You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN- GRADE 8

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa;


a. Africa – Mali, Songhai
b. America – Aztec, Maya, Olmec, Inca,
c. Mga Pulo sa Pacific
AP8DKT-IId-4, AP8DKT-IId-5, AP8DKT-IIe-6, AP8DKT-IIe-7

II. PANGKALAHATANG IDEYA

Bunsod sa pagkakaiba-iba ng kaanyuan ng mga lugar sa daigdig, iba


iba rin ang naging daloy ng pagkakabuo ng mga kabihasnan sa Africa, America
at piling mga pulo sa Pasipiko. Gayunpaman, pare-pareho itong nakahubog ng
sistemang politikal, ekonomiya, relihiyon at estruktura ng lipunan.
Laman ng talakay sa SMILE Learner’s Packet na ito ang Klasikal na
Kabihasnan sa Amerika, Aprika at mga pulo sa Pasipiko. Gamitin ang
pantulong biswal sa ibaba sa pag-unawa ng talahanayang kalakip.

Klasikong Kabihasnan

Amerika Pasipiko Aprika

Aztec Austronesia Mali

Inca Melanesia Songhai

Maya Polynesia

Olmec

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
1
Klasikal na Kabihasnan Sa Amerika: Aztec, Inca at Maya

Malaking bahagdan ng pangkasalukuyang gamit at kaalaman ay


nauugat sa mga klasikal na kabihasnan na nagmula sa Gitnang Amerika (kilala
rin sa tawag na Latin Amerika). Nasa talahanayan sa ibaba ang tatlong tanyag
na kabihasnan at ang kanilang kabihasaan sa iba’t ibang larang;

KLASIKAL NA KABIHASNAN SA APRIKA


LARANGAN
Aztec Inca Maya
Ginamit ang Nagkaroon ng Malaking kasang-
paninindak at sentralisadong kapan ang mga
pagsasakripisyo pamahalaan kung pari sa
sa diyos upang saan mayroong pamamalakad ng
takutin at kontrolin malaking pagkiling mga lalawigan.
ang mga sa pagpapalawak ---------
mamamayan. ng teritoryo. Halach Uinic ang
--------- --------- tawag sa kanila na
Politika Sapilitan ring Ilan sa mga ang ibig sabihin ay
pinagbabayad ng taniyag na pinuno “tunay na lalaki”.
tribute o buwis ng Inca ay sina,
ang mga Mano Capac,
nagaping lungsod Pachakuti at
na siyang Topa Yupagqui.
gagamitin sa
pamamahala.

Matalinong Ang Mayroong mataas


ginamit ang pagpapatupad ng na antas ng
matatabang lupa sentralisadong kaalaman sa
at ang chinam- pamahalaan sa agrikultura at
pas (artipisyal na harap ng napa- pangangalakal.
pulo) upang kalawak na Bantog na produkto
Ekonomiya mapa-lago ang imperyo ay naging ang mais, patani,
mga agri-kultural dahilan upang kalabasa, abokado,
na produkto. maging hamon sili, pinya, papaya
ang pagpa-panatili at cacao.
ng katiwasa-yan
sa imperyo.

Bilang isang Ang kanilang Nagtatayo ng mga


pamayanan ng siste-ma ng piramidong
mga magsasaka pananam- estruktura na
na umaasa sa palataya ay nagsisilbing
sinag ng araw, nahahalintulad sa dambana ng mga
Relihiyon
sentro ng Aztec at Maya. diyos.
pananampalataya --------- ---------
si Gayunpaman, Sa tuktok ng mga
Huitzilopochtli, hindi ito lubos piramido idinadaos
nabigyang linaw ang pag-aalay
RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
2
ang diyos ng dahil sa kanilang bilang pagpupgay
araw. hindi pa kay Kukulcan na
--------- natutuntong sanhi diyos na may
Sila ay nag-aalay ng paglaho. imaheng ahas.
ng tao (bihag o ---------
man-dirigma) Isa sa mga
upang mapanatili ispekulasyon rito
ang lakas ng ay ang
kanilang mga paglaganap ng
diyos. epidemya na
kumitil sa buhay
ng maraming tao.
Mayroong mataas Batay sa mga Mayroong maayos
na kaalaman sa bakas ng kanilang na sistema ng mga
pag-iinyenhero. pinanaugan, ang kalsada at daluyan
Sila ay may Inca ay mayroong ng tubig.
kakaibang estilo organisadong ---------
sa pagtatayo ng pamayanan, may Malaki ang pag-uuri
mga kanal, kasanayan sa ng mga mahihirap
aqueduct, dam at paggawa ng at nakaririwasa.
mga gusali. patubig at gusali.
Lipunan ---------
Ngunit, kakaunti
lamang ang batid
sa kanilang
lipunan dahil
maging sa
ngayon, hindi pa
rin natutunton ang
tuwirang sanhi ng
kanilang paglaho.

