You are on page 1of 13

LESSON 2.

3:

KLASIKONG
?
KABIHASNAN NG
AMERIKA AT APRIKA

Gaya ng ibang kontinente sa mundo,


umusbong din sa kontinente ng Amerika
at Aprika mga klasikong kabihasnan na
nag-iwanan ng impluwensiya sa mundo.
Sa katunayan, dahil sa mga kabihasnan
sa kontinenteng ito mas naging
interesante ang pag-aaral ng kasaysayan
sa daigidg.
Heograpiya ng Amerika
Ang Amerika ay isang malawak na lupain sa
kanluran ng daigdig na nahahati sa 2 kontinente:
Hilagang Amerika at Timog Amerika. Ang
“Amerika” ay kolektibong termino na tumutukoy
sa 2 nasabing kontinente. Dapat nating tandaan na
ang "Amerika" ay iba sa "Estados Unidos sa
Amerika“ na isang bansa sa kontinente ng Hilagang
Amerika. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa
pinakamalaking kontinente sa daigdig at binubo ng
23 bansa.

Samantala, ang kontinente ng Timog Amerika ay tinuturing


bilang ikaapat na pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito
ay binubuo ng 12 malalayang bansa at 3 malaking teritoryo–
ang Falkland Islands, Galapagos Islands, at French Guiana.
Ito rin ay nagtataglay ng saganang likas na yaman gaya ng
Angel Falls sa Venezuela na itinuturing bilang pinakamataas
na talon sa buong mundo. Matatagpuan rin dito ang Amazon
River na itinuturing bilang pinakamalaking ilog sa mundo
(kung ang pagbabasehan ay dami ng tubig), at ang Disyerto
ng Atacama sa Chile na itinuturing bilang pinakatuyong lugar
sa buong mundo.
Matatagpuan din sa Amerika ang mga alpaca at llama. Ang
llama ay isang uri ng domestikadong hayop na nagsilbing
pangunahing transportasyon sa ilang lugar. Mayaman din ang
Amerika sa mga halaman gaya ng coca, cinchona, patatas,
kalabasa at pinya.
Kasaysayan ng Amerika
Ang mga unang tao rito ay nagmula sa Asya at ginamit ang
Kipot Bering upang makarating rito. Sa pag-aaral ng mga
eksperto, ang mga American Indian ang itinuturing na mga
kaapu-apuhan ng mga sinaunang mamamayanan ng Amerika.
Nagmula rin sila sa mga lahing pinagmulan ng mga Mongol,
Tsino at Turko. Nagtanim rin sila ng mais para mabuhay. Natuto
rin sila mag-alaga ng mga hayop gaya ng gansa, aso at guinea
pig. Naniwala rin sila na taglay ng kalikasan ang iba’t ibang
espiruto kaya bilang mamamayan ay dapat silang makisama.

Kabihasnang Olmec
Ang Kabihasnang Olmec ay lumitaw sa mga latian ng
bansang Mexico noong 1200 BCE hanggang 400 BCE.
Ito ay itinuturing bilang ina ng kabihasnan ng Meso-
Amerika (Mexico at mga bansa sa Gitnang Amerika).
Pinaniniwalaang taglay nito ang maayos na sistema ng
pangrelihiyon. Sa katunayan, mayroong itong iba’t
ibang uri ng mga gawaing panrelihiyon na gumagamit
ng simbolo, gaya ng ritwal sa mga kuweba at
paghahandog.
Mahahalagang Lungsod sa Kabihasnang Olmec
Malaki ang naging papel ng mga lungsod na La Venta at
San Lorenzo sa kasaysayan ng kabihasnang ito. Ang
lungsod ng San Lorenzo ay itinuturing bilang
pinakamalaking siyudad noon sa Meso-Amerika. Ang
katanyagan ng siyudad na ito ay namayagpag noong 1200-
900 BCE. Ayon sa pag-aaral, dito ginaganap ang iba’t
ibang ritwal na may kinalaman sa kultura at pinaniniwala
ng mga mamamayan nito. Kakikitaan na rin ang siyudad
na ito ng maayos na sistema ng patubig.

