You are on page 1of 8

Learner’s Activity Sheet

Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan – Linggo 4)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________

Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mo ang mga kontribusyon ng kabihasnang
klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. (AP8DKT-llf-8)

Sa paksang ito, ang mapapahalagahan ang mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko.

Ang iyong guro

Kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal


sa Daigdig
Gawain 1
Panuto: Pagmasdan ang larawan at suriin ito.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kabihasnang_Maya

Gawain 2

1 8
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (10
puntos)

1. Ilarawan ang disenyo ng nasa Gawain 1.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa ng estruktura na


nasa larawan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno at pag-aralanang
nakasaad na aralin sa Gawain 3.

Ang Kabihasnan sa America at kanilang mga Kontribusyon

Noong ika- 13 siglo BCE, umusbong ang pinakaunang


kabihasnan sa Amerika- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.

Sa pagtatapos ng Ice Age, tinakpan ng mga glacier ang


malalaking bahagi ng North America at Europe. Dahildito ang isang dating
tuyot na lupain na nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente ay Nawala at
tinawag itong Bering Strait. Sa pagkatunaw ng mga glacier, naputol ang
ugnayan ng Amerika sa iba pang kabihasnan sa ibang panig ng daigdig.

Kabihasnang Olmec (1500 BCE- 500 BCE)

 Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.


 Ginamit nila ang ang sistema ng irigasyon upang masaka ang
kanilang mga lupain
 Gumawa sila ng kalendaryo.
 Gumamit rin ang mga taga-Olmec ng sistema ng pagsulat na may
pagkakatulad sa hieroglyphics.
 Mayroon din silang ritwal na laro na tinatawag na Pok-a-tok na may
pagkakatulad sa larong basketball subality ang mga manlalaro ay
hindi maaaring gumamit ng kamay. Ang bola ay yari sa goma
 Ang kanilang sambahan ay istrakturang hugis pyramids sa ibabaw ng
umbok na lupa.

2
 Ang lugar ng San Lorenzo at La Venta ay ang dalawang sentro ng
Kabihasnang Olmec.

Kabihasnang Maya (1000 BCE-900CE)

 Ang mga Maya ay nagtayo ng kanilang sentrong panrelihiyon sa


Yukatan Peninsula.
 Halachui Uinic- Nangangahulugang “tunay na lalaki” sila ang mga
pinuno na nagpalawig ng mga sentrong panrelihiyon ng lungsod-
estado.
 Pinasimulan din nila ang sistemang agricultural sa pagkakaingin.
 Ang mga pangunahing pananim nila ay mais,patani, kalabasa,
abokado, chili pepper, pinya, papaya at cacao.
 Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa Maya, sinamba nila ang mga
Diyos na may kaugnayan sa pagtatanim.
 Kilala ang mga Maya sa kanilang sopistikadong kalendaryo base sa
mga obserbasyon nila sa mga tala. Ito ay tinatawag nilang Mayan
Calendar.
 Malaki rin ang nagging kontribusyon nila sa larangan ng matimatika
at aghaam, sila ay mas nauna sa paggamit na numero.
 Isa pa sa kanilang nagging kontribusyon ay ang paggawa ng goma sa
pamamagitan ng proseso ng vulcanization.

Kabihasnang Aztec (1325 BCE-1521 CE)

 Ang mga Aztec ay nakabatay ang ekonomiya sa pagtatanim. Ang


kalupaan sa gilid ng lawa ay mataba subalit hindi malawak para sa
buong pamayanan.
 Sila ay gumawa ng Chinampas, mga artipisyal na pulo na kung
tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa.
 Ang mga Aztec ay taimtim na sumasamba sa mga diyos ng kalikasan
dahil sa kanilang pagsasaka.
Mga diyos ng Aztec:
o Hitzilopochli- pinakamahalagang diyos ng Aztec. Siya
rinang diyos ng araw.
o Tialoc- siya ay tinatawag na diyos ng ulan
o Quetzalcoatl- siya ang diyos ng hangin
 Ang mga Aztec ay naniniwalang dapat lagging malakas ang kanilang
diyos upang mahadlangan ang masasamang diyos na sirain ang
daigdig.
 Dahil sila ay mahusay na inhinyero, nagtayo sila ng mga estruktura
tulad ng kanal o aquaduct, mga dam, at sistemang irigasyon.

3
Kabihasnang Inca (1200 BCE-1521)

 Tulad ng mga Aztec, umunlad ang Inca muloa sa matagumpay na


pagtatanim.
 Naniniwala sa diyos ng araw na kung tawagin nila ay Inti.
 Ang pagpapanatili ng extended family na kung tawagin ay ayllu.
 Bawat isa sa mga ayllu ay nagtatayo ng mga kanal pang irigasyon at
gumagawa ng mga terrace farms.
 Sila ay maaaring maging magsasaka, sa sakahan ng estado, goods
crafting at tumulong sa proyektong pambayan.
 Mga tauhan sa panrelihiyong seremonya:
o Pari- namumuno sa pagsagawa ng mga ritwal
o Mamakuna- “virgins of suns”, alalay ng pari. Batang babae na
sadyang pinili upang maglingkod panghabangbuhay.
o Yamacuna- batang lalaking naglilingkod buong panahon para
sa estado at relihiyon.