Sa kabila ng nabuong kabihasan ng Aztec, Inca at Maya, tuluyan itong


humina nang dumating ang mga mananakop na Europeo sa kanilang mga
dalampasigan. Ang mayamang kulturang hinubog sa mga lupain ng Gitnang
Amerika ay unti-unting nagbago sa pagdating ni Francisco Pizzaro at Hernando
Cortes -mga conquistador mula sa bansang Espanya.

Klasikal na Kabihasnan Sa Aprika: Mali at Songhai

Ang Kontinente ng Aprika ay isang malawak na tipak na lupa na


matatagpuan sa timog ng Europa at kanluran ng Asya. Maliban sa pagiging
duyan ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto, tahanan rin ito ng dalawa pang
klasikal na sibilisasyon; ang Mali na tumagal mula 1235 hanggang 1466, at ang
Songhai noong 1468-1590.

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
3
KLASIKAL NA KABIHASNAN SA APRIKA
LARANGAN
MALI SONGHAI
Gumamit ng dahas upang Binbigyang pansin ang mga
mapalawak ang teritoryo hinaing ng mamamayan.
tulad ng estilo ni Sundiata. Natutunan ito ng pinuno na
--------- si Askia mula sa mapait na
Tinatawag na MANSA ang sinapit ni Haring Sunni Ali.
kanilang hari. Halimbawa ay ---------
Politika
si Mansa Musa. Pinaigting ang lawak ng
--------- imperyo sa pamamagitan ng
Mayroong mabilis na pananakop.
paglapat ng kaparusahan sa
mga nagkakasala.

Pinakinabangan ang mga Tiniyak na magiging


yamang mineral tulad ng matiwasay ang pamumuhay
ginto at asin sa ng mga mamamayan sa
pakikipagkalakal. ilalim ng bago at itinuwid na
--------- pagbubuwis.
Pinagyabong ang kanilang ---------
Ekonomiya
kabihasaan sa Sinikap na magkaroon ng
pakikipagkalakal gamit ang maayos na ugnayan sa
mga caravan. pagitang ng sentral na
pamahalaan at mga
lalawigan nito.

Malaki ang impluwensiya ng Ang mga mamamayan ng


relihiyong Islam sa rehiyon Songhai ay tapat sa mga
bunsod ng pakikipag- turo ng relihiyong Islam.
Relihiyon ugnayan nito sa mga
mangangalakal ng
Kanlurang Asya.

Mataas ang pagkilala sa Matiwasay ang mga


katayuan ng kababaihan, at pamayanan at kinaiingitan
binigyan ng layang lumabas ng mga karatig na bansa
Lipunan ng tahanan at maging (tulad ng Morroco) dahil sa
kapantay ng katayuan sa tugatog na kanilang
lalaki sa lipunan. tinatamasa.

Klasikal na Kabihasnan sa mga Pulo sa Pasipiko:


Austronesia, Melanesia at Polynesia

Ayon sa pag-aaral ng mga sosyo-antropolohista, maaaring nanggaling sa


mga pulo ng Pasipiko ang mga unang taong nanirahan sa mga isla ng Pilipinas.
Lulan ng malaking bangka na kung tawagin ay balangay, tinawid nila ang
malawak na Karagatang Pasipiko upang makahanap ng mas malago’t mas
RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
4
panatag na tirahan. Ang migrasyong ito ang maaaring sanhi kung bakit ang
kasalukuyang Pilipino ay mayroong pagkakahawig sa pisikal na itsura ng mga
taga-Pasipiko. Nasa talahanayan ang mga klasikal na kabihasnang nabuo sa
Pasipiko:

