You are on page 1of 5

SUMMATIVE TEST 2

Araling Panlipunan 8
SECOND QUARTER, WEEK 2
MELC 3
Pangalan: __________________________________________________ Pangkat: __________
Petsa:________________________ Guro: _______________________ Iskor: ____________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at pillin ang tamang sagot. Titik lamang
ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Anong kabihasnan ang namayani sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog


Mexico
hanggang Guatemala?
A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca
2. Ano ang nasa sentro ng bawat lungsod ng Kabihasnang Maya?
A. templo B. palasyo C. pyramid D. Pamilihihan
3. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban
na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang ibig
sabihin ng halach uinic?
A. tunay na pinuno C. tunay na tagapaglingkod
B. tunay na mananalampataya D. tunay na lalaki
4. Para sa mga Aztec, napakahalaga ang sikat ng araw para sa kanilang pananim. Ano ang inialay nila
kay Huitzilopochtli, ang diyos ng araw, upang suyuin ito?
A. bunga ng kanilang pananim C. tao
B. rituwal at sayaw D. hayop
5. Ano ang kahulugan ng salitang “Inca”
A. matatapang B. Imperyo C. mandirigma D. lungsod
6. Bakit bumagsak ang Kabihasnang Maya? Ang mga sumusunod maliban sa isa ang
mga dahilan sa pagbagsak ng Kabihasnang Maya.
A. Pagkawala ng sustansiya ng lupa
B. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain.
C. Palagiang pakikidigma ng mga pinuno upang makahuli ng alipin.
D. Pagkawala ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo
7. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang ito ay
maging sentro ng pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang panahon? Ang
mga sumusunod ay katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan maliban sa isa. Piliin
ito.
A. Ito ay maliit na isla sa gitna ng lawa.
B. Ito ay napapaligiran ng kagubatan kaya may maraming hayop at halamang-
gubat.
C. Angkop ang Tenochtitlan sa pagtatanim.
D. Mayroon itong matabang lupa
8. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa uri ng pagsasaka ng mga Aztec.
Alin ang hindi kabilang nito?
A. Walang kasangkapang pambungkal ng lupa ang mga Aztec.
B. Matutulis na kahoy ang gamit nila sa pagsasaka o pagtatanim.
C. Mais ang pangunahing tanim ng mga Aztec.
D. Tanging baka lamang ang gamit at katulong nila sa pagsasaka.
9. Sa anong paraan maihahalintulad ang mga Pilipino sa Inca?
Ang mga sumusunod ay karanasan ng mga Inca na maihahalintulad sa
karanasanan ng mga Pilipino. Piliin ang mga karanasang ito.
I. Mga kastila ang naging mananakop ng mga Inca.
II. Dumating sa Inca si Fernando Pizzaro, isang Conquistador.
III. Lumaban ang mga Inca, subali’t wala silang kalaban-laban sa baril at
kanyon ng mga Kastila.
IV. Sa bandang huli, naging Kristiyano ang Peru, ang lugar ng mga Inca
A. I at II B. I, III at IV C. I. II at IV D. I, II, III at IV

1
10. Paano nagkakatulad ang mga Aztec at Inca? Ang sumusunod maliban sa isa ay
mga patunay ng pagkakatulad ng mga Aztec at Inca.
A. sumasamba sa araw bilang diyos
B. kapwa mahusay sa larangan ng inhenyero
C. kapwa naging sentro ng pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula
Pacific Ocean hanggang Gulf of Mexico.
D. Kapwa nagmula sa maliit sa pamayanang agrikultural.
11. Suriin ang estruktura ng Pyramid ng Kukulcan. Bakit
patag ang itaas na bahagi nito?
A. dahil dito nag-anunsiyo ang kanilang pinuno
B. dahil dito ginawa ang pagsasayaw at pagdiriwang
C. dahil dito ginawa ang pag-aalay
D. dahil dito sila nagdiriwang tuwing kabilugan ng buwan
12. Halimbawa ikaw ay isang Aztec na nakatira sa matabang lupain sa paligid ng
lawa,
subali’t di gaanong malawak ang lupaing ito. Ano ang gagawin mo para magiging
malawak ang iyong lupaing matamnan?
I. Gagawa ng irigasyon
II. Magtanim ng maraming puno sa paligid ng lawa.
III. Tatabunan ng lupa ang mga sapa upang makagawa ng artipisyal na pulo.
IV. Gagawa ng floating garden
A. I at II B. III at IV C. II at III D. II at IV
13. Saang bansa sa Africa matatagpuan ang Sahara, ang pinakamalawak na disyerto
ng mundo?
A. Ghana B. Sudan C. Kenya D. Zimbabwe
14. Ano ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa?
A. Mali B. Ghana C. Songhai D. Sahara
15. Kilala bilang mga mangangalakal, sila ang nagdala ng relihiyong Islam sa
Hilagang Africa.
A. Berber B. Muslim Turks C. Moors D. Persians
16. Ang Axum sa Silangang Africa ay naging tanyag dahil ito ang naging sentro ng
kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula Persia at Arabia. Sa
kasalukuyan, anong bansa ang Axum?
A. Zimbabwe B. Sudan C. Kenya D. Ethiopia
17. Nakatulong ba ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang
pamumuhay?
A. Oo,dahil sa tulong ng diyos na sinasamba nila
B. Oo, dahil sa pagkakaroon nila ng matatabang lupa at malalawak na
kapatagan.
C. Oo, dahil nakapangangaso sila sa kanilang malawak na kagubatan.
D. Oo, dahil sa yamang mineral na tinataglay ng kanilang pamayanan
18. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African? Isa sa mga sumusunod ang
dahilan.
Piliin ito.
A. Ito’y ginagamit nila bilang gamot.
B. Marami ito sa kanilang lugar.
C. Nagsisilbi itong pampalasa sa kanilang pagkain
D. Ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang pagkain.
19. Kung ikaw ay isang mangangalakal na sasama sa isang caravan, anong mga
bagay,
hayop o produkto ang maaari mong bilhin mula sa Africa?
I. unggoy, leon at elepante III. Ivory, ostrich at ebony
II. ginto, bakal at tanso IV.asin, dates, figs
A. I at II B. I at III C. I, II, at III D. I, II, III at IV

