You are on page 1of 10

1

8
Property of BUSCO ACADEMY MPC
NOT FOR SALE

Araling Panlipunan - 8
Unang Markahan - Pangatlong Linggo
Modyul 1
Yunit I: Heograpiya at mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig

Araling Panlipunan – Grade 8


2

Alternative Delivery Mode

Quarter 1 - Module 1:

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government
of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate
and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them.

Mga Bumubuo at Kasapi ng Modyul

Guro: Mylene B. Segocio


Tagasuri: Mark Joseph Babon
Tagaguhit: Ang mga larawan ay kinuha mula sa Google.com
Mga Namamahala
Chairman: Ambrosio J. Dragon

School Administrator: Marilyn S. Quintos

Printed in Busco Academy MPC, Quezon, Bukidnon

Office Address: Busco, Butong, Quezon, Bukidnon

Cellphone Number: 09656057844

Alamin

Mahal naming mag-aaral, sa modyul na ito mhalagang mabatid ang pinag-


ugatan ng mga unang kabihasnan sa daigdig at mapahalagahan ang pamana ng
mga sinaunang tao sa kasaysayan.
3

Ano ang inaasahan mo?


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi,
pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)
Layunin:
1. Maunawaan ang pagkakaiba ng kabihasnan sa sibilisasyon;
2. Maisa-isa ang mga salil sa pagiging isang kabihasnan;
3. Matukoy ang mga lugar na siang pinag-usbungan ng mga unang kabihasnan sa daigdig;
4. Matunton ang mga salik na nagbigay-daan para sa pagsisimula at pagbagsak ng mga
sinaunang kabihasnan at imperyo sa daigdig;
5. Mapahalagahan ang nagging kontribusyon ng mga sinaunang tao; at
6. Maipagmalaki ang nagging ambag ng mga sinaunang tao sa pagpapayaman ng kulturang
pandaigdig.
Pangkalahatang Panuto!
Paano mo Matutunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.
❖ Sundin ang bawat panutong ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.
❖ Maghanda ng isang buong malinis papel para ilapat ang sa sagot sa buong Gawain.
❖ Gamitin ang buong papel para hindi masayang. Hindi po kwaderno o notebook, ang notebook
ay para sa mga notes lang, hindi po sa mga Gawain.

Subukin

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling talalakayin sa pamamagitan nang pagsagot
panimulang pagtataya. Isulat ang titik sa wastong sagot sa isang buong malinis na papel. Malalaman
mo ang wastong sagot habang pinag-aaralan mo ang araling na ito.
4

PanimulangPagtataya:
❖ Gamitin ang buong papel para hindi masayang. Hindi po kwaderno o notebook, ang notebook
ay para sa mga notes lang, hindi po sa mga Gawain.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang
ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong tawag sa putik na dala ng ilog na unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile?


A. Delta B. Silt
C. Buhangin D. Putik
2. Sa anong kasalukuyang bansa makikita ang ilog ng Huang Ho?
A. China B. Africa
C. Iraq D. India
3. Alin sa mga kabihasnan ang mayroong unang paninirahan at unang pinag-usbongan ng agrikultura?
A. Mesopotamia B. Indus
C. Mesosamerica D. Africa
4. Ano ang tawag sa pataba mula sa pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates?
A. Silt B. Delta
C.Putik D. Buhangin
5. Ano ang pinakamahabang ilog sa buong mundo?
A. Huang Ho River B. Panuco River
C. Tigris River D. Nile River
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa lupaing Mesopotamia?
A. Uruk B. Harappa
C. Ashur D. Babylonya
7. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Sinaunang Kabihasnan?
A. Pangigisda B. Pangangaso
C. Pagsasaka D. Pagbebenta ng kagamitan
8. Bakit mahirap ipagtanggol ang lupaing Mesopotamia sa karatig lupain?
A. Dahil malakas ang puwersa ng kalaban.
B. Dahil mahina ang puwersa ng Mesopotamia.
C. Dahil labas pasok ang mga tagaibang karatig lugar.
D. Dahil walang likas na hangganan ang Mesopotamia.
9. Ano ang kauna-unahang lungsod sa daigdig?
A. Uruk B. Harappa
C. Mohenjo-Daro C. Shang
10. Kung kabilang ka sa pangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt, ano ang
magiging dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon?
A. Ang nagtataasang hanay ng mgabundok ng Egypt ang magliligtas sa akin sa mababangis na hayop.
B. Mas nanaisin kong manirahan sa rehiyong Mesopotamia o sa lambak-ilog ng Indus dahil sa
yamang- tubig na nagmumula sa mga ilog nito.
C. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka dahil sa pagkakaroon ng
tubig para sa mga pananim.
D. Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang iba’t ibang uri ng halamang
nagdudulot ng maunlad na kabuhayan.