Mga Imperyo ng Africa at kanilang mga Kontribusyon


Isa sa mga kultura na umunlad sa Africa ay tinatawag na
Trans-Sahara na umusbong malapit sa Sahara. Nakatulong ang
pakikipagkalakalan sa kanilang pamumuhay, dahil dtto nakarating sa
Europa at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong mula sa Africa.
Ang mga nomadikong tribo ay tumatawid ng Sahara sa pamamagitan ng
caravan dala ang kanilang mga kalakal. Caravan ay pangkat ng mga taong
magkakasamang naglalakbay gamit ang kamelyo. Nang makapagtatag ng
mga pamayanang muslim sa muslim sa Morocco, unti-unting nakilala ang
Islam at namayani ito sa sa mga kultura at kabihasna sa Kanlurang Africa.
Pinalaganap ito ng mga Berber, mga pamayanang mangangalakal sa
Hilagang Africa. Sila ay pumunta sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto
kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.
Imperyong Ghana

 Kilala ang Ghana bilang masisipag na mangangalakal


 Ang kaisipang ito ay naging isang mahalagang ambag sa lipunan
natin ngayon sapagkat isa ang Ghana sa mga lahi na nagtatag ng
maayos na kalakaran sa daigdig.
 Ayon kay Ala Hamdani, isang manunulat na Arabe, ang Ghana ang
may pinakamayamang minahan ng ginto sa mundo.

Imperyong Mali
 Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu.
 Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas
ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim.
 Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

4
Imperyong Songhai

 Pakikipagkalakalan din ang pangunahing ikinabubuhay ng mga


Songhai.
 Nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Islam
 Sa ilalim ng pamamahala ni Sunni Ali Ber, nasakop nya ang
Timbuktu at iba pang sentro ng kalakalan.
 Hinati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigan at nagtalaga ng
mga Gobernador

Ang mga Pulo sa Pacific


PULO SA PACIFIC AMBAG O KONTRIBUSYON
Polynesia  Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing
kabuhayan
 Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube,
breadfruit, saging, tubo at niyog.
 Sa pangingisda nakakakuha sila ng tuna,
hipon octopus at iba pa
 Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan
o mana. Ang katagang mana ay
nangangahulugang “bisa’ o “lakas”.
 Mayroon silang batas na tinatawag na Tapu
Micronesia  Ang pangunahing kabuhayan nila ay
pagsasaka ng taro, breadfruit, niyog at
pandan.
 May kaalaman din sila sa paggawa ng
palayok.
 Gumagamit din sila ng batong ginagawang
pera o stone money.
 Ang relihiyon nila ay tinatawag na
Animismo.
Melanesia  Pinamumunuan ng mandirigma
 Ang kanilang kultura ay hinubog ng mga
alituntunin ng mga mandirigma tulad ng
katapangan at karangalan.
 Naniniwala sila sa Animism

Ang mga nabanngit na imperyo ay naging makapangyarihan


dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang
tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na
mayaman sa asin. Sa panahong ito,ginagamit ng mga African ang ginto
upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang
mapreserba ang kanilang mga pagkain.

5
Gawain 4
Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang hinihiling sa
bawat aytem na nakasaad sa chart. (15 puntos)
KAHALAGAHAN SA
KONTRIBUSYON KASALUKUYAN

KABIHASNANG
MESOAMERIC
A

IMPERYONG
AFRICA

PULO SA
PACIFIC

6
Gawain 5
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba.
isulat sa patlang. (10 puntos)

A. Halaw mula sa Aralin ng Linggo 3

1. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na


kalsada at rutang patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?


A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

3. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin


ang kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos.
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang
ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.

4. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo


ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay
Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa
mga lawa o dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific
ay pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay
naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.

7
5. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos
na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng
daigdig. Ano ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang
kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.

B. Halaw mula sa Aralin ng Linggo 4

__________1. Relihiyong pinalaganap ng mga Berber.

____________2. Sangkap na ginagamit ito upang magpreserba an pagkain.

____________3. Estrukturang gawa ng mga Mayan upang pagdausan ng


seremonyang panrelihiyon.

____________4. Artipisyal na pulo na gawa ng mga Azte na kung tawagin ay


floating garden.

____________5. Isang rituwal na laro na ukol sa paniniwala ng mga Olmec.

Sanggunian:
ISBN:978-9601-67-8
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan
Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang
lahat ng mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

8 8

You might also like