You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik
ng pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Ang pagbagsak ng Imperyong Roman ang naghudyat sa pagtatapos ng sinaunang panahon sa


kasaysayan
ng Europe. Ano ang tawag sa sumunod na milenyo matapos ang pangyayaring ito?
A. Dark Ages B. Middle Age C. Renaissance D. Repormasyon

2. Alin sa mga sumusunod ang itinuturong pinakasanhi ng pagbagsak ng Imperyong Roman?


A. Pagsalakay ng mga tribong Germanic C. Mahinang pundasyon ng ekonomiya.
B. Kawalan ng katatagang pulitikal D. Paglaganap ng epidemya

3. Anong pangkat ang dumating sa Europa na tuluyang nagpabagsak sa Imperyong Romano?


A. Turko B. Ruso C. Germanic D. Hollandic

4. Anong relihiyon ang lumaganap sa Europa noong Panahong Medieval?


A. Hinduismo B. Buddhismo C. Kristiyanismo D. Islam

5-7. Gamit ang concept map at larawan tukuyin at i-organisa ang mga Mga Pangyayaring Nagbigay-
daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong


ng Europe sa Panahong Medieval

A. Paglunsad ng Krusada
B. Paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang Institusyon
C. Pagkakabuo ng “Holy Roman
Empire”
D. Renaissance
6)________
5)________ 7)________

8. Paano lumakas ang kapangyarihan ng simbahan sa Europa nang bumagsak ang Imperyong
Romano?
A. Naging takbuhan ito ng mga taong nakaranas ng kahirapan
B. Naging takbuhan ito ng mga pinunong nahihirapan sa pamamahala
C. Naging takbuhan ito ng mga hukbong nais nang magpalit ng pinuno4naging takbuhan ito
ng mga taong nais magsisi sa kanilang kasalanan
D. Naging takbuhan ito ng mga bilango ng Imperyong Roman

9. Paano nakatulong ang pagtanggap ng mga barbaro sa Kristiyanismo sa paglakas ng relihiyon?


A. Nagkaroon ng mga mandirigma ang relihiyon C. Nadagdagan ang mga kalaban ng
relihiyon

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 1 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

B. Nagkaroon ng karagdagang miyembro ang relihiyon D. Wala nang sasalakay sa imperyo

10. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan sa paglakas ng Simbahang Katoliko sa Europa?


A. Pagkahalal sa Santo Papa bilang emperador ng imperyo
B. Mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo sa Europa
C. Pagbagsak ng Imperyong Romano
D. Paglapit ng mga tao sa simbahan para makarada ng kapayapaan sa kabila ng
nararanasang hirap

11. Alin sa sumusunod ang naging epekto ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa
Europa?
A. Naitatag ang Banal na Imperyong Romano
B. Dumami pa ang mga simbahan sa Europa
C. Naging Kristiyano ang mga Lombard at Saxon
D. Nagkaroon ng maraming paaralang nagtuturo ng relihiyon

12. Ano ang patunay na naging makapangyarihan at maimpluwensiya ang simbahan sa Imperyong
Romano?
A. Pagpapatayo ng mga bagong simbahan C. Pagtuturo ng Kristiyanismo sa
mga paaralan
B. Pagiging Kristiyano ng emperador D. Pagtatatag ng Banal na
Imperyong Romano
13. Paano nahikakayat ang mga pinuno ng mga kaharian na magpabinyag sa relihiyong
Kristiyanismo?
A. Naging malapit sa mga tao ang simbahan
B. Ipinag-utos ng emperador na magpabinyag ang mga hari at maharlika
C. Naging obispo ang maraing kilalang maharlika
D. Nauso ang pagiging Kristiyano

14. Ano ang masamang epekto ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan?


A. Dumami ang Kristiyano sa buong Europa
B. Nadidiktahan o naiimpluwensiyahan ng simbahan ang pagdedesisyon ng emperador
C. Nagpabinyag sa Kristiyanismo ang mga pinuno ng mga estado
D. Nakapagpatayo ng mga bagong paaralan

15. Sino ang hinirang na kauna-unahang emperador ng Banal na Imperyong Romano?


. A. Charlemagne B. Haring Clovis I C. Pepin the Short D. Charles Martel

16. Bakit tinawag na Ama ng Europa si Emperador Charlemagne?


A. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Silangang Asya
B. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Kanlurang Europa
C. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Silangang Europa
D. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya

17. Paano hinihirang ang Emperador ng Banal na Imperyong Romano?


A. Inihahalal ng hari ng mga kahariang kabilang sa imperyo at may basbas ng Santo Papa
B. Inihahalal ng ng Santo Papa
C. Inihahalal ng mga tao ng mga kahariang kabilang sa imperyo at may basbas ng Santo
Papa
D. Inihahalal ng mga kawal ng imperyo

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 2 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

18. Sino ang pinakamakapangyarihan sa buong Banal na Imperyong Romano?


A. Ang Santo Papa ay siyang pinakamakapangyarihan sa buong imperyo
B. Ang Banal na hari ng Alemanya ay siyang pinakamakapangyarihan sa buong imperyo
C. Ang Banal na Romanong Emperador ay siyang pinakamakapangyarihan sa buong
imperyo
D. Ang Banal na Griyegong Emperador ay siyang pinakamakapangyarihan sa buong imperyo

19-21. Gamit ang ladder web ayusin ayon sa pagkasunud-sunod ang mga sumusunod na pangyayari.
Isulat ang titik na pinakaangkop na sagot mula sa pagpipilian.
A. Naganap ang seremonya na sumisimbolo sa sa pagsasama ng tatlong tradisyon—Roman.
Kristiyano at Germanic. 21..)____
B. Hinirang si Pepin the short bilang unang hari ng France.
C. Humalili kay Charlemagne si Louis the Religious 20.)____
noong 814 C.E. 19.)____
D. Nagsimula nag Repormasyon

22. Ano ang Krusada?


A. Isang ekspedisyong militar ng mga haring Muslim at kani-kanilang hukbo na may layuning
iligtas ang Holy Land sa Herusalem mula sa mga Krstiyano
B. Isang ekspedisyong militar ng mga haring Kristiyano at kani-kanilang hukbo na may
layuning iligtas ang Spiritual Land*sa Herusalem mula sa mga Muslim
C. Isang ekspedisyong pang-ekonomiya ng mga haring Kristiyano at kani-kanilang hukbo na
may layuning iligtas ang *Holy Land* sa Herusalem mula sa mga Muslim
D. Isang ekspedisyong militar ng mga haring Kristiyano at kani-kanilang hukbo na may
layuning iligtas ang *Holy Land* sa Herusalem mula sa mga Muslim

23. Bakit inilunsad ang mga krusada?


A. Upang maghanap ng dagdag na yaman para sa Banal na Imperyo
B. Upang mapigilan ang paglawak ng Islam
C. Upang mapalawak ang teritoryo na hawak ng mga Kristiyano
D. Dahil sinalakay at sinakop ng mga Turkong Muslim ang Holy Land sa Herusalem.

24. Sa lahat ng mga inilunsad sa krusada, alin sa mga ito ang tanging naging matagumpay?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat
25. Bakit nabigo ang Ikalawang Krusada kung saan nasakop ng mga Turkong Muslim sa pamumuno
ni Saladin ang Herusalem?
A. Nakipagkasundo sa mga Muslim sa Herusalem
B. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga pinunong Kristyano na namuno sa krusada
C. Pinanghinaan ng loob ang mga pinuno at bumalik na lang sa kanilang kaharian
D. Nalunod sa dagat ang pinuno ng krusada

26. Ang mga krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang
mabawi ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel. Hindi man lubusang nagtagumpay ang
krusadang ito,marami naman itong mabuting naidulot. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamahalagang pangyayari na naidulot ng krusada?
A. Nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan.
B. Nakilala ng mga Europeo ang mga produkto ng Silangan.
C. Sumigla ang kalakalan sa pagitan ng kontinente ng Europe at Asya.
D. Nagkainteres ang mga malalaking bansa na sakupin ang mga bansa sa Asya.

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 3 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

27. Sistema ng pamamahala noong Middles Ages kung saan walang sentralisadong pamahalaan.
Binubuo ang lipunan ng tatlong uri ng mamamayan tulad ng lord, vassal at serf. Ano and tawag dito?
A. Piyudalismo B. Monarkiya C. Manoryalismo D. Imperyalismo

28. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng
Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo”.
Ano ang mahihinuha sa pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng tao.

