You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

Araling Panlipunan 8

Pangalan: __________________________ Seksyon: _________ Iskor: ___

Maramihang Pagpili: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang pinakawastong
sagot mula sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Saan nagsimula ang kabihasnang Minoan?


A. Crete B. Knossos C. Mycenaea D. Asia Minor

2. Ano ang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo
ang mga Mycenaean?
A. Ionian B. Dorian C. Minoan D. Spartan

3. Ilang taon ang isang lalaking Spartan na dinadala sa mga kampo-militar


upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar?
A. 16 B. 13 C. 10 D. 7

4. Ano ang tawag sa kasuotang pambahay na hanggang tuhod ng mga lalaking


Roman?
A. palla B. stola C. toga D. tunic

5. Sino ang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas at nanindigan na ang


batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera
kailanman?
A. Marcus Palutus B. Livius Andronicus
C. Cicero D. Catullus

6. Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng


sinaunang panahon. Ano ang isa sa mga mahahalagang batas na kanilang
naisulat kung saan wala itong tinatanging uri ng lipunan?
A. Twelve Tables B. Justinian Code C. The Republic D. Politics

7. Ito ay mga nilikhang artipisyal na pulo ng mga Aztec upang matugunan ang
kakulangan ng kalupaang mapagtataniman.
A. garden B. chinampas
C. floating land D. garden above water
8. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

A. maraming isla B. maliit na mga isla


C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla

9. Ano ang pangunahing produktong pangkalakalan ng mga imperyong Ghana,


Mali, at Songhai sa Africa?
A. pilak B. asin C. ginto D. pabango

10. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada


at rutang patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec B. Inca C.Olmec D. Maya

11. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang
urban na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga
diyos. Ano ang ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki B. tunay na kakaiba
C. tunay na pinuno D. tunay na tagapaglingkod

12. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na
ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng
daigdig. Ano ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang
kanilang mga diyos?
A. nag-aalay ng tao B. nag-aalay ng hayop
C. nagsasagawa ng ritwal D. nagkakaroon ng piyesta

13. Sa sistemang piyudalismo sa panahong medieval, ano ang pinakamahalang


anyo ng kayamanan sa kontinente ng Europe?
A. ginto at pilak B. salapi at kayamanan
C. lupa D. ari-arian

14. Ang samahang medieval na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na


naglalayong protektahan ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa,
presyo, at suweldo.
A. burgis B. guild C. negosyante D. Maharlika

15. Ano ang banal na pook na pinag-aagawan ng mga relihiyosong Europeo


laban sa mga Turkong Muslim?
A. Israel B. Egypt C. Jordan D. Jerusalem

16. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa


obispong kanyang hinihirang bilang maging pinuno sa simbahan.
A. petrine doctrine B. excomunicado C. investiture D. baptism

17. Ang mga Vikings na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa
bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyansimo. Ano ang tawag
sa kasalukuyan ng lupaing napasakanila? 
A. Switzerland B. Normandy C. Denmark D. Paris

18. Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at pagpapalawak ng mga bayan,


isang makapang- yarihang uri ng tao ang lumitaw. Ano ang tawag sa mga
taong ito?
A. Serf B. Dugong bughaw
C. Bourgeoisie D. Panginoong-maylupa

19. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa “polis” bilang isang lungsod-estado?


A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan
binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa
isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa iba’t
ibang yunit ng pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”.

20. Ang mga Minoan ay kilala bilang_____.


A. magaling na mga magsasaka
B. nakatira sa mga bahay na yari sa bato
C. mahihina sa larangan ng pakikipagkalakalan
D. mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya

21. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor B. Patrician at Plebeian
C. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin

22. Bakit bumuo ng Republika ang mga Romano?


A. Para hindi sila kontrolado ng hari.
B. Upang ipagtanggol ang kanilang sarili.
C. Upang ang mga hukom ay maaaring gumawa ng batas.
D. Upang ang bawat isa ay maaring maging isang mamamayan.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

23. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng
Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala
sa banal na kapangyarihan o “mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa
o dagat-dagatan.

24. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?


A. Mahihina ang mga pinuno.
B. Kakulangan sa makabagong armas.
C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal.
D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo

25. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang


Maya?
A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang
produkto.
C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan
ng mga lungsod-estado.
D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot
ng suliranin sa suplay ng pagkain.

26. Marami ang naging dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyong Mayan. Alin sa


sumusunod ang HINDI kasali?
A. Epidemya B. Natural na kalamidad
C. Pagpasok ng dayuhan D. Hindi pagsunod sa kanilang
pinuno

27. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
B. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko

Para sa bilang 28, suriin ang kasunod na larawan .

28. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor?
A. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan
B. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
C. Pakikipagkalakalan
D. Pagsasaka

29. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang


Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa
Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng
estado ng Vatican.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag
hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang
Katoliko noong Panahong Medieval

30. Paano lumago ang mga bayan sa panahong medieval?


A. Paglakas ng kalakalan
B. Pagkakaroon ng pagbabago ng agrikultura
C. Pagkakaroon ng mga maaayos na kalsada
D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 31, suriin ang sumusunod na pahayag.

“Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the
whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…”
- PERICLES
Funeral Oration

31. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?


