You are on page 1of 24

PERFORMANCE TASK

GAWAIN 2

paano nakaimpluwensya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga nabanggit na
kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan? (simula, gitna, huli)[15PTS]5pts each

SIMULA: Nakilala ang dalawang kabihasnan ng mesoamerika ang maya at aztec gaya sa olmec at
zapotec na tinalakay sa nakaraang modyul dahil nakaimpluwensiya ang mga pangyayari na gaya ng
pananakop at pakikipagkalakalan na naging resulta ng pag unlad at pagkaroon ng kapangyarihan.

KALAGITNAAN: Ang mga pulo sa pacific o pacific islands ay nahahati sa tatlong pangkat: ang
polynesia, micronesia, at melanesia. ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga kanluranin
matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.
KATAPUSAN: Nakilala ang tatlong imperyo ang mali, ghana, at songhai sa kanlurang africa. sila ay
naging makapangyarihan dulot ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan.

GAWAIN 8
ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng imperyong Aztec. [10PTS]2
PTS each
1.Unti unting nagtungo ang mga nomadikong Aztec sa lambak ng Mexico upang manirahan.
2. Itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan lumaon naging sentro ito ng kalakalan.
3.Naging maunlad ang mga Aztec. Naglunsad rin sila ng malawakang kampanyang pang militar at
nasakop ang mga karatig pook.
4. Dumating si Hernaldo Cortes at ang mga Espanyol noong 1519.
5.Nagkaroon ng epidemya ana kumitil sa maraming buhay. Inagaw ng mga Espanyol ang pamumuno
sa mga Aztec

GAWAIN 12
isulat sa loob ng kahon ang mga dahilan ng pagbagsak ng imperyong inca.(15pts)each
MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG IMPERYONG INCA
1.Dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na
bagong teritoryo,unti-unting humina ang imperyo
2.Ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng
mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol
3.Sinakop ng mga Espanyol ang Cuzcogamit lamang ang maliit na hukbo at sa kabila ng katapangan
ng mga Inca,hindi nila magawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan,tulad ng
mga baril at kanyon.
4.Hndi nagtagal,ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong
1572.Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyong Inca sa Andes.
LOOP A WORD(20pts)
M G E B A Z T E C
E I N C A G I P H
S R Q O P T C A I
O P U N C E I C N
A O I L E N F I A
M K P T S O H F M
E T U E R C P I P
R A I T O H A C A
I T D N S T C O E
C O E M C I E C F
A K U E A T T E T
A E M W T L U A A
I L R I M A S N O
O R I R C N H M O
O P I Z A R R O Y
INFO
NAME: TASK: PAGE:
LEADER: ANGEL PINGUL REPORT & PT
MEMBER:DENISE GOZUN REPORT & INFO
MEMBER:AKISHA TIBE ACTIVITIES
MEMBER:JANE IBANES RECITATION
MEMBER:DARYL MALIG ASSIGNMENTS
MEMBER:EJAY GERCIA QUIZ

GROUP3:
Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa,
America, at mga Pulo sa Pacific
QUIZ
PANUTO:Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot.
1. Maraming diyos na sinasamba angmgaAztec. Pinakamahalaga dito ang diyos ng araw na tinatawag nilang
diyos ng digmaan.
A. Huacca B. Huitzilopochtli C. Tlaloc D. Quetzalcoatl
2. Sila ay tinagguriang taong goma o “rubber people” dahil sila ang kaunaunahang gumamit ng dagta ng mga
punong rubber o goma.
A. Inca B. Maya C. Olmec D. Tolmec
3. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa lungsod estado?
A. Maraming gusali B. Maraming patubig sa pananim
C. Maraming puno D. May mga istraktura tulad ng templo,piramide, at pamilihan
4. Itinuturing ng mga Espanyol ang kultura ng mga Mayan na .
A. mas maunlad kaysa kanila B. matulungin kaysa kanila
C. malakas kaysa kanila D. mahina kaysa kanila
5. Ang mga Mayan ay matatagpuan sa peninsula ng Yucatan sa Mexico. Ang mga sumusunod ay mga
pamayanang lungsod na matatagpuan ditomaliban sa .
A. Copan B. El Mirador C. Nauru D. Tikal
6. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific. Ang Polynesia ay isa sa mga pulo sa
Pacific. Ano ang kahulugan nito?
A. Maitim na mga isla B. Malalaking isla
C. Maliit na mga isla D. Maraming isla
7. Saang grupo ng mga pulo sa Pacific nabibilang ang Guam?
A. Melanesia B. Micronesia C. Polynesia D. Sentral Asia
8. Itinuturing siyang pinakadakilang pinuno ng ImperyongMali. Ginawa niyang sentro ng pananampalataya at
karunungan ang Timbuktu.
A. Berber B. Dai Kossoi C. Halach uinic D. Mansa Musa
9. Alin sa sumusunod na grupong ito ang hindi nagsasakripisyo ng buhay bilang alay sa mga diyos?
A. Aztec B. Eskimo C. Inca D. Maya
10.Ito ay buhol-buhol na tali na may iba-ibang kulay na may katumbas na bilang, ginagamit ito ng mga Inca sa
pagtala, ng kapanganakan at kamatayan, maging sa kalakalan.
A. Calpulli B. Pochteca C. Quipu D. Slash and burn
11.Ang mga Mayan ay nakabuo ng modernong kalendaryo, nakapagtayo ng mga piramideng templo, nasukat
nila ang layo ng mundo sa buwan. Pinatutunayan lamang ng mga Mayan na sila ay .
A. mahilig magmanman ukol sa pag-ikot ng mundo B. malakas ang kanilang pananampalataya
C. masayahin sa buhay D. may maunlad na antas ng sibilisasyon
12.Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec. Ang tawag sa seremonya kung saan maglalaban ang
dalawang pangkat ng manlalaro sa isang ball court ay .
A. tik-a-tok B. tohua C. pok-ta-tok D. quipu
13. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing lungsod sa Ghana maliban sa
A. Copan B. Djenne C. Kumbi D. Timbuktu
14.Ang topograpiya ng Andes ay maganda at kaaya-aya, at sa lugar na ito naitatag ang unang pamayanan.
Napalawak ng mga Inca ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ni .
A. Avllu B. Pachacuti C. Tlacaelel D. Viracoch
15.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo sa Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o karagatan.
D. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng pacific ay animismo.

tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng inca. PICK ONE(5PTS)

pachakuti TOPA YUPAQUI


ano ang mga ginawa at kahalagahan ng ginawa ano ang mga ginawa at kahalagahan ng ginawa

HUAY CAPAC
ano ang mga ginawa at kahalagahan ng ginawa

ANSWER

1.B 14.B PACHAKUTI importanteng ginawa: Isa sa mga


2.C 15.A mahalagang nagawa ni Pachakuti sa kaharian ng
3.D cusco ay nang Pinamunuan niya ang sundalong
4.A militar. mga ginawa:Sa laban sa chanka na siyang
5.C naging Dahilan ng pagpili sa kaniya bilang
6.D Tagapagmana ng trono.
7.B TOPA YUPANQUI importanteng ginawa: Pinalawig
8.D niya ang imperyo Hanggang hilagang argentina
9.C bahagi ng bolivia at chile mga ginawa: nagsailalim
10.C kaniyang kapangyarihan ang estado ng chimor o
11.D chimu na pinakamatinding katungali ng mga inca sa
12.C Baybayin ng peru.
HUAYNA CAPAC importanteng ginawa: •Nasakop
ng imperyo ang Ecuador mga ginawa: •Anak ni topa
yupanqui •Orihinal niyang pangalan Ay tito husi
hualpa
REPORT

Ang Sinaunang America (Mesoamerica)


Ang Mesoamerica ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan ng Pacific
Ocean at Atlantic Ocean ng kontinente ng North America at South America. Ang mga karagatang ito
ang humahadlang sa pakikipag-ugnayan ng kabihasnang America sa mga kabihasnan sa Asia,
Africa, at Europe.
Ang dalawang karagatang nabanggit ay may kinalaman sa pagkakaroon nito ng naiibang
kabihasnan. Ang Mesoamerica ay nangangahulugang “gitnang America”, ang meso ay ibig sabihin
“gitna” o “pangitna”, ay isang rehiyong pangheorapiya na nagsisimula sa paligid ng Tropiko ng
Kanser sa gitnang. Mehiko at nagwawakas malapit sa Costa Rica.
Ang kataga ay natatanging ginagamit na pantawag sa mga katutubong mga tao at mga kultura na
dating naroon bago sinakop ng mga Kastila ang rehiyong ito. Umunlad ang kauna-unahang
kabihasnan sa America noong ika -13 na siglo BCE.
Ito ang kabihasnang Olmec na nakapagbuo at nakapagtatag ng sariling nilang kabihasnan. Ang
katagang Olmec,ay nangangahulugang “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng
dagta ng mga punong rubber o goma.
Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf of Mexico na umabot hanggang
Guatemala. Gumagamit sila ng sistema ng pagsulat na katulad ng hiroglipiko ng mga taga-Egypt.
Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec.
Isang seremonyang tinatawag na pok-ta-tok ang naging bahagi ng sibilisasyong Olmec. Ito ay isang
seremonya kung saan maglalaban ang dalawang pangkat ng manlalaro sa isang ball court. Ang
matatalong manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang mga diyos. Hindi pa rin natutukoy sa kasalukuyan
ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Olmec.
Ayon sa ila n ay maaaring dahilan ay ang pagkakaroon ng mahinang pinuno. Dulot ng pagbagsak ng
kabihasnang Olmec, nakilala din sa America ang kabihasnang Maya, at Aztec. Sa bahagi naman ng
Timog America naging maunlad din ang kabihasnang Inca. Naipamana nito ang kultura sa mga
kabihasnang nabanggit, kaya’t tinuturing ito na Kabihasnang Klasikal ng America.
Ang mga Kabihasnan sa America Kabihasnang Maya (250CE- 900 CE)

Ang mga Maya ay naninirahan sa peninsula ng Yucatan sa Mexico. May mga pamayanang lungsod
na matatagpuan dito tulad ng Uaxactum, Tikal, El Mirador, at Copan. Narating ng mga Maya ang
rurok ng kapangyarihan sa pagitan ng 300 at 900 C.E. Nagtayo sila ng malalaki at matitibay na mga
piramideng bato at templo.
Nakagawa rin sila ng maraming bagay sa larangan ng matematika at astronomiya na naitala sa
hiroglipiko. Ito ay napakahalaga at itinuturing panahon ng klasikal sa America. Katulad ng mga
Olmec, ang sentro ng buhay ng mga Maya ay nakatuon sa pagsasamba at relihiyon.
Binubuo ng sari-saring supernatural na bagay ang daigdig ng kanilang paniniwala. Si Yum Kaax ang
isa sa pinakamahalagang diyos ng mga Maya. Upang kalulugdan sila ng kanilang diyos, mag-aalay
ang mga Maya ng mga sakripisyo tulad ng tao.
Ang lipunang Maya naman ay nahahati sa apat na antas. Pinakamataas na antas ng lipunan ang
mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod. Tinatawag na halach uinic o tunay
na tao ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo
Kaagapay ng halach uinic ang maharlika sa pagkokolekta ng buwis, at pagsasaayos ng mga
pampublikong gusali at kalsada. Ang isang maharlika ay nagsusuot ng burdadong bahag na may
balahibo, roba na cotton na may balat ng jaguar, at sandayas.

