Taj Mahal
9. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino.
a. Forbidden City c. Liuhe Pagoda
b. Great Wall d. Puning Temple
10. Uri ng tela na nagmula sa bansang China.
a. cotton c. silk
b. nylon d. spandex
11. Tamang pagbalanse ng yin at yang.
a. Bing Fa c. Feng Shui
b. I Ching d. Kanji
12. Hitik sa mga simbolismong relihiyoso at libingan ng mga pharaoh.
a. kapilya c. piramide
b. pagoda d. templo
13. Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang
ilibing.
a. Burning c. Embalming
b. Cremation d. Mummification
14. Sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na nakaukit sa mga pampublikong gusali o
nakapinta sa kahoy.
a. Calligraphy c. Hieroglyphics
b. Cuneiform d. Sanskrit
15. Ang kalendaryo ng mga Egyptian ay may ____ na araw.
a. 364 c. 366
b. 365 d. 367

1
Modyul 6: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Maraming bagay ang naiambag ng mga Sinaunang Kabihasnan ng daigdig sa atin lalo na sa
pamamaraan ng pamumuhay nating lahat sa kasalukuyang panahon.
Sa modyul na ito, matutunghayan natin ang mga ambag ng Mesopotamia, India, China,
at Egypt sa daigdig upang lubusan nating maunawaan at mapahalagahan ang mga ito sa
kasaysayan.

Balikan
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin kung sa anong kontinente matatagpuan ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Credit to Keira Quilban


1. Mesopotamia - ____________________________
2. India - ____________________________
3. China - ____________________________
4. Egypt - ____________________________

Tuklasin
Tingnang mabuti ang bawat larawan ng mapa ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Magbigay ka ng iyong ideya o kaalaman tungkol dito.

https://www.thinglink.com/scene/586298845139304452 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Indus_Valley_Civilization,_Mature_Phase_(2600-1900_BCE).png

https://mapswire.com/countries/china/ https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Ancient_Egypt_maphiero.svg

Suriin

Mga Sinaunang
Kabihasnan ng Mga Ambag o Pamana
Daigdig
 Ziggurat- isang estruktura kung saan
pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron
ng isang lungsod. Sentro rin ito ng pamayanan.
 Code of Hammurabi- ito ay isang kalipunan ng mga
Mesopotamia
batas. Ito ay naglalaman ng 282 batas na
pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-
araw na buhay sa Mesopotamia.
 Cuneiform- ito ang kauna-unahang sistematikong

2
paraan ng pagsulat sa buong daigdig na nalinang
ng mga Sumer.
 Epic of Gilgamesh- itinuturing bilang kauna-
unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig.
Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-
estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo
B.C.E. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay
kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya.
 Water clock
 Paggawa ng unang mapa
 Sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa
60
 astronomiya
 May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod
dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala
bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o
pagpaplanong panlungsod. Ang mga matatandang
kalsada ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos
na parang mga nagsasalubong na guhit o grid
pattern.
 Arthasastra- ito ay isinulat ni Kautilya noong
ikatlong siglo B.C.E. Ito ang kauna-unahang akda
o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si
Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang
tagapagtatag ng Imperyong Maurya.
 Ayurveda o “agham ng buhay”- isang mahalagang
kaisipang pangmedisina ng sinaunang India.
Tinatawag itong “agham ng buhay” sapagkat
binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
India kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.
 Ang Ramayana ay isang salaysay tungkol sa buhay
ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa
Sita, ang kaniyang asawa na sapilitang kinuha ni
Ravana, isang demonyong hari.
 Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa
matinding tunggalian ng dalawang pamilya na
magkamag-anak- ang mga Pandava na
kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.
 Pamantayan ng bigat at sukat
 Decimal System
 Paggamot at pagbubunot ng ngipin
 Halaga ng pi (3.1416)
 Taj Mahal
 Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism,
Buddhism, Jainism, at Sikhism)
 Great Wall- ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.
 Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng
perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing
na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na
aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni
Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E.
 Feng Shui o Geomancy ay nagmula sa China. Ang
China
kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin
at yang upang makapagdulot ng magandang
hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan- malambot at kalmado. Samantala ang
yang ay tumutukoy sa kalalakihan- matigas at
masigla.
 Kaligrapiya- sistema ng pagsulat ng mga Tsino
 Paggamit ng silk o seda
 Kalendaryo
 Star map

3
 Magnetic Compass
 Seismograph
 Wheel Barrow
 Water clock
 Sundial
 Chopsticks
 Abacus
 Pamaypay
 Paying

 Piramide- ito ay hitik sa mga simbolismong


relihiyoso. Libingan ito ng pharaoh kung kaya
sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng namumuno.
Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa
buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng
kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita
sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.
 Mummification- ito ay pag-eembalsamo ng patay sa
Egypt. Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal
upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang
isang mummy o embalsamadong bangkay ay
pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.
Egypt  Hieroglyphics- ay sistema ng pagsulat ng mga
Egyptian. Sa simula, ang isang larawan ay
sumasagisag sa isang kaisipan. Ito ay nakasulat
hindi lamang sa papel kundi nakaukit din sa mga
pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta
sa mga luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay
naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang
mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus.
 Geometry
 Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
 Kalendaryo na may 365 araw
 Sagradong pagdiriwang