KLASIKAL NA KABIHASNAN SA APRIKA


LARANGAN
Micronesia Melanesia Polynesia
Mayroong Hindi pari ang Malaki ang implu-
paghahati sa namumuno sa wensiya ng panin-
pagitan ng mga mga pamayanan iwala sa mana sa
naninirahan sa kundi mga sistemang politikal.
high-lying attols at mandirigma. Ang mga tapu o
low-lying attols. ipinagbabawal na
Ang gilas sa paki- kilos ay may
Ang pag-uuring kidigma at karampatang
Politika
pinaiiral ay hindi karakter ang isa parusa kapag hindi
nakabatay sa sa batayan sa sinunod.
kata-yuan ng pagpili ng susu-
mamama-yan nod na pinuno
kundi sa heyo- tulad ng
grapikal na katapangan, ka-
kinalalagyan. rahasan,
karangalan.
Malimit ang Hindi lubos na Bilang
kalakalan sa mga mayaman at pamayanang nasa
magkakaratig- maunlad ang gitna ng kara-
pulo. Sa halip na Melanesia. gatan, pangingisda
perang metal, ang pangunahing
gumagamit sila ng hanapbuhay ng
Ekonomiya stone money o tao.
mga shell bilang
pambayad. Marunong rin
silang magsaka ng
mga tropikal na
halaman.

Animistiko ang Animistiko ang Naniniwala sila sa


estruktura ng estruktura ng konsepto ng mana
pananampalataya. pananampalataya. o lakas na
Maraming diyos at Maraming diyos at maaaring
diyosa ang pinag- diyosa ang pinag- matagpuan
aalayan ng aalayan ng saanman at
panalangin sa panalangin sa anumang bahagi
Relihiyon
Melanesia. Melanesia. ng daigdig.
Maaaring
Laganap rin sa manggaling ito sa
mga buhay at ‘di-
magkakaratig-pulo nabubuhay.
ang paniniwala sa
mana.
RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
5
Nagatatayo ng Pagsasaka ang Ang
mga pamayanan pangunahing pangkaraniwang
sa lugar na hindi hanapbuhay ng laki ng pamayanan
lubhang masisira mga tao. ay binubuo lamang
ng mga Nagtatanim sila ng 30 pamilya.
kalamidad. ng taro, niyog at
pandan. Ibinabatay nila ang
laki ng pamayanan
Nagpamalas ng Bukod sa ayon sa dami ng
Lipunan interes sa pagsasaka, mapagkukunan ng
pagpapaganda at marunong rin mga makakain.
pananamit. silang mangisda
at gumawa ng Sentro ng kanilang
mga palayok. pamayanan ang
tohua na
nagsisilbing
tanghalan ng mga
ritual at
pagpupulong.

Ang pag-iral ng mga klasikal na kabihasnan sa America, Aprika at


Pasipiko ay pagpapatunay lamang na mayroong mataas at organisadong
paraan ng pamumuhay ang mga tao sa iba’t ibang dako ng daigdig. Malaking
puwang ang pinupunan ng mga ito sapagkat naging paunang hakbang ang
mga sibilisasyong ito sa paghubog ng makabagong lipunan.

III. MGA GAWAIN

Gawain 1: VENN DIAGRAM


Panuto: Suriin ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng SINAUNANG
KABIHASNAN at KLASIKAL NA KABIHASNAN. Gamitin ang Venn Diagram sa
ibaba upang maipakita ang paghahambing ng mga ito.

Sinaunang Klasikal na
Kabihasnan Kabihasnan

1. ___________ 1. ___________
2. ___________ 2. ___________
3. ___________ 3. ___________
4. ___________ 4. ___________

Pagkakahalintulad

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
6
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagkakaiba ang katuturan ng ‘sinauna’ at ‘klasikal’ na kabihasnan?
2. Ano ang pagkakahalintulad ng mga ‘sinaunang kabihasnan’ sa ‘klasikal na
kabihasnan’?

Gawain 2: PAGSUSURI
Panuto: Basahin at unawaing maigi ang mga pahayag sa bawat aytem. Suriin
ang kawastuhan ng mga ito. Isulat ang TAMA kung wasto ang diwa ng
pangungusap. BILUGAN naman ang (mga) salita na mali upang maging wasto
ang pangungusap.

_________ 1. Nagmula ang salitang kabihasnan sa salitang ugat na


‘bihasa’ na ang ibig sabihin ay ‘mayroong kagalingan’.
_________ 2. Pagmimina at paggawa ng asin ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga kabihasnan sa Pasipiko.
_________ 3. Iniaalay ng mga Aztec ang buhay ng mga alipin para sa
kanilang mga sinasambang diyos /diyosa.

