You are on page 1of 3

Pagtangkilik at Pagyamanin ng panitikan ng Persia at Africa

Kilala ang Africa bilang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong mundo


at pangalawa rin sa dami ng populasyon sumunod sa Asya. Ang kontinenteng ito
ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may
Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at
ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang
mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o
bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may
limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito. Ang Aprika ay tahanan ng iba‘t
ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa
ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado
sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.
Masasalamin rin ang kagandahan ng kanilang bansang nag-uumapaw sa mga likas
na yaman at mga hayop na naninirahan dito. Sa kabilang banda mas kilala ang
Aprika bilang bansang inapi ng mga mananakop at sapilitang ginawang alipin at
ipinagbili bilang alipin. Sapagkat sila’y itim, hinding-hindi rin sila nakalusot sa
rasismo at diskriminasyon na siya ring naging dahilan ng mababang pagtingin sa
kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao ng mg aprikano. Ito rin ang
dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga aprikano.
Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa. Ito’y binubuo ng
iba’t-ibang genre, pasalita man o pasulat na gamit. Napapabilang sa kanilang oral
literature ang kuwento, dula, bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na
nagtuturo at nakalilibang sa mga bata. Taliwas sa nakasanayan natin, ang
nagsasalaysay ay gumagamit ng call-response technique sa nga tagapakinig. Ang
griot (praise singer) ay nagsasalaysay naman kasabay ng saliw ng musika.
Bilang tala ni George Joseph sa kanyang kabanata sa African literature in
Understanding Contemporary Africa, kung saan ang pagtanaw ng European sa
panitikan ay madalas na paghihiwalay ng sining at nilalaman, ang kamalayan ng
Africa ay inklusibo:
“Panitikan” ay maaaring maging bahagi din ng asya at nagpapahiwatig ng isang
masining na paggamit ng mga salita para sa kapakanan ng sining. Ang africa ay
hindi pinaghihiwalay ang sining mula sa pagtuturo. Sa halip na isulat o kumanta
para sa kagandahan sa kanyang sarili, ang mga manununulat na aprikano, gamit
ang kanilang oral literature, gumagamit sila ng kagandahan para matulungan
maipahayag ang mahahalagang katotohanan at impormasyon sa lipunan. Sa
katunayan, ang isang bagay ay itinuturing na maganda dahil sa mga katotohanang
ito ay nagpapakita at tumutulong upang bumuo ng mga komunidad.
Ang mayaman na akdang pampanitikan ng bansang Aprika, ang kanilang
mahuhusay na manunulat sa larangan ng pilosopiya at paniniwala, mga
literaturang sumasalamin ng kanilang kultura at tradisyon ay iilan lamang sa mga
naiambag ng bansang Aprika sa mundo ng panitikan.
Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa may
pinakamatandang panitikan sa daigdig. Nagsimula ito sa makatang si Avesta
noong 1000 BC. Ang panitikan ng Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating
kultura at sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at
imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming siglo. Ito ay isa sa mga
pinakalumang literatura sa buong mundo.Sukat tungkol sa dalawa’t-kalahating
millenya, ang panitikang persyano ay may mga pinagmulan at nakaligtas
gumagana sa Old at Middle Persian pabalik sa panahong malayo bilang 522 BCE,
ang petsa ng pinakamaagang nakaligtas na Achaemenid inscription, ay ang
Bisotun Inscription. Ang sources nito ay nagmula pa sa kasaysayan ng Persia
kabilang sa kasalukuyan (sa Iran) pati na rin ang mga rehiyon ng Gitnang Asya
kung saan ang makasaysayang wika ng persya ay ang pambansang wika ng Persia.
Ang panitikan ng Persia ay kapansin-pansing inimpluwensyahan ang literatura ng
Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Central Asia at naging pinagkukunan ng
inspirasyon para kay Goethe, Emerson, Matthew Arnold at Jorge Luis Borges, at
napakarami pang iba.
Ang mga akda ng Africa at Iran ay nagdala ng kakaibang pagbabago sa mundo ng
panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mga
mahuhusay at malikhaing manunulat na nagpapakilala sa kanilang paniniwalang
Sufism kung saan ang isang indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng
kanyang pandama. Ang kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga
naibahagi ng mga bansang ito sa mundo ng panitikan lalo na sa larangan ng
pilosopiya at paniniwala.

You might also like