Nakatira ang mga maharlika sa mga bahay na may pintang makukulay. Ang mga patay ng maharlika
ay inililibing sa kabaong na yari sa batong may dekorasyong jade at palayok. Ang ikalawang antas ay
ang mga pari na pinamumunuan ni Ah Kin Mai (The Highest One of the Sun). May mga kasama pang
ibang pari si Ah Kin Mai sa pagsasagawa ng pag-alay ng mga seremonya,at ritwal para sa mabuting
ani o di kaya tagumpay sa pakikipaglaban.
Ang ikatlong antas ay binubuo ng magsasaka. Sila ay nagtatanim ng mga mais, butil, kalabasa at
mga bulak. Tungkulin din nila ang pagbabayad ng buwis para sa pagsasaayos ng lungsod at
pagpapatayo ng mga templo. At ang pinakababang antas ay ang mga alipin. Sila ang nagtayo ng
mga malalaki at matitibay na piramideng bato at templo.
Nakagawa naman ang mga Mayan ng maraming bagay sa larangan ng matematika at astronomiya
na naitala ito gamit ang hiroglipiko. Nalinang ng mga Maya ang sistema ng hiroglipiko o hieroglypics
na kanilang ginagamit sa pagtatala ng mga obserbasyon at kalkulasyon sa astronomiya at mga
mahalagang datos tungkol sa pangkasaysayan.
Nakagawa sila ng kalendaryong nagtatalaga ng panahon ng mga seremonya at paghahanap ng
suwerte at malas na araw. Ginamit din ng mga Maya ang konsepto ng zero. Nakagawa sila ng
wastong sukat sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdaragdag ng araw sa kanilang kalendaryo.
Mahalaga ang mga mangangalakal sa lipunang Maya.
Ang kanilang pangunahing ruta ng kalakalan ay konektado sa lahat ng sentro ng kalakal. Ang mga
produktong pangkalakal ay asin, jade, cacao, mga balahibo ng mga ibong tropical at mga ceramic.
Samantala ang mga pangangalakal na produkto ng Maya ay ang mais, asin, tapa, pinatuyong isda,
pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop. Ang mga pangunahing produktong pang-agrikultura naman
ng mga Mayan ay sili, pinya, mais, patani, kalabasa, abokado, sili, papaya at cacao
Mahalaga sa buhay ng mga Maya ang agrikultura dahil ang sinasamba nilang diyos ay may
kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin tungkol sa ulan. Ang pangingisda ay isa ring
kanilang ikinabubuhay. Ang tugatog ng kabihasnang Maya ay nakamtan nila noong 600 CE. Ngunit
bago magtapos ang ikawalong siglo CE , ilan sa mga sentro ay nilisan ng mga tao, pinatigil ang
paggamit ng kalendaryo at ang ibang istrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak
Walang sino man makapagpapaliwang sa pagbagsak ng Kabihasnang Maya. Ayon sa mga
dalubhasa, ang maaaring dahilan ay ang pagsakop ng mga Toltec; nagkaroon ng digmaan sa pagitan
ng mga lungsod sa kabihasnang Mayan; o kakulangan sa pagkain dulot ng malaking populasyon.
Ganun din, may haka-haka na maaari din sa walang tigil na digmaan kaya humina ito o sa
pagbagsak ng produksyon ng pagkain
Ang mga ito ay batay sa mga nahukay na labi ng tao. Ngunit may mga ilang lungsod pa rin sa
hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilang siglo. Ang mga lungsod na ito ay ang Itza,
Chichen, Uxmal, Edzna at Copan. Di nagtagal humina din ang lungsod ng Chichen at Uxmal. Sa
paghina ng dalawang lungsod na ito, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan.
Kabihasnang Aztec (1200-1521AD)
Kung sa timog na bahagi ng Mesoamerica ay nakapagtatag ng kabihasnan ang mga Maya, ang
Aztec ay nagtatag at naging makapangyarihan sa gitnang bahagi ng Mesoamerica. Kung saan dito
rin umusbong ang sinaunang kabihasnang Olmec. Dahil dito, ang uri ng pamumuhay at paniniwala
ng Aztec ay naimpluwensiyahan ng Olmec. kanilang teritoryo. Pinaunlad nila ito at nagtatag ng
kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo.
Ang mga Aztec ay mga nomadiko na tribo. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula
sa Aztian’, isang mitikong pook o lugar na matatagpuan sa Hilagang Mexico. Walang kung saang
lugar ang pinagmulan nito. Noong ika-12 siglo natungo sila sa bahagi ng Lambak ng Mexico.
Samantala lumawak ang imperyo noong 1500 C.E, sa pamumunoniAhuizutl.Noong1325CE,
saTenochtitlan(kasalukuyangMexicoCity) sa isang pulo sa gitna ng Lake Texcoco itinatag nila ang
kabisera ng kalaunan ay naging pinakamakapangyarihang imperyo sa Mesoamerica dahil naging
sentro ito ng pangkalakalan.
Ang pagsasaka ang batayan ng kabuhayan ng mga Aztec dahil ang lupa dito ay matataba. Nag-
aalaga din sila ng gansa, pabo, aso at pato. Dahil sa maunlad ang agrikultura, lumaki ang
populasyon ng mga Aztec. Para maragdagan ang limitadong lupang pansakahan, ang mga Aztec ay
gumawa ng mga chinampa o artipisyal na pulo o kilala sa tawag na floating gardens.
Mula ito sa mga lupang pinagpatong-patong at mga ugat ng puno. Walang gamit na araro o hayop
ang mga Aztec. Nagtatanim sila sa tulong ng matulis napatpat. Ang lipunang Aztec ay nahati sa apat
na antas: ang mga maharlika, karaniwang mamamayan (pari,mangangalakal, artisano at
magsasaka), magsasakang walang sariling lupa, at alipin. Napabilang din sa pinakamababang antas
ng lipunan ang mga kriminal at bihag ng digmaan
. Sumasamba ang mga Aztec at humihingi ng biyaya mula sa mga diyos ng kalikasan. Sapagkat
umaasa ang mga Aztec sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan. Maraming diyos na sinasamba
ang mga Aztec, pinakamahalaga dito ang diyos ng araw na si Huitzilopochtli na tinatawag din nilang
diyos ng digmaan. Ang diyos ng ulan ay si Tlaloc, at si Quetzalcoatl na diyos ng hangin at
karunungan.
Sila ang sumasagawa upang ipagpalit sa mga produktong tsokolateng sakripisyo. Ang mga biktima
sa sakripisyong ito ay mga bihag sa digmaan. Samantala kanais nais para kay Tlaloc na mga bata
ang gagawing sakripisyo. Maraming produkto at sagana sa ani ang mga Aztec, binubuo ito ng
palayok, alahas, pigurin, basket, at tela.
May mga mamahaling produkto din, gaya ng asin at mga ornamentong yari sa ginto. Ang mga ito ay
