You are on page 1of 1

Pangao-an National High School

Pangao-an Magpet Cotabato


SUMMATIVE TEST
Araling Panlipunan 7

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga katanungan at piliin ang letra ng pinakawastong sagot. IWASAN ANG PAGBUBURA.

1. Ito ay isa sa mga dahilan nang pagdating ng mga Europeo sa Asya na kung tawagin ay “banal na digmaan”?
a. Renaissance c. Krusada
b. Krusador d. Kabalyarismo
2. Sino ang Papa na naghimuk sa mga kabalyero na maging kasapi sa gagawing krusada?
a. Papa Urban II c. Papa Innocent V
b. Papa Leo I d. Papa Gregory VI
3. Sino ang sumakop sa Imperyong Byzantino?
a. Mga Krusador c. Jerusalem
b. Manlalayag d. Turkong Muslim
4. Bakit krus ang sagisag ng krusada?
a. si Kristo ay namatay sa krus c. ang krus ang simbolo ng katapangan
b. sa krus ay mag kaligtasan d. sila ay mga Kristiyano
5. Saan nakabatay ang kapangyarihan at kayamanan ng bansa sa sistemang merkantilismo?
a. sandatahang lakas c. Imperyalismo
b. ginto at pilak d. kapitalismo
6. Anong aklat ang inilimbag ni Marco Polo na naging dahilan kung bakit maraming namangha at nahikayat na mga Europeo na
makarating sa Asya ?
a. Si Marco Polo c. Ang Kuwento ni Marco Polo
b. The Travels of Marco Polo d. Ang Pangarap ni Marco Polo
7. Sinong emperador ng China ang pinagsilbihan ni Marco Polo bilang tagapayo ng 11 taon?
a. Papa Urban II c. Kristiyano
b. Turkong Muslim d. Kublai Khan
8. Ano ang ibig sabihin ng Renaissance?
a. Muling pagsilang c. Kristiyanismo
b. banal na lugar d. Krusada
9. Kailan naganap ang Renaissance sa Italy?
a. 1477 c. 1350
b. 1295 d. 1096
10. Ano ang binibigyang diin ng Renaissance?
a. Indibidwalismo c.Ginto at Pilak para maging mayaman
b. Kristiyanismo d. Pagbabalik ng kaalamang klasikal ng Greece at Rome
11. Ano ang binibigyang pansin ng renaissance?
a. Indibidwalismo c.Ginto at Pilak para maging mayaman
b. Kristiyanismo d. Pagbabalik ng kaalamang klasikal ng Greece at Rome
12. Saan nakasentro ang buhay ng tao sa panahon ng renaissance?
a. Indibidwalismo b. Relihiyon c. Pagpapayaman d. Kultura
13. Kailan lubusang nasakop ang Constantinople?
a. 1477 b. 1096 c. 1450 d. 1453
14. Ano ang naimbento noong ika-16 siglo na nakatulong sa paglalayag ng mga barkong naghahanap ng mga ruta patungong Asya?
a. Compass at Astrolabe c. Barko
b. Mga Pampalasa d. Ginto at Pilak
15. Ano ang epekto ng pagbagsak ng Constantinople?
a. naging mayaman ang Europa c. naging mayaman ang Turkong Muslim
b. bumagsak ang Constantinople d. naghanap ng ibang ruta ang mga manlalayag papuntang Asya
16-20. Ibigay ang 5 dahilan na nagbunsod sa Kanluranin na magtungo sa Asya. (IN ANY ORDER)

You might also like