You are on page 1of 9

DETAILED RESEARCH LESSON PLAN

GRADE QUARTER/DOMAIN WEEK & DAY NO. PAGE NO.


LEVEL
8 (eight) 2nd quarter 2

Sa araling ito, inaasahang matututunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:


a. naisa-isa ang mga naging kontribusyon ng kabihasnang Romano;
I. MGA b. nailalahad ang kasaysayan at iba pang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglawak ng
LAYUNIN Imperyong Romano.
c. nakakahinuha mula sa mga katibayang nagpapatunay tungkol sa mga kontribusyon ng
kabihasnang Romano sa kasalukuyang panahon.
A. Pamantayan Naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa klasiko at transisyunal na
ng panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pangnilalama
n
B. Nakakabuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangngalaga at pagpapahalaga sa mga
Pamantayan natatanging kontribusyon ng klasiko at transisyunal na panahon na nagkaroon ng malaking
sa impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalakuyan.
Pagganap

C.
Pamantayan
sa
Pagtuturo

II. PAKSA Modyul 2:Kontribusyon ng Kabihasnang Romano

III. NILALAMAN Panalangin, Pagbati, Pagtala ng liban


A. References
1. Teacher’s Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Guide Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Pages
2. Learner’s
Materials
Pages
3. Textbook Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pages Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
4. Additional
Materials from Laptop
Learning PowerPoint Presentation
Resource (LR)
portal
B. Other
Learning https://www.slideshare.net/neridiaz18/ambag-ng-rome
Resources
IV.PAMAMARA
AN
ELICIT

BALIK ARAL

Gawain 1: Ideya Mo, Itala Mo!

Magbigay ng mga konsepto o ideyang natutunan mo tungkol sa paksang nasa kahon. Isulat ang
iyong sagot sa loob ng kahon gamit ang sagutang papel.

A. Reviewing
previous lesson or
presenting the
new lesson

ENGAGE

Gawain 2. Ideya Mo, Ilahad Mo!

Suriing mabuti ang larawan sa ibaba at magbigay ng ideya mula dito ayon sa mga katanungan
na mababasa sa ibaba nito.

B. Establishing
a purpose for
the lesson

Pamprosesong Tanong.

Panuto: Magbigay ng mga ideyang na hindi kukulang sa dalawang pangungusap. Isulat ang iyong
ideya sa sagutang papel.

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan?

2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang kinalaman nito sa susunod na aralin?


EXPLORE

Sa bahaging ito, matutunan mo ang kasaysayan ng Kabihasnang Romano at ang mga naging
kontribusyon nila sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

ANG KABIHASNANG ROMANO

Ang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa kontinenteng Europa na matatagpuan sa Italy,


isang Peninsula na napapaligiran ng Dagat Ionian sa timog, Dagat Tyrrhenian sa kaliwa, at Adriatic
naman sa kanan. Ang lungsod-estado nito ay nakatayo sa pitong burol malapit sa Ilog Tiber. Ang
maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng
sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Ang mga Latino ang unang naininirahan sa sinunang distritong tinatawag na “Latium” noong
D. Discussing 750 BCE. Sila ang nagbigay sa Rome ng mga simulain sa pamamagitan ng panitikan. May mga
the new naninirahan naman sa hilaga at timog ng Roma na tinatawag na mga Etruscan galing sa Asia Minor
concepts and na sumakop sa Roma. Sila ay may kapangyarihang pangmilitar na naging dahilan sa paglawak ng
practicing new kapangyarihan.
skills #1
Ang lipunang Roma ay nahahati sa dalawa; ang mga patrician at mga plebeian. Ang mga
Patrician ay mga mayayamang may-ari ng lupa na maaaring manungkulan sa pamahalaan at ang mga
Plebeian naman ay mga karaniwang tao na binubuo ng mga magsasaka, mangangalakal at mga
banyaga na nagtatamasa lamang ng iilang karapatan. Ang mga sinaunang Romano na nakatira sa
kapatagan at lambak ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Samantala, nangangalakal naman
ang mga nasa tabing dagat at nagpapastol naman ang mga nasa burol.

Ang mga Romano ay magsisimulang mag-aral pagsapit ng taong 6-7 sa anumang edad. Sa
edad na 12 ay marunong na silang magsalita ng Latino at Griyego. Ngunit, hindi lahat ay may
karapatang magkaroon ng edukasyon dahil iilang alipin lang ang napagbibigyan ng pagkakataong
makapag-aral pansamantala.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay isang malakas na imperyo na


pinamumunuan ng hari. Ito ay naging malawak na kaharian na may pamahalaang tinatawag na isang
oligarkiyang republika. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang
Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at Dagat na Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang
Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga
Turkong Ottoman.

Malaalamat na Kasaysayan ng Roma


na sila, natagpuan sila ng
E. Discussing isang pastol at inalagaan din
the new sila ng pastol. Itinatag nila ang
concepts and bayan ng Roma pero nag-away
practicing new sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod
skills #2 ang pinag awayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus at ipinangalan kay Romulus
ang bayan ng Roma.