Balikan
Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong nakaraang pagtatagpo?
Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.

Nasaksihan natin sa nakaraang aralin ang unti-unting pagbabago sa mga gawin ng tao mula sa prehistorikong
panahon na humantong sa pagsisimula ng mga unang pamayanan sa Kanlurang Asya.Sa mabilis na pagkontrol ng
tao sa kanyang kapaligiran, naging mas masalimuot ang kanyang pamumuhay na siya naming nagresulta sa mas
malawak na kaalaman sa iba’t ibang mga bagay. Umusbong ang mga kabihasnan malapit sa mga ilog-lambak
(river valley) dahil sa mga positibong dulot nito sa pamumuhay ng tao. Umusbong ang mga siyudad at nagkaroon
ng espesyalisasyon sa tungkulin ang mga tao – bilang mga pari, artisan, mangangalakal, at iba pang mga
propesyonmay kabuluhan sa lipunan. Tatalakayin sa araling ito ang mga kabihasnang umusbong malapit sa
pampang, ang nagging pamumuhay ditto, at ang pamana ng mga sinaunang tao sa kasaysayan.
5

Mga Sinaunang
Kabihasnan

Mesopotamia China
India

Sumeria Mga Dinastiya


Assyria Dravidian
Akkadia (harappa at
Babylonia Mohenjo-Daro)
Chaldea Aryan

Aralin 2 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo muna ang gawain
sa ibaba. Isulat at ilapat sa buong papel ang iyong sagot gamit ang pormat sa ibaba:

Gawain 1: Suri-larawan
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at suriin ito. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa buong papel.
❖ Gamitin ang buong papel para hindi masayang. Hindi po kwaderno o notebook, ang notebook ay para
sa mga notes lang, hindi po sa mga Gawain.

https://www.ecwausa.com/2020/01/27/the-mesopotamian-civilization/

Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga larawan?


2. Masasabi mo bang, ma-unlad ang kabihasnang binuo ng mga sinaunang tao? Bakit?

Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-uusapan sa
araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para maliwanagan ka sa daloy ng talakayan.
Simulan na ang pagbabasa!

