You are on page 1of 6

Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific:

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica:


A. Kabihasnang Maya (250-900 CE)
- Nilinang sa Central America (Guatemala at Honduras); tulad ng mga Olmec, ito ay nabuo na may katangiang
panrelihiyon. Maliliit na pamayanan at ang mga bahay ay yari sa kahoy at putik. Pagsasaka ng mais, kalabasa at
pangangalakal ng cacao, textiles, fine pottery, asin, animal skin at jade ang pangunahing kabuhayan. Libangan din sa
pamayanan ang larong Pok-a-tok.
- Politeismo ang katangian ng relihiyon o paniniwala sa iba’t ibang diyos at diyosa. May mahalagang papel na
ginagampanan ang Pari sa pang-araw araw na buhay ng mga Mayan tulad ng pangangalaga sa kapakanan ng mga tao,
pinuno ng mga seremonyang panrelihiyon, may kinalamamn sa pagtatayo ng mga temple, record-keeper, time-keeper
o nagtataya ng pagsusukat ng oras batay sa obserbasyon sa heavenly bodies, guro, gumagawa ng kalendaryo. Ang
mga templo ay hugis piramide at may malalim na balon sa jtabi. “Halach Uinic” ang tawag sa pinuno ng pamahalaan
na taglay ang kapangyarihan na palawakin ang mga religious centers sa buong pamayanan. Kilala sa kabihasnang
Maya ang kanilang kalendaryo na may 365 days, panghuhula sa mga solar at luna eclipses. Bumagsak ang kabihasnan
dahil sa paghihimagsik ng mga tao laban sa mga pari.

B. Kabihasnang Aztec (1200-1521 CE)


- Itinatag sa Lambak ng Mexico. Ang “Anahuac” ang taguri sa lupain ang ibig sabihin ay “land on the edge of
water” gaya ng Tenochtitlan na isang isla na nasa Lake Texoco. Pagsasaka, pangangalakal ng tsokolate at alak
(tequila), at pagmimina ay pangunahing kabuhayan. Ang mga Aztec ay magagaling na inhinyero, patunay nito ay ang
“Chinampas” o ang floating garden na may sariling sistemang irigasyon, aqueducts, land bridges, Zoo, sewerage
system, at courtyard na may fountain at roof garden. Kilala sa kabihasnang Aztec ang mga templong Pyramid of the
sun at Pyramid of the moon. Politeismo rin ang katangiang panrelihiyon. Ang Diyos-araw o Sungod ang
pinakamataas na diyos. Kilala rin si “Huitzilopochtli” na tinatawag na god of war at si Centeotl o goddess of flower.
Ang pagsasagawa ng human sacrifices bilang pagsamba at pasasalamat sa kanilang mga diyos at diyosa. Ang hari na
namumuno sa buong pamayanan ay makapangyarihan tulad sa isang imperyo. Sa kabihasnang ito, hindi sila
gumagamit ng gulong o bakal, ngunit kilala sa kanila ang “Obsidian” o bato mula sa bulkan. Sa lipunang Aztec ang
lahat ng tao ay maaaring makapag-aral at ang mga asignatura na may hawig sa ngayon na mga subject na History,
Religion, Biology, Philosophy at Writing. Bumagsak ang kabihasnang Aztec dahil sa pananakop ng mga Espanyol
noong 1519 sa pangunguna ni Conquistador Hernando Cortez.