Taglay rin ng siyudad na ito ang mataas na kakayahang


pansining. Patunay rito ang mga eskultura ng hero twins at
colossal heads. Subalit nang matalo ng siyudad ng La Venta
ang San Lorenzo noong 900 BCE, nagsimula nang manghina
ang huli at tuluyan naming namayagpag ang La Venta na
itinuturi din bilang mahalagang siyudad ng Kabihasnang
Olmec. Ang iba’t ibang artifacts na natagpuan dito ay
patunay lamang na namayagpag din ang siyudad na ito.
Nariyan na ang mga colossal head at iba pan sining biswal.
Ang Complex A na sinasabing isang sagradong lugar noong
panahong iyon ay itinuturing bilang mahalagang ambag ng
siyudad.
Kulturang Olmec
Pangkaraniwan lamang ang pamumuhay ng mga mamamayang
Olmec noon. Kadalasan silang nakikita sa mga palayan upang
magtanim at sa mga yamang tubig upang mangisda. Gaya sa
kasulukuyan, naniniwala rin sila sa pagkakaroon ng relihiyon na
gagabay sa kanilang buhay. May konsepto rin sila ng pari na
nagsisilbing puno ng relihiyon, kung saan ang kanyang sermon ay
kanilang pinakikingan. Subalit, litaw na rin ang dibisyon ng mga
tao sa lipunan. Patunay rito ang pagbibigay-halaga sa mga pari at
mayayamang tao na nakatira sa itaas na bahagi ng siyudad at ang
mga mababa na nakatira sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

Masasabi ring mahusay na ang mga Olmec sa


kalakalan noon. Kabilang sa kanilang mga produkto
ang mga hilaw na sangkap gaya ng iron ore at iba’t
ibang uri ng bato.
Gaya ng mga sinaunang tao ng mundo,
pinahalagahan din ng mga Olmec ang mga hayop,
halaman at mga bagay na makikita sa kalawakan.
Patunay rito ang paggawa nila ng mga eskulturang
may katangian ng hayop.
Sining
Marahil ang mga colossal head o ulo ng Olmec ang
maituturi na pinakamahalagang ambag ng Kabihasnang ito
sa kasaysayan ng sining ng mundo. Batay sa tala, ang
kauna-unahang ulo ng Olmec na may pisikal na katangiang
parang lahing Negro ay natagpuan sa Tres Zapotes. Ito ay
inukit sa batong basalt. Ito ay may taas na 8 hanggang 9 na
talampakan at may timbang na 20 hanggang 40 tonelada.
Sa 17 natagpuang colossal head , 10 rito ay nagmula sa
siyudad ng San Lorenzo.

Nananatiling misteryo ang COLOSSAL HEAD


nasabing eskultura kung bakit
tanging mga ulo lamang ang
ginawa ng mga Olmec. Subalit
sabi ng ibang mga eksperto,
tanging ulo lamang ang
ginawan ng eskultura sa
paniniwalang ulo lamang ang
nagdadala ng kaluluwa.
Bukod sa mga nasabing colossal head, makikita rin ang mga sining
na likha ng mga Olmec sa mga larawang nakatala o nakaukit sa
mga bato o bukana ng kuweba. Buhay na halimbawa nito ang mga
larawan at eskultura ng mga pinunong nakaupo gaya ng
Oxtotitlan. Nariyan din ang mga maliliit na eskultura na
pinaniniwalaan na kanila ring produkto, gaya ng God IV (Rain
Baby), na eskulturang sanggol na walang ngipin at bukas ang
bibig. Gaya ng mga Ehipsiyo, gumawa rin sila ng piramide na
nagsilbi bilang libingan ng mga yumao at bahay-dalanginan.
Pinaniniwalaan nilang ang diyos na kanilang sinasamba ay
kinalulugdan sila mula sa nasabing piramide. Batay sa tala, ang
mga nasabing piramide ay may timbang na 18 tonelada.

