You are on page 1of 6

Our Lady of the Pillar College- San Manuel Inc.

San Manuel, Isabela


Basic Education Department
S.Y. 2020-2021

Second Preliminary Summative Evaluation


ARALING PANLIPUNAN 8

Name: _____________________________________________________ Score: ______________________


Course and Section: ________________________________________ Date: ______________________

Learning Objectives:
 Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece AP8DKT-IIa-1

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN. Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na


tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at
napapaligiran ng mga bahay na bato. Alin sa mg sumununod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Kabihasnang Minoan
B. Kabihasnang Mycenaean
C. Knossos
D. Crete

_____ 2. Sino sa mga sumusunod ang kinilala bilang mahusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya?
A. Minoan
B. Mycenaean
C. Mga taga-Crete
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 3. Sino sa mga sumusunod ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa
ng mga labanan sa boksing?
A. Minoan
B. Mycenaean
C. Mga taga-Crete
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 4. Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?


A. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin.
B. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
timawa, mga magsasaka, at ang mga alipin.
C. Sa pamayanang Minoan ay may tatlong pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
magsasaka, at ang mga alipin.
D. Sa pamayanang Minoan ay may tatlong pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
mangangalakal, at ang mga alipin.

_____ 5. Alin sa mga sumusumod ang HINDI nagsasaad ng totoo?


A. Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang
salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak
sa buong pamayanan.
B. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat
na haring sinasabing nagtatag nito.
C. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean
ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean.
D. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Mycenaean. Ilan
sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.

_____ 6. Ano ang tawag sa lungsod-estado kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad
ng pulisya, politika at politiko?
A. Polis
B. Acropolis
C. Agora
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 7. “Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng
politika at relihiyon ng mga Greek”. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Polis
B. Acropolis
C. Agora
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang ibabang bahagi o pamilihang bayan?


A. Polis
B. Acropolis
C. Agora
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 9. Alin sa mga sumusunod na nangyari o natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik
dahil sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig?
A. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman
ng kanilang sariling alpabeto.
B. Ginamit nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko.
C. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat.
D. Lahat ng mga nabanggit

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang
lungsod-estado?
A. Binibigyan ng karapatang bomoto,
B. Magkaroon ng ari-arian,
C. humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
D. Lahat ng mga nabanggit

_____ 11. “Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga
helot”. Sa pahayag na binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang “Helot”?
A. Tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan.
B. Mga alipin ng mga Spartan.
C. Parehong A and B
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 12. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-estado ng Greece?
A. Ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.
B. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
C. Ang Sparta ay may mithiing magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang
kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.
D. Lahat ng mga nabanggit

_____ 13. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas?
A. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar
upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar.
B. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri.
C. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng
kabundukan at hinahayaang mamatay doon.
D. Parehong B at C

_____ 14. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng totoo tungkol sa mga Spartan?
A. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
B. Sa edad na 40, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa
rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
C. Sa edad na 70, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
D. Lahat ng mga nabanggit

_____ 15. Nangunguna ang mga Spartan sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan
ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palaro. Alin sa mga sumusunnnod na
palakasan o palaro na tinutukoy ng pahayag?
A. Boksing
B. Karera
C. Wrestling
D. Lahat ng mga nabanggit

_____ 16. Alin sa mga sumusunod ang tinuturing na isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng
Greece na tinatawag na Attica?
A. Athens
B. Spartan
C. Minoan
D. Mycenaean

_____ 17. Ito ay binubuo ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. Archon
B. Asembleya
C. Maharlika
D. Draco

_____ 18. Ano ang tawag sa pinuno ng mga Athens?


A. Maharlika
B. Artisano
C. Archon
D. Paraon

_____ 19. Ano ang ibig sabihin ng “Draco”?


A. Mayayamang tao o aristokrata
B. Isang tagapagbatas
C. Mangangalakal
D. Pinuno

_____ 20. Sino sa mga sumusunod na pinuno na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan?
A. Agmemnon
B. Solon
C. Cleisthenes
D. Pisistratus
_____ 21. Sino sa mga sumusunod na hari ang nagtalaga ng mga repormang pampolitika at nagbigay ng
kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao?
A. Agmemnon
B. Solon
C. Cleisthenes
D. Pisistratus