29. Bakit nakasentro sa panginoong maylupa ang kapangyarihan sa sistemang piyudal?


A. dahil siya ang kinatawan ng hari sa manor
B. dahil siya ang bumibili sa mga produktong inaani sa lupain ng manor
C. dahil siya ang nakatira sa palasyo sa gitna ng manor
D. dahil siya ang nagmamay-ari ng lupa, maniningil ng upa, at magdedesisyon sa kung sino
ang maaaring manirahan at maglinang ng lupa sa manor

30. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng piyudalismo?


A. Maaaring umunlad ang pamumuhay ng mga tao sa manor
B. Naglilingkod ang mga taong naninirahan sa manor sa panginoong maylupa na parang
alipin
C. Nagkaroon ng lupang matitirahan at masasaka ang mga tao
D. Bnibigyang proteksiyon ng panginoong maylupa ang mga taong nakatira sa manor

31. Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan na umiiral sa loob ng manor o estadong pag-aari ng
panginoong maylupa?
A. Sistemang Sosyalismo C. Sistemang Piyudalismo
B. Sistemang Manoryalismo D. Sistemang Medieval

32. Bakit sinasabing ang kasabihang "bring home the bacon" ay nagsimula sa panahon ng
manoryalismo?
A.Masarap gumawa ng bacon ang mga serf
B. Paboritong pagkain ng mga taga manor ang bacon
C. Kapag nakapag-uwi ng karne sa kanilang mga pamilya ang mga lalaki, ang kanilang mga
asawang babae ay ipinagmamalaki ito at sinasabing naiuwi nila ang "bacon".
D. Bacon ang industriya na laganap sa mga panahong iyon

33. Paano umusbong ang mga bayan at lungsod?


A. Dumami ang nanirahan sa mga lugar sa labas ng manor
B. Maraming manor ang umunlad ang kabuhayan
C. Maraming mamamayan ang dumating sa mga manor
D. Lumaki ang populasyon

34. Dati-rati ang mga mangangalakal ay nagpapalitan lamang ng kanilang produkto sa loob ng Manor.
Subalit nang nadagdagan ang dami ng produkto, nagtayo na ang mga Lord ng Fair. Ang mga
sumusunod ay mga kabutihang naidulot ng fair maliban sa:
A. Nagsimula ang paggamit ng pera

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 4 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

B. Natuto ang mga mangangalakal ng sistema ng pagbabangko


C. Nagdulot ito ng matinding kaguluhan sa sistema ng pamilihan.
D. Lumitaw ang bagong uri ng mangangalakal na tinatawag na “money changer”.

35. Paano nakatulong ang Sistemang Manoryalismo sa pagbuo ng mga bagong bayan at lungsod?
A. Pagkamatay ng panginoong maylupa
B. Pag-aasawa ng taga-ibang manor
C. Pag-unlad at pagdami ng populasyon sa manor
D. Paghirap ng buhay at pagkagutom sa manor

36. Ano ang tawag sa pangkat o unyon ng maliliit na negosyante at mangangalakal?


A. company B. groupie C. cooperative D. guild

37. Bakit mahalagang pag-aralan ang Panahong Medieval?


A. Dahil ito ang panahong naging makapangyarihan ang simbahan
B. Dahil ito ang panahong naging Kristiyano ang Europa
C. Dahil ito ang panahong naging piyudal ang Europa
D. Dahil ito ang panahong nagsanib ang kapangyarihan ng estado at simbahan

38. Ano ang aral ng Panahong Medieval sa kasaysayan ng mundo?


A. Dapat maimpluwensiyahan ng estado ang pamamahala sa simbahan
B. Magkapareho lang ang estado at simbahan
C. Dapat na magkahiwalay ang estado at simbahan sa pamamahala ng estado o bansa
C. Dapat na masunod ang kagustuhan ng simbahan sa pamamalakad ng estado

39. Sa anong antas o uri ng tao nabibilang ang mga bourgeoisie?


A. alipin B. gitnang uri C. mataas na uri D. maharlika

40. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga uri ng bourgeoisie?


A. mangangalakal at banker B. maharlika C. propesyunal at artisan
D.magsasaka

41. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong
aytem?
A. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
B. tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
C. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
D. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika
at pang- ekonomiya.