dala-dala ng mga mangangalakal sa malalayong lupain upang ipagpalit sa mga produktong tsokolate,
balat, jaguar, goma at mga balahibo. Kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na makikipagkalakan sa
mga kalapit na lugar
Walang perang metal na ginagamit ang mga Aztec. Ang sistema ng palitan o barter ang ginagamitna
pamalit ng mga ito. Dahil dito naging maunlad ang pamumuhay nila.. Nakipagsundo din sila sa iba
pang lungsod-estado tulad ng Texcoco at Tlacopan. Sa pamamagitan ng pakikipagsundo nakabuo ng
alyansang sumakop at kumontrol sa iba pang maliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.
Si Tlacaelel ay isa sa tagapayong heneral, ang nagbigay ng pagbabagong ito. Ipinagpatuloy niya ang
pagsamba kay Huitzilopochtli. Ang pamamaraang ginamit nila upang makontrol atmapasunod ang iba
pang karatig-lugar ay sa pamamagitan ng paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao. Kapag nasakop
nila ito, kailangang magbigay ito ng tribute o buwis.
Sa pamamagitan ng tribute ng mga nagaping estado naging sentrong pangkabuhayan at politika ang
Tenochtitlan sa Mesoamerica. Magaling sa larangan ng paglililok ang mga Aztec, makikita ito sa
kanilang mga templong piramide, produktong eskultura tulad ng kanal o aqueduct, dam, sistema ng
irigasyon,at ang kalendaryong bato na may bigat na 22 metric ton. Ang kalendaryong ito ang
nagpatanyag sa daigdig sa mga Aztec.
Natigil ang pamamayagpag ng mga Aztec sa Mesoamerica noong 1519. Dahil sa pagdating ni
Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico. Natalo at namatay sa pakikipaglaban ang emperador
ng mga Aztec na si Montezuma. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
Heograpiya at Kabihasnang Inca (1440-1532)
Ang heograpiya at klima saSouth America ay magkakaiba kung ihahambing sa Mesoamerica. Sa
hilaga matatagpuanang Amazon River,na dumadaloy sa napakayabong na kagubatan. Sa timog na
bahagi ng Andes Mountains matatagpuan ang iba’t–ibang uri ng damo tulad ng prairie at steppe.
Samantala sa bahagi ng kanlurang gulod ng mga bundok nakahilera sa Pacific Ocean matatagpuan
ang tuyo’tnamgadisyerto.
AngIncaay nangangahulugang “imperyo”. Ito daw ay hango sa pangalan ng pamilyang namuno sa
isang pangkat ng tao na naninirahan sa Andes. Dahil maganda at kaaya-aya ang topograpiya ng
Andes, naisilang dito ang unang pamayanan. Mayroon ding mga Ilama at alpaca na pinagkukunan ng
tela para sa kasuotang pantaglamig. Mayaman din ang kabundukan sa mineral at iba pang bato na
maaaring gamitin sa pagtatayo ng mga patubig at daang bundok
Ang kompetisyon para sa lupang pansakahan ang nag udyok sa mga Inca upang manakop ng mga
teritoryo sa rehiyong Andes. Napalawak ng mga Inca ang kanilang teritoryo sa pamumuno ni
Pachacuti. Ipinatupad sa imperyo ang paggamit ng iisang wika- ang Quechua.
Hinati naman ang imperyo sa mga lalawigan na pinamumunuan ng mga gobernador. Pinahintulutan
ang pinuno ng mga nasakop na lupain na patuloy na namuno kapalit ng kanilang katapatan.
Samantala walang sistema ng pagsulat ang mga Inca. Sa halip ay gumagamit sila ng quipu,
tinaguriang mga “nagsasalitang buhol”mula sa buhok ng Ilama. Ang bawat buhol na sinulid ay may
katumbas na bilang, tunog, o salita
Ginagamit ito sa pagtala, halimbawa ng kapanganakan at kamatayan, kalakalan,at pagbilang ng mga
sundalo. Sumasamba sa maraming diyos ang mga Inca. Pangunahing mga diyos na ito ay si
Viracoch , pinaniniwalaang may likha ng diyos. Isa ring sinasamba nila ang diyos ng araw, si Inti na
pinaniniwalaang pinagmulan ng maharlikang pamilya. Pinamumunuan ng mga pari ang mga
seremonyang panrelihiyon. Ang Temple of the Sun sa Cuzco ang itinuturing na pinakabanal na
templo sa imperyo.
Sa South America, sa Lambak ng Cuzco, nandayuhan ang pangkat ng mga Inca noong 1200 at
nakapagtatag ng kaharian sa taong ika-13 siglo. Si Manco Capac, sa kanyang pamumuno bumuo
siya ng maliliit na lungsod-estado.
Sa taong 1438, nagtatag si Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ng sentralisadong pamahalaan sa
kabisera ng Cuzco. Sa pamumuno ni Topa Yupangqui, pinalawig niya ang imperyo hanggang sa
hilagang Argentina, Bolivia, at Chile. Samantala, napasailalim din sa kapangyarihan ang estado ng
Chimor o Chimu na tinuturing na pinakamatinding kaaway ng mga Inca sa baybayin ng Peru.
Chimu na tinuturing na pinakamatinding kaaway ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Nasakop naman
ang imperyo ang Ecuador sa ilalim ni Huayna Capac. Ang Imperyong Inca ay nasa kaguluhang
politikal, ng dumating ang mga sinaunang conquistador o mananakop na Espanyol.
Nadagdagan at naging malubha ito dahil sa epidemya ng bulutong na dala ng mga mananakop. Si
Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca ang namatay dulot ng epidemyang ito noong 1525. Sa
pagpanaw nito, nagkaroon ng tunggalian ang kanyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar.
Sa tunggaliang ito, nanaig ang kapangyarihan ni Atahuallpa. Noong 1532 dumating si Francisco
Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca. Si Pizarro at Atahuallpa ay nagkakilala at ng lumaon
binihag ni Pizarro si Atahuallpa at pinatubos niya ito ng maraming ginto. Pagkalipas ng isang taon
sinakop ng nga Espanyol ang Cuzco sa pamamagitang ng maliit na hukbo.
Ang bagong teritoryong ito ay humina dahil sa tunggalian sa pamumuno at kawalan ng katatagan sa
mga nasakop nito. Samantala, dahil sa malawak ang saklaw ng Imperyong Inca, naging malayo ito
sa sentro ng pangangasiwa sa Cuzco. Nagkaroon ng malaking pagkaiba sa kanilang kapangyarihan
lalong lalo na ang mga pangkat ng tao.
Noong 1572 pinugutan ng ulo ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru. Bunsod nito,
nagwakas ang kapangyarihan at kadakilaan ng imperyo sa Andes.
REPORT

