You are on page 1of 6

Pangalan: ______________________________________

Baitang at Seksyon: _____________________________

Modyul sa Pagkatuto Blg. 10

Ang Sinaunang Rome
IKALAWANG MARKAHAN

Tungkol saan ang modyul na ito?

Paano nga ba maitatampok ang kulturang Romano bilang pagkilala sa naging impluwensiya
nito sa paghubog ng klasikong kabihasnan? Paano ito nakakaapekto sa mga pangyayari sa
kasalukuyang panahon? Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang mga pangyayari at mga naiambag
ng Klasikal na Rome sa ating kasaysayan.

1: Ang Sinaunang Rome at ang Pag-angat ni Julius Caesar

2: Ang Kadakilaan, Paghina at Pagbagsak ng Imperyong Romano

Ano ang inaasahan mong matutunan?

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag- aaral ay inaasahan na:

• Naipapaliwanag ang kontibusyon ng kabihasnang Romano.

(DICES) AP8DKT-IIc-3 (Dep-ed – MELC, DICES)

Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang mga
kasagutan mula isa (1) hanggang dalawang (2) pangungusap lamang. (8 puntos)
A. Ano ang kahalagahan ng karapatang pantao sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B. Bakit kailangan magkaroon ng batas ang isang komunidad at pamahalaan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Wawastuhin ng iyong guro ang iyong nasagutan sa katanungan. Matapos wastuhan ang paunang pagtataya, ikaw ay
nakakuha ng ___/8.

1
Unang Araw

Aralin: Ang Sinaunang Rome at ang Pag-angat ni Julius Caesar

Pamagat: Ang Rome at si Julius Caesar Tungo sa Katanyagan

Layunin ng Pagkatuto/Kompetensi: Naipapaliwanag ang kontibusyon ng kabihasnang Romano.
(DepEd-MELC)
Pagpapahalagang Pagkatuto: Makabansa at makakalikasan
Sanggunian at Awtor: Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig Binagong Edisyon 2020 nina, Soriano et
al, pahina 128 - 137

I. TALA NG MGA KONSEPTO

• Rome - Ito ay isang maliit na nayon sa may Ilog Tiber sa gitnang bahagi ng Peninsula ng Italya.
Matatagpuan ito sa ikapitong burol na naging dahilan upang tawagin itong “ang lungsod sa
ikapitong burol.”
• Italy - Ito ay isang tangway sa timog na bahagi ng Europa sa Mediterranean Sea na hugis bota
(italus).
• Republika - Ito ay isang gobyerno kung saan ang mga mamamayan ay may karapatang bumoto at
maghalal ng mga opisyal.
• Patrician - Sila ang mga mayayamang mamamayan ng Roma na nagmamay-ari ng mga lupain.
• Plebeian - Ito ay binubuo ng mga karaniwang tao, mga magsasaka, at mga mangangalakal.
• Tribune - Sila ang nangangalaga sa karapatan ng mga Plebeian. Nabuo ito matapos magtangkang
mag-alsa ng Plebeian laban sa mga Patrician kung saan isinusulong ng mga Plebeian ang
pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Plebeian at Patrician.
• Digmaang Punic – Ito ay nagmula sa salitang Latin na punicus na ang ibig sabihin ay “Phoenicia.”
• Triumvirate - Ito ay ang tawag sa alyansa ng tatlong katao.

Para sa detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa paksa, basahin sa aklat na Kayamanan: Kasaysayan ng

Daigdig (2020 edisyon) ang “Ang Sinaunang Rome” at “Ang Pag-angat ni Julius Caesar” mula sa pp. 128
hanggang pp. 137.

II. GAWAIN BLG. 10.1: Piliin ang Naiiba!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangkat ng termino o tao sa bawat bilang.
Piliin ang HINDI kabilang sa pangkat at isulat ang letra nito sa patlang. Pagkatapos, sagutin ang
susunod na katanungan na may kinalaman sa mga termino o tao. (10 puntos)
_____ 1. A. Mark Anthony B. Octavian C. Marcus Lepidus D. Julius Caesar
2. Ano ang pagkakapareho ng tatlong natitirang tao sa unang bilang?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____ 3. A. Crassus B. Pompey C. Augustus Caesar D. Julius Caesar
4. Ano ang pagkakapareho ng tatlong natitirang tao sa ikatlong bilang?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____ 5. A. tinanggap ang mga Plebeian sa Senado
B. binigyan ng trabaho ang mga walang trabaho
C. pinarusahan ang mga kaaway
D. binago ang sistema ng pagbubuwis
2
6. Ano ang pagkakapareho ng tatlong natitira sa mga nabanggit sa ikalimang bilang?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____ 7. A. Tiberius B. Vespasian C. Claudius D. Caligula
8. Ano ang pagkakapareho ng tatlong natitirang tao sa ikapitong bilang?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____ 9. A. Nerva B. Trajan C. Nero D. Hadrian
10. Ano ang pagkakapareho ng tatlong natitirang tao sa ikawalong bilang?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Ikalawang Araw

Aralin: Ang Kadakilaan, Paghina at Pagbagsak ng Imperyong Romano

Pamagat: Roman Empire: Mula sa Kadakilaan hanggang Pagbagsak
Layunin ng Pagkatuto/Kompetensi: Naipapaliwanag ang kontibusyon ng kabihasnang Romano.
(DepEd-MELC)
Pagpapahalagang Pagkatuto: Makabansa at makakalikasan
Sanggunian at Awtor: Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig Binagong Edisyon 2020 nina, Soriano
et al, pahina 138 – 141

