You are on page 1of 9

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga

mangangaso o hunter ang nandarayuhan mula sa Asya patungong North


America, libong taon na ang nakakaraan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang
kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng
mga kalat kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North at South America.
Noong ika-13 siglo B.C.E, umusbong ang kauna unahang kabihasnan sa
America.

MGA PAMAYANANG NAGSASAKA


(2000 – 1500 BCE)
Noong 3500 BCE, nagtanim ang mga sinaunang tao ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz.
Noong 1500 BCE, maraming mga taga-Mesoamerica ang nagsimulang
manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang
kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop. Sa pagitan ng 2000 BCE at 900
BCE, mababanaag na ang pagkakaroon ng political at panlipunang kaayusan
sa Mesoamerica. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang
aspektong pangekonomiya, pampolitika, at pangrehiyon. Ang pinakakilala sa
mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.

MGA OLMEC (1500 – 500 BCE)


Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America. Ang Olmec ay
nangangahulugang rubber people sapagkat sila ang kauna unahang taong
gumamit ng dagta ng punong rubber o goma. Ang panahong ito ay halos
kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China. Ito ay yumabong sa rehiyon ng
Gulf Coast sa Katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang
Guatemala. Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang dalawang
sentro nito ay ang San Lorenzo at La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga
sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng
jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng
Costa Rica. Ang isa sa kanilang mga diyos ay ang Were Jaguar.
Sila ay nagtayo ng sistemang irigasyon na nagbigay-daan upang masaka ang
kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang Sistema
ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at
nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang
konseptong zero sa pagkukuwenta. Sila rin ay may panritwal na laro na kung
tawagin ay Pok-a-tok. Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng ulo sa bato
o colossal heads. Mahalaga din sa kanilang paniniwala ang hayop na jaguar,
na pinakakinatatakutan ng predators sa Central at South America.
Sila ay humina at bumagsak, sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba
pang mga pangkat na sumakop sa kanila.

MGA TEOTIHUACAN (250 BCE – 650 CE)

Ang Teotihuacan ay isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa


panahong ito. Ang Teotihuacan ay nangangahulugang “tirahan ng Diyos”.
Ang pinakamahalaga nilang Diyos ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent
God. Pinaniniwalaang sakaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng
kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at
liwanag. Siya rin ang tinuturing na Diyos ng hangin. Matagumpay na
pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang Teotihuacan.
Marami rin silang ambag sa kasalukuyang panahon. Ang mga piramide,
liwasan, at lansangan ay nagbigay ngh karangyaan, kapangyarihan, at
kadakilaan sa lungsod. Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang
ito ay nagkaroon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao,
goma, balahibo, at obsidian. Ginagamit nila ito sa paggawa ng kagamitan,
salamin, at talim ng kutsilyo. Isa rin sa mga pinakatanyag nilang ambag ay ang
Pyramid of the Sun and Moon. Ang Pyramid of the Sun ay may taas na 65
meters samantalang ang Pyramid of the Moon ay may taas na 43 meters.

Noong 600 CE, ang ilang mga tribo mula sa hilaga ay nagtipon tipon upang
salakayin ang lungsod at kanila itong sinunog. Noong 650 CE, mabilis na
bumagsak ang lungsod. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga
banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
MGA MAYAN

Kasabay ng pagpapalawig ng Teotihuacan, ang mga Mayan ay nagtayo ng


sarili nilang pamayanan. Sa kabihasnang ito, katuwang ng mga pinuno ang
mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga halach uinic o tunay na
lalaki ang pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa mga
Diyos. Gaya ng mga Olmec, mahalaga rin sa mga Mayan ang kanilang
agrikultura. Sinamba nila ang mga Diyos na may kaugnayan sa pagtatanim
tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. Ang Diyos ng Mais ay si Hun
Hunahpu samantalang ang Diyos ng Ulan ay si Tlaloc.

Ang kabihasnang ito ay bumagsak dahil sa isang uri ng pagkasira ng lupa.


Ang mga Mayan ay kilala sa kanilang pagiging malikhain. Gaya ng mga
Olmec, sila ay sumulat ng kanilang sariling hieroglyphics. Sila rin ang
nakadiskubre ng pulot-pukyutan. Natutunan din nilang gumawa ng ponchos,
bahag, at palda na gawa sa bulak o dahon ng maguey. Gumawa rin sila ng
goma sa pamamagitan ng vulcanization at nagtayo din sila ng mga palasyo at
obserbatoryo. Natuklasan din nila ang astronomiya. Isa rin sa pinakatanyag
nilang ambag ay ang Mayan Calendar kung saan ang isang taon ay binubuo
ng 365.2420 na araw.

MGA AZTEC (1325 – 1521)


Ito ang unang imperyo sa Mesoamerica. Sila ay mga nomadikong tribo at hindi
matuklasan kung saan sila nanggaling. Ang Aztec ay nangangahulugang
‘isang nagmula sa Aztlan’, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico. Nakabatay
sa pagtatanim ang kanilang ekonomiya sapagjat ito ang kanilang
pangunahing ikinabubuhay. Si Huitzilopochtli ang pinakamahalaga nilang
Diyos sapagkat ito ang Diyos ng araw. Ang kanilang siyudad ay nagsimula
bilang dalawang maliit na isla sa Lawa ng Texaco. Sila ang pinakamarahas
sapagkat sila ay nag-aalay ng tao sa kanilang mga Diyos. Ang kanilang mga
inaalay ay kadalasang mga bihag o nagkusang loob.

Noong 1519, napasakamay ng mga Espanyol sa pamumuno ni Hernando


Cortes ang Mexico. Noong 1521 ay tuluyan silang bumagsak. Sila ay naubos
dahil sa epidemya ng smallpox, pang-aalipin, digmaan, at labis na paggawa.
Ang mga Aztec ay kilala sa kanilang ekonomiya kung kaya’t ang kanilang
mgha ambag ay kadalasang may kaugnayan sa agrikultura. Sila ay nagtayo
ng mga templo at pamilihang bayan, maliliit na himnasyo, mga training center,
at makukulay na bahay. Sila din ay gumamit ng konseptong pamahalaan kung
saan mayroong chief of men ang kanilang kabihasnan. Sila din ay nagtayo ng
chinampas, o ang paggawa ng artificial islands na maaaring tirhan at
pagtaniman at Chapultepec aqueduct o paggawa ng lagusan na nagdadala
ng malinis na tubig.

You might also like