AFRICA
Matatagpuan sa kontinente ng Africa ang iba’t ibang uri ng behetasyon (vegetation). Malapit sa
ekwador, matatagpuan ang rainforest o uri ng kagubatan na may sagana sa ulan, may matataas, at
malalaking puno. Sa hangganan ng rainforest, makikita ang savannah, isang bukas at malawak na
grassland o damuhang may puno. Sa hilagang bahagi ng Africa matatagpuan ang disyerto ng
Sahara, ang pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig. Sa ilang bahagi ng disyerto matatagpuan
ang oasis na napalilibutan ng matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng hayop at halaman.
ANG KALAKALANG TRANS-SAHARA
Sa panahon ng 3000 BCE, yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang
Africa at Kanlurang Sudan na matatagpuan sa Timog ng Sahara. Ang namagitang palitan ng mga
produkto ay tinawag na Trans-Sahara na tumagal hanggang ika-16 na siglo. Bitbit ang samu’t saring
uri ng mga produkto tinahak ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng
caravan kaya’t tinawag itong kalakalang Trans-Sahara. Kalimitang kamelyo ang gamit sa mga
caravan na tumutukoy sa grupo ng mga taong magkakasamang naglalakbay upang mangalakal.
MGA KABIHANAN SA AFRICA
Ang Egypt ang pinakaunang himpilan o sentro ng kabihasnan sa Africa. Ang Axum naman, na
kasalukuyang bansang Ethiopia sa Silangang Africa, ay kinilala bilang sentro ng kalakalan.
Kadalasan pumupunta ang mga mangangalakal dito na nagmula pa sa Persia at Arabia. Sa kabilang
banda, naging maunlad ang rehiyon ng Sudan dahil sa pakikipagkalakalan at magandang ugnayan
nito sa mga karatigbansa. Bukod sa mga nabanggit na bansa, marami pang imperyong sumibol dahil
sa pag-usbong ng kalakalan.
ANG IMPERYONG GHANA
Ang Ghana ay naging makapangyarihan sa Kanlurang Africa noong 700 CE at naging bahagi sa
kalakalang Trans-Sahara. Dito ay may malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory,
ostrich, feather, ebony, at ginto na ipinagpalit ng mga katutubo sa mga produktong wala sila. Sa
imperyong ito, mataba ang lupa at maluwang ang kapatagan kaya sila nakapagtanim. Mayroong
sapat na pagkain na sanhi ng paglaki ng populasyon. Mayaman sila sa tubig na sapat sa
pangangailangan ng mga kabahayan at irigasyon.
ANG IMPERYONG MALI
Ang Mali ay isang estado ng Kangaba, isa sa makabuluhang outpost ng Imperyong Ghana. Sa
pamumuno ni Sundiata Kieta lumawak ang imperyo at rutang pangkalakalan. Ngunit natapos ang
kapangyarihan nito sa taong 1240 nang namatay si Sundiata Kieta na nagpahina sa ugnayang
pangkalakalan sa labas ng imperyo.
Subalit muling ibinalik ni Mansa Musa ang kadakilaan ng imperyong Mali. Sa pagsapit ng 1325,
naging sakop ng imperyo ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu,
at Gao. Naging tanyag din si Mansa Musa sa pagtataguyod sa karunungan sa pamamagitan ng
paghikayat sa mga iskolar na Muslim na sinamahan ng pagpapagawa ng mosque o pook-dasalan
upang pagyamanin ang kaalaman at pananalig sa Diyos.
ANG IMPERYONG SONGHAI
Ang Songhai ay nakikipagkalakalan sa mga Berber na pumapasok sa mga ruta ng kalakalan sa Niger
River. Dala-dala rin nito ang relihiyong Islam. Noong 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng Songhai,
ang Islam. Hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam ngunit hindi niya ito ipinilit.
Nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria sa pamamagitan ng ruta ng Gao at Timbuktu na nag-
uugnay sa iba’t ibang panig ng imperyo.
Subalit nasakop ang imperyong Songhai noong 1325 at nabihag ang mga mamamayan nito. Muling
nakalaya ang imperyo sa pamumuno ni haring Sunni Ali na nagpalawak ng kaniyang nasasakupan.
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala pinalawak at pinalaki ang imperyo mula sa hangganan ng
kasalukuyang Nigeria. Naniniwala siyang sapat ang kaniyang kakayahan at ang suporta sa kaniya ng
mga mamamayang mangingisda at magsasaka kaya hindi niya niyakap ang relihiyong Islam.
Pinapahalagahan niya ang kakayanan ng mga mangangalakal at iskolar na Muslim na naninirahan sa
loob ng kaniyang imperyo kaya itinalaga niya ang ilan sa mga ito na maglingkod sa pamahalaan.
MESO AMERICA AT SOUTH AMERICA
Habang progresibo at naging malakas ang mga sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at
China, nagsimula ring lumakas ang sibilisasyon ng Mesoamerica sa pamamagitan ng pagkakatuklas
ng agrikultura na nagpaunlad sa sistema ng kanilang pamumuhay. Ang maliliit na pamayanang
agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica na naging
makapangyarihan at kalaunan ay naging imperyo
Ang katangiang pisikal ng South America ay hindi katulad sa Mesoamerica. Matatagpuan dito ang
Amazon River sa hilaga na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan, ang praire at steppe sa
bahaging timog ng Andes Mountain na may malaking epekto sa paghubog ng natatanging klima nito.
Karamihan sa bahagi ng kontinenteng South America ay may klimang tropikal (mainit at basa). May
mga bahagi rin ito na nakararanas ng mga malalakas na ulan. Samantala, tuyot na mga disyerto ang
nasa kanlurang gulod ng mga bundok na nakaharap sa Pacific Ocean.
KABIHASNANG MAYA(250 C.E- 900 C.E)
Naghari ang Kabishasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang
Guatemala. Naitatag rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El
Mirador, at Copan. Naabot ng Maya ang tugatog ng kanilang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at
700 CE.
Kaagapay ng mga pinuno ang mga kaparian sa pangangasiwa ng Kabihasnang Maya. Halach uinic o
“tunay na lalaki” ang tawag sa pinuno. Ang mga pamayanang lungsod ang sentro ng kanilang
pananampalataya sa kanilang mga diyos.
Naitatag rito ang mga pamayanan na may angking ganap na kapangyarihan. Mayroong malawak at
maayos na kalsada at daanang patubig ang mga lungsodestado ng Maya. Ang pagkakahati-hati ng
mga tao sa lipunan ay matiwasay. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at may kaya sa buhay. Ang
bawat lungsod ay may pyramid na nagsisilbing dambana at bahay-dasalan para sa mga diyos.
Nasa rurok ang kabihasnang Maya matapos ang 600 CE. Ngunit sa pagtatapos ng 800 CE, ang ilang
mga sentro ay iniwan, maging ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga gusaling
panrelihiyon at lungsod ay nawasak sa pagitan ng 850 CE at 950 CE. Ayon sa ilang mananaliksik,
ang pagkawasak ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan sa mga sanhi
ng paghina nito. Nakapanglulumong isipin na isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng kanilang
kabihasnan ay dahil sa pagbaba sa produksiyon ng pagkain. Ito ay batay sa mga nakuhang labi ng
tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon kung kaya’t payat ang mga buto nito.
Ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo. Sa paghina ng
Chichen at Uxmal, nangibabaw ang lungsod ng Maya sa buong Yucatan hanggang sa mangyari ang
isang paghihimagsik noong 1450.
KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG MAYA
Ilan sa mga natatanging kontribusyon ng kabihasnang Maya ay ang pagpapatayo ng mga pyramid.
Isa rito ay ang pyramid ng Kukulcan na matatagpuan sa munisipalidad ng Tinum sa bansang Mexico
Isang progresibong kabihasnan ang naitatag ng mga Mayan. Makikita sa ibaba ang mga
dahilan ngkanilang paglakas at pagbagsak.

