You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
BICOL UNIVERSITY
Junior High School Department
Daraga, Albay
Unang Pamanahonang Pagsusulit sa Aralin Panlipunan 8
Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: ___________________________
Part I. Multiple Choice
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy ng pangungusap o parirala.
1. Ito ay itinuturing na may mahalagang salik sa pamumuhay ng isang tao.
a. Ekonomiya b. relihiyon c. lokasyon d. politika
2. Ito ay tumutukoy sa mga paniniwala at salysay ukol sa paglikha ng mga bagay bagay
alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao.
a. origin belief b. creationism c. creation myths d. Big Bang theory
3. Ito ang katawagan sa Sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyal sa
kalawakan ay nilika mula sa kawalan ng isang Diyos o ng isa o higti pang makapangyarihan at
matalinong nilalang.
a. Creationism b. Materialism c. Genesis d. Hebreo
4. Ang dalawang tabing ilog na pinag usbungan ng kabihasnang China.
a. Huang Ho at Red Sea b. Huang Ho at Yellow River c. Yellow River at Black Sea
5. Sya ang pinapaniwalaang Nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot
ng ilog ng Huang Ho
a. Xi b. Tang c. Yu d. Xia
6. Ang mga hinirang na pinuno sa kabihasnan ng China ay itinuturing na
a. Anak ng Dyos b. Anak ng Langit c. Anak ng Kabihasnan d. Anak ng Lupa
7. Sa aklat na ito hango ang katawagang Spring and Autumn period na naglalahad ng mga
kaganapan ukol sa paglaganap ng mga bagong kaisipan at pilosopiya sa estado ng Lu.
a. The Spring and Autumn Annals b. The Autumn and Spring Alumnus c. Spring and Autumn
8. Ito ang ipinatayong tanggulan na nagsilbing depensa laban sa mga tribong nomadiko na
nagmumula sa hilaga ng China na nagnanais manakop.
a. Taj Mahal b. Great Wall of China c. The Forbidden City d. Tower of Pisa
9. Alin sa mga sumusunod and rutang pangkalakalan sa pagitan ng China at Kanluran upang
makarating sa Kanluran ang mga produktong Tsinno tulad ng seda at porselana.
a. Silk Road b. Huang Ho c. Grand Canal d. Suez Canal
10. Titulong iginawad kay Temujin ng mga prinsipe at pinuno ng iba’t ibang tribong Mongol bilang
pagkilala sa pagtatag ng Imperyong Mongol.
a. Dakilang Khanato b. Genghis Khan c. Ogedei Khan d. Usman
11. Ang dinastiyang kilala sa pagkakaroon ng isang matatag at sentralisadong pamamahala na
syang nagbigay daan sa pagbubuklod at pagkontrol sa imperyo.
a. Dinastiyang Yu b. Dinastiyang Qing c. Dinastiyang Ming d. Dinastiyang Tang
12. Sila ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt
a. Pharaoh b. Son of Heaven c. Khan d. Sultan
13. Ang modelo o kaisipan na ginamit ni Charles Darwin sa ebolusyon na tinanggap ng mga
makabagong siyentista bilang isang katotohanan ng buhay.
a. variation b. survival of the fittest c. random mutation d. specified mutation
14. Ito ang salitang Griyego na nagmula sa salitang Ethnos na nangangahulugang “mamamayan”
a. Etniko b. Etnisidad c. Lingwistiko d. Ethic
15. Ito ang itinuturing na kaluluwa isang kultura at syang nagbibigay ng pagkakakilanlan o
identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
a. Etniko b. Wika c. Etnisidad d. Pangalan
Part II. Identification
Panuto: Isulat sa patlang ang termino na hinihingi sa bawat bilang. Isulat ito sa pamamagitan lamang
ng malalaking titik.
___________ 16. Isang pamamaraan upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon
or carbonaceous materials.
___________ 17. Ito ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang mga unang species
ng hominid na marunong nang gumawa ng mga kagamitang bato.
___________ 18. Isang bato na mistulang kristal mula sa bulkan na ginagamit ng mga artisano sa
pag gawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo.
___________ 19. Salita na nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit na syang ginamit
upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
___________ 20. Pinaniniwalaang Dyos ng sinaunang Babylonia na lumikha ng daigdig, kalangitan
at tao mula sa kanyang pagkakagapi sa halimaw na si Tiamat.
___________ 21. Tumutukoy sa pinakamababang antas ng tao sa lipunan sa sistemang Caste ng
India.
___________ 22. Layunin nito na magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng bawat tao
sa lipunan.
___________ 23. Dito nakaukit ang mga unang karakter na Tsino sa panahon ng Shang.
___________ 24. Mga taong nabuhay sa pagitan ng 20,000 at 30,000 B.P. na pinapaniwalaang
kauna-unahang gumamit ng apoy.
___________ 25. Mga taong nabuhay mga 1.5 milyon B.P. na nagpamalas ng kakayahan sa pag
gawa ng mga kagamitang yari sa bato para sa kanilang pangangaso.
PART III. MATCHING TYPE
Panuto: Sa loob ng kahon makikita ang grupo ng mga salita na magsisilbing kasagutan sa mga
pangungusap sa mga sumusunod na bilang. Isulat ito sa patlang sa pamamagitan lamang ng
malalaking titik.