Kabihasnan sa South America


A. Kabihasnang Inca (1200-1521)
- Itinatag sa lambak ng bulubunduking Andes, South America. Tinatawag na “Cuzco” ang lugar noon na kilala ngayon
bilang Peru, Chile, Ecuador, Bolivia at Argentina. Ang Manchu Picchu ang taguri sa sinaunang lungsod ng mga Inca.
Kilala rin sa pamayanang Inca ang Manco Capac o ang siyudad ng araw. Pagsasaka, pangangalap, pag-aalaga ng
hayop at pagmimina ang pangunahing kabuhayan ng mga Inca. Kilalang produkto ng mga Inca ang “Chicha” o ang
alak mula sa mais. Mahuhusay din ang mga Inca sa larangan ng paggawa ng mga tunnels, dugtong dugtong na mga
kalye, hanging bridges, aqueducts, at mga hotels o inns. Katulad ng mga Mayan at Aztec, ang mga Inca ay mga
politeista din, sumasamba sila sa iba’t ibang diyos at diyosa, kinikilala ang Sun-God o Diyos-araw ang pinakamataas
na diyos. Ang pinuno ng kaharian ay tulad din sa isang imperyo, makapangyarihan at direktang namumuno sa buong
nasasakupan at kinilala ang pinuno na anak-araw. Kaya’t may paniniwala sila ang mga Inca ay mga panginoon. Ang
pamahalaan nila ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng mga mamamayang Inca. Malaya rin ang pag-aaral
sa kabihasnang ito lalo na sa mga asignaturang Matematika at pagsulat. Patunay nito ay ang “Quipu” o ang sistema
ng pagbibilang ng mga Inca na gawa sa taling kinukulayan na may iab’t ibang haba na binubuhol (colored cords). Sa
lipunang Inca, ang mga tao ay walang pagkakataonng paunlarin ang sarili, walang karapatan na mamimili ng
mapapangasawa. Bumagsak din ang kabihasnang Inca sa kamay ng mga Espanyol sa pangunguna ni Conquistador
Francisco Pizarro.

Kabihasnan sa Pulo ng Pacific:


Polynesia – ay nangangahulugang “maraming isla”: poly – marami at nesia – isla. Ito ay matatagpuan sa gitna at
timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki
kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island,
Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tokelau, Samoa, American Somoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral
Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Ang sentro ng pamayanan ay ang “tohua” na kadalasang
nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga
pari at mga banal na estruktura. Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o “mana.” Ang katagang mana ay
nangangahulugang “bias” o “lakas.” Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, Bangka,
at iba pang bagay. May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana, Halimbawa, bawal
pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring
sumakay sa Bangka sapagkat malalapastangan niya ang Bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking
naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo
sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. Ang tawag sa mga pagbabawal
o prohibisyong ito ay “tapu.” Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Micronesia – ay nangangahulugan naman na “maliliit na mga isla”: micro – maliit at nesia – isla. Ang maliliit na
pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo
ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands(ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang mga
sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o gadt-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao
ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan a bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Kalakalan ang pangunahing kabuhayan sa rehiyong ito.

Melanesia – ay nangangahulugang “maiitim ang mga tao dito”: mela – maitim at nesia – isla. Ang Melanesia ay
matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck
Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. pinamumunuan ito ng
mga mandirigma. Tagumpay sa ddigmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong
Papuan, ang kultura ay hinuhubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan,
paghihiganti, at karangalan. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa mga isla ng Melanesia. Ang mga Melanesian
ay naniniwala sa animism o pagsamba sa ispiritu ng kalikasan.

KABIHASNAN SA AFRICA
Heograpiya ng Africa
AFRICA – “The Dark Continent” ( taguri dito dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga manunulat ukol sa Africa)
“Kontinente ng Kinabukasan” (potensyal na yaman)
Ang 2 Africas: Mediterranean Africa – coastal regions north of Sahara at Tropical Africa – regions south of
Sahara
Topograpiya: Arid desserts (“arid” means little rains); Snow capped mountains (Mt.Kilimanjaro – pinakamataas na
bundok sa Africa); Hot steaming plains (Sahara – largest dessert); Tropical lush forest
Samahang Panlipunan ng Africa:
Mga Pundasyon ng Paglinang ng Kabihasnan sa Africa
paglaganap ng paggamit ng bakal; pag-unlad ng paraang pagsasaka; pagdami ng bunga ng pananim; at
pagsulong ng kalakalan

