You are on page 1of 3

LAST WILL AND TESTAMENT

Ako, si VINCE FRANCIS R. FRANCISCO, Filipino, nasa ika-8 na baitang,


nagaaral sa Holy Child Jesus Montessori School.
Nanunumpa ayon sa aking sariling desisyon na walang halong impluwensya
bilang isang mag aaral na pahahalagahan
ang pamana ng sinaunang kabihasnan. Idinideklara ang insturmentong ito
na nakasulat sa wikang tagalog
bilang aking huling habilin sa mga kabataan ng bagong henerasyon at sa
mga susunod pa na magiging pinuno ng bansa

1.Pamana sa kultura ng sinaunang tao sa amerika.

Ang kultura ng amerika ay kilala ng halos lahat ng tao sa


mundo,ito ay may ibat ibang lahi at wika.
Ang mga OLMEC ay rubber people, kaunahang taong gumamit ng dagta
ng mga punong rubber o goma , sila
ay nakagawa ng mga kalendaryo at gumamit ng isang sistema ng
pagsulat na may pagkakatulad sa HIEROGLYPHICS
nakalinang din sila ng ilang katangi tanging akda ng sining.Ang
POK-TA-POK panritwal na laro tila kasing
halintulad ng larong basketball subalit ang manlalaro ay hindi
maaring gumamit mg kamay.ang ESKIMO o INUIT ay
grupong naninirahan sa nagyeyelong lupain,nangingisda sila ng
balyena,seal,maliit na isada at ibapa.ang buto ng isda
at hayop ginagawa nilang karayom at panghiwa,balat ng hayop ang
ginagawa nilang damit at tolda,ginagamit nilang panglakbay
ang sleds at kayak,sa isda nakakuha sila ng langis na gamit nila
sa kanilng ilawan.Ang INDIAN pueblo ay komplekadong
kultura sa amerika naninirahan sa timog kanluran na ngayon ay
ESTADOS UNIDOS,nagtatatag ng pamahalaan na ang tao mismo
ang namimili ng pinuno. Ito rin ang grupong gumagamit ng adobe
sa pagtatayo ng bahay na may maraming palapag na kilala ngayon
sa tawag na "Apartment". Humahabi ng damit at gumagawa ng
palayok.
Gumagamit ang sinaunang tao ng apoy. May mga kasangkapang bato,
balat na damit at nag-aalaga ng aso.
Mahusay na magsasaka ang mga indiang Pueblo. Sistemang patubig
na mais ang pananim. Mais ang
pinakamahalagang pananim at ito ay nagawa nilang palaguin sa
sentral Amerika.

2. Pamana s kultura ng sinaunang tao sa Afrika.


Ang africa ay pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
Nagtataglay ito ng iba't ibang katangiang
pangheograpiya na maaring magbigay paliwanag kung bakit may
iba't ibang uri ng pamumuhay ang mga tao rito.
Nagpapalipat lipat sila sanhi ng pagbago bagong klima ng
kontinente. Naghahanap sila ng mas mainam na lugar na kung
saan matutugunan ang kanilang pangangailangan. Nagkaroon ng
kalakalan sa iba't ibang bahagi ng kontinente na naging batayan ng
kanilang kabuhayan. Aktibo sa pagsasaka at kalakalan ang mga
Kushite ng masakop sila ng mga Ehipsyano. Sa kabila nito ay nagawa
nilang magtanim ng trigo, barley, millet at bulak nang labis pa
sa kanilang pangangailangan. Ang GHANA ay natutong gumawa ng iba't ibang gamit
tulad ng mga sandantang kahoy, buto at bato. Sa loob ng 300
taon, nakontrol ng Ghana ang malaking bahagi ng Kanlurang Africa.
Sa pagbagsak ng Ghana, lumaganap ang islam sa buong hilagang Africa.
Ang MALI ay nagtatag ng ikalawang pinakamalaking imperyo. Ang SUNDITA-
isang itim na muslim, ang unang mansa o emperador ng MALI. Isa
sa mga pinuno ng MALI ay si Mansa Musa. Nagpatayo siya ng mga moske at timbukatu,
na naging sentro ng kaalamang Muslim. Ang SONGHAI,humiwalay sa mga
Mali, bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo at namahala sa rutang
pangkalakalan. Naninirahan sa mga bahay na yari sa luwad na ang
bubong ay damo. MArunong silang gumamit ng bakal, tanso at bronse, sa pag-gawa
ng kasangkapang sandata, banga, at palamuti. Sa paglalakbay ay gamit
nila ang mga kamelyo, kabayo at asno. Gumagamit din sila ng mga bangka sa ilog,
nakikipagtalastasan sa wikang Arabic, at malaki ang kanilang pag-galang
sa mga taong nakapag-aral.
Nagtataglay sila ng simpleng sining at agrikultura.

3. Pamana ng kabihasnan ng mga pulo sa Pasipiko.


Sa Pacific ocean ay matatagpuan ang mga rehiyon ng Oceania.
Ang polynesia- sakop nito ang triangulong teritoryong Hawai, Easter
Island at New Zealand. Ang kultura at kabuhay ay umaangkop sa
uri ng kapaligiran. Sila ay naging bihasan manlalayag. Karamihan sa
kanila ay nasanay sa sonang tropikal tulad ng mga katutubo sa
Hawaii. Samantalang sa New Zealand, nasanay sila mahalumigmig na
kapaligiran. Ang kanilang tahanan ay yari sa kahoy, kawayan,
at mga dahong ng saging. Nakasalalay ang kanilang pamumuhay sa
pangingisda at pagtatanim ng breadfuit, sagin, gabi, at niyog.
Gumagawa sila ng inumin na ang tawag ay kava. Naimbento rin nila ag
Catamaran, isa itong bangka na may dalawang hull or katawan.
MICRONESIA- ang pinakamalapit sa Pilipinas, ang kanilang kultura ay
gali rin sa lahi ng Austronesyano na nang-galing sa timog Tsina at Formosa
magkaugnay ang kultura sa Pilipinas at POLYNESIA. Mahusay rin silang
maglayag sa karagatan. Gumagamit din silang ng teknolohiyang
wayfinding sa kanilang pangingisda o pag-gamit ng araw, buwan, at
butuin bilang gabay sa paglalayag. Bukod sa pangingisda
ay marunong din silang magsaka. Naniniwala sila sa mga espiritu ng
kanilang mga ninuno.
MELANESIA- matatagpuan sa kanlurang pasipiko, sila ay may lahing
Austronesian. Sila ay nabubuhay sa pamamagitang ng pangangaso, pagtatanim
at pangingisda. Sanay silang tumira sa gubat.

Ang mga naimbento noon ay dapat lamang na patuloy nating pahalagahan upang mas
mapaunlad ang ating kasalukuyang teknolohiya. Ang pag-iingat sa mga artifacts
at mga sulating naiambag sa sinaunang panahon ay dapat pahalagahan upang patuloy
na matutunan at mapag-aralan ang mga pamana ng sinaunang Africa, Pasipiko,
at Amerika sa kasalukuyang panahon. Ang sining at panitikan nila ay
mapapahalagahan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa anumang adapsyon o repleksyon
nito,
mapa-sine man o museo.

Sa katunayan ng lahat, ako ay lumalagda sa ibaba nito ngayong ika-5 ng buwan ng


Nobyembre, taong 2018 dito sa lungsod ng Dasmarinas, Cavite.

Vince Francis R. Francisco

You might also like