A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya.
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa.
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang
Demokrasya.
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa
pamahalaan.

32. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman
sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
B. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
C. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
D. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
33. Ano ang kaugnayan ng Twelve Tables sa Konstitusiyon ng 1987 ng Pilipinas?
A. Parehong nagsisilbing gabay ng mga batas na ipinapanday ng mga
mambabatas.
B. Ginagamit lamang upang matukoy ang krimen at pagtantiya sa kaukulang
parusa.
C. Nagpapataw ng karampatang buwis sa mga nasasakupan.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

D. Nakasaad ang mga tungkulin ng mga mamamayan.

34. Bilang isang mamamayan, paano mo mapapahalagahan ang mga pamanang


Romano?
A. Ilagay sa museo ang kanilang mga nagawa.
B. Isulat ang mga kontribusiyon ng kabihasnang Romano.
C. Gawing gabay at pundasiyon ang kanilang mga nagawa sa pagbuo ng
mga bagong teknolohiya.
D. Hayaan na maagnas at mawala ang mga nagawa ng mga sinaunang
Romano.

35. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at


Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
pagsasaka.
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang
produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab
sa Sahara.
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop.
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara

36. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?


A. Mahihina ang mga pinuno.
B. Kakulangan sa makabagong armas.
C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal.
D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo

37. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga


mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya
naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon.
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro.
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

38. Ang isang mangangalakal ay maaaring magdeposito ng salapi sa isang


lungsod. Ang dineposito niya ay maaaring niyang kolektahin sa ibang
lungsod. Bakit mas pinili ng mga tao noon na gamitin ang uri ng sistema ng
pagbabangko?
A. Dahil mas nakakaayang tingnan at panoorin.
B. Dahil mas patok ito sa kanilang lipunan na kanilang kinabibilangan.
C. Dahil sa ganitong paraan mas nagiging ligtas ang paglipat ng salapi.
D. Dahil sa ganitong paraan mas komportable ang mga negosyante.

39. Sa Guild System ng Panahong Medieval, saan napabilang ang mga artisan,
karpentero, at mga sastre?
A. Craft guild B. Merchant guild
C. Knight guild D. Handicraft guild

40. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek
sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay
sa larawan?
A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang
paniniwala sa iba’t ibang diyos.
B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya.
C. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga
Roman.
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya
noong Panahong Hellenistic

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

41. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang


pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung
ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit

42. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesian


ang kanilang mana MALIBAN sa ________________________.
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos.
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang
dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.

43. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?


A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamot.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

Para sa bilang 44, basahin at unawain ang comic strip.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

44. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic strip
tungkol sa Piyudalismo?
A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga
nasasakupan.
B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay
pagmamay-ari ng lupa.
C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong
Panahong Medieval.
D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong
Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo.

45. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,


kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan.
B. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

Para sa bilang 46, suriin ang kasunod na mapa.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

46. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na


pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-
unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang
isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya
ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at Asya ang
Kabihasnang Minoan
A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, at III

Para sa bilang 47, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America.

47. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong pre-
historic?
A. Kabihasnang Olmec B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec D. Kabihasnang Inca
48. Alin sa sumusunod ang HINDI kasali sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

A. Ang Holy Roman Empire


B. Ang paglunsad ng mga Krusada
C. Ang pamumuno ng mga Monghe
D. Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusiyon sa Gitnang
Panahon

49. Ikaw ay inatasan ng iyong guro na mag-ulat at magtalakay sa mga ambag ng


sinaunang kabihasnang Romano. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na
gagawin?
A. Isulat sa isang buong kartolina ang mga ambag na ito.
B. Maghanda ng isang powerpoint presentation na naglalaman ng mga
ambag na ito kalakip ang deskripsyon, larawan, at wastong paggamit nito.
C. Iguhit sa bond paper ang mga ambag at ipaskil sa pisara.
D. Bigyan ng outline ng talakayan sa mga naturang ambag ang iyong mga
kaklase.

50. Ikaw ay pinuno ng isang organisasyon na nangangalaga sa kasaysayan. Ikaw


ay naatasang magbigay ng talumpati na mag-eengganyo sa mga mag-aaral
na pag-aralan at talakayin ang kabihasnang klasiko. Ano ang pangunahing
nilalaman ng iyong talumpati?
A. Bigyang pokus ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko at iugnay ito
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
B. Bigyang diin ang mga pangunahing karakter na simbolo ng kadakilaan
noong panahong iyon.
C. Ilahad ang mga detalye ng mga pangyayari sa panahong iyon.
D. Itoon sa mga pagkukulang ng mga panahong iyon na naging balakid sa
kasalukuyan.

Susi sa Pagwawasto

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

1. A 11. A 21. B 31. C 41. D


2. B 12. A 22. A 32. A 42. A
3. D 13. C 23. A 33. A 43. D
4. D 14. B 24. B 34. C 44. B
5. C 15. D 25. D 35. B 45. C
6. A 16. C 26. D 36. B 46. D
7. B 17. B 27. A 37. B 47. D
8. B 18. C 28. D 38. C 48. D
9. C 19. B 29. A 39. B 49. B
10. D 20. D 30. D 40. B 50. A

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com

You might also like