ARCHAEOLOGY DENDROCHRONOLOGY HOMINID


CATAL HUYUK EUPHRATES NEOLITIKO
CRO- MAGNON HAMMURABI POTASSIUM-ARGON DATING
CYRUS THE GREAT HITTITE TIGRIS

___________ 26. Isang siyentipikong pamamaraang ginagamit upang matukoy ang gulang o edad ng
isang puno.
___________ 27. Isang sangay ng agham na mag aaral sa kultura at pamumuhay ng mga sinaunang
tao sa pamamagitan ng paghuhukay at pagsusuri ng mga artifact at mga labi or
remains.
___________ 28. Terminong ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang
antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
___________ 29.Isang pamamaraan na ginagamit upang tukuyin kung gaano na katagal ang mga
sinaunang depositong mineral o mineral deposits sa pamamagitan ng pagsusuri ng
potassium isotope na naging argon.

___________ 30. Ito ay isang pamayanang sakahan na ang pangunahing pamumuhay ay

pagtatanim ng trigo, barley at pangangalaga ng mga tupa at baka.


___________ 31. Ang kanilang pangalan ay hango sa lugar sa katimugang France at natagpuan ang
kanilang mga labi noong 1856 at syang nag iwan ng mga pinta sa yungib ng
Altamira sa hilagang Spain at Lascaux sa timog-kanlurang France.
___________ 32. Sila ay orihinal na nagmula sa Hilagang Silangang bahagi ng Black Sea na
kanilang nilisan at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
___________ 33. Persyanong pinuno na nagtatag ng Imperyong Achaemenid na syang naging
dahilan ng halos talong taong milenyong pagpupunyagi ng mga mamamayan ng
Mesopotamia sa kanilang sariling lupain.
___________ 34.-35. Sa pagitan ng dalawang ilog na ito ay umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa buong daigdig sa Mesopotamia.
PART IV. ENUMERATION
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Ito ay isulat sa malalaking titik
lamang at maaaring gamitin ang likod ng bahagi ng papel sa pagsagot.
36. – 39. Magbigay ng apat na kultur ana yumabong sa panahon ng Upper Paleolithic Period.
40. – 41. Dalawang estruktura na tinatanaw na positibong pangyayari sa panahon ng Dinastiyang
Ming.
42. – 43. Dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng Panitikan
44. – 45. Magbigay ng dalawang kaparaanan na isinasagawa upang matukoy nang tuwiran ang
panahon ng mga pangyayari o mga bagay mula sa nakaraan.
46. – 48. Tatlong tanyag na pamamaraan na nadiskubre ng mga Indian na kanilang isinagawa sa
larangan ng medisina at panggagamot
49. – 50. Magbigay ng dalawang trabaho o gawain ng outcaste o untouchable sa sistemang Caste ng
India.

"Every lie is two lies, the lie we tell others and the lie we tell ourselves to justify it."
--Robert Brault
***GOOD LUCK ***

Inihanda ni:
G. Rey Mark D. Doloiras
BSED3 Social Studies

You might also like