KABIHASNANG AZTEC
Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang kathang lugar sa
Hilagang Mexico. Ito ay nomadikong angkan na dahan-dahang pumunta sa kapatagan ng Mexico.
Ang mga Aztec ay naging maimpluwensiya sa gitnang bahagi ng Mesoamerica na kung saan dito
naitatag ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Kakaiba ang mga Aztec sa mga Olmec dahil nagawang
mapalawak ang kanilang nasasakupan na nagdulot ng pag-unlad sa agrikultura at pagbuo ng
kanilang imperyo.
Noong 1325, nabuo ang lungsod-estado ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa lawa ng Texcoco na
nasa gitna naman ng Mexico Valley. Ang lungsod ay naging sentro ng kalakalan kung saan ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay ang pagtatanim dahil sa matabang lupang sakop nito. Mais
ang kanilang pangunahing tanim at nag-aalaga rin sila ng mga hayop. Sa kabila ng mga hamon dala
ng pagkakaroon ng maliit na lupang pagtataniman, nagawang mapaunlad ng mga tao ang kanilang
kabuhayan sa pamamagitan ng paglikha ng mga Chinampas o mga artipisyal na pulo na kung
tawagin ay floating garden.
Ang mga Aztec ay naniniwala sa mga diyos na may kapangyarihang magkontrol sa kalikasan. Si
Huitzilopochtli, ang diyos ng araw ay binibigyang-alay at inaalagaan ng mga magsasaka dahil
makabuluhan sa kanila ang sikat ng araw. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si
Quetzalcoatl.
Sa mga Aztec, kailangang laging matibay ang mga diyos na ito upang maharangan ng mga ito ang
masasamang diyos sa pagwasak ng sanlibutan. Kaya ang mga Aztec ay naghandog ng tao na
kalimitan mga nahuhuli sa labanan at mayroong ding mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob na
ihandog ang sarili
Natigil ang paghahari ng mga Aztec sa pagdating ng ekspedisyon ng mga mananakop na Espanyol
sa pamumuno ni Hernando Cortes noong 1519. Akala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang
pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil
maputi ang kaanyuan nito. Hindi nila namalayan na ang pakay ng mga dayuhan ay ang unti-unting
pagsakop ng kanilang nasasakupan na naging dahilan ng kanilang pagbagsak.
KABIHASNANG INCA (1200-1521)
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Halaw ito sa pangalan ng pamilyang namahala sa isang grupo ng tao
na naninirahan sa Andes. Noong ika-12 siglo, ang mga tao ay naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca
sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamamahala ni Manco Capac, nagtatag sila ng maliliit na pamayanan.

