You are on page 1of 2

Filipino (Learner-Generated Outputs)

Ang mga Sinaunang Kabihasnan

Marami tayong kabihasnan sa buong mundo pero ang mga kilala ay ang Kabihasnang
Mesopotamia, Indus, Tsino, at Ehipto. Pero ano nga ba ang kabihasnan? Ang Kabihasnan
o sa Ingles ay Civilization ay tumutukoy sa isang lugar na maunlad o pinaunlad ng
kani-kanilang mga pinuno, matutukoy mo rin na ito ay kabihasnan kapag ito ay may sariling
batas na gawa, may sariling pamahalaan, imbensyon, at ambag sa lipunan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng bansang Iran at Iraq. Ang


Mesopotamia ay isa sa mga Sinaunang Kabihasnan. Ang Mesopotamia ay nagmula sa
salitang Griyego na “Meso” na ibig sabihin ay gitna at “Potamos” naman na ibig sabihin ay
ilog” o sa madaling salita ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay Napapaligiran ng dalawang
ilog, at ang dalawang ilog na yun ay ang Ilog Euphrates at Ilog Tigris. Kilala din ang
Kabihasnang Mesopotamia sa pangalang Fertile Crescent dahil sa matabang lupain na
tinatawag na banlik na iniiwan ng baha. Ang mga Sumerian ang unang naninirahan dito,
sumunod ang mga Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Persian. Para pa sa
malalim na kaalaman ang Kabihasnan ay nasa Biblia.

Ang Kabihasnang Indus naman ay nasa bansang Pakistan sa kasalukuyang panahon. Ito
naman ang Lugar ng mga Selyo o ukit na nagsisilbing palatandaan na sila ay maunlad sa
kalakalan. Sila ang pinakamahusay sa arkitektura. Sila din ang nag imbento ng Grid
Patterns na ibig sabihin ay maayos at pantay pantay na daan na may konting liko liko din.
Ang mga Dravidian ang namumuno dito at sila din ang sinaunang tao na nagtayo ng
dalawang lungsod na Mohenjo-daro at Harappa. Ang pari nila ay nagsisilbing
tagapamagitan ng tao at ng Diyos. Sila din ay polytheism kagaya ng ibang kabihasnan. Ang
pangunahing hanap buhay naman nila ay pagtatanim at mag alaga ng hayop tulad ng tupa,
baka, at kambing. Dito na rin naninirahan ang mga Artisano o ang mga taong gumagawa ng
tanso at mga armas.

Ang Kabihasnang Tsino naman ay ang pinakamatandang kabihasnan na hanggang sa


kasalukuyan ay buhay at nanatili. Merong dalawang ilog din na nakapaligid sa kanila na ang
Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze na nagbibigay din ng matabang lupa. Pero sa Kabihasnang
Tsino nagsimula ang iba’t ibang klase ng dinastiya. Ang Dinastiyang Hsia ang unang
dinastiya sa Kabihasnang Tsino na pinamumunuan ni Emperador Yu at siya ang gumawa
ng paraan upang mapigilan ang matinding pagbaha ng Ilog Huang ho. Tinawag nila ang
kanilang lupain na Zhongguo na ang ibig sabihin ay “Middle Kingdom” Sumunod naman
ang Dinastiyang Shang ang nakatalo sa Dinastiyang Hsia.
Ang Kabihasnang Ehipto ay matatagpuan sa bansang Aprika. Sila ay nasa Sahara Desert o
ang pinakamalaking Disyerto. Ang Kabihasnang Ehipto ay tinatawag din na Biyaya ng Nile
River, sa kadahilanan na sila ay nasa Sahara sapagkat iyon ay isang mainit na lugar at sa
pag apaw ng Ilog Nile lamang sila umaasa para sa supply ng tubig para sa kanilang mga
pananim at ito rin ay nagbibigay sa kanila ng matabang lupa, at ginagamit nila ang ilog na
ito para sa kalakalan sa ibang lugar. At ang pangunahing Sistema ng kalakalan nila ay ang
Sistemang Barter o pag kalakalan produkto sa produkto.

Kung titignan natin napakaraming ambag ng mga kabihasnang ito,. Kagaya ng naimbento
ng Mesopotamia na gulong, ito ay parte ng mga transportasyon na kailangan natin para
makapunta sa iba’t ibang lugar, ang pagsusulat, ito rin sa kasalukuyan ang ginagamit natin
para makipag-usap at magbigay ng impormasyon, ang mga Ziggurat ang nagsisilbi na
templo o dasalan naman, at ang pinaka tanyag ang pagtatanim o Agrikultura dahil ito ang
pangunahing hanap buhay ng mga tao noon at ngayon, kaya din sila nagtatanim para tayo
ay may makain.Sa Kabihasnang Indus naman ang napakagaling nila sa Arkitektura,
namana natin ito sa kanila at ngayon napaka ganda at napakatibay ng ating mga
imprastraktura.Sa Kabihasnang Tsino naman ay ang papel, compass, at perang papel. Sa
Kabihasnang Ehipto naman ay kalendaryo na naglalaman ng 365 na araw at 12 na buwan.
Kaya kung titignan malaki ang gampanin ng mga kabihasnang ito sa ating pamumuhay sa
araw-araw dahil pinadali nila ang ating mga buhay sa pamamagitan ng kanilang imbensyon,
kaya wag natin ito ibasura lamang.

Isabel B. Ubiadas
(8-Appreciation)

(Ginamit na Teknik ay ang Paghahawig o pagtutulad)

You might also like