You are on page 1of 8

10

PAG-AARI NG BUSCO Academy


MPC
HINDI IPINAGBIBILI

FILIPINO
Unang Markahan-Pangatlong Linggo
Panitikang Mediterranean
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 1:
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government
of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate
and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them.

Mga Bumubuo at Kasapi ng Modyul

Guro: Daina Rose D. Caparida


Tagasuri: Mark Joseph Babon
Tagaguhit: Ang mga larawan ay kinuha mula sa Internet

Mga Namamahala
Chairman: Ambrosio J. Dragon
School Administrator: Marilyn S. Quintos

Printed in Busco Academy MPC, Quezon, Bukidnon


Office Address: BUSCO, Butong, Quezon, Bukidnon
Cellphone Number: 0965-811-5490
ARALIN Pakikipaglaban para sa Kalayaan
3 Sanaysay

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para maipamalas mo ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga panitikang Mediterranean lalong lalo na sa mitolohiya.

Ano ang inaasahan mo?


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay:

Pamantayan sa Pagkatuto:
Most Essential Learning Competency/ies:
 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan

Layunin:
Sa katapusan ng klase, ang mag-aaral ay inaasahang;
a. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda
b. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig; at
c. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.

Pangkalahatang Panuto
Paano mo matutunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
❖ Basahin at unawain.
❖ Sundin ang bawat panutong ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.
Subukin
Sa puntong ito, subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa lamang.
Hand ka na ba?

PAALALA: MAGHANDA NG ISANG BUONG PAPEL PARA SA MAGIGING SAGOT SA


LAHAT NG PASULIT O PAGSASANAY NA NAKAPALOOB DITO SA MODYUL.

Gawain 1:
Panuto: Bilugan ang mga larawan ng tinuturing mong mga bayani.

Sagutin ang mga tanong:


1. Bakit mo sila itinuturing na mga bayani?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano ka magiging bayani?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Balikan

Salamat sa pagsagot sa unang pagsasanay, ngayon ay ating balikan ang mga aralin na tinalakay
noong nakaraang tagpo. Naaalala mo pa ba ang huling aralin? Kung gayon, basahin ang mga
nakasulat sa ibabang bahagi.

Tinalakay natin noong nakaraang tagpo ang Pabula at Parabula. Ang pabula ay isang
uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at
kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.  parabula ay
isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word
na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole
na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na
maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili o magdesisyon. Isa itong
maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula
ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang
kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang
katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong
katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay
mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Tuklasin

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ng mga bayani ang pagmamahal para sa kalayaan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paano mo ipihahayag ang iyong opinion nang hindi nakasasakit ng damdamin ng ibang
tao?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-uusapan sa
araw na ito, basahin mo muna ang nakasulat sa ibaba para maliwanagan ka sa daloy ng
talakayan. Simulan na ang pagbabasa!
A. ANO ANG SANAYSAY?
Ang sanaysay ay isang uri panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan. Karaniwang pinapaksa
ng sanaysay ang mga mapaghahanguan ng impormasyon, kapupulutan ng aral, at magbibigay-
aliw sa mga mambabasa. Nabibilang sa panitikang ito ang mga sulating pampahayagan tulad ng
artikulo, natatanging pitak o lathalain, at editoryal.
Ang sanaysay ay may dalawang uri: pormal at personal. Ang pormal na sanaysay ay
nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman. Makaagham ang pagtalakay at lohikal ang
pagsasaayos ng kaisipan. Pormal din ang gamit ng mga salita. Ang tono ay seryoso at
paintelektuwal. Samantala, ang personal na sanaysay ay tumatalakay sa karaniwang paksa,
pang-araw-araw na buhay, o hindi malilimutang karanasan. Ang pagtalakay ng nilalaman ay tila
pakikipag-usap lamang sa mambabasa. Ito ay naglalaman ng damdamin, paniniwala, at pananaw
ng awtor. Madaling unawain ang mga salitang ginamit dahil pangkaraniwan lamang ang mga
salita na kung minsan ay nahahaluan pa ng kolokyal o balbal na salita.
B. TATLONG BAHAGI
Ang una ay panimula, sa bahaging ito inilalahad ng awtor ang pangunahing kaisipan. Ang
pangunahing kaisipan ay pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. Tinatalakay rin ditto ang
halaga ng paksang pinag-uusapan. Pangawala ay ang gitna o katawan, pinalalawak sa bahaging
ito ang pangunahing kaisipang inilahad sa panimula sa pamamagitan ng pagdaragdad ng mga
kaugnay na kaisipan o pantulong na mga ideya. Sa tulong nito ay nabibigyang-patunay o
nasusuportahan ang pangunahing kaisipan. Ang panghuli ay ang wakas o kongklusyon,
nakapaloob sa bahaging ito ang pangkalahatang palagay, pasiya, o paninindigan sa paksa batay
sa mga katibayang inisa-isa sa gitna o katawan ng akda.

