You are on page 1of 6

Learner’s Activity Sheet

Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan – Linggo 2)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________

Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mo ang kontribusyon ng kabihasnang Romano
(AP8DKT-IIc-3).

Sa paksang ito, ang mapapahalagahan ang mga naging ambag ng


kabihasnang Romano.
Ang iyong guro

Ang Kabihasnan ng Sinaunang Romano

Gawain 1

Panuto: Pagmasdan ang larawan at suriin ang mga ito.

1 8
Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (10 puntos)


1. Batay sa Gawain 1, ano ang tawag sa gusali na nasa larawan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Saang bansa ito makikita hanggang sa ngayon at para saan ang mga
gusaling ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno at pag-aralanang
nakasaad na aralin sa Gawain 3.

Ang Simula ng Rome

Itinatag sa kalagitnaan ng
ikawalong siglo BCE ng mga unang
Roman na nagsasalita ng Latin. Ayon
sa matandang alamat ang Rome ay
itinatag ng kambal na sina Romulus
at Remus. Habang mga sanggol pa
lamang, inilagay sila sa isang basket
at ipinaanod sa Tiber River ng
kanilang amain. Ang kambal ay https://en.wikipedia.org/wiki/romulus_and_Remus

sinagip at inaruga ng isang babaing


lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan,
inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River
noong 753 BCE. Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan na magagaling
sa sining, musika at sayaw at dalubhsa din sila sa arkitektura,gawaing
metal at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga
gusaling may arko,mga aqueduct,mga barko,paggamit ng tanso,paggawa ng
mga sandata sa pakikidigma,pagtatanim ng ubas at paggawa ng alak.

Ang Roman Republic

Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay


sa pagtataboy sa mga Etruscan. Itinatag ang isang Republika. Naghalal ng

2
dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa
loob lamang ng isang taon at diktador na manunungkulan sa loob lamang
ng anim na buwan. Nagtatamasa ang dikatador ng higit na kapangyarihan
kaysa mga konsul.

Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil sa laan


lamang ito sa sa mga maharlika o patrician. Plebeian ang mga kapos sa
kabuhayan at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang
mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag
asawa ng patrician.

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician

Nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 BCE, upang


magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at
lumikas sa lugar na tinaguriang Banal na Bundok at nagbalak na magtayo
ng sariling lungsod. Sinuyo ng mga plebeian ang patrician upang itigil ang
balak sa pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging
alipin at paghalal ng plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na
magtatanggol sa kanilang karapatan. Noong 451 BCE, nasulat ang mga
batas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum, ang 12 Tables
ang kauna-unahang nasulat na batas sa Rome. Nabawasan ang panlilinlang
sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng
patrician,mahalal sa konsul,at maging kasapi ng senado.

Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Rome sa Iba’t Ibang Larangan

Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang


tumungo sa Athens para mag-aral. May sariling katangian ang
kabihasnang Rome. Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura,
inhenyeriya, at Sistema ng pamamahala at batas.

Batas

o Kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon.


o Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong
tinatanging uri ng lipunan. Ginamit upang alamin ang krimen at
tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad ditto ang mga karapatan
ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.

Panitikan

o Nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE.


o Ito ay salin ng mga tula at dula ng Greece.
o Halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsaling ng “Odyssey”.

3
Inhenyeriya

o Nagtayo ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo.


o Halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at Timog Italy.
o Gumawa rin ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.

Pananamit

o Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman, ang tunic ay


kasuotang pambahay at toga kug sila ay lumalabas ng bahay.
o Dalawa rin sa mga babaing Roman, ang stola kasuotang pambahay at
palla isinusuot sa ibabaw ng stola.

Arkitektura

o Ang mga Roman ang tumuklas ng semento.


o Gumamit sila ng stucco isang plaster na pampahid at pantakip sa
labas ng pader.
o Umangkat ng marmol mula sa Greece
o Ang arch na natutuhan sa mga Estrucan ay ginamit sa mga templo,
aqueduct, at iba pang gusali.
o Ipinakilala ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte at
pinagpupulungan ng Assembly.
o Gusaling makikita sa Rome hanggang ngayon: Coliseum at
Amphitheatre para sa mga labanan ng mga gladiator.

Gawain 4 Panuto: Punan ang talahanayan ayon sa kahalagahan ng


mga kontribusyon ng Kabihasnang Roman. (15 puntos)

Kontribusyon ng Kabihasnang Mahalaga ito dahil. . .


Roman

4
Gawain 5 Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba.
Bilugan ang tamang sagot. (10 puntos)

A. Halaw mula sa Aralin ng Linggo 1


1. Saan unang umusbong at nanirahan ang mga Minoans?

A. Attica C. Peloponnese
B. Macedonia D. Isla ng Crete

2. Ano ang pinakamalaking lungsod ng Mycenaens?

A. Sparta C. Mycenae
B. Athens D. Knossos

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng kahalagahan


ng sinaunang Greece?

A. Ito ay isang malakas na sibilisasyon ngunit kaunti lamang ang


impluwensya nito
B. Malaki ang epekto ng kulturang Griyego sa kulturang Asyano gaya
na lamang ng sa China at Japan
C. Karamihan sa kulturang kanluranin ngayon ay namana mula sa
kultura ng mga sinaunang Greece
D. Ang mga Sinaunang Griyego ay walang naibahaging epekto sa
ibang panig ng mundo maliban nalang sa Olympic Games
4. Ano ang pangunahing pokus ng kultura ng lungsod ng Athens?

A. Sining at edukasyon C. Athletics at kumpetisyon


B. Digmaan at pakikipaglaban D. Kapangyarihan at pananakop
5. Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito
ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
A. Acropolis C. Agora
B. Helot D. Attica

B. Halaw mula sa Aralin ng Linggo 2


1. Isang istraktura na nagdadala ng tubig sa mga malalayong distansya.

A. Arch C. Aqueduct

5
B. Dome D. Coliseum

2. Mataas na antas ng pamumuhay sa panahon ng Roman Republic.


A. Konsul C. diktador
B. plebeian D. patrician

3. Ang isang dayuhang sundalo na nagsisilbi lamang para sa bayad at


walang katapatan sa Roma.
A. plebeian C. patrician
B. diktador D. mercenary

4. Ano ang pinagbabatayan sa batas ng Roma?


A. pagkamakatarungan
B. paghihiganti
C. hindi pagkakapantay-pantay
D. kapangyarihan

5. Alin sa mga pangkat ang higit na naka impluwensya sa panitikan at


arkitektura ng mga Roman?
A. Babylonians C. Greeks
B. Egyptians D. Persians

Sanggunian:

Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan


Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,
ISBN:978-9601-67-8

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang
lahat ng mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

You might also like