I. TALA NG MGA KONSEPTO

• Mare Nostrum – Ito ang naging katawagan ng mga Romano sa Mediterranean Sea sa
kadahilanang, halos lahat ng mga lupain sa baybayin nito ang nasakop ng kanilang Imperyo.
• Dahil sa pagsakop ng Roman Empire sa Greece ay nagkaroon ng pagsasama ng mga konsepto
ng mga kultura nito. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Romano lalo na sa
mga sumusunod na larangan:
• Inhinyera at arkitektura – Ang mga halimbawa nito ay aqueduct, dome, arch, vault, pantheon,
ampitheater, at colosseum.
• panitikan – May mga naisulat sina Cicero, Virgil, Horace, at Ovid
• pagbabatas – Ito ay paggalang, katapatan, katarungan, at pagkapantay-pantay ng mga tao sa
harap ng batas.
• wika - Ang mga wikang Spanish, French, Portuguese, at Romanian ay namula sa wikang Latin.
• pananampalataya - dahil sa pagpayag ni Emperador Constantine na magkaroon ng kalayaan sa
relihiyong pinaniniwalaan ang mga Romano at ang mga sakop nito, naipalaganap at lumago ang
Kristiyanismo bilang pananampalataya.
Diocletian
- Siya ay anak ng dating alipin na pumasok bilang sundalo at tumaas ang ranggo hanggang sa
maging emperador.
- Sinikap niya na mapanumbalik ang katatagan ng imperyo.
Constantine
- Siya ay naging emperador ng imperyo ng Roma matapos magretiro ni Diocletian.
- Sinikap din niyang isalba ang kalagayan ng imperyo.
MGA DAHILAN NG PAGHINA NG IMPERYONG ROMANO
1. Pananalakay sa mga hangganan ng imperyo
2. Suliranin sa kahirapan at kawalan ng trabaho
3. Kaguluhang pampulitika
4. Patuloy na pagbaba ng ekonomiya ng mga lungsod
5. Pagtaas ng buwis
3
6. Pagpili ng Emperador
7. Pagsalakay ng mga barbaro

Para sa detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa paksa, basahin sa aklat na Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig (2020
edisyon) ang “Ang Kadakilaan ng Rome” at “Ang Paghina ng Imperyong Romano” mula sa pp. 138 hanggang pp. 141

II. GAWAIN BLG. 10.2: Sagot Mo, Ipaliwanag Mo!

Panuto: Pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawing batayan sa pagsagot ang
sumusunod na rubrics. (8 puntos)
A. Sang-ayon ka ba na isa sa mga nagpahina sa imperyo ay ang paraan ng pagpili sa emperor?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Masasabi ba natin na mas mahusay ang paraan ng pagpili natin ng pinuno sa kasalukuyang
panahon? Patunayan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pamantayan sa
4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Pagwawasto
Nasagot ang Nasagot nang Nasagot nang
Nasagot ang
tanong nang may hindi hindi
Nilalaman tanong nang
may paliwanag kaliwanagan kaliwanagan
may paliwanag
at elaborasyon ang tanong ukol ang tanong ukol
ukol sa paksa
ukol sa paksa sa paksa sa paksa

Ikatlong Araw
Pangwakas na Pagtataya
I. KAALAMAN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (5 puntos)

1. Sino ang emperador na naghati sa Imperyo ng Roma sa dalawang bahagi noong 293 CE dahil
masyado itong malaki at malawak?
A. Augustus C. Diocletian
B. Constantine D. Julius Caesar

4
2. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa tangway kung saan umusbong ang kabihasnang Romano?
A. Africa C. Rome
B. Italy D. Zama

3. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga Romano?
A. Kodigo ni Hammurabi C. Twelve Tables
B. Konstitusyon D. Sampung Utos

4. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa tribong may maitim na balat na unang nanirahan sa Rome at
dalubhasa sa arkitekturang gawang metal, at kalakalan?
A. Carthage C. Patrician
B. Etruscan D. Plebeian

5. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa digmaang naganap sa Sicily kung saan natalo ng mga Romano
ang mga Carthage at ang mga ito’y pinilit na magbigay ng malaking bayad pinsala at isuko ang Sicily
sa Rome?
A. Digmaang Sibil C. Ikatlong Digmaang Punic
B. Ikalawang Digmaang Punic D. Unang Digmaang Punic

II. PAG-UNAWA
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pang-unawa (5 puntos bawat isa)
1. Paano kaya naiiba ang mundo kung walang ang Rome?
______________________________________________________________________________

2. Ayon kay Virgil, “Ang Sistema ng pamahalaan ang pinaka-mahalagang pamana sa sibilisasyon.”
Suportahan ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano napapanatiling payapa ang bansa ng mga batas?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

5 - Wasto at naipaliwanag nang maayos ang sagot o nilikha

4 - Wasto ang sagot ngunit di naipaliwanag nang maayos ang sagot o nilikha
3 - May kakulangan sa sagot o nilikha ngunit naipaliwanag nang ng maayos
2 - May kakulangan sa sagot o nilikha at pagpapaliwanag
1 - Hindi nasagot nang tama

5
Magaling!
Ngayon ay natapos mo na ang Modyul sa Pagkatuto Blg. 10
Maaari kang sumangguni sa iyong guro para sa mga katanungan at paglilinaw.

Sanggunian
RBS Serye sa Araling Panlipunan Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig Binagong Edisyon 2020 nina,
Soriano et al, pahina 127 - 145

You might also like