You are on page 1of 23

KABIHASNANG MESOAMERICA

Sa patuloy na pagiging maunlad ng sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India at


China, nag umpisa na ring mabuo ang mga pamayanang agricultural sa gitna at
Timog na bahagi ng Mesoamerica. Ang mga kontinente ng Hilaga at Timog
Amerika ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang malawak na karagatan, Ang
karagatang Pasipiko, at Karagatang Atlantiko. Ang karagatang ito ay nagging
hadlang upang makipag-ugnayan ang mga kabihasnan sa Amerika at sa iba pang
Kabihasnan sa buong Asya, Africa at Europe. Nagdulot ito ng namumukod-tanging
kabihasnan. Ang Mesoamerica ay isang makasaysayang rehiyon at kultural na lugar
sa Hilagang America. Himahanga ito sa gitnang Mexico sa pamamagitan ng
Belize, Guatemala, El Salvador, Honduras, Nicaragua at Hilagang Costa Rica.
Timeline ng Kabihasnang Mesoamerica
3000 BCE 1200 BCE 250 CE 1345 CE 1200 CE
Pagtatanim ng Pagsisimula ng Pag-usbong ng Pagtatag ng Pagbuo ng
Mais kabihasnang Kabihasnang Kabihasnang Kabihasnang
Olmec Maya Aztec Inca
KABIHASNANG OLMEC( 1200 BCE-400 BC)
Ang Omlec ang kaunaunahang kabihasnang umusbong sa America. Matatagpuan ito sa
rehiyong Gulf Coast ng Timog Mexico hanggang Guatemala. Ito ay isang agricultural na
pamayanan. Tinawag itong Olmec, na ang ibig sabihin ay mga taong goma sapagkat sila ang
pinkaunang gumamit ng dagta ng punong goma, nagkaroon sila ng paraan ng pagsulat at
na[paunlad ang gawang sining, nakagawa din sila ng kalendaryo na nagamit nila sa kanilang
pagtatanim.Ang konseptong zero ay natutunan din nila at ginamit sa pagkukwenta. Ang ritwal
na larong Pok-a-tok na nahahawig sa larong basketbol ay kanila ding naimbento. Kilala din sila
ng paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. May ibang pangkat na sumakop sa kanila
kung kaya’t unti-unting humina at bumagsak ang Olmec.
KABIHASNANG MAYA(250 CE-900 CE
Ang kabihasnang maya ay naitatag sa panahong ng pre-historiko pa lamang kung kaya wala pa halos naitala
ukol dito maliban na laman sa mga labi na nakuha sa lokasyon kung saan pinaniniwalaang umusbong ang
sinaunang kabihasnan ng Mesoamerica.
Ika-2000 BCE, pinaniniwalaan na mayroon ng namumuhay sa tangway ng Yucatan, ito ay mula sa Timog-
silangang Mehiko hanggang Gitnang Amerika. Mga taong ang kinabubuhay ay pangangalap ng pagkain at
pangingisda dahil malapit ito sa yamang tubig at natuto din silang magtanim na natutuhan nila sa mga karatig
tribo. Nakamit ng Mayan ang tugatog ng kabihasnan noong 200 CE hanggang 900 CE.
Ang pinunong hari ang syang namamahala at namamagitan sa Diyos at mga nilikha marami na ding mga
estruktura na nagpapakita na may kakayahang arkitektura at pagdidisenyo ang kabihasnang ito. Natuto din ang
mga ito na gumamit ng kalendaryo. Hindi na rin maiwasan ang mga digmaan ng mga umunlad na mga bayan.
Kinakailangan ng mga alipin at mga tao para sa pag-aalay. Aktibo na rin ang kalakan mula sa karatig tribo. Isa
rin ang pagkokontrol sa kalakalan na dahilan kung bakit mayroong gustong manakop sa mga umuunlad na
bayan.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Anong katangian ng mga Olmec ang nakatulong sa kanila upang sila ay umunlad?
2. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Mayan ang kanilang Sistema ng pagtatanim?
KABIHASNANG AZTEC(1325 CE-1521 CE)
Ang mga Aztec na ang ibig sabihin ay “mga nagmula sa Aztlan” ay naitatag simula 1400. Nagsimula itong
magpalawak ng kanilang teritoryo mula sa mga maliliit na karatig na pamayanang agrikultural sa Lambak ng Mexico.
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan,isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang
Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lunsod ay naging mahalagang sentro ng pangkalakalan.
Ang Tenochtitlan ay mayroong matabang lupa kung kaya’t magandang taniman ngunit hindi lubos na malawak.Dahil