KONSEPTO NG SIBILISASYON AT KABIHASNAN


6

Umusbong ang apat na pinakamatandang kabihasnan sa


daigidig sa pagitan ng 3500 BCE at 1500 BCE sa bawat
lambak ng mga mahahalagang ilog sa kanilang rehiyon. SA
timog-Kanlurang Asya, matatagpuan ang Mesopotamia sa
Tigris-Euprates. SA Hilagang Africa, mahlaga ang Nile sa
lupain ng Egypt. Sa Timog Asya, umusbong ang mga unang
siyudad sa India sa pampang ng Indus. Sa Silangang Asya,
nagsimula ang kabihasnan ng China sa Huang He.
Sa apat na kabihasnang nabanggit, makikita ang ilang mga
pagkakahawig. Nagkaroon ng sistemang political ang bawat
isa. Nalinang nila ang iba’t ibang sining. Lumawak ang
kanilang pakikipagkalakalan. Nakaimbento sila ng mga
kalendaryo at paraan ng pagsusulat. Nakapagsulat sila ng mga akdang pampanitikan. Nakapaghubog sila ng mga
relihiyon at pilosopiyang naaangkop sa kanilang pamumuhay.
Kadalasang ikinakabit ang salitang sibilisasyon sa pagkakaroon ng masalimuot na kulturang nakabatay sa
mga sentro, tulad ng mga lungsod-estado. Hango ito sa wikang Latin na civitas na nangangahuluganag ‘siyudad’.
Samakatwid, tumutukoy ang sibilisasyon sa pamumuhay sa mga kalunsuran. Kapa gang isang kultura ay
nagtataglay ng mataas na asntas ng kaunlaran sa aspektong pangkalinangan at pang-teknolohiya, masasabing
narrating na nito ang pagiging isang sibilisasyon. Sa ganitong paglalarawan, sibilisasyon ang matatagpuan sa
Mesopotamia, India, China, at Egypt.
Sa ilang pagkakataon, ginagamit bilang kasingkahulugan ng sibilisasyon ng terminong kabihasnan. Mula sa
terminong ‘bihasa’ nangangahulugan itong ‘may sapat na kasanayan’ o ‘mahuday sa sisang bagay’. Ang
pagkabihasa ng mga tao ay maaaring nakatuon sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay,
tulad ng pamamahala, pangkabuhayan, panlipunan, at iba pa. Sa madaling sabi, mas malawak ang saklaw ng
kabihasnan kaysa sibilisasyon sapagkat kabilang sa pinaghuhusay ng tao ang kanyang wika, sining, relihiyon, at
iba pa. Sa ganitong pagpapakahulugan, matatawag na isang kabihasnan ang mga pangkat ng taong
nakapagpaunlad ng kanilang kultura saanmang lugar sa kalunsuran, sa mga nomadikong pamumuhay sa disyerto,
o sa pamumuhay na malapit sa mga baybayin.
Kabilang sa mga salik ng pagkakaroon ng isang kabihasnan ay ang pagkakaroon ng sentralisadong
pamamahala, organisadong relihiyon, kaayusan sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan, at kaalaman sa mga
aspekto ng sining, teknolohiya, pagsulat, agham, at arkitektura.
Maging ang mga pamayanang umusbong sa disyerto (halimbawa
sa Mongolia) na nakakapagpaunlad ng kanilang kultura ay matatawag
ding kabihasnan.
KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA
Lunduyan ng unang kabihasnan ang lugar ng Mesopotamia. Hango ang
salitang ‘Mesopotamia’ sa mga wikang Greek na meso o ‘pagitan’ at
Mongolia potamos o ‘ilog’. Nangangahulugan itong lupain ‘sa pagitan
ng ilo’. Nagmumula ang tubig sa kabundukan ng Armenia
(sa kasalukuyang Turkey), mahalaga ang Tigris-Euprates sa pag-usbong ng mga unang siyudad sa Mesopotamia.
Tinatawag na Fertile Crescent ang isang matabang rehiyon dito na siyang pinag-usbungan ng iba’t ibang pangkat
ng tao, tulad ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean. Maraming mga siyudad ang
umusbong at bumagsak sa Mesopotamia at pinalitan ng iba pang mga kabihasnan nang lumaon.
Pangunahin sa mga tagapagpaunlad ng kabihasnan sa Mesopostamia ang mga Sumerian na nanirahan sa
lambak sa pagitan ng 5000 BCE at 4000 BCE. Noong 3500 BCE, nagsimlang lumaki ang populasyon ng mga
Sumerian at nangailangang manirahan na sila sa mga siyudad. Nalikha na rin ng isang sistema ng pagsulat noong
mga 2800 BCE. Sa pagitan ng 2800 BCE at 2370 BCE, ilang mga lungsod-estadong Sumerian ang umusbong sa
katimugang Mesopotamia sa kahabaan ng ilog. Kabilang dito ang Uruk, Ur, Nippur, Shuruppak, at Lagash.
S a s i l a n g a n n g m
Sargon I. Noong 2350 BCE, nasakp ng mga Akkadian ang lhat ng mga
Ang lugar ng lungsod-estado ng Sumeria at sinalakay ang timog-kanlurang Iran at
Fertile hilagang Syria. Ito ang kauna-unahang imperyo sa kasaysayan. Si
Crescent sa
Mesopotamia.
Naram-Sin, ang apo ni Sargon, ay naghari mula sa Persian Gulf
hanggang sa Mediterranean Sea. Gayunpaman, bumagsak din ang
imperyomg ito dahil sa mga kaganapang ito dahil sa mga panlabas na
pagsakalay at kahinaang panloob. Sa lahat ng mga kaganapang ito,
namayani ang estado ng Lagash sa ilalim ni Gudea.
Noong 2125 BCE, lumakas ang siyudad ng Ur at nagpasimula ng
isang maliit na imperyo. Sa panahong ito, namukadkad ang kultura at panitikang Sumerian. Subalit matapos ang
mahigit sa isandaang taong pamamayani, bumagsak ito dahil sa taggutom at mga pagsalakay. Mula sa silangan,
sinalakay ng mga Elamite ang Ur. Mula sa hilaga at kanluran, sinalakay ng mga Amorite ang Mesopotamia at
namalagi sa mga siyudad ng Sumeria hanggang nagpasimula ng mga dinastiya sa Uruk, Babylon, Isin, at Larsa.
7