Pagbagsak ng Kabihasnang Olmec


Hati ang pananaw ng mga iskolar sa usapin kung ano ang
dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Olmec. Sa katunayan,
ilan sa kanila ay naniniwala na ang mga mananakop sa labas
ang naging sanhi ng pagbagsak ng dalawang mahahalagang
siyudad (San Lorenzo at La Venta). Pinaniniwalaan nilang
nawasak ang siyudad ng San Lorenzo noong 900 BCE at taong
400 BCE naman nagapi ang siyudad ng La Venta. May mga
eksperto ring naniniwala na ang pagbagsak ng kabihasnang ito
ay bunsod na rin ng desisyon ng mga Olmec na sirain ang
kanilang kabihasnan dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno.
Kabihasnang Maya
Habang namamayagpag ang Kabihasnang Olmec sa San
Lorenzo at La Venta, nagsimula na rin umusbong ang kaunlaran
ng Kabihasnang Maya. Ang Kabihasnang Maya ay nagsimula
taong 200 BCE. Subalit mas natamo ang labis na kaunlaran
noong 300 CE. Batay sa tala ito ang pinakadominenteng
kabihasnang umusbong sa Meso-Amerika. Gaya ng
Kabihasnang Griyego, maituturing na parang lungsod-estado
ang umusbong sa lipunang Maya, na mayroong malayang
pamahalaan. Kabilang sa mga tanyag na siyudad nito ay ang
Tikal, Copan, Chunchucmil, Bonampak, at Palenque.

Sinasabing bihasa ang mga Mayan sa paggawa ng kalendaryo.


Patunay rito Haab, isang sibil na kalendaryo na mayroong 365 na
araw at 18 buwan. Bawat buwan ay may 20 araw lamang. Nariyan
din ang Tzolkin, isang sagradong kalendaryo na mayroong 260 araw
na nahahati sa 3 grupo ng mga buwan na mayroong 20 araw.
Mahusay rin sila sa pagsasaka, hieroglyphs. Pagpapalayok,
matematika, at maging sa arkitektura. Ang pari ang masusunod kung
kailan magtatanim ang mga Mayan at kung kailan itatayo ang isang
templo. Hindi rin matatawaran ang naiambag ng Kabihasnang Maya
sa arkiterktura. Gumawa sila ng mga piramide na may taas na 200
talampakan at nagsilbi nilang simbahan noon. Ginamit ng mga pari
ang piramide upang upang mapakinggan ng lahat ang kanilang
mabuting balita.
Kultura at Paniniwala
Hindi maitatangging taglay ng Kabihasnang Maya ang malalim na
kulturang humubog sa isipan at pagkatao ng mga Mayan. Bahagi
ng kanilang kultura ang paniniwala sa konsepto ng cyclical natural
of life, isang paniniwalang ang buhay ay isang siklo na paulit-ulit at
paikot-ikot lamang. Ayon sa konseptong ito, walang isinisilang at
wala ring namamatay. Naniniwala rin ang mga Mayan sa iba’t
ibang diyos na nagbibigay sa kanila ng mga biyaya. Ilan sa mga
diyos na kanilang sinasamba ay ang diyos ng mais, diyos ng
bahaghari, diyos ng lupa, diyos ng kamatayan at diyos ng araw.
Ang mga pangkaraniwang Mayan ay inililibing sa ilalim ng sahig
ng kanilang bahay at ang mga mayayaman naman ay inililibing sa
nitso.

Lipunan
Taglay noon ng lipunang Maya ang pagkakaroon ng mga
uri ng tao: ang mga alipin, mandirigma, manggagawa,
mayayaman, pari at mga pinuno. Ang mga pari at
mayayaman ang nasa itaas. Samantalang gitnang-uri
naman ang mga mandirigma at mangangalakal, at
panghuli ang mga alipin at magsasaka. Kalimitang
naglilingkod sa mayayamang angkan ng lipunan ang mga
alipin; sila ay naglilinis ng bahay at ang iba naman ay
nagtatanim.
Sining
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na maraming sayaw na
nagawa ang sinaunang Maya. Ipinapalagay na ito ay
umabit sa libong uri ng sayaw, kung saan ay gumagamit
sila ng makukulay na mga damit at gora. Bukod sa sayaw,
pinaniniwalaan din ng mga eksperto na mahusay ang mga
Mayan sa musika. Kalimitan ay tumutugtog sila gamit ang
tambol.

