Professional Documents
Culture Documents
KABIHASNAN SA
MESOAMERICA
AT AFRICA
ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA
Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang
nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting
tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatagng
mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-
13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America - ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang
pangkat ng mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng America.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang
lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa
pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimuganng El Salvador. Sa
hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang
hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggangsa gulod o slope ng Nicaragua sa
Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking
bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay
nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang
panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar naunang
pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.
Ang mga Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica. Tinawag silang
Olmec o “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng punong goma. Mayroon
silang mga diyos na sinasamba at mahilig silang maglilok ng mga bato na hugis ulo. Sinasamba ng mga
Olmec ang espiritu ng hayop na jaguar.
Umusbong ang kabihasnang Olmec sa mga lugar tulad ng Gulf Coast ng Mexico noong mga
unang milenyo BCE. Ang kanilang pag-usbong ay resulta ng agrikultura, kasanayan sa paggawa, at ng
kanilang relihiyon at mga ritwal.
Kilala ang mga Olmec sa sining at paglililok ng mga higanteng ulo na yari sa bato. Sila rin ay
nakagawa ng mga templong hugis-piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang mga estrukturang
ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga Diyos. Nagpakita rin ang mga Olmec nga
kahusayan sa paggawa ng mga estatwa, palayok, mangkok, at iba pang kagamitan sa pagluluto.
Sa kabuuan, ang mga ito ang at ang iba pang aspeto ng kultura at ekonomiya ang nagtulak sa
pag-usbong ng kabihasnang Olmec.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina
at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring nakihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila.
Tinuturing na isa ring sanhi ang environmental degradation o labis na pagsasaka o deforestation.
Gayundin, ang social unrest, hidwaang politikal, at mga hamon sa ekonomiya ay maaaring nag-ambag
sa kanilang pagbagsak.
Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang
dakilanglungsod ng Teotihuacan.
KABIHASNANG MAYA (2000 BCE-250 BCE)
Kilala ang kabihasnang Maya sa kanilang advanced na sistema ng pagsulat na kilala bilang
hieroglyphs, maayos na kaalaman sa astronomiya, at mahusay na arkitektura tulad ng mga pyramids sa
kanilang mga siyudad-estado.
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram ang mga sanhi
ng kanilang paglakas at pagbagsak.
HEOGRAPIYA NG AFRICA
Ang Africa ay may mga SAVANNA; malawak na kapatagan kung saan marami ang
tumutubong talahib at damo, TROPICAL RAINFOREST; isang uri ng kagubatang sagana sa ulan at
may matataas na punongkahoy, at mga DISYERTO. Ang kontinente ay may sukat na 30, 244, 050 km2.
Ang kontinenteng Africa ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Seuz at Dagat
Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan. Matatagpuan dito ang Sahara Dessert as gawing
halaga, at Kalahari naman sa timog. Kabilang ang Madagascar at ilang kapuluan sa kontinente ng
Africa.
ANG MGA IMPERYO SA KANLURANG AFRICA
IMPERYONG GHANA
`
Ang Imperyong Ghana ay isang makapangyarihang estado sa Kanlurang Africa noong ika-4
hanggang ika-13 siglo CE. Hindi ito kaugnay sa kasalukuyang bansang Ghana sa hilagang bahagi ng
Aprika, bagkus ito ay matatagpuan sa kasalukuyang mga teritoryo ng Timog-silangang Mauritania,
Kanlurang Mali, at Timog-silangang Senegal. “Soninke” ang tawag sa mga unang taong nanirahan sa
rehiyong ito.
Ang Imperyong Ghana ay kilala sa kanilang yaman sa ginto at pagkontrol sa mga kalakal na
ruta sa rehiyon. Ang kapangyarihang politikal ng Ghana ay nakasentro sa kanilang pangangalakal ng
ginto at ashe, na nagsimula noong ika-8 siglo CE. Ngunit ang imperyo ay unti-unting bumagsak sa
dahilang pang-ekonomiya, pang-pulitika, at iba pang mga kadahilanan, at ito ay tuluyang nawala noong
ika-13 siglo CE.
IMPERYONG MALI
Ang Imperyong Mali ay isa sa mga mahahalagang kaharian sa kasaysayan ng Kanlurang Africa.
Itinatag ito ni Sundiata Keita noong mga dekada ng 1200. Ito ay nagtagumpay na magkaroon ng
malakas na kapangyarihan at impluwensiya sa rehiyon sa loob ng maraming siglo. Ang Imperyong
Mali ay kilala sa kanyang malakas na sistema ng pamahalaan, maunlad na kultura, at pagiging sentro
ng kalakalan at edukasyon. Isang mahalagang aspeto ng kapangyarihan ng Mali ay ang kanilang
kontrol sa kalakalan ng ginto, na nagbigay-daan sa kanila upang magkaroon ng yaman at
kapangyarihan sa rehiyon. Sina Sundiata Keita at ang kanyang mga tagapayo ay nagtagumpay na
pagsamahin ang mga tribo at pangkat etniko sa rehiyon upang makabuo ng malakas na imperyo. Ang
kanilang sistema ng pamahalaan, kasama ang mga tagapayo at mga lider ng iba't ibang lugar, ay
nagbigay-daan sa kanila upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang teritoryo.
Sa pamamagitan ng kanyang karisma at pamumuno, nagawa niyang pagsamahin ang mga grupo at
itinatag ang imperyo sa Mali. Ang Mali ay nakilala sa kanilang malakas na kontrol sa kalakalan,
partikular sa ginto. Ang tagumpay ng Mali sa kalakalan ng ginto ay nagbigay-daan sa kanila upang
magkaroon ng malaking yaman at kapangyarihan. Sila rin ay kilala sa kanilang maunlad na sistema ng
pamahalaan, kaayusan, at pag-unlad ng kultura, na nagbigay-daan sa kanila upang maging sentro ng
edukasyon at kalakalan sa rehiyon. Sa ilalim ng pamumuno ni Mansa Musa, isang kilalang pinuno ng
Mali, ang imperyo ay umabot sa pinakamataas na antas ng yaman at kapangyarihan. Noong kanyang
panahon, nagkaroon ng malawakang pagpapalaganap ng Islam at nagkaroon ng mahusay na ugnayan sa
iba't ibang kultura at relihiyon sa rehiyon.