You are on page 1of 3

Christian Grace School of Cavite

Brgy. San Gabriel, GMA Cavite

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EKONOMIKS – ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:__________________________________Petsa:________________Marka:

Taon at Pangkat:____________________________Guro:_________________

I. Malayanag Pagpili. Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
b. Mataas na uri ng paninirahahan sa malawak na lupain
c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?


a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat.
b. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat
c. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado

3. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng Langit” ang kanilang emperador,
ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
a. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.
b. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos.
c. Ang emperador and pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos.
d. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.

4. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t ibang antas ng mga tao. Alin sa
sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
a. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
b. And Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan.
c. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras.
d. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan.

5. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?
a. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag tag-
ulan.
b. Nagtatanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kuweba kapag tag-ulan.
d. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng tubig
upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
II. Isulat sa papel ang wastong salita para mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Pinakamahalagang ambag sa Panahong Paleolitiko ang pagkakatuklas ng __________.


2. Ang Mesopotamia ang kinilala bilang __________ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
3. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong sa Kabihasnang Indus, ang Harappa at __________.
4. Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilong Huang Ho na tinawag ding _________ dahil sa tuwing
pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural na malapit dito.
5. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay __________ at may basbas
ng langit.
6. Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang mga namumuno ay kinilala batay sa katapangan,
__________ at katalinuhan (men of prowess).
7. Si Haring __________, isang mananalakay buhat sa Akkad ay nagtatag ng lungsod-estado para magkaisa ang
mamamayan.
8. Ang __________ sa imperyo ng Persian ang siyang namumuno sa mga lalawigan at nagsisilbi bilang tainga at
mata ng hari.
9. Ang pangalang __________ ay nagmula sa kahariang Koryo.
10. Matatangkad at mapuputi ang mga __________.
11. Si __________ ang pinakamakapangyarihang hari ng Kushan.
12. __________ ang pangunahing relihiyon sa India.
13. Ang __________ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman
kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa.
14. Ang __________ Islam ay ang pundasyon ng relihiyon.
15. Ang __________ ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng diyos.”

Hinduismo Japan Anak ng Langit


Dravidian Satrapy Kanishka
Apoy Shinto Kagalingan
Mohenjo-Daro Indo-Aryan Limang Haligi
Buddhismo Yellow River Karma
Korea Sargon Pagtatanim
III. Paghambingin ang
Cradle of mga salita sa Hanay Italy
Civilization A at ang mga kahuluganKabaitan
nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa papel.

A B
1. Civitas a. Karunungan
2. Gitnang Bato b. Neolitiko
3. Templo c. Pananampalataya
4. Kaibigan ni Gilgamesh d. Samurai
5. Hari ng Daigdig e. Alexander the Great
6. Asawa ni Nebuchadnezzar f. Cakravartin
7. Unang Emperador ng China g. Ziggurat
8. Mga Naglilingkod h. Amytis
9. Vedas i. Srivijaya
10. Mga Alipin j. Mecca
11. Hari ng Macedonia k. Devaraja
12. Buddhism l. Shih Huang Ti
13. Dalampasigan ng Ginto m. Sidharta Gautama
14. Salah n. Sudras
15. Black Stone of Kaaba o. Pagdarasal
p. Paleolitiko
q. Enkidu
r. Lungsod
s. Mesolitiko
IV. Punan ang talahanayan ng mga naging ambag o kontribusyon ng mga Kabihasnan, Imperyo o Relihiyon
sa sangkatauhan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Mga Kabihasnan / Imperyo / Relihiyon Mahahalagang Ambag / Kontribusyon


1. Kabihasnang Sumer
2. Babylonian
3. Chaldean
4. Lydian
5. Hebreo
6. Hittite
7. Kabihasnang Indus
8. Kabihasnang Shang
9. Sui
10. Sung
11. Indo-Aryan
12. Khmer
13. Sailendras
14. Buddhism
15. Judaismo

Bibliya Calligraphy Torah


Angkor Wat Baril Code of Hammurabi
Sistemang Caste 8 Dakilang Daan Borobodur
Grand Canal Pictogram Barya
Hanging Gardens of Babylon Cuneiform Bakal

You might also like