Isang makapangyarihang dinastiya ang umusbobg sa Babylon at ginapi ang Isin, Larsa at iba pang kalaban.
Napailalim nito ang Mesopotamis sa loob ng tatlongdaang taon. Rurok ng kanilang kadakilaan ang panahon ni
Hammurabi I (c.1810-1750 BCE) na kilala dahoil sa inakda niyang kalipunan ng mga batas. Tinalo niya ang siyudad
ng Mari sa Euphrates at pinasimulan ang isang kaharian ng Babylonia dahil sa pagsalakay mula sa hilaga ng mga
Hittite, Hurrian, at Kassite na pawing mga hindi taga-Mesopotamia.
Samantala, matatagpuan ang Assyria sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ng Babylonia. Sa pagtatapos
ng ika-19 na siglo BCE, na pasakamay ni Shamshi-Adad I ang Ashur, ang unang kabisera ng Assyria. Isang
imperyo ang kanyang itinatag patungo sa kabilang hilaga ng Mesopotamia. Noong 1120 BCE, nagawang masupil ni
Tiglath-Pilester I, ang kinikilalang pinakamahusay na hari ng Assyria, ang mga Hittite at naabot niya ang baybayin
ng Mediterranean. Tagapagtatag siya ng imperyong Assyrian. Pinalawak ng mga sumusunod na haring Assyrian
ang imperyo na umabot mula Iran hanggang Egypt.
Matatagpuan naman ang Chaldea sa katimugang bahagi ng Babylonia at pampang ng Euphrates. Noong
612 BCE, itinatag ang panibagong imperyo ng Babylonia at pinamunuan ng isng haring buhat sa Chaldea, si
Napopolassar. Nagawang masakop ng magkatuwang na puwersa nina Cyaxares ng Media at Nabolopassar
habang tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian noon 609 BCE sa ilalim ni Nebuchadnezzar II, anak ni
Nabopolassar. Nakipaglaban din si Nabopolassar sa Egypt mula 610 BCE hanggang 605 BCE. Tuluyang
napailalim sa mga hari ng Babylon ang imperyong Assyrian.

KABIHASNAN NG INDIA
Sinasabing may kahirapan ang pagbatid sa sinaunang kasaysayan ng India sapagkat sa kabila ng mga
natuklasang matatandang siyudad at mga kasangkapang ginamit ng tao, hindi pa lubusang nauunawaan ang
kanilang naiwang pagsulat. Halos noong 1920s lamang napag-aralan ang kabihasnang nagsimula sa lamanak ng
Indus (na kasalukuyang Pakistan). Ayon sa mga dalubhasa, namaygpag ang kabihasnan sa India noong mga 2300
BCE hanggang 1800 BCE. Dalawa sa mga mahahalagang sentry ng panahong ito ay ang Harappa sa
kasalukuyang Punjab.Sa kabilang dako, nasa katimugang bahagi ng Indus ang Moheno-Daro. Sa kahabaan ng
Indus, matatagpuan ang maraming mga pamayanan kung saan gawa sa ladrilyo ang mga tahanan. Nagtatanim na
rin ang mga tao, nag-aalaga ng mga hayop, naglilinang ng bakal, naghahabi, at nakikipagkalakan. May mga
patunay na nakikipagkalakan na ang mga taga-Indus sa mga taga-Sumer. May posibilidad ding nakipag-ugnayan
na ang India sa matandang Egypt.
Nara ting ng mga Harappan ang tugatog ng kanilang
kabijashan noong 2000 BCE. Subalit matapos ang isang libong
taong pamamayagpag sa Indus, humina at bumagsak ang
kanilang kabihasnan at kultura. Nilisan ng tao ang Mohenjo-
Daro dahil sa panganib na dulot ng mga sumasalakay na
pangkat sa kanilang hangganan. Nangasira din ang Harappa
dahil sa kagyat na pagsalakay ng mga Aryan noong 1500 BCE.
Posibleng nagmula ang mga Aryan mula sa baybayin ng
mga dagat ng Black at Caspian, at tuluyang snlakay ang India
sa pamamagitan ng padaan sa mga makikipot na landas sa
kabundukan. Nagkarron ng tungggalian ang mga Aryan at mga
Dravidian, ang tawag sa mga katutubong unang nanirahan sa
India. Dahil sa matinging pananlsa ng mga Aryan sa lambak ng Indus hanggang sa Ganges, nagtungo ang mga
Dravidian sa katimugang bahagi ng India. Samantala, nagging alipin ang mga naiwang Dravidian ng mga bagong
mananakop. Gayunpaman, dahil sa superior ang kultura ng mga Dravidian, hiniram ng Aryan ang ilan sa kanilang
mga tradisyon at kaisipan ng nanging bahagi ng kulkturang Aryan nang lumaon.
Matatagpuan ang Harappa sa kasalukuyang Punjab. Sa kabilang dako, nasa katimugang bahagi ng Indus
ang Moheno-Daro. Sa khabaan ng Indus, matatagpuan ang maraming mga pamayanan kung saan gawa sa ladrilyo
ang mga tahana. Nagtatanim na rin ang mga tao, nag-aalaga ng mga hayop, naglilinang ng bakal, naghahabi, at
nakikipagkalakan. May posibilidad ding nakipag-ugnayan na ang India sa matandang Egypt.
Narating ng mga Harappa ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 BCE. Subalit matapos ang
isang libong taong pamamayagpag sa Indus, humina at bumagsak ang kanilang kabihasnan at kultura. Nilisan ng
tao ang Mohenjo-Daro dahil sa panganib na dulot ng mga sumasalakay
na pangkat sa kanilang hangganan. Nangasira din ang Harappa dahil sa
kagyat na pagsaalkay ng mga Aryan noong 1500 BCE.