42. Bakit mahalagang mapag-aralan ang pag-usbong ng uring bourgeoisie?


A. Ang bourgeoisie ay nagpapakita na ang masisipag at matitiyagang negosyante ay
umuunlad ang pamumuhay.
B. Ang bourgeoisie ay nagpapatunay na mahusap sa pagnenegosyo at pangangalakal ang
ma Europeo.
C. Ang bourgeoisie ay naging mga maharlika at naging bahagi ng monarkiya paglipas ng
panahon
D. Ang bourgeoisie ay nagbunsod sa mga pagbabago at makabagong kaalaman sa lipunan
noong Panahong Medieval.

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 5 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

43. Bakit mahalaga ang uring bourgeoisie sa mga maharlika at mga monarka ng kaharian?
A. Binili ng bourgeoisie ang malalawak na lupaing ipinamahagi sa mga panginoong piyudal
noong Panahong Medieval.
B. Sinuportahan ng bourgeoisie ang mga maharlika at monarka sa pagpapaunlad ng kaharian
at sa paglaban sa mgalipunang piyudal na lumakas ang kapangyarihan sa Panahong
Medieval.
C. Nagpagawa ng mga kalsada at daan ang bourgeoisie kaya hindi na kailangang gumastos
ng kaharian para dito.
D. Nagbibigay ng pera ang uring bourgeoisie sa mga tao upang mapasunod sa kagustuhan
ng mga maharlika at monarka.

44. Masasabi bang nakatulong ang bourgeoisie sa paglakas ng Europa at mgakaharian nito?
A. Opo, dahil ang bourgeoisie ang naging daan sa pag-unlad ng kabuhayan, kalakalan,
kaalaman, at lipunan sa Europa na nagpalakas sa kapangyarihan ng mga kaharian dito.
B. Opo, dahil yumaman ang bourgeoisie at ang yamang iyon ang ginamit ng mga kaharian
para mapalakas ang kanilang kapangyarihan.
C. HIndi po, dahil mangangalakal at mga negosyante lang naman ang bourgeoisie at wala
silang kapangyarihan.
D. Hindi po, dahil mga maharlika at monarka lamang ang may kakayahan at kapangyarihang
magpatupad ng pagbabago sa lipunan.

45. Sino ang namuno sa mga nagkaisang kaharian o pambansang monarkiya?


A. pangulo B. hari o reyna C. Santo Papa D. punong ministro o prime
minister
46. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?
A. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko C. panibagong kaalamang panrelihiyon sa
Europe
B. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano D. panibagong kaalaman sa agham

47. Suriin ang mapa ng Italya na nasa kanan. Ano ang implikasyon ng heograpiya
sa ekonomiya nito?
A. May pagkakaisa ang mga mamayan nito.
B. Madali itong masasakop ng ibang bansa
C. Maunlad ang sistema ng kalakalan nito
D. Hugis bota ang kalupaan nito.

48. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik kung bakit sa Italya nagsimula ang
Renaissance?
A. Sinuportahan ng mayayamang angkan ang pag-aaral ng mga Italyanong may angking
husay sa sining at angking talino sa pag-aaral.
B. Matatagpuan ang Italya malapit sa hangganan ng Gitnaang Silangan (Asya) at ng Europa
C. Malakas ang naging impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa Italya
D. Sa Italya nagmula ang kadakilaan ng sinaunang Roma at higit na may kaugnayan sa mga
Romano kaysa alin mang bansa sa Europa.

49. Panahon kung kalian nagsimulang batikusin ang mga doktrina at gawi ng Simbahan.
A. Reformation B. Counter-Reformation C. Protestantismo D. Kolonyalismo

50. Aling gawi ng Simbahan ang mariing titutulan ni Martin Luther?


A. Ang pagsasagawa ng mga sakramento nito. C. Pakikialam nito sa pulitika.

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 6 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TOCOC NATIONAL HIGH SCHOOL
ALINGGAN, BAYAMBANG, PANGASINAN

B. Pagbebenta ng indulhensiya o kapatawaran. D. Hindi pag-aasawa ng mga pari.

Prepared by: Checked/Reviewed by:

JULIETA O. ICO AUREA M. BELEN


Araling Panlipunan Teacher Master Teacher I

Validated by: Approved:

ALICE M. GALSIM
QUA Team Chairman, Science Principal IV

Document Code: P1BAY1-FR-019


Address: Alinggan, Bayambang, Pangasinan Revision No.: 01
Email: bayambang_tococnhs_300263@yahoo.com Page No.: Page 7 of 7
Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like