Professional Documents
Culture Documents
2nd Quarterly Assessment Ap8
2nd Quarterly Assessment Ap8
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PARAÑAQUE CITY
MOONWALK NATIONAL HIGH SCHOOL
MOONWALK, PARAÑAQUE CITY
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan
School Year 2022-2023 Score
Name:
Grade and Section: Date:
ATHENS
SPARTA mahusay sa sining at
militaristiko kultura
Ang mga kakabaihan Ang mga kababaihan
ay sinanay na maging ay nag-aaral o kaya
malakas at matatag nananatili sa bahay
pagsasaka gumagawa ng
ceramics, minahan,
mangangalakal
13. Makikita sa mga larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya.
Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay sa larawan?
A. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya.
B. Natutunan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman.
C. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya noong panahong Hellenistic.
D. Nagsisilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t-ibang diyos.
14. Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy. Ang bawat tagumpay na ito ay nangangahulugan ng
panalo ng Rome sa pagkakatamo ng kabantugang militar. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome
bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterranean?
A. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
B. Napayabong ng Rome ang kultura ng kanilang imperyo sa iba’t – ibang larangan.
C. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
D. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at Greece.
15. Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa mga naganap na digmaang Punic sa Mediterranean. Alin sa mga
sumusunod ang kinahinatnan ng Ikalawang digmaang Punic sa pamumuno ni Hannibal ng Carthage?
A. Nanalo ang Carthage laban sa Rome.
B. Sinuko ng Carthage ang kanilang plota.
C. Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome sa Cannae.
D. Natalo si Hannibal at nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan na naglalaman ng pagpayag ng Carthage
na magbayad ng buwis sa Rome, taon-taon.
16. Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at nahati-hati ng mga Kanluraning
bansa. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara.
B. Napapalibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka.
C. Hindi nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kaligtasan mula sa banta ng mananakop.
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang
bahagi ng ng Africa, at ng mga Arab at Sahara
Para sa bilang 17, Suriin ang bawat pahayag na nakasalungguhit.
17. Nagsimula ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka at unti-unting nakapagtatag ng sarili
nilang (1) (2)
kabihasnan, ang Maya, Aztec, at Kush
(3) (4)
A. Ang nakasalungguhit na bilang 1 ay mali C. Ang nakasalungguhit na bilang 4 ay mali
B. Ang nakasalungguhit na bilang 2 ay mali D. Walang mali sa buong pahayag
18. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope
Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang territoryo ng Kristiyano
B. mapalawak ang kalakalan ng mga bansa sa Europe
C. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
Para sa bilang 19, suriin ang kasunod na larawan:
pakikidigma?
I. Ang hukbong ito ay binubuo ng hanggang tatlong hanay ng mga mandirigma.
II. Hawak ang pananggalang sa sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan.
III. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay sinasalitan ng susunod na hanay.
IV. Sa halip na lumusob ng paisa-isa sa mga kalaban, sila ay nanatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong
man o paurong sa labanan.
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, III, IV D. I, II, IV
28. Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa Inhenyeriya (Engineering). Isang halimbawa nito ay ang
Appian way na nag-uugnay sa Rome at Timog Italy. Sa paanong paraan nakakaapekto ang mga daang ito sa pag-unlad
ng kabuhayan at kasaysayan ng daigdig?
A. Natuto ang mga tao na maglakbay at makipag-ugnayan sa ibang tao sa ibang lugar
B. Nakarating sa iba’t – ibang lugar ang mga tao na nagresulta sa pagkakaroon ng mga bagong karanasan.
C. Nabigyang diin ang paglalakbay bilang isang mahalagang salik sa pagkakaroon ng bagong tuklas naga lugar.
D. Napag-ugnay ng mga daang ito ang iba’t -ibang lugar sa daigdig na nagresulta sa pagkakakilanlan ng bawat
kultura at pag-unlad ng sosyo-ekonomiya.
29.Sinasabing nagmula sa mga maliliit na pamayanang agricultural ang Aztec at Inca bago sila nakapagtatag ng maunlad
na kabihasnan. Alin sa mga sumusunod ang patunay sa batayang ito?
A. Pareho silang sumasamba kay Huitzilopochtli, ang diyos ng araw.
B. Parehas na naging masigasig sa pag-iisip kung ano ang kanilang ikabubuhay.
C. Parehas na umunlad ang dalawang imperyo mula sa matagumpay na pagtatanim.
D. Parehong nasakop ng mga conquistadores na mula sa Europe dahil sa bantog na kayamanan nito.
30. Pinaniniwalaang ang basketbol ay nagmula sa larong pok-ta-pok ng mga Maya. Ang mga sumusunod ay
mga alintuntunin sa nasabing laro MALIBAN sa?
