You are on page 1of 3

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face to Face

LESSON Paaralan SAN JUAN NHS Baitang Baitang 8


EXEMPL Guro DENSEL JAMES ABUA Asignatura ARALING
AR SILVANIA PANLIPUNAN
Petsa January 4-6, 2023 Markahan Unang Markahan
Ika-siyam Oras 9:55-10:35 – DIAMOND Bilang ng Araw
3
na linggo 11:15-11:55 - RUBY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nababasa ang teksto tungkol kay Augustus: Ang unang Roman
Emperor;
b. nabibigkas ang mga piling salita ayon sa kahulugan nito; at
a. nasasagutan ang mga tanong tungkol kay Augustus: Ang unang
Roman Emperor;

II. NILALAMAN Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo


at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul ph. 158
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Paksa:
Augustus: Unang Roman Emperor
Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo
sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony
at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang
ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome
mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate,
tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon,
naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni
Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang
pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala
bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at
Spain. Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng
Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa
si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at
plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking
labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E.
Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at
sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si
Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra.
Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa
harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si
Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang
pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang
rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang
mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy

Mga Katanungan
1. Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang
kanyang apo sa pamangkin na si____________?
a. Octavian
b. Chaldean
c. Dorian
d. Asyrian
2. Kailan binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang
ibalik ang kaayusan sa Rome.?
a. 14 B.C.E
b. 900 B.C.E
c. 43 B.C.E
d. 105 B.C.E
3. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate ni Octavian, tinalo nila ang
hukbo nina ___________?
a. Brutus at Cassius.
b. Amaya at Kaya
c. Sange at yasha
d. Kaya at Sange
4. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina
Octavian at Mark Antony. Saang teritoryo namuno si
Octavian?
a. Asia
b. America
c. Ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo.
d. Fertile Cresent
5. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina
Octavian at Mark Antony. Saang teritoryo namuno si Mark
Anthony?
a. spartan
b. Antartic
c. Asya
d. ang Egypt at ang mga lugar sa silangan
6. Sino ang napamahal kay Anthony noong siya ay nasa Egypt?
a. Cleopatra
b. Polipus
c. Aristotle
d. Pythagoras
7. Ano ang ginawa ni Octavian noon mabalitaan niya na binigyan ng
ni Anthony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome?
a. Walang siyang ginawa
b. bumuo ng malaking hukbo at plota upang labanan si
Anthony
c. Nagtayo ng gusali
d. Namahagi ng lupain

IV. ASIMILASYON "Bilang isang estudyante, ano ang kahalagahan na malaman o maunawaan
ang mga mahuhusay na gawain at disiplina ng Roman Empire? Isulat ang
iyong kasagutan sa sagutang papel.

V. Puna

Inihanda ni :

DENSEL JAMES ABUA SILVANIA


Guro I

Iwinasto ni:

ROSALIE J. MACALOS, Ed. D.


Ulong Guro I

You might also like