Noong 1438, nabuo ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang sambayanang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang
sentralisadong bansa. Sa pamumuno ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalaki niya ang imperyo hanggang hilagang
Argentina, bahagi ng Bolivia at Chile. Nasa pamumuno din niya ang bayan ng Chimor o Chimu na pinakamatinding
kalaban ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa pamumuno naman ni Huayna Capac, nakuha ng imperyo ang Ecuador.

Ang imperyo ng Inca ay humina at bumagsak dahil sa kaguluhang politikal at pinalubha pa ng sakit na bulutong na dala
ng mga Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro noong 1532. Ang katapangan ng mga Inca ay hindi naging sapat
upang talunin ang mga dayuhan dahil sa sakit na unti-unting nagpaliit ng kanilang populasyon.

Makikita sa talahanayan ang batayan at patunay ng pagkakahawig ng mga kabihasnang Aztec at Inca.

ANG MGA PULO SA PACIFIC


Ang mga isla sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking grupo ang
Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ibinatay ang mga termino sa kaayusan ng mga isla at anyo ng
mga katutubo.
POLYNESIAN
Ang Polynesia ay nasa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at
Micronesia. Sakop nito ang New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga,
Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Isands, Society
Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
Mayroong 30 pamilya ang bawat pamayanan ng Polynesia. Tohua ang katawagan sa sentro ng
pamayanan na nasa gilid ng mga burol. Dito nagdaraos ng iksibisyon ng mga seremonya at
komperensya. Dito rin makikita ang tahanan ng mga pari at banal na gusali.
Ang ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Naniniwala sila sa dakilang
kapangyarihan ng mana na nangangahulugang ‘bisa’ na makikita sa mga istruktura, bato, at bangka.
Ang salitang Polynesia ay hango sa wikang griyego na “polus” na ang ibig sabihin ay “marami” at
nesos na nangangahulugang “pulo”. Sakop nito ang mga pulo tulad ng Fiji, Samoa, Tonga, Tuvalu.
Parehas sila ng balat ng mga Pilipino na kayumanggi.
Pangingisda, pagtatanim ng breadfruit, taro, saging, at niyog. Mahuhusay sila sa paggawa ng mga
bangka na Catamaran. Ang catamaran ay isang uri ng bangka na may dalawang ‘hull’ o katawan na
mas mabilis kaysa sa pagkaraniwang bangka. Ito ay kanilang ginagamit sa pangangalakal at sa
paghahanap.
MICRONESIA
Ang Micronesia ay makikita sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ito ay binubuo ng
Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
Ang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga dagat-dagatan kaya madali sa mga tao ang
lumuwas at maglayag sa karagatan. Binubuo nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi
masyadong madaanan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Maliban dito nakikipagkalakalan
din sila sa mga kalapit-isla gamit ang bato na ginawang pera (stone money).
Animismo ang tawag sa sinaunang pananampalataya ng mga Micronesian. Ang mga seremonya
para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

