You are on page 1of 4

Tagisan ng Talino sa Kasaysayan 2015

Madali
1. Ang paniniwala at salaysay ukol sa paglikha ng mga bagaybagay alinsunod sa kultura ng isang grupo
Sagot: creation myth
2. Ang paliwanag sa anumang bagay, proseso o pangyayari
Sagot: teorya
3. Tinatayang edad ng daigdig
Sagot: 4.6 bilyong taon
4. Pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig
Sagot: kontinente
5. Naglalarawan sa isang proseso kung saan ang mga indibidwal
na nagtataglay ng pinaka-angkop na katangian ay nabubuhay at
dumarami nang mas mabilis kung ihahambing sa iba
Sagot: natural selection
6. Dalawa sa sinaunang pamayanang Neolitiko na umusbong sa
daigdig sa pagitan ng 10,000 4,000 B.C.E.
Sagot: Jericho at Catal Huyuk
7. Ang katangian ng pagiging tao ng mga diyos at diyosa ng
daigdig
Sagot: anthropomorphic
8. Dito natuklasan ang paggamit ng bakal
Sagot: Hittite
9. Paraan ng paghahati ng imperyo ng Persia sa mga lalawigan na
pinamumunuan ng isang gobernador
Sagot: Satrapy
10. Pinuno ng lungsod-estado sa Sumer
Sagot: lugal

Katamtaman
1. Nangangahulugan din itong untouchable at itinuturing ng India
na pinakamababang antas ng tao sa kanilang caste
Sagot: outcaste
2. Isang instrumentong ginamit ng mga Chinese upang makipagusap sa kanilang mga diyos at humingi ng gabay tungkol sa
kanilang pamumuhay sa sinaunang China kung saan kakikitaan
ng mga simbolo o kasulatan na sinasabing pinagmulan ng wika ng
mga Chinese at matatagpuan sa mga tortoise shell at cattle bone
Sagot: oracle bone
3. Ang tunay na pangalan ni Genghis Khan, ang pinuno ng mga
Mongol na sumakop sa China at nagtatag ng Dinastiyang Yuan
Sagot: Temujin
4. Lungsod na itinatag ng Dinastiyang Ming sa Peking na naging
tahanan ng emperador
Sagot: Forbidden City
5. Pilosopiya sa China na umaayon sa mahigpit na pagpapatupad
ng mga batas
Sagot: Legalism
6. Rutang pangkalakalan sa pagitan ng China at Kanluran
Sagot: Silk Road
7. Isang mahalagang kaisipang pang-medisina ng India na
nangangahulugang agham ng buhay
Sagot: ayurveda
8. Proseso ng preserbasyon ng mga patay sa Egypt bago ang
paglilibing na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa
kabilang-buhay
Sagot: mummification
9. Ang dalawang epikong isinulat ni Homer pumapaksa sa buhay
ng mga hari, bayani at mga mamamayan ng Minoan, Mycenaean
at Troy
Sagot: Iliad at Odyssey
10. Ang tawag ng mga Greek sa kanilang mga sarili
Sagot: Hellenes

Mahirap
1. Hydraulic engineer ng China sa ilalim ng Dinastiyang Qin na
gumawa ng dam at mga irigasyon upang masolusyunan ang
suliranin ng lumalaking populasyon ng China at ang lumalaking
pangangailangan ng mga mamamayan at mga sundalo sa
pagkain
Sagot: Li Bing
2. Ang katawagan sa mga lungsog-estado o pamayanan sa
Greece
Sagot: polis
3. Istrukturang itinayo sa panahon ni Pericles upang magbigaypugay sa kanilang patron na si Athena, ang diyosa ng karunungan
Sagot: Parthenon
4. Isa sa itinuturing na dahilan ng pagbagsak ng imperyong
Greece ay ang patuloy na digmaan sa pagitan ng Athens at mga
kaalyadong lungsod-estado nito sa Delian League laban sa grupo
ng mga Spartans at ng Peloponnesian League. Ano ang tawag sa
digmaang ito?
Sagot: Digmaang Peloponnesian
5. Sinimulan ito sa panahon ni Cleisthenes kung saan
pinahihintulutan ang mga mamamayan na sa kanilang paniniwala
ay mapanganib para sa Athens
Sagot: ostracism
6. Siya ang admiral ng Dinastiyang Ming na nagpagawa ng
mahigit 300 barko na naglayag sa 37 bansa sa daigdig upang
ipakita sa buong mundo na makapangyarihan ang China
Sagot: Zheng He
7. Ang tunay na pangalan ni Shi Huangdi, ang emperador ng
Dinastiyang Qin na nagpasimula ng pagpapagawa ng Great Wall
of China at nagpagawa ng sariling pyramid bilang libingan at
terracotta warriors upang magbantay sa kanyang libingan
Sagot: Ying Zheng
8. Ang nag-iisang lungsod-estado ng Greece na hindi nasakop ng
Imperyong Macedonian
Sagot: Sparta
9. Isang uri ng pamahalaan na sinikap isabuhay at pinaniwalaan
ng mga Greek
Sagot: demokrasya

10. Siya ang emperador ng Dinastiyang Sui na nagpagawa ng


Grand Canal sa China na naging dahilan ng pagyabong ng kultura,
panitikan, sining at kalakalan sa China
Sagot: Yang Di

You might also like