20. Paano nagiging tanyag si Mansa Musa bilang pinuno ng imperyong Mali? Ang
mga sumusunod maliban sa isa ay mga dahilan ng kanyang pagiging tanyag.
A. Pagpapahalaga niya sa karunungan
B. Nagpapatayo siya ng mga mosque sa mga lungsod ng imperyo.
C. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali.
D. Ginawa niya ang Ghana bilang sentro ng karunungan at pananampalataya.

2
21. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at
Songhai sa pag-unlad nito?
A. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara.
B. Napalilibutan ito ng anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad sa
pagsasaka.
C. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalalan ng ginto, asin at iba pang
produkto sa kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.
D. Nakatulong ang naturang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop.
22. Gagampanan mo ang papel ni Haring Al-Bakri ng Imperyong Ghana. Anong
patakaran ang ipapatupad mo upang mananatili ang mataas na halaga ng ginto
sa
iyong imperyo?
A. Ipagbawal ang pagmimina ng ginto.
B. Limitahan ang pagbebenta ng ginto sa kalakalan.
C. Ibigay sa iyo ang mga butil ng ginto at gold dust lamang ang payagang
ipagbili sa kalakalan.
D. Ipagbawal ang paglabas ng ginto sa imperyo.
23. Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlo (3). Alin sa mga pulo
ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Polynesia B. Micronesia C. Indonesia D. Melanesia
24. Sa anong paraan pinili ang pinuno sa Melanesia? Pinili ang pinuno sa Melanesia
batay sa:
A. talino at galing C. pagiging matagumpay sa digmaan
B. edad at lahi D. gaano katagal sa pagiging mandirigma
25. Sa sentro ng pamayanang Polynesia, makikita ang “tohua” na kadalasang nasa
gilid
ng mga bundok. Ano ang “tohua”? Ito ay isang:
A. Pyramid C. tirahan ng pinuno
B. Tanghalan ng rituwal D. tirahan ng pari
26. Bakit malapit sa lawa nagsimula ang unang pamayanan ng mga Micronesian?
A. Dahil walang alon sa lawa.
B. Para makapangisda sila sa lawa.
C. Para mas madali ang paglayag nila sa karagatan.
D. Para makapagtanim sila ng mga punong kahoy sa paligid ng lawa.
27. Sa kasalukuyang panahon, nirerespeto ang pagkakapantay-pantay ng papel ng
kababaihan sa lipunan. Subali’t sa Polynesia sa klasikal na panahon, pinagbawal
ang kababaihan sa mga sumusunod na gawain para mananatili ang bisa ng
mana.
Alin sa mga sumusnod ang hindi pwedeng gawin ng kababaihan sa Polynesia?
A. sumakay ng kabayo
B. Sumakay ng bangka
C. Pakikipaghalubilo sa kalalakihan sa panahon ng pagpupulong
D. Pakikipaghalubilo sa kalalakihan sa panahon ng piging
28. Sa pag-aalay sa pinaniniwalaang makapangyarihang diyos, sa anong paraan
magkakaiba ang pag-aalay ng mga Micronesian sa mga pulo ng Pacific sa mga
Mayan ng Mesoamerica?
A. Hayop ang inialay ng mga Micronesian, tao naman ang inialay ng mga Mayan.
B. Unang ani ng pananim ang inialay ng mga Micronesian, tao ang inialay ng mga
Mayan.
C. Tao ang inialay ng mga Micronesian; dugo ng hayop sa mga Mayan
D. Dahil nakatira sila sa mga isla ng Pacific, shells ang inialay ng mga
Micronesian; hayop ang inialay ng mga Mayans.
29. Suriin ang pamumuhay ng mga tao sa mga pulo ng Pacific sa klasikal na
panahon.
Ano ang pangunahing kabuhayan ng mga tao?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa plulo ng Pacific ay animismo.

3
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mg tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mg sinaunang mamamayan ng mga pulo sa Paacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana.

30. Ikaw halimbawa ay isang Micronesian. Sa pakikipagkalakan, ano ang gagamitin


mong pambili?
I. Ginto II. Pilak III. shells IV. bato
A. I at II B. III at IV C. I, II, III D. I, II, III, at IV

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ANGELITA C. MERO ROSENDA R. LIM – MT 1


SST II Grade 8 Subject Chairperson

Noted: Approved:

MARINA B. SANGUENZA, PhD RUEL T. GABOR, PhD


SSHT IV, Social Studies Department Principal IV

4
SUMMATIVE 2, MELC 3, WEEK 2, QTR 2 [MERO]

You might also like