_____ 22. Sino sa mga sumusunod na hari ang nagbigay ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa
malalaking proyektong pampubliko?
A. Agmemnon
B. Solon
C. Cleisthenes
D. Pisistratus

_____ 23. “Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang
temple”. Sino sa mga sumusunod na hari ang tinutukoy ng pahayag?
A. Agmemnon
B. Solon
C. Cleisthenes
D. Pisistratus

_____ 24. Alin sa mga sumusunod na pangyayayri ang naganap sa gitna ng pamamalakad ni Solon sa
kanyang nasasakupan?
A. Hindi nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang
mahihirap.
B. Ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan
na umuugit ng batas.
C. Parehong A at B
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 25. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng
pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama?
A. Agmemnon
B. Solon
C. Cleisthenes
D. Pisistratus

_____ 26. Sila ang mga nabihag ng mga Spartan sa digmaan na dinala sa kanilang lugar para gawing
tagasaka ng kanilang malalawak na lupain. Sino sa mga sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Acropolis
B. Helot
C. Agora
D. Tyrant

_____ 27. Ano ang gagawin ng mga sundalong Spartan sa mga bagong silang na sanggol na may malulusog
na pangangatawan?
A. Itatapon sa gilid ng bundok at hahayaang mamatay
B. Mananatili sa pangangalaga ng magulang hanggang sa pitong taong gulang
C. Ihuhulog sa dagat
D. Wala sa lahat
_____ 28. Sa anong edad magiging ganap na sundalo ang mga Spartan at sila ay ipadadala na sa lugar ng
digmaan?
A. 15
B. 20
C. 25
D. 30

_____ 29. Ilang taong gulang maaaring mag retiro bilang sundalo ang mga Spartan?
A. 50
B. 60
C. 70
D. 80

_____ 30. Sino ang pinuno ng Athens ang nagpatupad ng sistemang Ostracism?
A. Draco
B. Pisistratus
C. Solon
D. Cleisthenes

_____ 31. Isa itong matandang lugar na nabanggit ng bantog na manunulat na si Homer sa kanyang mga
akdang Iliad at Odyssey. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. Crete
B. Knossos
C. Tyrant
D. Minoan

_____ 32. Alin sa mga sumusunod ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan at Mycenaean?
A. Cuneiform
B. Linear A and Linear B
C. Alibata
D. Alpabeto
_____ 33. Alin sa mga sumusunod ang nagtayo ng mga lungsod na napapalibutan ng malalaki at matitibay
na pader at sa loob ng mga pader nito ay ang palasyo ng hari?
A. Mycenaean
B. Minoan
C. Sparta
D. Athens
_____ 34. Sino ang hari ng Mycenae?
A. Agamemnon
B. Minos
C. Solon
D. Wala sa mga nabanggit

_____ 35. Alin sa mga sumusunod ang mabato at maliit na pulo lamang?
A. Crete
B. Knossos
C. Tyrant
D. Helot

II. Pagpapaliwanag. Ipaliwanang ang katanungan sa ibaba (5 puntos/aytem)

Pamantayan: (5 points)
5 – buo, konkreto, malinaw, angkop ang barirala at batay sa nilalaman
4 – buo at malinaw ang pahayag
3 – may sapat na punto
1 – malayo ang paliwanag
0 – walang sagot

36-40. Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Pamantayan: (10 points)


10 – buo, konkreto, malinaw, angkop ang barirala at batay sa nilalaman
8 – buo at malinaw ang pahayag
4 – may sapat na punto
2 – malayo ang paliwanag
0 – walang sagot

41-50. AnU-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
51-60. Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng
sinaunang Greece.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Prepared by: Checked Noted by:

MR. ELVIS P. VIERNES MR. JAYZERTH A. MARTINEZ MS. MARIJOE M.


PIMENTEL
Teacher JHS Coordinator Principal

You might also like