You are on page 1of 4

Kabihasnang Aprika (Africa)

(Ciara; Heograpiya ng Aprika)

Ang Aprika ang pangalawang pinakamalawak na kontinente sa daigdig kasunod ng Asya. Sa Panahon na
hindi pa ito nagalugad, ito’y tinaguriang “Madilim na Kontinente.” Pero kalaunan, nung nagalugad na ito
ng mga kanluranin, tinagurian ang Africa bilang “Kontinenre ng Kinabukasan.” Dahil sa taglay nitong
likas na yaman at sa laki ng posibilidad nitong umunlad.

(Junica; Heograpiya ng Aprika)

Matatagpuan ang kontinente ng Aprika sa timog ng Dagat Mediteraneo at napapalibutan ng Karagatang


Atlantiko, Karagatang Indian, at Red Sea. Ang pamumuhay ng mga tao dito ay nakabatay sa uri ng klima
at kapaligiran sa bawat rehiyon.

(Arvy: Mga tao sa Africa; read script)

Ciara: Kagaya ng ibang kabihasnan tulad ng Mesopotamia, Tsina at Indus, malaki rin ang naging papel ng
Ilog Nile sa pagtatag ng Kabihasnan ng Aprika.

Junica: Dumako naman tayo sa mga imperyong umusbong sa Kabihasnan ng Aprika.

Bantu at Nok

-Bantu ang kolektibong tawag sa 300 hangang 600 etnikong grupo ng Aprika ng gumagamit ng wikang
ito. Nagmula ang mga ito sa kanluran ng Aprika, sa timog silangan ng Nigeria, at dumayo sa silangan at
timog aprika 2 500 taon ang nakakaraan.

Isa sa kanilang mga pamumuhay ay pagsasaka at pagpapanday, na kaalamang dala saan man sila dumayo.
Dahil na rin sa kanilang paglalakbay mas lumawak ang kaalaman nila at mas lumaki ang bilang ng
kanilang populasyon. Bukod sa pagsasaka at pagpapanday, marunong rin ang mga Bantu sa pagpapalayok
at pagkakarpintero.

-Nok

Maiiugnay rin naman sa mga Nok na naninirahan din sa gitnang bahagi ng Nigeria ang kaalaman sa mga
Bantu sa Pagsasaka. Sumibol ang kanilang kultura noong 100 BCE. Mahusay sila sa pagtatanim at
pagsasaka. Sakanila nag ugat ang mga pangkat sa Africa na kinabibilangan ng Hausa, Gwari, Birom.
Kanuri, Nupe at Jukun. Mataas ang kalinangan ng mga taong ito. Sa katunayan, sila ang sinasabing unang
gumawa ng eskulturang terra-cotta na sinlaki ng tao.

Kush
Axum

Ghana

Mali
Songhai

Benin

Zimbabwe

You might also like