You are on page 1of 6

TALAAN NG NILALAMAN

I. KARD NG PATNUBAY
II. KARD NG GAWAIN
III. KARD NG PAGSUBOK
IV. KARD NG PAGPAPAYAMAN
V. KARD NG KASAGUTAN
VI. KARD NG SANGGUNIAN
I. KARD NG PATNUBAY
● Nahihinuha ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan.
● Natutukoy ang mga klasikal na kabihasnan na umusbong sa Africa, America at Pulo ng
Pacific.
● Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa kabihasnang Africa, America
at mga Pulo sa Pacific.
II. KARD NG GAWAIN
GAWAIN 1: Taga rito kami !
Panuto : Tukuyin kung saang kontinente matatagpuan ang mga sinaunang lugar na nasa kanan.
Nasa mapa ang titik ng tamang sagot.

________1. Chichen Itza


________2. Machu Picchu
________3. Axum
________4. Timbuktu
________5. Tenochtitlan
GAWAIN 2: Mystery Word
Panuto: Sa pamamagitan ng Cryptogram Puzzle tukuyin ang mga salitang hinahanap gamit ang
mga numerong may katumbas na letra. Pagkatapos, itambal ito sa katugmang konsepto sa
kaliwa.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17
A C D E G H I L M N O P S T U Y Z
______________1. 9-1-16-1 a. Makapangyarihang imperyo sa lawa ng Texcoco
______________2. 5-6-1-10-1 b. Unang kaharian sa Kanlurang Africa
_____________ 3. 12-11-8-16-10-4-13-7-1 c. Imperyo sa Timog Amerika
_____________ 4. 1-17-14-4-2 d. Kabihasnan na sumibol sa Mesoamerica
_____________ 5. 7-10-2-1 e. Maraming pulo sa Pacific

2
GAWAIN 3: I-Chart Mo!
Panuto: Sagutin ang tanong sa chart tungkol sa kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng
kabihasnan. Kopyahin ang chart at sagutan sa hiwalay na papel.

III. KARD NG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Paano nabigyang solusyon ng mga Aztec ang kakulangan nila sa lupang taniman?
A. Pananakop ng lupain sa kalapit na tribo C. Pagpapalawak ng teritoryo
B. Paggawa ng mga artispisyal na pulo sa lawa D. Nagtanim sa mga bundok
2. Ang Mali, Songhai at Axum ay mga kahariang sumibol sa kontinente ng :
A. Europa B. Asya C. Amerika D. Africa
3. Ang mga Pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong pangkat: ang Polynesia, Micronesia at
Melanesia. Ano ang kahulugan ng Polynesia ?
A.maraming pulo C. maliit na mga pulo
B.maitim ang mga tao D. malaking mga pulo
4. Sa Kabihasang Gresya at Romano ang dagat Mediterranean ay naging sentro ng mga rutang
pangkalakalan. Ano ang katulad nito sa Africa?
A. Andes B. Sahara C. Lambak ng Nile D. Tangway ng Arabia
5. Bakit kamangha-mangha ang pagkakagawa ng Imperyong Inca sa lungsod ng Machu Picchu?
A. ang lungsod ay yari sa mamahaling bato at ginto
B. may mga nakalutang na hardin sa bawat palapag ng palasyo
C. yari sa naglalakihang bato ang lungsod na matatagpuan sa ibabaw ng bundok
D. nanatiling walang bahid ng pagkasira ang lungsod hanggang sa kasalukuyan
6. Ang mga sumusunod ay katangiang pisikal ng kontinente ng Amerika maliban sa_
A. mga oasis sa disyerto ng Sahara C. kabundukan ng Andes
B. lawa ng Texcoco D. tangway ng Yucatan
7. Ang kaharian ng Ghana, Mali at Songhai ay mga imperyong naging makapangyarihan dahil sa
kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto na kanilang ipinagpapalit sa asin. Bakit
mahalaga ang asin para sa mga Aprikano?
A. ginagamit sa mga seremonya at ritwal C. panlinis ng mga sandata
B. pampaswerte sa mga digmaan D. pangpreserba ng pagkain
8. Alin ang tamang paglalarawan sa pamamaraan ng kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng
Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at
pangingisda .
3
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na
kapangyarihan o “mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa.
9. Paano nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnang Mali at Songhai ang lokasyong heograpikal
nito?
A. Ang disyerto ng Sahara ay isang tuyong lugar na walang pakinabang
B. Napalilibutan ito ng ilog at matabang lupain na angkop sa pagsasaka
C. Nanatiling malaya ang mga kaharian mula sa pananakop ng mga Muslim
D. Hindi naging hadlang ang disyerto sa pagsagana ng kalakalan sa pagitan kanlurang
bahagi ng Africa at ng mga Muslim na mula sa Arabia.
10. Ang pagkalat ng sakit ay isa dahilan ng pagbaba ng populasyon ng Aztec at labis na
nakakaapekto sa katatagan ng kaharian. Sa kasalukuyan, isang pandemya ang patuloy na
kumakalat sa buong mundo – ang Covid 19. Ang mga sumusunod ay hakbang na
makatutulong upang mapababa ang pagkalat ng virus maliban sa isa.
A. palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig
B. magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay
C. manatili sa sariling tahanan hangga’t maaari
D. labagin ang mga batas na ipinatutupad ng ating pamahalaan
IV. KARD NG PAGPAPAYAMAN

Aralin 3 – Klasikal na Kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific


Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang masusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa : Africa – Songhai, Mali,atbp., America – Aztec, Maya, Inca, at mga
Pulo sa Pacific. AP8DKT-lld-5