KABIHASNAN NG CHINA
Umusbong ang kabihasnan ng China sa napakalawak na lupaing
halos hiwalay sa iba pang mga kabihasnan. Dahil sa mga kabundukan,
disyerto, at karagatan, nagging katangi-tangi ang kultura ng China kung
ihahambing sa iba. Isang halimbawa ng panulat na nakaukit
Nag-ugat ang mahabang kasaysayan ng China sa mga sa talukap ng pawikan
pinaghalong kwento ng alamat at katotohanan. Gayunpaman, sa pagtatag
8

ng dinastiya ng Shang sa lambak ng Huang He, isang kabihasnan ang nagbibigay-daan sa pagbuo ng lupain ng
China. Namayagpag ang dinastiya sa rehiyon ng An-yang mula 1500 BCE hanggang 1027. May tatlong
mahahalagang katangian ang dinastiya: (1) ang pagkakaroon ng metalurhiya ng bronze (bronze metallurgy), (2)
ang pagkakaroon ng pamamaraan ng pagsulat, at (3) pagkakaroon ng isang organisasyong pang-estado sa
kalunsuran. Nabuhay ang mga tao sa panahon ng Shang sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at
pagtatanim. Gumagawa sila ng alak at maunlad na ang indsutriya ng seda (silk), sining ng pagpapalayok, at
paglinang ng bakal. Nakalikha sila ng bagong paraan ng pagsulat na matatagpuang nakaukit sa mga piraso ng buto
at talukap ng pawikan.
Kadalasang nakikipagtunggali ang mga taga-Shang sa mga karatig-lugar na nanghihimasok sa kanilang
lupain. Isa na rito ang Zhou o Chou mula sa rehiyon ng ilog Wei sa kanluran. Kanilang napatalsik ang Shang sa
mga taong 1100 BCE. Tumagal ang dinastiyang Zhou (c.1100 BCE -221 BCE) nang halos siyam na daaang taon,
ang pinakamahaba sa kasaysayan ng China. NAging kabisera nila ang Hao na nasa kasalukuyang Xi’an.
S a p a g h i n a n g i

mapasailalim ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang pagiging ‘Unang Emperador ng China bilang si
Shi Huang Di o Shih Huang Ti. Ito ang kauna-unahang imperyo ng China na naitatag sa ilalim ng dinastiyang Qin
(221 BCE – 206 BCE). Hangoang salitang ‘China’ sa pangalan ng dinastiyang umusbong sa China mula noon
hanggang sa simula ng ika-20 siglo.
May ilang mga dinastiya sa China ang tumagal nang ilang siglo, tulad ng Zhou at Ming. Mayroon din
naming namayagpag nang panadalian, tulad ng Qin at Sui, na tumagal lamang ng dekada. Masasabing mapayapa
ang pamumuno ng ilang mga dinastiya; nagging marahas naman ang pagpapalit ng mga dinastiya sa ilang mga
pagkakataon. Natatangi ang bawat dinastiya dahil sa kanyang ambag sa kasaysayan, epekto sa pamumuhay ng
tao, mga nahubog na mga pilosopiya at kaisipan, at mga nalikhang kagamitan. Makikita sa talaan sa ibaba ang ilan
sa mga mahahalagang ambag ng bawat dinastiya ng China.
9

