You are on page 1of 1

KABIHASNANG MAYA (250 CE- 900 CE)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon


sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian
sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga
pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos. Nang lumaon, nabuo rito
ang mga lungsod- estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at
mayaos na kalsada at rutang patubig ang mga lungsod- estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod
ang pagkakahati- hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mga mahihirap at nakaririwasa. Ang
sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos.

Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda,
pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Dahil sa
kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa
pagtatanim tulad ng mais gayundin tungkol sa ulan. Ayon sa ilang dalubhasa maaaring ang pagkasira ng
kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.

KABIHASNANG INCA (1200-1521)

Noong ika- 12 siglo, isang pangkat ng mga taong nanirahan sa hilagangkanluranng bahagi ng Lake
Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit
na lungsod- estado. Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong
1532, ang lupain ng Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa
katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at
kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti- unting humina ang imperyo. Dagdag
pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imperyong Inca na naging malayo mula sa sentrong
pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng
kanilang kapangyarihan. Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang political na pinalubha
pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na
Espanyol.

KABIHASNANG AZTEC (1200- 1521)

Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging
mahalagang sentrong pangkalakalan. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay ataba subalit hindi ito malawak.
Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabuanan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha
ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden. Dahil sila ay mga
magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito
bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw.

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na
makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay- daan upang sila ay maging maunlad. Ang
paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontol at
mapasunod ang pang mga karatig- lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kailangan ding magbigay
ng tribute o buwis. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad
ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng
mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico.
Inakala ni Montezuma II, pinuno ng Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing
pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521,
tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

You might also like