A. Kailangan ng 2 koponan(team)
B. Ginagamitan ng referee’s whistle
C. May bolang inilulusot sa magkabilang bilog na ring
D. Ang ring kung saan kailangan mag-shoot ng bola ay nakatagilid
31.Ang mga tao sa sinaunang kabihasnan ng mga isla sa Pacific ay may kaalaman sa pagtukoy ng lokasyon gamit lamang
ang palad. Ano ang tawag sa paraang ito?
A. Palm reading B. Palm locator C. Waze finding D. Wayfinding
32. Mula 27 BCE hanggang 180 CE, itinuturing bilang Pax Romana ito ay ang panahon na tahimik at masagana
ang pamumuhay sa Rome. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangiang tumutukoy sa
nabanggit na panahon sa kasaysayan?
A. Ang mga daan at mga karagatan ay ligtas sa mga tulisan at pirate.
B. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, hilagang Africa, at Sicily.
C. Ang pagkakabuo ng second triumvirate upang ibalik ang kaayusan ng Rome. Ito ay binubuo nina
Mark Antony, Marcus Lepidus, at Octavian.
D. Nakilala ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid. Kung saan, sumulat sila ng mga
panitikang sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng mga Greek.
33. Ang pag-martsa ng mga plebeian noong 494 BCE ay isang kaganapan na tumatak sa kasaysayan ng
daigdig. Paano ipinaglaban ng mga plebeian ang kanilang karapatan?
A. Nais nilang magkaroon ng sari-sariling lupang sakahan.
B. Maging pantay at makatwiran ang pagbabahagi ng mga karapatan sa bawat kasapi ng senado.
C. Magkaroon ng kinatawan na tatawaging tribune sa kanilang hanay para sa pagbuo ng 12 Tables na binubuo ng
mga batas.
D. Magkaroon ng diktador sa kanilang hanay na magsisilbing tanggulang administratibo ng lahat ng
naaping plebeian.
34. Bakit tinawag na dark continent ang Africa?
A. Dahil hindi ito nagalugad kaagad.
B. Dahil sa kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
C. Dahil sa pagiging masukal ng mga kagubatan at ilang lugar dito.
D. Dahil sa pagiging misteryoso nito at sa pananatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang
Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika -19 siglo.
35. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito,
naitatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinahahawatig ng pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
B. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot kahirapan ng mga tao.
C. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
D. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat ng mga
barbaro. Para sa bilang 36, suriin ang larawan sa baba.
36. Makikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng paglakas at paghina ng kabihasnang Mayan. Sa paanong paraan
nakabuti at di naging mabuti ang dulot sa kanila ng mahusay na sistema ng pagtatanim?
A. Ang pagtatanim ay nagdulot ng kaguluhan at kahirapan
B. Ang pagtatanim ay nagsilbing isang paraan upang umunlad ang kanilang pamumuhay.
C. Ang pagtatanim ay nagbigay sa mga mayan ng maunlad na pamumuhay ngunit dahil sa madalas na digmaan
sa pagitan ng mga lungsod-estado, kaya bumagsak din ito.
D. Bagamat umunlad ang kanilang ekonomiya dahil sa pagtatanim, ngunit dahil sa paglaki ng
populasyon, nagdulot din ito ng pagkawala ng sustansya ng lupa na nagresulta sa suliranin sa suplay
ng pagkain.
Para sa 37 – 40, bumuo ng diagram na nagpapakita ng pyramid of power noong panahon ng Pyudalismo. Kailangan
makita ang mga mahahalagang tauhan ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang kapangyarihan. Ilagay sa gilid ng
tatsulok ang kani-kanilang mga ibinibgay at natatanggap bilang kapalit sa kanilang ibinigay.
37.
38.
39.
40.
M.V.D.G
ARALING PANLIPUNAN 8
KEY TO CORRECTION
1. C 21. A
2. C 22. B
3. D 23. A
4. C 24. B
5. C 25. B
6. B 26. B
7. C 27. B
8. C 28. D
9. B 29. C
10. A 30. B
11. D 31. D
12. C 32. C
13. C 33. C
14. D 34. D
15. D 35. C
16. A 36. D