Pagyamanin
Activity 1.1 K-A-K Organizer
Punan ang tsart. Pumili ng tig-dalawang (2) ambag sa bawat sinaunang kabihasnan ng daigdig at ibigay
ang kabuluhan nito sa mga sinaunang tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan/Kahalagahan Activ


Mesopotamia 1 ity
2. 1.2
Ihan
India 1.
ay
2. ang
China 1. mga
2. sum
usun
Egypt 1.
od
2. na
ambag o pamana sa tamang pinagmulan nito na sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Mesoptamia India China Egypt

mummification wheel barrow pyramid pamantayan ng bigat at sukat


ziggurat unang mapa telang seda Epic of Gilgamesh
abacus Arthasastra pamaypay Ramayana at Mahabharata
Hinduismo cuneiform papyrus kalendaryo na may 365 araw

Activity 1.3
Ayusin ang ginulong titik upang matukoy ang ambag sa sinaunang kabihasnan ng daigdig. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. FONEIRMCU Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian _______________________
2. VERAYUDA Ito ay nangangahulugan na “agham ng buhay”. _______________________
3. NEGF USIH Nakaukol ito sa tamang balance ng yin at yang upang makapagbigay ng
magandang hinaharap. _______________________

4
4. YRPAIDM Libingan ng mga pharaoh. _______________________
5. LYROCSPIHHEGI Sistema ng pagsulat ng mga Egyptian. _______________________
6. ATJ HAMLA Pinakakilalang puntahan sa India. _______________________
7. RAETG LAWL Nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.
_______________________
8. MMMIIIUATNOFC Pag-eembalsamo ng patay sa Egypt. _______________________
9. GUZIRAGT Templo para sa mga diyos-diyosan sa Mesopotamia. _______________________
10. LIARAKGPAIY Sistema ng pagsulat ng mga Tsino. ______________________

Isaisip
1. Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa
sangkatauhan.
2. Nagpakita ng kadakilaan, husay, at talino ang mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspeto.
3. Ang ilan sa mga bagay na ating ginagamit araw araw ay maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan.
4. Ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin
sa mga sinaunang kabihasnan.

Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipiliam. Letra lamang
ng wastong sagotang isulat sa sagutang papel.
1. Kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kwento ni haring Galgamesh ng Uruk
sa Sumeria.
a. Epic of Gilgamesh c. Odyssey
b. Mahabharata d. Ramayana
2. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay.
a. Code of Hammurabi c. Law of 10 Tables
b. Code of Nebuchadnezzar d. Law of 12 Tables
3. Sistema ng pagbibilang na nakabatay sa 60.
a. Counting System c. Numeral System
b. Dewey Decimal System d. Sexagesimal System
4. Kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan o ekonomiya.
a. Arthasastra c. Laissez Faire
b. Crime and Punishment d. Treatise on Government
5. Uri ng tela na nagmula sa bansang China.
a. cotton c. silk
b. nylon d. spandex
6. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India o pagpapanatili ng kalusugan.
a. Ayurveda c. Rig Veda
b. Atharva Veda d. Yajur Veda
7. Pinakakilalang pasyalan o puntahan ng mga turista sa India. Ito ay ipinatayo ni Shah Jahan.
a. Amber Palace c. Red Fort
b. Hawa Mahal d. Taj Mahal
8. Sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na nakaukit sa mga pampublikong gusali o nakapinta sa
kahoy.
a. Calligraphy c. Hieroglyphics
b. Cuneiform d. Sanskrit
9. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino.
a. Forbidden City c. Liuhe Pagoda
b. Great Wall d. Puning Temple
10. Estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng lungsod. Ito rin ang sentro
ng kanilang pamayanan.
a. Sumer c. Uruk
b. Ur d. Ziggurat
11. Tamang pagbalanse ng yin at yang.
a. Bing Fa c. Feng Shui
b. I Ching d. Kanji
12. Ang kalendaryo ng mga Egyptian ay may ____ na araw.
a. 364 c. 366
b. 365 d. 367
13. Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing.
a. Burning c. Embalming
b. Cremation d. Mummification
14. Isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilyang magkakamag-anak.
a. Epic of Gilgamesh c. Odyssey
b. Mahabharata d. Ramayana
15. Hitik sa mga simbolismong relihiyoso at libingan ng mga pharaoh.
a. kapilya c. piramide
b. pagoda d. temple

Sanggunian
Blando, R. et.al. 2013. Kasaysayan ng Daigdig , Modyul ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan. Pasig
City : Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat (DepEd -IMCS)

You might also like