Naging kaharian ang Roma, pero ang huling naging hari ng Roma, si Tarquin na ay
pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at pinamumunuan ng mga senador,
subali namuno si Julius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng mga lugar sa Gitnang
Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na
sila Lepidus, Octavius at si Mark Anthony, pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma.
Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa
Actium noong 31 BC at kinuha niya ang pangalang Augustus Caesar at siya ang naging unang
Emperador ng Imperyo ng Roma.

Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong
malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo – ang Silangang Imperyo Romano at ang
Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.
Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD. Subalit ang Silangang
Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga Turkong
Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.

Sa pagsakop ng Romano sa lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa


Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Romano ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa
pababalik nila sa Romano. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Roma at maraming Romano ang
tumungo sa Athens para mag-aral. Naimpluwensihayan ng kabihasang Greece ang kabihasnang
nabuo sa Roma.

Gayunpaman, may sariling katangian taglay ang kabihasnang Romano. Pangunahin na rito ang
kaalaman sa larangan ng panitikan, arkitektura, inhenyeriya, batas, at pananamit.

MGA NATATANGING KONTRIBUSYON NG IMPERYONG ROMANO

Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang siglo, naragdagan
ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga Romanong heneral ang ilang mga aklat
at gawaing sining mula sa Gresya patungong Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang
nagtungo at nagtrabaho sa Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens ng
kanilang mga magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at
Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greaco- Romano.

Mga Batas

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon.


Ipinakilala nila ang Twelve Tables na batas para sa lahat maging ano man ang nasyonalidad. Ang
katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen
at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang
pamamaraan ayon sa batas. Naniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat na hinango batay sa
prinsipyo ng katwiran, hustisya at dapat na mangalaga sa mga mamamayan at sa kanilang ari-arian.

Ang sistema ng hustisya at pagbabatas na ito ang pinakamalaking nagging kontribusyon ng


mga Romano sa kanluraning sibilisasyon. Isa sa natatanging batas ay ang “Law of Nations” ito ay
nagsasabing walang Briton, Kastila, Italtyano o Griyego, bagkus ang lahat ay Romano.Maraming
mga ideya tungkol sa nagging batas ng ilang pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya,
Espanya, Pransiya at Latin Amerika ay hinango sa Batas ng Romano.Ito ang pangunahing
kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.

Literatura
Nakilala ang mga Romano sa pagpapahayag ng kanilang damdamin maging kathang-isip o
hindi kathang-isip. Sa pamamagitan ng nobela, maikling kwento, dula, alamat, tula, at iba pa. Sa
panahon ni Augustus, namulaklak ang Greaco- Romanong literatura. Ang panitikan ng Romano ay
nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga
tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay sila Terence at Marcus Plautus ito ay ang mga unang
manunulat ng comedy. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na nagpapahalaga sa batas.
Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera
kailanman.

Arkitektura

Ang mga Roman ang


tumuklas ng semento.
Marunong na rin silang
gumamit ng stucco, isang
plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader.
Umaangkat sila ng marmol
mula sa Greece. Ang arch
na natutuhan ng mga
Roman mula sa mga
Etruscan ay ginagamit sa
mga templo, aqueduct, at
iba pang gusali. Ang gusali na
ipinakilala ng mga Roman
ay ang basilica, isang
bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng assemblya. Mayroon din silang pampublikong
paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum,
sentro ng lungsod. May iba pang gusaling pinatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa
Romano. Pinakatanyag ang Coliseum, isang bukas na arena na may upuan para sa 50000 katao. Ito
ay isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

Inhenyeriya

Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at
tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na
ginawa nila noon ay ginagamit pa hangang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-
uugnay sa Romano at Timog Italy. Gumawa ri sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa
lungsod.

Pananamit

Ang kasuotan sa sinaunang Roma ay nakadepende sa katayuan o estado nito sa lipunan. Ang
mga Patrician o mayayamang tao sa lipunan ay nakasuot ng kulay puting damit na hanggang tuhod at
pulang sapatos. Samantala, ang mga Plebeian o mga karaninwang tao ay nakasuot ng malabnaw na
kulay ng damit. Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.

Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng
tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang
stola ay kasuotang pambahay at palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.

Agham

Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greaco- Romano ay sina


Galen at Ptolemy. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga teorya niya ay hango sa medisinang
Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang katawan ng
mga hayop. Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita, naging basehan ito ng mga
makabagongkaalaman sa medisina sa kanluran. Si Ptolemy ay isang mahusay na matematisyan,
heograper at astronomer na kilala sa kaalamang “Ang mundo o Earth ay sentro ng mundo
(Geocentric Theory)”. Tanyag din sya unang kaalaman tungkol sa “Trigonmetric Table”.