_________ 4. Mayroong sistema ng pagbubuwis ang mga klasikong


kabihasnan sa Aprika.
_________ 5. Ginagamit sa Mali at Songhai ang stone money bilang pera
na pambayad sa kalakal.
_________ 6. Ang mga klasikal na kabihasnan sa Amerika, Aprika at
Pasipiko ay pawang nabubuhay sa pagtatanim at pagsasaka.
_________ 7. Mayaman sa yamang mineral tulad ng ginto ang mga pulo sa
Pasipiko.
_________ 8. Malaki ang gampanin ng mga pari at pinunong panrelihiyon
sa mga pamayanan sa klasikal na kabihasnan.

_________ 9. Nagkaroon ng pagpapahalaga sa mga kababaihan tungo sa


paghubog ng maayos na pamayanan.
_________ 10. Ipinamalas ng mga klasikong kabihasnan ang katatgan sa
pagiinyenhero patunay ang mga estrukturang iniwan nila sa
kasalukuyan.

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga bilang/aytem ang wastong pahayag? Alin naman ang hindi
wasto ang diwa?
2. Paano mo natitiyak ang kawastuhan ng mga pangungusap?

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
7
Gawain 3: Pag-uugnay sa Lokal
Panuto: Mula sa iyong natutunan, pag-ugnayin ang klasikal na kabihasnan sa
pre-kolonyal na mga pamayanan sa Pilipinas ayon sa iba’t ibang larang.
Maaaring nasa konteksto ito ng Bicol o maaari ring sa ibang lalawigan ng
bansa. Inihanda ang halimbawa bilang gabay.

Klasikal na Kabihasnan sa Pre-Kolonyal na Pamayanan


Larangan
Amerika, Aprika at Pasipiko sa Pilipinas

Politika ✓ Pinamumunuan ng mga makikisig, ✓ Datu, Rajah at Sultan ang


matapang at magilas na katawagan sa mga pinuno.
mandirigma. Tinutulungan siya ng lupon ng
mga tagapayo ng mga matatanda.
✓ ____________________ ✓ ____________________

Ekonomiya ✓ ____________________ ✓ ____________________

✓ ____________________ ✓ ____________________

Relihiyon ✓ ____________________ ✓ ____________________

✓ ____________________ ✓ ____________________

Lipunan ✓ ____________________ ✓ ____________________

✓ _______________________ ✓ _______________________

Pamprosesong Tanong:
1. Mayroong bang pagkakahalintulad ang estruktura ng pamumuhay ng
mga Klasikal na Kabihasnan sa Amerika, Aprika at Pasipiko sa uri rin
ng pamumuhay nating Pilipino?
2. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng klasikong kabihasnan sa
perspektibo ng isang Pilipino?

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Rubriks para sa Gawain 3:
Napakahusa Kailangang Walang
Magaling Katamtaman
Pamantayan y Paghusayan Naipakita
(4) (3)
(5) (2) (1)
Integrasyon Mayroong 2 Mayroong 2 Mayroong 1 Mayroong 1 Walang
ng Pagkatuto naipakitang naipakitang naipakitang naipakitang naipakitan
pag-uugnay pag-uugnay pag-uugnay pag-uugnay g pag-
ng klasikong ng klasikong ng klasikong ng klasikong uugnay ng
kabihasnan kabihasnan kabihasnan kabihasnan klasikong
sa Amerika, sa Amerika, sa Amerika, sa Amerika, kabihasna
Aprika, Aprika, Aprika, Aprika, n sa
Pasipiko sa Pasipiko sa Pasipiko sa Pasipiko sa Amerika,
Konteksto Konteksto ng Konteksto ng Konteksto ng Aprika,
ng Pre- Pre-kolonyal Pre-kolonyal Pre-kolonyal Pasipiko

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
8
kolonyal na na Pilipinas, na Pilipinas. na Pilipinas, sa
Pilipinas. Ito ngunit hindi Ito ay ngunit hindi Konteksto
ay lubos na naaangkop lubos na ng Pre-
naaangkop naaangkop. sa larang na naaangkop. kolonyal na
sa larang na pinupunan. Pilipinas.
pinupunan.
Gamit ng Kahanga- Nailapat ang Nauunawan Nakapagsula Walang
balarila at hangang gamit ng ang mga t ng tugon awtput na
pangungusap paggamit ng balarila at ideya na nais ngunit naipakita
. balarila -may pagbabaybay ipahayag malaking
pagsang- -halos lahat ngunit hindi bahagi ang
ayon sa na lubos nahabi hindi maayos
gamit ng pangungusa ng maayos na nabuo
paksa at p ay may ang pandiwa ang ugnayan
pandiwa. maayos na at paksa. ng paksa at
Wastong pagsang- Mayroon ring pandiwa.
naibaybay ayon ng nahahalatan Maraming
ang mga paksa at g salita na salita ang
salita. pandiwa. hindi hindi
Kadaklang naibaybay ng naibaybay ng
salita ay maayos. maayos.
naibaybay ng
maayos.