MELANESIA
Ang Melanesia ay nasa hilaga at silangang baybay dagat ng Australia. Binubuo ito ng mga pulo tulad
ng New Guinea, Bismark Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu, New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga Melanesian ay naninirahan sa mga baybaying–dagat na pinamumunuan ng mga giyerero o
warriors. Ang batayan ng paghirang ng isang lider o pinuno ay sa pamamagitan ng bilang o dami ng
mga kalabang napatay at ang pagwawagi sa digmaan. Ang kakaibang kulturang ito ay naging
panuntunan ng mga giyerero tulad ng kagitingan, kalupitan, paghihiganti, at kapurihan.
Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Melanesian ay pagtatanim, pangingisda, at pag-aalaga ng
mga hayop at pangangalakal sa mga karatig-isla. Sa aspeto ng pananampalataya o relihiyon,
naniniwala sila sa animismo kung saan nagtatakda sila ng mga ritwal sa mga espiritu (anima ibig
sabihin ay espiritu) sa panahon ng digmaan, sakuna, kamatayan, at maging sa kanilang pang-araw-
araw na kabuhayan upang mabigyang-bisa ang pagkakaroon ng labis na mana.
May sariling kaugalian at personalidad ang mga tao na hinubog ng kabihasnan sa Pacific. Hindi man
ito kasingtanyag at kasing-sagana ng mga kabihasnan at imperyo na sumibol sa America at Africa,
mayroon naman itong impluwensiya na namayani sa mga tao na naninirahan maging sa mga kalapit
na bansa sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.
ACTIVITY

A. Panuto: Ang sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan sa mga pangyayari o kaganapan na


umusbong sa tatlong kabihasnan sa America. Isulat kung ito ay Maya, Aztec, at Inca. Gawin ito sa
sagutang papel.1 pts each(5pts)
_____1. Itinatag noong 1438 ni Pachakuti ang isang lipunan sa pamamagitan ng isang
sentralisadong estado.
_____2. Ang mga nomadikong tribo nagtungo at nagtatag ng pamayanan sa Lambak ng Mexico
noong ika-12 siglo CE.
_____3. Narating ng sibilisasyong ito ang rurok ng kanilang kaunlaran sa pagitan ng 300 CE at 700
CE.
_____4. Hindi sapat ang lawak ng lupain kaya lumikha ng mga chinampas o floating garden ang
mga mamamayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
_____5. Ang pagdating ni Hernando Cortes ay naging hudyat ng pagbagsak ng Tenochtitlan .
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang
sagot. 1PTS EACH(5PTS)
1. Kailan yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang
Sudan?
A. 1 000 BCE C. 3 000 BCE B. 2 000 BCE D. 4 000 BCE
2. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai sa Africa?
A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria.
B. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert.
C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng
Imperyong Islam.
D. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at pananampalataya ang Timbuktu at
Gao.
3. Ano ang tamang paglalarawan sa paraan ng paggawa ng pera sa Palau?
A. gumamit sila ng bato B. gumamit sila ng coral C. gumamit sila ng bakal D. gumamit sila ng bronze
4. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?
A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan.
B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala.
C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.
D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan.
5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec?
A. Naniniwala siya sa kalikasan.
B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos.
C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan.
D. Naniniwala siya sa Diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoatl.

A. B.
1. INCA 1. C
2. AZTEC 2. A
3. MAYA 3. A
4. AZTEC 4. B
5. AZTEC 5. D
ASSIGNMENT
1. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwala ng mga Micronesian?
A. Naniniwala sila kay Kristo bilang Diyos. B. Naniniwala sila kay Brahma, Shiva, at
Vishnu.
C. Naniniwala sila kay Buddha bilang dakilang guro. D. Naniniwala sila sa halaman, hayop, bato,
bundok, at ilog.
2. Alin sa mga pahayag ang hindi sumusuporta sa Polynesia bilang pangkat ng mga pulo sa Pacific?
A. Ang mga isla ay matatagpuan sa silangan ng Asya.
B. Ang sinaunang pamayanan ay nasa baybaying-dagat.
C. Ang pamayanan ay matatagpuan malapit sa mga lawa.
D. Ang mga isla ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean.
3. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?
A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan.
B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala.
C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.
D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan.
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec?
A. Naniniwala siya sa kalikasan.
B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos.
C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan.
D. Naniniwala siya sa diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoat
5. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai sa Africa?
A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria.
B. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert.
C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng
Imperyong Islam.
D. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at pananampalataya ang Timbuktu at
Gao.
ANSWER:
D
C
A
B
D

You might also like