dito,naisipan ng mga Aztec na gumawa ng mga floating garden o artipisyal na pulo. Natugunan ng floating garden ang
kanilang pangangailangan sa pagkain at maging ang mga produktong pangkalakalan. Pagtatanim ang kanilang
ikinabubuhay kung kaya’t ang kanilang pinakmahalagang Diyos ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw ganun din
ang diyos ng ulan na si Quetzalcoat. Ipinapakita na mayroon ng paraan ng pagsamba sa kalikasan ang mga Aztec noon
pa man.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo nagsimula ang digmaan. Kinakailangan manakop ng ibang tribo upang makontrol ang
kalakalan. Ang nakukuhang bihag ay ginagawang alipin o handog sa mga diyos. Inaalay ang mga bihag upang
pagkalooban sila ng magandang ani. Nagsimula din ang pagbuwis sa mga nasasakop nilang mga teritoryo. Naging
sentrong pangkalakalan ang Tenochtitlan.
Sa mga templo nagaganap ang pag-aalay. Mahusay din sa pag-iinhenyero ang mga Aztec. Nakagawa na sila ng Sistema
ng patubig gaya ng kanal at aqueduct, mga dam at Sistema ng irrigasyon. Natigil ang pamamayani ng mga Aztec nang
dumating ang mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Hermado Cortes.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano napaunlad ng mga Aztec ang kanilang pamumuhay?
2. Anu-anong mga sistema at kultura ang ikinabuhay ng mga Aztec?
KABIHASNANG INCA(1200 CE-1521 CE)
Habang umuunlad ang iba pang karatig-bayan sa Mesoamerica at dumadami ang mga estruktura,
nagsimula naman ang simpleng pamumuhay ng mga Inca. Mula ang Inca sa isang pangkat ng naninirahan
sa hilagang kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng lambak Cuzoo. Pinamumunuan ng
isang pamilya kung saan kinuha ang panglang Inca na nangangahulugang “imperyo”. Sa pamumuno ni
Cusi Inca Yapagqui o Pachakuti ang imperyo ay napaunlad at nabuo ang sentralisadong estado.
Napasailalim sa imperyo ang lugar ng hialagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile gayun din ang
pinakamahigpit nilang katunggali na si Chimor o Chimu ng Peru.Dahil sa sobrang lawak ng nasasakupan
ng Inca nagging mahirap itong pangasiwaan at maging daan upang madali silang masakop ng mga
dayuhang espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano nakaapekto sa pag-unlad ng lipunan ng Inca ang katangian ng mga pinuno nito?
ANG SINAUNANG KABIHASNANG
AFRICA
Ang Africa ay nasa bandang Timog ng Europe at Timog Kanlurang Asya. Sagana sa mga yamang
mineral,kagubatan at tubig ang kontinente. Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong
malapit sa Equator. Bagamat matatagpuan ditto ang Sahara, ang pinakamalawak na disyerto, mayroon din dito
na rainforest kung saan sagana sa ulan at mga puno. Mayroon din Savanna o malawak na grassland sa hilaga ng
equator. Bukod tangi ang Oasis, lugar sa Sahara na maaring matirhan sapagkat kayang bumuhay ng hayop at
halaman.
Ang pamayanan na malapit sa Sahara ay unti-unting umunlad ang kultura. Nakatulong sa kanilang pamumuhay
ang pakikipagkalakalan. Tinawag nila itong trans-Sahara. Noong 3000 BCE ay umusbong ang kalakalan sa
hilagang Africa at kanlurang Sudan, rehiyon sa timog ng Sahara. Tinatawid ang Sahara ng mga nomadtikong
mangangalakal gamit ang caravan, o isang pangkat ng tao na sama-samang naglalakbay gamit ang kamelyo.
Nang makapagtalaga ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan
ay namayani sa kultura at kabihasnang nananahan sa kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga
Berber, mga mangangalakal sa hilagang Africa. Pumupunta sila sa kanlurang Africa upang bumili ng ginto
kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero at iba pa.
Timeline ng Kabihasnang Africa
350 CE 700 CE 1240 CE 1335 CE
Umunlad ang Naging Naitatag ang Namayani ang
kaharian ng Axum sa makapangyarihan ang Imperyong Mali nang pagpapalawak ng
Silangan Africa Imperyong Ghana sa matalo ang Imperyong Songhai
Kanlurang Africa Imperyong Ghana sa pamumuno ng
dinastiyang Songhai

PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano nkaapekto ang katangiang pisikal ng Africa sa pag-unlad ng kultura nito?
2. Paano napaunlad ang kalakalan ng Kabihasnang Africa?
ANG AXUM BILANG SENTRO NG
KALAKALAN (350 CE)
Ang sentro ng kalakalan ay itinatag sa kaharian ng Axum noong 350 CE sa Silangang Africa. Mayroon itong
pormal na kasunduan ng pakikipagkalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory,sungay ng rhinoceros, pabango at
pampalasa o rekado ang ikinakalakal sa Mediterranean at Indian Occean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng
mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isa sa nagging bunga ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang
pagtanggap nito sa Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang kabutihang dulot ng pakikipagkalakalan ng kabihasnang Sahara at Axum?
2. Paano magkakatulad at nagkakaiba ang kalakalang Trans-Sahara at kalakalang Axum?
ANG IMPERYONG GHANA(700 CE)
Ang kanlurang Africa ay nagging tahanan ng mga kabihasnan tulad ng imperyong Ghana noong 700 BC. Nagkaroon
ng palitan ng mga produkto mula sa kalakalang Trans-Sahara. Ang mga produkto nila ay ipinagpapalit sa mga bagay
na wala sila tulad ng asin, bakal at iba pa. Natuto ang mga ito na magtanim dahil sa matabang lupa. Naging masagana
sa pagkain kung kaya’t nagdulot ng paglaki ng populasyon. Malaki ang naitulong ng kalakalan upang maging
metatag ang kanilang imperyo. Gumamit sila ng mga sandatang gawa sa bakal upang upang magpalawak pa ng
teritoryo. Mabilis at ligtas pa and mga mandirigma dahil na din sa mga kabayo bilang tranportasyon.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Anu-anong produkto ang nagamit sa pakikipagkalakalan ng Ghana?
2. Paano nakatulong ang pakikipagkalakalan sa pag-unlad ng Ghana?
IMPERYONG MALI (1240 CE)
Sa pagsapit ng 1240 ang humalili sa Ghana ay ang Mali. Nagsimula ito sa estado ng Kangaba patuloy na
nagpalawak ng teritoryo ang Mali sa pamamagitan ng pakikipagdigma. Pa kanluran patungon Senegal at Gambia
River, pasilangan patungong Timbukto, at pahilaga patungong Sahara Desert. Maraming magaling na pinuno sa
Mali tulad na lamang ni Mansa Musa na nagpahalaga sa karunungan at nagpatayo ng mga mosque at nagging
sentro ng karunungan at pananampalataya.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magaling na lider sa pagtatag ng imperyong Mali?
2. Sino si Mansa Musa? Ilarawan ang kanyang pamumuno?
ANG IMPERYONG SONGHAI (1335 CE)
Noong 1335 nagtagumpay ang Songhai sa pananalakay ng mga Mali. Naging aktibo rin na makipagkalakalan sa
mga Berber, na nagdala hindi lamang ng produkto kundi ng relihiyong Islam. Hindi tinanggap ni Haring Sunni Ali
ang Islam pero hindi ito nagging hadlang para sa paghirang ng mga ilang muslim sa pamahalaan. Patuloy na naghari
ang Songhai sa kabila ng pakikipagdigma ng Mali upang maagaw ang imperyo. Hindi nagtagal sa pamumuno ni
