You are on page 1of 36

ARALIN 6: KABIHASNANG

KLASIKO SA AMERICA
(MESOAMERICA)
• Kapag binabanggit ang mga sinaunang kabihasnan madalas
nating naiisip ang mga sinaunang kabihasnan ng
Mediterranean, Mesopotamia at Egypt. Sa kabilang bahagi
ng Karagatang Atlantiko isang grupo ng mga kabihasnan
ang umusbong – ang Kabihasnan sa Meso-America.
• Sa pagitan ng 100,000 hanggang 8000
BCE pinaniniwalaang narrating ng mga
unang tao ang Amerika. Naging
possible ito dahil sa ice age. Malaking
bahagi ng katubigan ang nagyeyelo,
sanhi upang bumaba ang sea level.
• Dahil sa pagbaba ng tubig sa dagat lumitaw ang
tulay na lupa sa Bering Strait sa pagitan ng Asya at
Amerika. Ayon sa mga iskolar, ditto dumaan ang
mga unang tao habang hinahabol nila ang kanilang
kakainin.
• Iba-iba ang direksyon tinahak ng
mga grupo ng unang tao sa
Amerika, may ilang naniranhan
malapit kung saan sila pumasok,
ang ilan naman ay sa Great Plains
ng Missippi, at meron namang
tumira sa Silangan ng Ohio River.
• Ang pinaka mataas na antas ng
kabihasnan na umusbong sa
dalawang Amerika ay
matatagpuan sa rehiyon na
kung tawagin ay Meso-America.
• Ang unang kabihasnan na umusbong
sa Meso-America ay ang kabihasnang
Olmec noong 1200 BCE. Naitatag ang
kabihasnang ito sa isang mainit at
basang lupain sa baybayin ng Golpo
ng Mexico. Ang kanilang lupain ay
sagana kung kaya’t pagsasaka ang
pangunahing kabuhayan ng mga
naninirahan dito.
• Ang Olmec ay kinikilala ng mga
mananaliksik bilang mother
culture o ang pinagmulang
kultura ng mga Maya, Toltec at
Aztec.
• Ang mga Olmecs ay nagpagawa ng
malalaking lungsod. Isang halimbawa
nito ang Laventa, kung saan isang
malaking pyramid ang natagpuan.
Sinasabi na ang mga pyramid ay ang
pook kung saan nagsasagawa ng mga
ritwal at pag-aalay ang mga Olmecs.
• Bukod sa mga pyramid at mga lungsod
ang mga Olmecs ay nakilala din dahil sa
kanilang inukit na naglalakihang batong
rebulto ng ulo. Ang mga rebultong ito ay
nagpapakita ng imahe ng kanilang
pinuno o ng diyos.
• Sa usaping panrelihiyon, maraming diyos na
sinasamba ang mga Olmecs, ngunit ang
kanilang pangunahing sinasamba ay ang
Jaguar, sa angkin nitong bangis at lakas.
• Sa hindi malinaw na dahilan bumagsak ang
kabihasnang Olmec noong 400 BCE.
• Sa silangan ng kabihasnang ito
umusbong ang kabihasnang Maya.
Ang kasaysayan ng kabihasnang
Maya ay nagsimula noong taong 300
BCE at nagwakas noong taong 900
BCE.
• Sa puntong ito ng kasaysayan masasabing
nakamit ng mga Meso-American ang
kanilang Pinakamataas na antas ng
kabihasnan. Ang kabihasnang Maya ay
maihalintulad natin sa lungsod-estado ng
Sumer.
• Katulad ng kabihasnang Sumerians ang
kabihasnang Maya ay binubuo ng
marami at nagsasariling mga lungsod-
estado.
• Kadalasan din ang mga lungsod-estado
ng Maya ay nagdidigmaan laban sa
isa'’-isa.


