You are on page 1of 5

Hilagang Bahagi

Bundok

Anyong Tubig sa Silangan at Kanluran


Timog
Disyerto
Ang Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang
unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan
na tinawag na Fertile Crescent (Iraq), isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan
ng iba’t ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea.
Sa lugar na ito matatagpuan ang ilog ng Tigris at Euphrates kung saan umusbong ang
kabihasnan. Noong panahong Neolitiko naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng
rehiyon ng Mesopotamia tulad ng Jericho sa Israel at Catal Huyuk at Hacilar sa Anatolia
(Turkey sa kasalakuyan, 6000 BCE) na pawing mga pamayanang agrikultura.
Nagkaroon ng malawakang pagtatanim ng trigo at barley sa mga lugar na ito at
pinaniniwalaan din na natuto silang silang mangaso at mag-alaga ng mga hayop.
Subalit hindi rin nagtagal ang mga naturang pamayanan dahil sa salat ang kapaligiran
upang mapunan ang pangangailangan ng mga pamayanan na ito.
Tanging ang kasagutan sa mga suliranin na ito ng pamayanan ay ang matabang lupa
ng Tigris at Euphrates kung saan umusbong ang kabihasnang Sumer (3500 – 3000
BCE) na itinuring na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
Dito nagsimula ang pag-usbong ng iba’t ibang lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur, at Kish. Dahil sa kanilang pinagsanib na kakayahan at paniniwala sa mga diyos
ay naitatg ang templo na tinawag na Ziggurat, ang pinakamalaking gusali sa Sumer.
Pinamunuan ng mga haring pari ang mga lungsod dito na hindi lamang lider ispiritwal at
politikal. Sila ay kumakatawan bilang tagapamagitan ng tao sa diyos kayat nagiging
kontrolado ng mga diyos diyosan ang pamumuhay ng tao.
Sa usaping pamumuhay naman ay may kaniyakaniyang espesyalisasyon ang mga
Sumerian na naging hudyat ng pag-uuri ng tao sa lipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga mangangalakal, artisano, at mga scribe, at sa huli
ang mga magsasaka at alipin.
Paglaon ay natukasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kung saan ay
naitatala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring
nagaganap. Nagkaroon din ng pag-unlad sa kanilang sining at naitala ang mahahagang
tradisyon at epiko tulad ng epiko ng Gilgamesh na katibayan ng kanilang kabihasnan.
Naimbento rin ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may
gulong at natuklasan din ang paggawa ng mga palayok at paggamit ng perang pilak.
Sumunod na natuklasan ay ang paggamit ng lunar calendar at ang decimal system. Ito
ay mga patunay na nagkaroon ng pag-unlad ang kabihasnang Sumer. Subalit sa kabila
ng kanilang kaunlaran naito, hindi 11 naiwasan na may mga grupo na nainggit sa
natamo nilang pag-unlad dahilan upang sakupin ang kanilang lupain na
nakapagpabagsak sa kanilang kabihasnan.

Kabihasnang Indus
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at
Euphrates ay umaaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa Himalayas
na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultura nito. Bago pa man
umundad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang naitatag noong panahon
ng Neolitiko. Ito ay ang pamayang Mhergah (3500 BCE) na nasa kanluran ng Ilog
Indus. Masasabig sedentaryo at agricultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga
nahukay na ebidensiya.
May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at MohenjoDaro.
Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang
nakadisenyong kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat na bloke ng
kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika ang mga nanirahan dito. May isa o
higit pa ang banyo o palikuran na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at
imburnal sa ilalim ng lupa.
Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga ito ay
sumusamba sa mga hayop at puno. Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga
naghaharing uri sa lipunan tulad ng mga haring pari. Dahil sa salat sa mga
punongkahoy at metal, pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao dito. Natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga karatig lungsod. Pinaniniwalaan na ang mga mangangalakal
na ito ang unang gumamit ng sistema ng pagsulat ng Indus, ang pictogram na walng
sinumang eksperto ang nakapagpaliwanag nito kaya nagkaroon ng pagkukulang sa
kaalaman tungkol sa kabihasnang Indus.
May mga artifact na nahukay dito tulad ng mga laruan at alahas na palamuti at mga
palayok na nagpapakita ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga bagay na ito.
Naging mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang Indus noong 1750 BCE. May paliwanag
ang mga iskolar dito. Ayon sa kanila, maaaring nagkaroon ng mga kalamidad na
naganap o maaaring nagkaroon ng pagsakop sa lugar na pinaniwalaang mga Aryan.
Walang matibay na ebidensyang naipakita sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng
panahon ang kabihasnang ito ay unti-unti ng nawaglit sa alaala at nawala sa
kasaysayan.
Kabihasnang Shang
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow
River dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o
dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agricultural na malapit dito. Ang
taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng
mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig at ang
paglalagay ng mga dike. May mga pamayanan ng umusbong dito bago pa ang Shang.
Ito ang kalinagang Yangshao (3000 BCE – 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE – 2000
BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Bagama’t mas
permanente ang pamayanang Lungshan, nagkaroon din naman ng kontribusyon ang
pamayanang Yangshao. Isa sa pangunahing Gawain ng Yangshao ay paggawa ng mga
tapayan na mas nagigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng
pagtuklas ng potter’s wheel.
Masasabing ang Lungshan ang transisyon patungo sa panahon ng kabihasnang Shang.
May mga nasulat din na may nauna pa sa pamayanang Shang. May mga nasulat din na
may nauna pa sa pamayang Shang tulad ng dinatiyang Xia xublit walang sapat na
dokumentong nagpapatunay dito. Samantalang sa Shang ay may mga labing nahukay
ang mga arkeolohiya na nagpatunay sa kabihasnag ito noong dekada 1920. Isa narito
ang mga oracle bones o butong orakulo na ginagamit sa panghuhula. Paniniwala nila
na nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga ninuno gamit pa ng mga butong
orakulo.
Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-aayos ng
kanilang lungsod na napapaliutan ng mga matatas na pader na naging paghahanda sa
mga madalas na digmaan sa kanilang lupin. May malinaw na paghahati ng lipunan sa
lupain na ito, ang mga aristokrasya at ang mga mababang uri na nailalarawan sa uring
kanilang tirahan.
Natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na nagsisilbing tagapag-
isa ng Tsino. Bagama’t may iba’t ibang wika nasentro lamang sa isang sistema ng
pagsulat ang mga Tsino at ang mga simbolo ng butong orakulo ang ginamit ng karakter
na unag simbolo ng pagsusulat nila. Ipinalagy ng mga Tsino na ang kanilang
kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at
pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay
nagpatuloy tungo sa pagtatag ng mga imperyo.

You might also like