Mga Klasikal na Kabihasnan sa Amerika


● Sumibol ang kabihasnang Maya sa matabang lupain ng tangway ng Yucatan na
matatagpuan sa Mesoamerica. Naitatag rito ang mga lungsod-estado ng Chichen
Itza,Uaxactun, Tikal, Copan at El Mirador.
● Ang Aztec ay nanirahan sa isang pulo sa gitna ng lawa ng Texcoco sa Mexico dahil angkop
ito sa pagtatanim.
● Sa bulubundukin ng Andes sa Timog Amerika nagtatag ng pamayanang agrikultural ang
mga Inca.
Imperyo Politikal Ekonomiya Relihiyon
Ang pinuno ay Ang pangunahing Isang templong
tinatawag na halach pananim ng mga hugis pyramid
MAYA uinic o “tunay na Mayan ay mais, ang sentro ng
lalaki”. Katuwang niya abokado, papaya at lungsod.
ang pari sa cacao.
pamamahala.

4
Pinamumunuan ito ng Upang lumawak Nagtayo sila ng
isang hari at sinasamba ang lupang dambana na
siya bilang isang diyos. pansakahan hugis pyramid
AZTEC Ang lungsod ng
Tenochtitlan ang
lumikha sila ng
mga chinampas o
at dito
isinasagawa ang
sentro ng floating garden pag-aalay ng tao
kapangyarihang Aztec. bilang artipisyal na para sa diyos.
pulo sa lawa.
Sa pamumuno ni Cusi Bumuo ang mga Sa paniniwalang
Inca Yupanqui o Inca ng hagdan- Inca, ang
Pachakuti naging isang hagdang palayan sa kanilang hari ay
sentralisadong estado bulubundukin ng nagmula
ang imperyo. Andes upang kay Inti- diyos
INCA ng araw
Machu Picchu. Binuo makapagtanim.
ng mga Inca ang
lungsod sa ibabaw ng
kabundukang Andes.
Mga Kaharian sa Africa
● Africa, tinawag ng mga kanluranin na dark continent . Ito ay sa dahilang limitado ang
nalalaman nila sa kontinente.Sa kabila nito, maituturing na may masaganang likas na
yaman ang Africa na nakatulong sa pag-usbong ng maunlad na kabihasnan.
● Sahara- pinakamalawak na disyerto sa daigdig.
● Sa kanlurang Africa tinataya na mula pa noong 3000 BCE ay may masaganang kalakalan
ng nagaganap sa disyerto ng Sahara. Tinatawag itong kalakalang Trans-Sahara.
350 *CE Namayani ang Kahariang Axum sa bahagi ng Ethiopia ngayon.
Lumaganap ang Kristiyanismo sa kaharian dahil sa kalakalan.
700 CE Simula ng paglakas ng Imperyo ng Ghana sa Kanlurang Africa
nang makontrol nito ang kalakalang Trans – Sahara
Ginto ang pangunahing produkto ng imperyo na ipinapalit sa asin
1200 CE Itinatag ni Sundiata Keita ang Imperyong Mali matapos mapabagsak ang Ghana
Sa panahon ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungang Islam ang
1312 -1332 Timbuktu, isa sa mga lungsod ng imperyo.
1335 CE Naging malaya mula sa imperyong Mali ang bagong dinastiya ang Songhai
1461-1461 Ang Imperyong Songhai ang pinakamalaking kaharian sa kanlurang Africa.
* CE - Common Era
Kabihasnan sa mga Pulo ng Pacific
● Ang mga Pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong pangkat : ang Polynesia o maraming isla ,
Micronesia o maliliit na isla at Melanesia o tinatawag na “Dark Skinned People”.Mga
Austronesian na nagmula sa China ang sinasabing nagpasimula ng unang pamayanan sa
mga Pulo sa Pacific.
POLYNESIA MICRONESIA MELANESIA
Binubuo ng 30 pamilya ang Karaniwang makikita ang Ang mga pamayanan dito
bawat pamayanan. kanilang pamayanan malapit ay maaring nabuo sa
Tohua, ang lugar tanghalan ng sa bahagi ng katubigan. Ito ay baybay-dagat.
mga rituwal at pagpupulong. upang madali ang paglalayag
sa karagatan.
5
Pagsasaka at pangingisda ang Nakikipagkalakalan din sila sa Sa lipunan karaniwang
pangunahing kabuhayan ng karatig pulo at gumagamit sila mandirigma ang kanilang
Polynesian. ng mga stone money o shell pinipiling pinuno.
Para sa mga Polynesian, labis bilang paraan ng palitan. Katulad ng ibang Pacific
nilang sinusunod ang mana o Animismo o pagsamba sa Islands, pangingisda at
banal na kapangyarihan. kalikasan ang katutubong pagsasaka ang kanilang
Pinaniniwalaan nila na ang paniniwala ng Micronesian. kabuhayan.
bato, gusali at bangka ay may Ang mga sinaunang
mana o bisa at lakas. Melanesian ay may
paniniwalang animism.

V. KARD NG SANGGUNIAN
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na lipunan sa America,
Africa, at mga Pulo sa Pacific

Sanggunian:
● Department of Education (2017) Kasaysayan ng Daigdig Modyul Para sa Mag-aaral Unang
Edisyon
● Cruz Mark Alvin et al.2014 Kasaysayan ng Daigdig Vibal Group INC. pp. 72-80
● Zipagan, et al. (2020) Daily Lesson Log (Ikalawang Markahan) Kasaysayan ng Daigdig
(MELCs), Unpublished
Elektronikong Sanggunian:
● www.britannica.com
● www.pinterest.com
● www.quora.com

You might also like