Pagyamanin
Gawain 3: Talasik
Panuto: Bilugan sa bawat pangungusap ang mga salitang kapareho o kaugnay ng salitang
nakaitaliko. (copy and answer)

1. Ako at ang aking kaibigan ay nagkanlong sa maliit na eskinita at nakita naming nagkukubli rin
doon ang ibang nagpoprotesta.
2. Marami sa nagpoprotesta ay kabataan na hindi pa nagiging masigasig sa politika ngunit buhay
na buhay ang kanilang kalooban sa hinihinging kalayaan.
3. Ang mga nagpoprotesta ay kumukulo sa galit sa kalupitan ng mga pulis at sa labis na
pagpapahirap na ibinigay ng pamahalaan ni Hosni Mubarak.
4. Tear gas na ang nilalanghap ng mga taga-Ehipto kaya maraming bata at matatanda ang hirap
sa paghinga.
5. Nang gabing iyon, ang tunog ng mga bala ay walang humpay habang naririnig ang walang tigil
na hiyawan.

Isaisip

Pagsusuring Panggramatika
Basahin at unawain ang teksto
Million People March
Ni Cristina-Dimaguila-Macascas

Noong Agosto 26, 2013 muli na naming ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal at malasakit sa
bansa. Matapos ang isang panawagan sa social media, ang iba’t ibang organisasyon at mga sector ng lipunan
ay nagtipon-tipon sa Rizal Park para sa mapayapang protesta laban sa mga tiwaling politico at pagpapaalis sa
Priority Development Assistance Fund (PDAF). Ang pagtitipong ito na kinilalang “Million People March” ay
bunga ng sumidhing galit ng publiko. Ang PDAF ay badyet na nakalaan para sa mga senador at kongresista
na may layuning gamitin sa mga proyekto sa kanilang mga lalawigan at sa pangangailangan ng mga
nasasakupan. Sa kasamaang-palad, ayon sa whistle-blower, malaking halaga sa PDAF ang hindi naibigay sa
mga benepisyaryo. Nagkaroon ng sabwatan ang ilang hindi lehitimong pribadong organisasyon at tiwaling
opisyal na lehislatura kaya ang PDAF at tinipon, ibinulsa, at pinakinabangan lamang ng iilang indibidwal. Dahil
dito, ang galit ng publiko ay sumidhi at nanawagan sa isang milyong tao. Higit sa matinding galit, ang Million
People March ay pagdiriwang ng demokrasya at paggigiit ng tao sa pananagutan ng pamahalaan.

Isagawa

Alam kong sabik ka na sa iba pang gawain, kaya naman may idaragdag pa akong mga
gawain at pagsasanay upang lalong masukat ang iyong natutunan sa araling ito.

1. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang teksto?


____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw tungkol sa PDAF?


_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Talakayin Natin

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Sa araw-araw, marami ang nagaganap sa kapaligiran. Hindi maiiwasan na magbigay ng sariling


pananaw ang bawat tao. Mababasa sa iba’t ibang social networking site at libo-libong pananaw sa isang
paksang. Gayunpaman, hindi maiiwasan ang magkakasalungat na opinion, kaya naman may mga
pagkakataong magkakapalitan na ng maaanghang na mga salita ang mga netizen. Paano nga ba ito
maiiwasan?
Ang ibang pananaw at taliwas na opinion ay maaaring iparating sa iba nang walang nasasaktan.
Kinakailangang maging magalang sa pagpapahayag ng pananaw. Dapat ding maging maingat sa mga salitang
bibitawan at pumili ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw. Maaaring gamitin ang
sumusunod na mga parirala bilang pagsisimula ng paglalahad:
1. Ipagpaumanhin na, subalit . . .
2. Pasensiya na, subalit . . .
3. Sumasang-ayon ako sa iyong sinabi na . . . TANDAAN!
4. Sa palagay mo . . .
Ang Netizen ay tumutukoy sa
5. Para sa akin . . .
6. Sa palagay ko . . . mga taong aktibo sa online
7. Para sa iyo . . . communities.
8. Sa aking pagtingin . . .
9. Maganda ang iyong pahayag, subalit . . .
10. Ikinalulungkot ko, hindi . . .

Ilan lamang ang mga ito sa maaaring gaitin upang ipahayag ang sariling pananaw. Maaaring gumamit
ng sarling mga pahayag sa pagbabahagi ng pananaw. Dapat lamang tandaan ng bawat isa ang pagiging
responsible sa mga pahayag na bibitiwan.

Tayahin
Panuto: Balikan ang sanaysay na “Araw na May Rebolusyon”. Sipiin ang mga pahayag mula rito.
Pagkatapos, isulat ang iyong sarling pananaw tungkol sa bawat isa. Gumamit ng mga angkop na
silat sa pagpapahayag ng pananaw.

Mga Pahayag mula sa Sanaysay Sariling Pananaw


Karagdagang Gawain
Panuto: Sa pamamagitan ng dayagram, isulat ang iyong mga natutuhan sa panitikan at wika sa araling ito.

_____

_____ Aking _____


mga
Natutuna
n

______ ____

Mahusay! Natapos mong sagutan lahat ng pagsasanay at gawain na


nakapaloob sa modyul na ito. Nawa’y may natutunan ka sa aralin natin
ngayon. Salamat sa taos-pusong kooperasyon! Laging tandaan, mag-ingat at
maghugas ng kamay palagi para iwas sa sakit na COVID.

TALASANGGUNIAN NA GINAMIT SA MODYUL

Merida, M. Dela Paz, E. at Macascas, C. (2016). Bulwagan Kamalayan sa Gramatika at Panitikan. ABIVA
Publishing House, INC.
https://peac.org.ph/learning-module-repository/
DepEd Learning Modules

You might also like