Ang iba pang mga naging kontribusyon


ng sinaunang imperyong Romano ay ang
Roman numerals na nagmula sa sinaunang
kabihasnan nito. Unang naging kilala ang mga
pangunahing simbolo na I, V, X, L, C, D at M.
Ginagamit ang mga ito bilang karaniwang
pamamaraan sa pagbibilang at sa pakikipag-
ugnayan lalo na sa larangan ng kalakalan.

Ang Simbahan ng Katoliko


Romano ay isang matandang
paniniwala ng sinaunang Roma. Ito
ay lumaganap sa ibat-ibang bahagi
ng daigdig at isa na dito ay ang
ating bansang Pilipinas. Ang
paniniwalang ito ay mga
pinakamaraming tagasunod na
mga kababayang Pilipino. Ang mga
naglalakihang struktura ng
simbahang Katoliko sa ating bansa
ay isa sa mga patunay na
naimpluwensiyahan tayo ng
sinaunang kabihasnan ng romano.

EXPLAIN

Gawain 3: Punan Mo, Ilarawan Mo!

Batay sa rubrik na makikita sa ibaba, magbigay ng isa o higit pang mahalagang kontribusyon
ng Kabihasnang Romano. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga sagot. Gawin ito gamit ang “Long
size coupon bond”.

F. Developing
mastery (Leads
to formative
assessment 3)
G. Finding ELABORATE
practical
application of Gawain 4. Kuwento Mo, Ilahad Mo!
concepts and
skills in daily
living Ngayon buuin mo ang kwento ng Imperyong Romano sa pamamgitan ng pagpupuno nito.
Pumili ng salita o mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang kuwento tungkol sa imperyong
Roma. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

ANG IMPERYONG ROMA

Ang 1.___________ ay isang sinaunang kabihasnan sa kontinenteng Europa na matatagpuan sa isang


Peninsula ng 2._________ na napapaligiran ng 3.______________ sa timog, 4._______________ sa
kaliwa, at 5.______________ naman sa kanan. Ang 6.__________________ nito ay nakatayo sa
pitong burol malapit sa Ilog Tiber. Ang maliit na 7._______________ na lungsod ay lumaki at
naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo. Ang
mga 8.______________ ang unang naininirahan sa sinunang distritong tinatawag na “Latium” noong
750 BCE. Sila ang nagbigay sa Rome ng mga simulain sa pamamagitan ng panitikan. May mga
naninirahan naman sa hilaga at timog ng Roma na tinatawag na mga 9. ____________ galing sa Asia
Minor na sumakop sa Roma. Sila ay may kapangyarihang pangmilitar na nagging dahilan sa
paglawak ng kapangyarihan. Ang lipunang Roma ay nahahati sa dalawang uri na kinikilalang
H. Making 10.__________ ang mga mayayamang may-ari ng lupa na maaaring manungkulan sa pamahalaan at
generalization and ang mga 11.___________ naman ay mga karaniwang tao na binubuo ng mga magsasaka,
abstraction about mangangalakal at mga banyaga na nagtatamasa lamang ng iilang karapatan. Ang Romanong
the lesson kabihasnan ay isang malakas na imperyo na pinamumunuan ng 12._______. Ito ay naging malawak
na kaharian na may pamahalaang tinatawag na isang 13._____________. Bumagsak ang
14.____________Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano
ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga 15.________________.

I. Evaluating EVALUATE
learning
Gawain 5 : E-Postcard

Panuto: Pumili ng isang mahalagang naging kontribusyon ng mga Romano ng kabihasnan sa


Europa. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Maaaring gumupit ng larawan at idikit ito sa sagutang
papel o iguhit ang larawan na ninais mo. Ang kasunod na rubriks sa ibaba ay magsisilbing gabay mo
sa gawaing ito. Gumamit ng Long size coupon bond.
J. Additional EXTEND
activities for
application or Takdang Araling
Assignment
Gawain 6 : COLLAGE MAKING!

Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakagagawa ng isang collage na


naglalaman ng mga kontribusyon o ambag ng kabihasnang Romano sa larangan ng panitikan,
arkitektura, inhenyeriya, batas, at pananamit. Upang mas lalo mo itong mapaganda maaari kang
tumingin ng mga imahe sa aklat o internet. Nasa sa iyo kung papaano mo ito gagawin, sa
pamamagitan ba ng pagguhit o pagugupit ng larawan at pagtatagpiin ito at ilagay sa buong papel o
short bond paper. Tingnan ang rubrik sa ibaba upang maging gabay mo sa gawaing ito.

Pagkatapos gumawa ng takdang aralin ay ugaliing magbasa sa susunod na aralin sa mga


sumusunod ma pahina.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% in the evaluation
B. No. of learners who require additional activities
for remediation who scored below 80%
C. Did the remedial lesson worked? No. of learners
who have caught up with the lesson
D. No. of learners who continue to require
remediation
E. Which of my teaching strategies worked well?
Why did this work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized material did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?
Inihanda ni: Tagapagsiyasat:

JAYKHAR B. LABADAN HELEN M. RODRIGUEZ, MAEd


Mag-aaral Master Teacher II in A.P.

You might also like