You are on page 1of 3

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face to Face

LESSON Paaralan SAN JUAN NHS Baitang Baitang 8


EXEMPL Guro DENSEL JAMES ABUA Asignatura ARALING
AR SILVANIA PANLIPUNAN
Petsa January 9-13, 2023 Markahan Unang Markahan
Ika-siyam Oras 9:55-10:35 – DIAMOND Bilang ng Araw
3
na linggo 11:15-11:55 - RUBY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nababasa ang teksto tungkol sa kabihasnang Maya;
b. nabibigkas ang mga piling salita ayon sa kahulugan nito; at
c. nasasagutan ang mga tanong tungkol sa Kabihasnang Maya;

II. NILALAMAN Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa,


at mga Pulo sa Pacific
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul ph. 174
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Paksa: Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon
sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang
lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan.
Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300
C.E. at 700 C.E.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa
pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o
“tunay na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang
pagsamba sa kanilang mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay
ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada
at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan
ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang
tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay
isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May
mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal
ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng
hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang
pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya,
papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga
Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng
mais gayundin ang tungkol sa ulan.
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E.
Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay
nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang
panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E.,
ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan.
Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang
Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan,
paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga
dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang
pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao
na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay
natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga
buto nito.
Mga Katanungan
1. Saan namayani ang Kabihasnang Maya?
a. Chaldean
b. Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico
hanggang Guatemala.
c. Egypt
d. Assyria
2. Kailan nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan?
a. 14 B.C.E
b. sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
c. 105 B.C.E
d. 45 B.C.E
3. Sa lipunang Maya, Sino ang katuwang ng mga pinuno sa
pamamahala?
a. Guro
b. Doktor
c. Mayor
d. Pari
4. Ano ang kahulugan ng salitang halach uinic?
a. “Tunay na Lalaki”
b. “Tunay na Babae”
c. “Tunay na Magulang”
d. “Tunay na Kapatid”
5. Ano ang sentro ng bawat lungsod ng Maya na ang itaas na
bahagi ay dambana para sa mga diyos?
a. spartan
b. Antartic
c. Watch Tower
d. Pyramid
6. Sa larangan ng ekonomiya, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mga produktong pangkalakal ng mga Mayan?
a. Mais
b. Asin
c. Tapa
d. Papel
7. Bakit ang sinambang diyos ng mga Mayan ay may kaugnayan
sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. ?
a. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya
b. bumuo ng malaking hukbo at plota
c. Nagtayo ng gusali
d. Dahil sa mga lupain
IV. ASIMILASYON "Bilang isang estudyante, ano ang kahalagahan na malaman o maunawaan
ang mga mahuhusay na gawain at disiplina ng mga Maya? Isulat ang
iyong kasagutan sa sagutang papel.

V. Puna

Inihanda ni :

DENSEL JAMES ABUA SILVANIA


Guro I

Iwinasto ni:

ROSALIE J. MACALOS, Ed. D.


Ulong Guro I

You might also like