Pagbagsak ng Kabihasnang Maya


Ilan sa mga dahilang ng pagbagsak ng Kabihasnang Maya
ay ang pagkakaroon ng epidemya; pagkatuyo ng kanilang
mga tanim na nagresulta sa pagkagutom ng mga Mayan;
kawalan ng matibay na sistema ng pamumuno; at paghina
ng mga sundalo. May ibang mga eksperto na nagsasabing
ang pagbagsak ng kabihasnang ito ay bunsod ng
pagbabago sa klima at pagkatuyot ng paligid. Nariyan din
ang paniniwalang bumagsak ang sibilisasyon ito dahil sa
labis na laki ng populasyon.
Kabihasnang Aztec
Batay sa tala, nakilala ang mga Aztec sa pagkakaroon ng mga
madudugong ritwal. Iniaalay nila ang buhay ng isang tao sa kanilang
diyos na sinasamba sa paniniwalan ang ganitong gawain ay
makapagbibigay sa kanila ng masaganang buhay. Sa katunayan, nang
buksan ang templong ginawa para kay Huitzilopochtli, ang diyos ng
araw at digmaan at tinuturing na pinakamataas na diyos ng mga Aztec,
umabot sa 20,000 tao ang pinatay upang ialay sa nasabing diyos.
Nariyan din ang pagpupugot ng ulo ng mga dalaga upang iaalay sa diyos
ng maisupang masigurong magkakaroon ng masaganang ani. May mga
pagkakataon ding kailangang saktan ang ilang bata nang sa gayon ay
magkaroon sila ng biyaya mula naman sa diyos ng ulan. May mga tala
rin na kinukuha ang puso ng isang buhay na tao upang ialay sa kanilang
mga diyos na pinaniniwalaan

Dibisyon sa Lipunang Aztec


Gaya sa kasalukuyan, mababakas ang kaibahan ng pamumuhay
ng mga nasa taas ng lipunan sa mga nabibilang sa mababang
antas ng lipunan. Sa katunayan, ang bahay ng mga mayayamang
Aztec ay gawa sa mga batong mula sa pinatuyong buhangin.
Ang mga bahay naman ng mga mayamang-mayaman ay maaring
gawa sa batong matitibay. Hindi gaya ng mga pangkaraniwang
Aztec, ang mga mayayamang Aztec ay mayroong mga aliping
kapwa Aztec. Batay sa tala, ang isang Aztec ay nagiging alipin
dahil na rin sa utang o kaya naman sa parusa sa nagawang
krimen.
Sining
Upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga panganib na dala
ng kalikasan, gumawa sila ng mga bahay na akma sa kanilang
pangangailangan. Kalimitang gawa ang mga bahay sa adobe, particular
na ang mga bahay na matatagpuan sa matataas na lugar. Kalimitang
gawa naman sa mga saka na tinapalan ng putik ang mga bahay na
matatagpuan sa mabababang lugar. Bukod sa mga nasabing bahay,
lumikha rin sila ng mga storehouse at sweathouse na kalimitang
ginagamit bilang paliguan. Samantala, mahusay rin ang mga Aztec sa
paggamit ng iba’t ibang instrumentong pangmusika gaya ng plawta at
tambol na kalimitang ginagamit sa pagpupugay sa kanilang mga diyos.
Gumawa rin ang mga Aztec ng kalendaryo na mayroong 365 na araw sa
isang taon. Mayroon rin silanng sariling wika na Nahuatl. Nagaganap
naman ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulat gamit ang
pictographic writing.
Pagbagsak ng Kabihasnang Aztec
Sa pamumuno ni Hernan Cortes ay nagawang magapi ng mga
Espanyol ang matatapang at mababangis na Aztec gamit ang
kanilang mga makabagong armas pandigma gaya ng kanyon at
baril.
Taong 1521
nang tuluyang
bumagsak ang
sibilisasyong ito

You might also like