You are on page 1of 2

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face to Face

LESSON Paaralan SAN JUAN NHS Baitang Baitang 8


EXEMPL Guro DENSEL JAMES ABUA Asignatura ARALING
AR SILVANIA PANLIPUNAN
Petsa January 23-27, 2023 Markahan Unang Markahan
Ika-siyam Oras 9:55-10:35 – DIAMOND Bilang ng Araw
5
na linggo 11:15-11:55 - RUBY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nababasa ang teksto tungkol sa Pagbagsak ng Imperyong Roman;
b. nabibigkas ang mga piling salita ayon sa kahulugan nito; at
c. nasasagutan ang mga tanong tungkol sa Pagbagsak ng Imperyong
Roman;

II. NILALAMAN Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon -Mga Pangyayaring Nagbigay-


daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul ph. 216
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Paksa: Pagbagsak ng Imperyong Roman.
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang
Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong
Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa
Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy
ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang
mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang
naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa
walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng
pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na
bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa
pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang
nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na
kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng
Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng
mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong
ikatlong siglo ng Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong
hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang
dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang
mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan.
Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon
sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng
Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka Kristiyano at naging
matapat na mga kaanib ng pari.
Mga Katanungan
1. Kailan bumagsak ang imperyong Romano na nag bigay daan
upang lumakas ang kapangyarihan ng simbahang katoliko at
kapapahan?
a. 111 C.E
b. 476 C.E
c. 15 C.E
d. 214 C.E
2. Saan nag hari ang imperyong romano?
a. kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa
hilagang Africa
b. Asia
c. America
d. Egypt
3. Ilang taon naghari ang Imperyong Romano kanluran at
silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa ?
a. 600 Taon
b. 500 Taon
c. 400 Taon
d. 300 Taon
4. Tinukoy ni __________, isang pari, na kalooban ng mga
Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan.
a. Chimor o Chimu
b. China
Assyrian
c.
Silvian
d.
5. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging
sanhi ng
____________________________________________.?
a. Kagandahan
b. Kaayusan
c. palasak na kabulukan sa pamahalaan
d. Kabutihan
6. Ang ____________________, na tanging institusyong hindi
pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao..?
a. Simbahang Kristiyano
b. Mga Paaralan
c. Mga Samahan ng magsasaka
d. Mga Samahan ng mga Mangingisda
7. Nahikayat ang mga ___________________ sa kapangyarihan ng
Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka Kristiyano at naging
matapat na mga kaanib ng pari.?
a. Helot
b. Barbaro
c. Mangingisda
d. Chaldean
IV. ASIMILASYON "Bilang isang estudyante, ano ang kahalagahan na malaman o maunawaan
ang mga dahilan ng pagbagsak ng imperyong Roman at ang paglakas ng
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko? Isulat ang iyong kasagutan sa
sagutang papel.

V. Puna

Inihanda ni :

DENSEL JAMES ABUA SILVANIA


Guro I

Iwinasto ni:

ROSALIE J. MACALOS, Ed. D.


Ulong Guro I

You might also like