Gawain 2: Scrambled Words


Panuto: Ayusin ang mga salita at ilapat sa tamang kahulugan.
❖ Gamitin ang buong papel para hindi masayang. Hindi po kwaderno o notebook, ang notebook ay para
sa mga notes lang, hindi po sa mga Gawain.

AIMAMEPOSOT PAHPAAR UZOH


NAAYR OJHEONM-ARDO IAYSRAS
SIANREUM AMNRA-NSI NYIG-HNEZG
HIS UANGH ID
_________1. Apo ni Sargon
_________2. Syudad ng India na matatagpuan sa kasalukuyang Punjab.
_________3. Ito ay nasa katimugang bahagi ng Indus.
_________4. Sila ay possibleng nagmula sa baybayin ng mga dagat ng Black at Caspian.
_________5. Isang______ mula sa Qin ang nagwang pag-isahin ang mga estado at mapapasailalim ang iba’t
ibang rehiyon sa China.
_________6. Unang Emperador ng China.
_________7. Ito ay tinatawag na Fertile Crescent.
_________8. Kadalasang katunggali ng mga taga- Shang.
_________9. Sila ang pangunahin sa mga tagapagpaunlad ng kabihasnan sa Mesopotamia.
_________10. Isa sa pinakamahusay na imperyo ng Fertile Crescent.

Gawain 3: Drawing
Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit(draw) ang pag-unlad ng kabihasnang Mesopotamia.
Gumamit ng isang bond paper.

Pamantayan Puntos

Kaugnayan saTema 20

Orihinalidad 10

Pagkamalikhain 10

Pagkatugma sa Kulay 5

Biswal impak 5

Kabuuan 50

Tayahin
Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang matukoy ang lawak ng
iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang kasagutan.


A B
___1. Huling dinastiya ng China
___2. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China. A. Ashur
___3. Kilala dahil sa inakda niyang kalipunan ng mga batas. B. Tiglath-Pileser I
___4. Unang kabisera ng Assyria C. Dravidian
___5. Isang hari buhat sa Chaldea D. Ming
___6. Uang hari ng Akkadian E. Nabopolassar
___7. Ipinatayo ang Forbidden City sa dinastiyang ito F. Qin
___8. Kinikilallang pinakamahusay na hari ng Assyria. G. Kublai Khan
___9. Mga katutubong unang nanirahan sa India H. Hammurabi I
___10. Hango ang salitang ‘China’ sa pangalan ng dinastiyang ito. I. Sargon I
J. Qing
10

Sanggunian
Hanguang aklat: Jose, Mary Dorothy, dL., Ong, Jerome A., Reguindin, Janet,S., Mallari, Aaron
Abel,T., Abejo, Raymund Arthur, G.,Kasaysayan ng Daigdig ng Vibal Group, Inc 2017
Elektronikong Sanggunian

https://lh3.googleusercontent.com/proxy/qv3WYqdaWbsblZaVRtEYIT4AFziO4i8cxMDMl6DJp-i-
0lj_J4e6kJkXstyRwAR4N6RBC_vRVyMPTjy8HA_zBFpwMCy2KzDEhdahvbKjuzBNzYheIvhiUaqSuS5u6Cw3
EtpvWQISlGYVDLhmlkpMAYCuwT1H8B73r39p_aq4WUp6aXMRO3SgpQhttps://drive.google.com/drive/folder
s/1bE7yFlf02dzgm6qH8k3qVBE89WbhjGHw?fbclid=IwAR3W7IZxS2vW7fdxsNgJxD3Ve2wZ9ljzAbog7z5blRh-
ChgXWYKUCf5JATc

Answer key:
Tayahin:
Subukin:
1. Qing
1. B 2. Kublai Khan
2. A 3. Hammurabi I
3. A 4. Ashur
4. A 5. Nabopolassar
5. D 6. Sargon I
6. B 7. Ming
7. A 8. Tiglath-Pileser I
8. C 9. Dravidian
9. A 10. Qin
10. C

You might also like