• Sa gitna ng bawat lungsod-estado matatagpuan ang
isang pyramid, kung saan pinaniniwalaang sinasagawa
ang pag-aalay.
• Tuwing may digmaan ang mga sundalong nahuhuli ay
ginagawang alipin. Samantala ang kanilang kanilang
pinuno ay iniaalay sa mga diyos.
• Ang lipunang Maya ay nahahati batay
sa katayuan sa lipunan. Sa itaas ng
lipunang Maya ay mga hari ng lungsod-
estado, bukod sa political na
kapangyarihan nayroon ding control sa
relihiyon ang mga hari, dahil
pinaniniwalang nagmula sila sa pamilya
ng mga diyos.
• Ang sumunod na antas ng lipunang Maya ay ang
mga pari, mga maharlika at mga advisers ng
hari. Ang pinaka marami sa lipunang Maya ay ang
mga mamamayan. Sila ay kadalasang mga
mangangalakal at magsasaka. Sa pinaka-ilalim ng
social hierarchy ng mga Maya ay ang mga alipin.
• Bukod sa pyramid at malalaking
lungsod, ang mga Maya ay nagawa ng
kanila sariling Sistema ng pagsulat.
Ngunit ito ay naiwalig na ang paran
kung paano basahin ang sistemang ito
ng mga Maya. Dahil noong 16th century
winasak ng mga Espanyol ang lahat ng
mga aklat na kanilang naisulat.
• Isa sa mga nakakatuwang bagay na
nagpasikat ng kabihasnang Maya sa
kasalukuyang panahon ay ang kanilang
kalendaryo. Ayon sa kalendaryo ng
mga Maya, ang daigdig ay
magwawakas dapat noong ika-23 ng
Disyembre 2012
• Katulad ng mga Olmec palaisipan pa din sa
kasalukuyan ang sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang
Maya.
• Ito ay bumagsak noong 800 BCE-900 BCE. Ilan sa
mga hypothesis sa pagbagsak na ito ay ang mga
digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado, over
population, at ang pagsalakay ng mga Toltec.
• Ang kabihasnang Toltec ay umusbong sa
Tula, Mexico noong 900 CE. Nakilala ang
mga Toltec sa pagiging paladigma.
• Sa lipunang Toltec ay may tatlong uri ng
mandirigma: ang Jaguar warrior, ang
Coyote warrior at ang Eagle warrior.
• Ngunit katulad din sa mga ibang kabihasnan sa Meso-
America ang kabihasnang Toltec ay bumagsak noong
1200 CE dahil sa isang rebelyon.
• Nagkaroon ng rebelyon sa kabihasnang Toltec
makalipas na subuking baguhin ng kanilang pinuno ang
diyos na sinasamba ng mga tao. Sa pagbagsak ng
kabihasnang Toltec isang panibagong
makapangyarihang emperyo ang sisibol sa rehiyon, ang
Aztec.
• Ang mga ninuno ng mga Aztec ay mula
sa dixyerto ng Hilagang Mexico. Noong
1200 CE narating ng mga ito ang
lambak ng Mexico.
• Sa simula ng kanilang kasaysayan, ang
mga Aztec ay mahihirap at lagalag na
tao. Ginamit sila ng masmalalakas na
kaharian bilang mga bayarang sundalo
• Ayon sa kanilang alamat, nakausap ng
kanilang pinuno ang diyos na si Tenoch
ang diyos ng araw at digmaan na si
Huitzilopochli sinabi ng kanila diyosa kay
Tenoch na kanyang itatag ang kanyang
kaharian sa lugar kung saan makikita
niya ang isang agila na kumakain ng ahas
habang nakatuntong sa isang cactus.
• Pinaniniwalaang natagpuan ni Tenoch ang
lupaing ito sa isang isla sa gitna ng Lake
Texoco. Isinama niya ang kanyang mga
tagasunod sa islang ito kung saan kanyang
itinatag ang lungsod Tenochtitlan.
• Nagpagawa siya ng mga coastway o isang
manipis na tulay upang maidugtong ang
Tenochtitlan sa iba pang lungsod sa lugar na
ito.
• Mula sa kanilang lungsod ng Tenochtitlan unti-
unting lumaks ang mga Aztec at noong 1420 CE
sila ay nakipagsanib puwersa sa lungsod ng
Texcoco at Tlacopan upang maitatag ang
emperyong Aztec.
• Nagsagawa ng isang madugong kampanya ang mga Aztec
upang masakop ang mga lungsod estado sa paligid nito.
• Sa pagpasok ng 1500s nagawang masakop ng Aztec
empire ang humigit-kumulang na 80,000 sq. miles na
teritoryo mula sa Atlantic Ocean hanggang sa Pacific
Ocean.
• Kanila ding nasakop ang hindi bababa sa 5- 15 milyong
katao
• Ang mga lungsod-estado na nasakop ng mga Aztec ay
pinagkalooboan ng limitadong kalayaan kapalit ng
pagbabayad ng tribute, mga sundalo at mga taong
iaalay.
• Katulad ng mga naunang kabihasnan ang lipunang
Aztec ay pionamumunuan din ng hari na
pinaniniwalaang kamag-anak ng diyos.
• Para sa mga Aztec, ang daigdig ay dumadaan sa
siklo ng pagkawasak at ng muling pagsilang.
• Upang maiwasan ang pagkawasak, nagsasagawa
ang mga Aztec ng ritwal at pag-aalay sa kanilang
pangunahing diyos na si Huitzilopochli.
• Upang maging katanggap-tanggap sa mga diyos ang
mga Aztec ay nag-aalay ng tao. Ang taong iaalay ay
nakataling nakahiga sa tuktok ng isang pyramid.
• Hihiwain ng pari ang dibdib ng taong ito gamit ang
isang obsidian. Habang buhay pa ang tao, kanyang
dudukutin ang puso nito at susunugin. Sa ganitong
paran mapanatili ang kaayusan ng daigdig.
• Kahit napakalakas ng Aztec Empire marami pa ring tao
ang nangangarap na makalaya sa kanilang control.
• Ang pagkakataon na makalaya ay dumating dumating
noong 1519 sa pagdating ng mga Espanyol sa Amerika.
• Nakipag-alyansa sa mga Espanyol ang mga lungsod-
estado na may hinanakit sa mga Aztec.
• Sa pamumuno ni Hernan Cortez, binihag ng mga
Espanyol ang hari ng mga Aztec na si Montezuma.
• Ang pagbihag nito sa kanilang hari ay nagresulta sa
isang madugong labanan kung saan maraming mga
Espanyol ang nasawi at sila ay naitaboy sa
Tenochtitlan.
• Hindi inaasahang armas ang dala ng mga Espanyol ang
dahilan ng pagkatao ng mga Aztec- ito ang mga
mikrobyo sa kanilang katawan.
• Ang mga Aztec ay walang immune system laban sa mga
sakit na dala ng mga Europeo. Pagkalipas ng apat na
buwan nasakop na ng mhga Espanyol ang Aztec empire.
• Sa loob lamang ng limang taon
tinatayang 5 hanggang labinlimang
milyon mga Aztec ang nasawi dahil
sasakit na small fox na dala ng mga
Espanyol.
• Gawin Natin
• 1. Magsaliksik tungkol sa ritwal ng mga klasikong
kabihasnan sa Meso-America. Paghambingin ito at iulat sa
klase.
Kabihasnan Ritwal at Paano ang pagsasagawa
1. Olmec

2. Maya

3. Toltec

5. Aztec

6. Inca

You might also like