You are on page 1of 2

Asya ang pinakamalaking kontinente ng mundo, o isang subkontinente ng mas

malaking Eurasya o Apro-Eurasya. May sukat itong aabot sa


44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw) — halos 30% ng kabuuang laki ng kalupaan ng Daigdig at
8.7% ng kabuuang lawak ng ibabaw nito. Makikita rito ang Mesopotamia, Lambak ng Indus, at
ang Ilog Yangtze, na nagsilbing lugar kung saan umusbong ang ilan sa mga
unang sibilisasyon sa nakatalang kasaysayan. Kasalukuyan itong tinitirhan ng lagpas 4.6 bilyong
katao, ang 60% ng kabuuang populasyon ng mundo.
Ang hangganan ng Asya sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko. Karagatang
Indiyano at Karagatang Artiko naman ang mga hangganan nito sa timog at hilaga. Samantala,
pabago-bago sa kasaysayan ang hangganan nito sa kanluran, dahil sa kultura at politika.
Gayunpaman, pinagkakasunduan ng marami na ang hangganan ng Asya sa Europa ay
ang Bulubunduking Ural at Bulubunduking Caucasus sa Rusya, gayundin ang mga kipot ng
Turkiye (Kipot Bosphorus, Kipot Dardanelles, at Dagat Marmara). Ang Kanal ng Suez naman
sa Ehipto ang nagsisilbing hangganan nito sa Aprika.
Ang rehiyon ng Tsina at India ang naging sentro ng ekonomiya ng mundo hanggang noong ika-
19 na siglo sa pag-usad ng Rebolusyong Industriyal sa Europa. Ang yaman na ito, na hinaluan
pa ng mga pantasyang isinulat ng mga naunang manlalakbay tulad ni Marco Polo, ang nagpaakit
sa mga Europeo upang makipagkalakalan sa Silangan, na humantong kalaunan upang magtayo
sila ng mga kolonya sa malaking bahagi ng kontinente. Dahil sa lawak nito at ekonomiya, naging
tirahan ito ng malaking bahagdan ng populasyon sa halos buong kasaysayan nito. Gayunpaman,
unti-unti na itong bumabagal pagsapit ng ika-20 siglo dahil sa samu't saring dahilan. Dito itinatag
ang karamihan sa mga pinakalaganap na mga rehiliyon sa mundo, kabilang na
ang Kristiyanismo, Islam, Judaismo, Budismo, at Hinduismo.

Kahulugan at hangganan
Hangganan sa Aprika
Sa malaking bahagi ng kasaysayan, itinuturing ang Tangway ng Sinai bilang ang hangganan ng
Asya sa Aprika. Gayunpaman, naging mas malinaw ito nang itinayo ang Kanal ng Suez noong
ika-19 na siglo sa Ehipto. Samantala, ang hangganan ng dalawang kontinente sa katubigan ay
ang Dagat Pula at ang Golpo ng Suez.

Hangganan sa Europa
Pabago-bago ang naging hangganan ng Asya sa Europa sa kasaysayan dahil sa kultura at
politika. Ang pinakaunang nagsubok na maglagay ng isang tiyak na hangganan ng dalawang
kontinente ay ang mga Griyego. Ginamit ni Anaximander ang Ilog Phasis (ngayo'y Ilog Rioni)
sa Kaukasya bilang hangganan ng Europa sa Asya, mula sa lungsod ng Poti sa Dagat
Itim hanggang sa Daang Surami at Ilog Kura sa Dagat Kaspiyo. Ito rin ang ginamit na
hangganan ni Herodotus noong ika-5 siglo BKP. Binago ito noong panahong Helenistiko, kung
saan inusog ang hangganan papunta sa hilaga, sa Ilog Tanais (ngayo'y Ilog Don). Ito ang
ginawang basehan ng mga Romanong manunulat tulad nina Strabo at Ptolemy.
Ang modernong pinagkakasunduan na hangganan ng dalawang kontinente ay nagmula sa isang
mungkahi noong 1730 ni Philip Johan von Strahlenberg sa kanyang atlas. Iminungkahi niya na
gawing Bulubunduking Ural ang hangganan ng Europa at Asya. Pinalawig ito nang husto sa mga
nagdaang taon: ginamit kalaunan ang Ilog Ural sa timog ng kabundukan bilang karagdagan
hangganan nito, at ang Bulubunduking Caucasus na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Itim at
Kaspiyo.

Sa Oseaniya
Nilalagay kalimitan ang hangganan ng Asya sa Oseaniya sa Kapuluang Malay. Kinokonsidera na
bahagi ng Asya ang Kapuluang Maluku samantalang bahagi ng Oseaniya ang isla ng New
Guinea at ang mga karatig na isla nito. Parehong nasa Indonesia ito ngayon.

You might also like