You are on page 1of 5

St.

John-Hill
Academy
Calero, Morong, Rizal
DepEd Recognized and PEAC
Certified
014 Natividad St. Calero,
1960 Morong, Rizal, Philippines Home of the Whiz-Kids

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: ___________________________ ISKOR: ______________


GURO: G. AARON SIBAOT MUNAR PETSA:______________

I. PAGPUNAN SA PATLANG (15 puntos)


Isulat sa papel ang wastong salita para mabuo ang pangungusap at piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

1. Pinakamahalagang ambag sa Panahong Paleolitiko ang pagkakatuklas ng __________.


2. Ang Mesopotamia ang kinilala bilang __________ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao.
3. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong sa Kabihasnang Indus, ang Harappa at
__________.
4. Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilong Huang Ho na tinawag ding _________ dahil sa
tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.
5. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay
__________ at may basbas ng langit.
6. Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang mga namumuno ay kinilala batay
sa katapangan, __________ at katalinuhan (men of prowess).
7. Si Haring __________, isang mananalakay buhat sa Akkad ay nagtatag ng lungsod-estado para
magkaisa ang mamamayan.
8. Ang __________ sa imperyo ng Persian ang siyang namumuno sa mga lalawigan at nagsisilbi
bilang tainga at mata ng hari.
9. Ang pangalang __________ ay nagmula sa kahariang Koryo.
10. Matatangkad at mapuputi ang mga __________.
11. Si __________ ang pinakamakapangyarihang hari ng Kushan.
12. __________ ang pangunahing relihiyon sa India.
13. Ang __________ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at
pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa.
14. Ang __________ Islam ay ang pundasyon ng relihiyon.
15. Ang __________ ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng diyos.”

Hinduismo Japan Anak ng Langit


Dravidian Satrapy Kanishka
Apoy Shinto Kagalingan
Mohenjo-Daro Indo-Aryan Limang Haligi
Buddhismo Yellow River Karma
Korea Sargon Pagtatanim
Cradle of Civilization Italy Kabaitan
II. PAGTUTUGMA (15 puntos)
Pagtugmain ang mga salita sa Hanay A at ang mga kahulugan nito sa Hanay B at isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___16. Civitas A. Karunungan
___17. Gitnang Bato B. Neolitiko
___18. Templo C. Pananampalataya
___19. Kaibigan ni Gilgamesh D. Samurai
___20. Hari ng Daigdig E. Alexander the Great
___21. Asawa ni Nebuchadnezzar F. Cakravartin
___22. Unang Emperador ng China G. Ziggurat
___23. Mga Naglilingkod H. Amytis
___24. Vedas I. Srivijaya
___25. Mga Alipin J. Mecca
___26. Hari ng Macedonia K. Devaraja
___27. Buddhism L. Shih Huang Ti
___28. Dalampasigan ng Ginto M. Sidharta Gautama
___29. Salah N. Sudras
___30. Black Stone of Kaaba O. Pagdarasal
P. Paleolitiko
Q. Enkidu
R. Lungsod
S. Mesolitiko

III. ISAHANG PAGPILI (5 puntos)


Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
31. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

32. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?


A. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at
pagsusulat.
B. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado

33. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng Langit” ang kanilang
emperador, ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at
kapayapaan.
B. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos.
C. Ang emperador and pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos.
D. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.

34. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t ibang antas ng mga
tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
A. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
B. And Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan.
C. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras.
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan.

35. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang
hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?
A. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain
kapag tag-ulan.
B. Nagtatanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kuweba kapag tag-ulan.
D. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng
tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.

IV. TALAHANAYAN
Punan ang talahanayan ng mga naging ambag o kontribusyon ng mga Kabihasnan, Imperyo, o
Relihiyon sa sangkatauhan at piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Mga Kabihasnan / Imperyo / Relihiyon Mahahalagang Ambag / Kontribusyon


36. Kabihasnang Sumer
37. Babylonian
38. Chaldean
39. Lydian
40. Hebreo
41. Hittite
42. Kabihasnang Indus
43. Kabihasnang Shang
44. Sui
45. Song
46. Indo-Aryan
47. Khmer
48. Sailendras
49. Buddhism
50. Judaismo

Bibliya Calligraphy Torah


Angkor Wat Baril Code of Hammurabi
Sistemang Caste 8 Dakilang Daan Borobodur
Grand Canal Pictogram Barya
Hanging Gardens of Babylon Cuneiform Bakal

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

AARON SIBAOT MUNAR FLORFINA B. GONDRANEOS, MC, MA Ads, FIRE


Guro Head Teacher

You might also like