Mga Pangangailangan ng mga kasapi sa isinasaalang-alang:


o Hiwalay ng kapangyarihan:
- pagkain at salapi sa mga nangangailangan; pangangalaga sa mga biyuda, ulila,
1. pangasiwaan ang hukbo
matatanda at maysakit; at paggalang sa mga nakatatanda
2. pangongolekta ng buwis
Tungkulin ng may hawak ng dalawang kapangyarihan: pagkontrol sa
3. pagpapasya sa usapin
distribusyon ng lupain at pagtatakda ng panahon ng pagtatanim at uri ng pananim
4. alam ang lahat ng batas
Sinaunang Lipunan sa Africa
- 3000 BCE, isinagawa ang Kalakalang Trans-Sahara – isang masaganang kalakalan na umunlad sa pagitan ng
Hilagang Africa at Kanlurang Sudan (Timog ng Sahara) tumagal ang kalakalang ito hanggang ika-16 na siglo. Ang
kalakalang ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng caravan o pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
Mga batong hiyas, ginto, at asin ang pangunahing kalakal ng caravan. Griot – tawag sa tagapag-ingat ng mga
dokumeno sa sinaunang kasaysayan sa Africa, nagsisilbi ding tagapayo ng mga pinuno at historiador.
Kaharian ng Kush – ang mga mamamyang Kushite ay mas maitim sa mga Ehipsyano, sa pasimula ay pinamuan ito
ng mga Ehipsyano kalaunan nang bumagsak ang kabihasnang Ehipsyo ay ang mga Kushite na ang namuno sa kaharian
na umabot sa Nubia (Timog ng Nile), nakabuo rin ng sariling kultura at kabihasnan, kalaunan din ay gumamit ng mga
sandata na gawa sa bakal at naging sentro ng paggawaan ng bakal noon sa sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Pinabagsak sila ng Axum.
Kaharian ng Axum (350BCE) – naging sentro ng kalakalan (nakaabot hanggang sa Gresya). Pangunahing produkto
o kalakal ay ang mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at mga pampalasa
o rekado. Tinanggap nila ang relihiyong Kristiyanismo.
 Mga Imperyo sa Savanna (Sudan/Sudanic Empires)  Mga Kaharian sa Silangang Africa
o Ghana (400-1235CE)
o Mali (1235 – 1466 CE) o Kanem-Bornu (800CE)
o Songhai (1468 – 1590 CE) o Zimbabwe

GHANA MALI SONGHAI KANEM- ZIMBABWE


BORNU
- Tinawag na “land - estadong Muslim. - itinatag ang Kaharian - Matatagpuan ang - tinaguriang :
of gold”. Itinatag Mandingo ang tawag sa sa timog bahagi ng Ilog kahariang ito sa “Silent city of
ito ng mga Soninke. mamamayan ng Mali. Niger. Ang lungsod ng silangang lawa ng Stone Ruins”;
Matatagpuan ang Kalaunan kinontrol nila Gao ang pangunahing Chad kalaunan “The Dwelling
kaharian sa ang Hilagang- lungsod ng imperyo. inilipat sa kanluran of the Chief”.
hilagang bahagi ng Silangang Caravan Itinatag ni Sunni Ali ng lawa ng Chad. Itinatag ng mga
Ilog Niger. Ghana Trade Route. ang imperyong Itinatag ito ni Shona o
ang tawag sa pinuno Matatagpuan ang Songhai. Lumawak ang Haring Saif. pangkat mula
na tinuturing na kaharian sa Timog ng imperyo sa ilalim ni Lumawak ang sa tribong
banal, diyos, at hari Kumbi. Mansa ang Askia Mohammed – kaharian sa ilalim Bantu na
ng mga ginto. tawag sa pinuno. isang heneral at ni Haring Idris tumawid sa
Kinontrol ng Kilalang pinuno si Abu debotong muslim. Alyuma at Zambezi sa
matagal na panahon Bakari II. Pinalitan Gumamit ng digmaan itinaguyod ang Timog
ang kalakalang siya ng kapatid niya na upang manakop. Islam sa kaharian. Silangang ng
Trans-Sahara. si Mansa Musa na Nakamit ng gintong Pangunahing Africa. Naging
(Trans-Sahara isang debotong Muslim panahon ng imperyo sa produkto nila ay kilala rin sa
Caravan Trade at pinalawak ni Mansa ilalim ni Askia mga tela at katad o pagmimina ng
Route). Pumasok at Musa ang imperyo Mohammed. Pinalakas leather). Sila ang ginto.
lumaganap ang hanggang sa lungsod ng at pinalawig ang Trans- bumibili ng asin sa Itinituring
Islam sa kaharian. Gao at Timbuktu. Sahara Caravan Trade Caravan. banal ang mga
Bumagsak sa Naging sentro ng Route hanggang sa Bumagsak ang Hari.
kamay ng mga kalakalan ang baybaying gilid ng kaharian dahil sa Bumagsak sa
pinunong Muslim. Timbuktu. Bumagsak timog Africa. (Coastal pagkamatay ng pananakop ng
ang imperyong Mali Trade Routes). huling hari noong mga Portuges.
dahil sa pananakop ng Bumagsak ang imperyo 1846.
Songhai. sa pananakop ng mga
Portuges.
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval:

Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa


Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong
Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang
pagkasira ng sibilisasyong ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang
Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito. Ang Simbahan ang nangalaga
sa material na pangangailangan ng tao.
Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan.Ang Papa ang kataastaasang
pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga
Obispo. Sumunod nito ay ang Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan
at ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”.
Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya ng Simbahan sa mga tao at
pinuno.
Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay madaling nakahikayat ng mga
barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay
nagtayo nga mga ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa nilang ito,
pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo.
Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan. Maraming Papa ang nagpakita ng
kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang 13 pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini
na ang Obispo ng Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa mga tribong
barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa malalayong lugar ng
kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga
tauhan ng simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na maging sakop ng England.
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang
pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang
panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa
kasalukuyang panahon.
Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa
panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”.

ANG KRUSADA
Ang krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristyanong Europeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II
noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop
banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito ang Imperyong Byzantine
kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay
mapapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na
maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga
pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na kanilang masakop.
Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangagnahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay
taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

Unang Krusada
Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga
Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila
ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay,
pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng
mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII
ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa
Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa aynalunod na si Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa
France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno
ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay
malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen ay naniwala na siya ay tinawag ni
Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit,
nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga
mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay
dineklarang “excomunicado”.Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan
nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik saContantinople at naibalik ang imperyong
Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng
paghina ngkrusada.
Iba pang Krusada
Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy
Land.
Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang
daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang
komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay
napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing
ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang nagging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Ang Institusyong Piyudalismo


Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, angsalitang tumutukoy sa lupa
na ibinigay sa unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa (Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang
basalya at ipagtatanggol angkanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat
sapanginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ngpakikipaglaban sa digmaang
kinasasangkutan ng panginoon at paminsan-minsangpagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal.
Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon ay nagkakaugnay. Ang isang basalyo ay
maaari ding tawaging panginoon kung siya aymagbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay
tatawagin niyangbasalyo.

Ang Pagtatag ng Piyudalismo


Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne
batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga
opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local
na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang
panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain
sa bandang Pransya kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag
na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil
dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.
Isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang kodigo
ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo
na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa
mga naaapi at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling
ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.
Lipunan sa Panahong Pyudalismo
Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Pyudalismo- ang mga pari, kabalyero o
maharlikang sundalo at mga alipin (serf)
Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sector ng lipunan sapagkat hindi namamana ang
kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika,
manggagawa at mga alipin.
Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang
at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas
ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero
ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri
ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang
kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaring tirahan
lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala
silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa
lamang ang isang serf sa pahintulot ng kanyang panginoon. Lahat ng kanyang gamit, pati na ang kanyang mga anak,
ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.
Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor

You might also like