V. SUSI SA PAGWAWASTO
(Tingnan ang kalakip na papel para sa mga susi sa pagwawasto.)

VI. SANGGUNIAN
• Blando, Rosemarie C. , Michael M Mercado, Mark Alvin M Cruz, Angelo C
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C
Manalo, and Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig:
Araling Panlipunan 8 -Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal
Group Inc. and Department of Education -Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd -IMCS).
• Vivar, Teofista L, Priscilla H Rillo, Zenaida M De Leon, and Nieva J
Discipulo. 2000. Kasaysayan ng Daigdig -Batayang Aklat Para sa Ikatlong
Taon. Quezon City: SD Publications, Inc.

Inihanda ni:

ALLAN T. GIANAN
San Andres Vocational School
SDO- Catanduanes

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
9
V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1: VENN DIAGRAM

Sinaunang
Kabihasnan Nakahubog Klasikal na
ng isang Kabihasnan
sistema ng
1. Unang naganap (mula sa pamumuhay,
huling mga taon ng BCE organisado at 1. Nabuo sa pagpasok
hanggang sa unang siglo bihasa sa
mga
ng mga taong CE
ng CE) (Common Era).
partikular na
larangan.

Pamprosesong Tanong:
1. -2. Ang sagot sa mga pamprosesong tanong ay magsasalamin sa
mga sagot na naibigay sa loob ng Venn Diagram.

Gawain 2: Pagsusuri

1. TAMA 6. TAMA
2. ‘Pagmimina at paggawa ng Asin’ 7. ‘mga pulo sa Pasipiko’
3. TAMA 8. TAMA
4. TAMA 9. TAMA
5. ‘Mali at Songhai’ 10. TAMA

Pamprosesong Tanong:
1. -2. Ang sagot sa katanungang ito ay nakasalalay sa naging karanasan
ng mag-aaral sa pagpuno ng gawain.

Gawain 3: Pag-uugnay sa Lokal

Klasikal na Kabihasnan sa Pre-Kolonyal na Pamayanan


Larangan
Amerika, Aprika at Pasipiko sa Pilipinas

Politika ✓ Pinamumunuan ng mga ✓ Datu, Rajah at Sultan ang


makikisig, matapang at magilas katawagan sa mga pinuno.
na mandirigma. Tinutulungan siya ng lupon ng
mga tagapayo ng mga
✓ Nagtatatag ng mga patakarang matatanda.
naglalayong mapaunlad ang
pamumuhay ng nasasakupan

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
10
✓ Nagpapatupad rin ng mga batas
na nagtitiyak sa kaligtasan ng
baranggay.

Ekonomiya ✓ Nakikipagkalakalan sa karatig ✓ Nakikipagpalitan ng produkto sa


bansa gamit ang mga caravan, mga Tsino, Malay at karatig pulo.
kamelyo.
✓ Wala pang sistema ng
✓ Stone money at Shells ang pananalapi. Produkto ang
nagsisilbing perang pambayad. ipinapampalit.
Relihiyon ✓ Nakabatay sa kalikasan ang mga ✓ Nakabatay rin ang
diyos na sinasamba. pananampalataya sa
✓ May mga pag-aalay ng buhay ng animistikong kaugalian.
tao.
Lipunan ✓ Mayroong pag-aatas ng gawain ✓ Mayroong malinaw na hatian sa
sa bawat kasapi ; mayroong mga gampanin sa loob ng
mga mandirigma, magsasaka, pamayanan /baranggay.
mangingisda at atbp.

Pamprosesong Tanong:
1. Opo. Malaki ang pagkakahalintulad ng mga Kabihasnang Klasikal sa
Prekolonyal na Pilipinas. Bagamat malayo ang heyograpikal na
kinalalagyan ng Pilipinas sa mga tinalakay na mga klasikal na
kabihasnan, mapapansin na ang kaanyuan ng kapaligiran ay
magkakahalintulad. Ang pangangailangan na magkaroon ng matibay at
matatag na pamayanan ay nanantiling totoo sa bawat kabihasnan.

2. Maaaring maging subjektiv ang tugon ng mga mag-aaral.

RO_AP_Grade 8_Q2_LP 3
11

You might also like