Haring Sunni Ali, ang Songhai ay nagging matatag at malawak sa imperyo na nagtagal mula 1461 hanggang 1492.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang nagging kalagayan ng rehiyong Islam sa pamumuno ni Haring Sunni?
2. Paano pinamunuan ni Harong Sunni Ali ang pagpapalawak ng imperyong Songhai?
Mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa pacific ocean, na tinatawag na pacific island ay binubuo ng tatlong pangunahing grupo ng mga
pulo – ang metanesia, Micronesia at Polynesia. Ang pacific islands ay maaring tumukoy sa mga bansa at pulo na
may karaniwang pinagmulan ng Astronesian, pulo minsan o kasalukuyang kolonya o Occiana. Ang mga katutubong
nahihirahan sa pacific islands at tinutukoy bilang pacific islanders. Ibatay ng mga kanluranin ang katawagan ayon
sa pagkakaayos ng mga uri ng mga pulo at mga tao na nakatira rito.
Polynesia
 Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Walis at Futuna, Tonga,
Tekelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Island, Society
Islands, Tuamotu, Marquesas at Piatcairn. Ang populasyong ng bawat mamayanan ay nakabatay sa
pinagkukunan ng mga pagkain. May mga paraan sila na mga ritwal at pagpupulong. Ito ay
tinatanghal nila sa tohua, na nasa gilid ng bundok. Nakatira malapit sa tohua ang mga pari at mga
banal na estruktura. Pagsasaka at pangingisda ang kabuhayan ng mga Polybesian upang pagtamnan
ng mga saging, tubo, niyog, ube at marami pang iba. May mga paniniwala din sila tulad ng mana
na ibig sabihin ay lakas p bisa, maaring ito ay mga nsa gusali, bato, Bangka, at iba pang bagay.
 PAMPRSESONG TANONG:
1. Bakit tinawag na Polynesia ang pangkat ng mga pulong ito?
2. Ano ang hanapbuhay ng mga Polynesian?
Micronesia
 Binubuo ng mga maliliit na pulo ang Micronesia. Ito ay nasa silangnan ng Asya.
Binubuo ito ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Kiribati at
Nauru. Pagsasaka ang kanilang pangunahing hanapbuhay at may kaalaman din
sila sa paggawa ng palayok. Nakikipagkalakalan na sila sa karatig-pulo.
Animismo ang kanilang sinaunang relihiyon. Ang ritwal sa mga
makapangyarihang Diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.
 PAMPROSESONG TANONG:
1. Anu-anong pulo ang bumubuo sa Micronesia?
2. Ilarawan ang mga kasanayan ng mga naninirahan dito.
Melanesia

 Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilagang baybay-dagat ng Australia. Ang mga


katutubo na naninirahan dito ay may maitim na balat. Ito ay kasalukuyang
binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon
Islands, Vanuatu, New Caledonia, at Fiji Island. Pinamumunuan ng mga
mandirigma ang mga pamayanan. Mayroon na ding paraan ng pananampalataya.
Pagsasaka at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay. Animismo ang kanilang
paniniwala. Natuto din silang makipagkalakalan hindi lamang sa karatig- isla
kundi sa iba pang kontinente.

You might also like