You are on page 1of 14

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Saan umunlad ang unang sibilisasyon sa India?


A. Indus Valley C. Silangang Ghats
B. Talampas ng Deccan D. Nile Valley
2. Anong ilog ang humubog sa Sibilisasyong Egypt?
A. Indus C. Nile
B. Hwang D. Tigris
3. Saan ang sentro ng pamayanan noong unang panahon sa
kadahilanang naroon ang pangunahing ikabubuhay nila?
A. dagat-ilog C. lambak kapatagan
B. lambak-ilog D. tabing dagat
4. Sa pag-apaw ng tubig sa ilog na kung saan umusbong ang
Mesopotamia, ano ang tawag sa iniiwan ng baha?
A. banlik C. dumi
B. buhangin D. luwad
5. Ano ang kasalukuyang tawag sa
Mesopotamia?
A. Afghanistan C. Iraq
B. Iran D. Lebanon
6. Anong rehiyon sa Asya ang madalas tawagin ng mga heograpo na
sub- kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
7. Saang lagusang daan nakakapasok ang mga pagsalakay at
pandarayuhan sa India?
A. Himalayas C. Khyber Pass
B. Hindu Kush D. Ganges
8. Saang tabing ilog umusbong ang kabihasnan sa China?
A. Huang Ho at Yangtze C. Nile
B. Indus at Ganges D. Tigris at Euphrates
9. Anong kabihasnan ang tinawag na “The Gift of Nile” dahil kung wala ang
ilog na ito, ang buong lupain na ito ay magiging disyerto?
A. China C. Indus
B. Egypt D. Mesopotamia
10. Saan ang lunduyan ng unang kabihasnan sa America?
A. Mesoamerica C. North America
B. Mexico D. South America
11.Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar
sa pagtataguyod ng kabihasnan?
A. dahil mapalalakas nito ang turismo ng lugar
B. dahil magbibigay daan ito sa mga karatig lugar
C. dahil isang karangalan ang mabuhay ng maraming anyong lupa
at anyong tubig
D. dahil dito nanggagaling ang kanilang pagkain at hanapbuhay
12.Kung ang pagbabatayan ay ang heograpiya, ano ang magkakatulad
ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt,
Indus, China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Naninirahan ang sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
13. Bakit nahinto ang pagbahang idinudulot ng Ilog ng Nile?
A. dahil sa mga paraon
B. dahil sa pagkakatayo ng Aswan High Dam
C. dahil sa pagkakahati ng mga lungsod
D. dahil binuksan ang daan mula Lubyan Desert hanggang Abu Simbel
14.Anong kabihasnan ang itinuturing na pinakamatanda sa buong daigdig
na nanatili hanggang sa kasalukuyan?
A. China C. Indus
B. Egypt D. Mesopotamia
15.Ang mga lambak-ilog ang pinakakaraniwang pinag-usbungan ng
mga sinaunang kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pook na kung saan sumilang ang mga kabihasnan.
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog.
C. Nagbibigay sigla pa rin sa mga tao ang mga ilog.
D. Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao.
Aralin Ang Heograpiya sa Pagbuo at

1 Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan sa Daigdig
Ang sumibol na kabihasnan ay nagdaan sa mahabang proseso at sa mga
panahon. Ang mga karanasan ng tao sa larangan ng pamumuno, paglinang sa
kasanayan at maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa modyul na ito ay inaasahang
matutuhan mo ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig: Mesopotamia, Indus, Tsino, Ehipto, at
Mesoamerica. Simulan mo na ang iyong pagkatuto.

Balikan

Malinaw na kung paano nalinang ang kabihasnan at ang mga batayan


upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Malaki ang kaugnayan
ng heograpiya sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan na siyang humubog sa
daloy ng kasaysayan ng daigdig.
Nasa tuktok ng bato ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad
ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan sa ibabang bahagi ng mga bato ng mga
ebidensyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel

Bato ng Yugto ng Pag-Unlad

Malaki ang epekto ng Higit na umunlad ang


agrikultura sa pamumuhay ng tao
pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng
metal
Mga Tala para sa Guro
Sa pagtalakay ng panimula ng sinaunang kabihasnan mahalagang malaman ang
bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng kabisnan noong sinaunang
panahon. Makatutulong kung ang bawat mag-aaral ay mayroong mapa ng daigdig o
world map at pagiging pamilyar sa pitong konitente, anyong lupa, anyong tubig, at iba
pang bumubuo sa katangiang pisikal ng daigdig. Ang gamit ng games o laro sa
heograpiya ay maaaring magpayabong din sa kaalaman ng mga mag-aaral na patunay
ng kasiya-siyang pagkatuto.

Tuklasin

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Iguhit ito sa iyong sagutang papel at


kulayan ng akma ang mga kontinente sa ibaba batay sa sa ibibigay na
direksiyon. Tukuyin sa mga kontinente kung saan matatagpuan ang mga lugar.

Asia-
Antarctica- Europe- berde South America - pula
kayumanggi
lila
Africa- North America- asul
dilaw Australia-
rosas
Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)

Huang Ho (China) Mesoamerica


Suriin

Heograpiya ng Mesopotamia

Ang Mesopotamia ay nanga-


ngahulugang lupain “sa pagitan ng
dalawang ilog”. Ito ay galing sa mga
salitang Greek na meso o “pagitan” at
potamos o “ilog”. Ang Mesopotamia ay
itinuturing na kauna- unahang kabihasnan
sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan
ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng
tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite
na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito.
Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t
ibang lungsod ang umusbong at bumagsak
sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan
ng iba pang mga kabihasnan. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
thumb/0/06/Tigr-euph.png/597px-Tigr-euph.png

Ang Mesopotamia ay walang likas na


hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang
lupaing ito sa ibang karatig lugar.
Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar
dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 B.C.E.,
daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang
Mesopotamia na pinag- ugnay-ugnay ng malalayo
at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng
pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na
taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampolitika, at
panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong
https://upload.wikimedia.org/wikipe kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na
dia/commons/2/23/Fertile_Crescent itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod
sa daigdig.

Matatagpuan ang Mesopotamia sa Rehiyon ng Fertile Crescent, isang


paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng Ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito,
nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.
Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung


ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo
na sub- kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan
ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay
of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang
ginagamit sa rehiyong ito. Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na
hugis tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan,
Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.

Bagama’t ang rehiyong ito ay


inihihiwalay ng mga kabundukan sa
hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan.
Nakapapasok ang mga tao sa mga
daanang tulad ng Khyber Pass sa
hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon,
na nagpayaman sa kulturang
Indian.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/8b/Kh
yber_Pass_Area_Map.jpg

Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt


at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng
dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga
lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo
B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang
matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan. Nagsimula
ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang
Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo
ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km. (1800) milya at
bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa
Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa
pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo
at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa
lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.

Daan-daang pamayanan ang nananahan


sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000
B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na
pamayanang may tanggulan at maayos na
mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo,
nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon
at mga estrukturang pumipigil sa mga
pagbaha.

Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa


mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung
susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan
at
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang ons/8/8b/Khyber_Pass_Area_Map.jpg
namumukod-tangi sa iba.
Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Ang kabihasnan sa China ay


umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow
River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay
nagmumula sa kabundukan ng kanlurang
China at may habang halos 3000 milya.
Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang
makailang ulit sa mahabang panahon at
humantong sa pagkakabuo ng isang
malawak na kapatagan, ang North China
Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil
sa pagiging patag ng North China Plain,
madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China,
ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil
sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu,
ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan
upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito
ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Heograpiya ng Egypt

Mahalagang tanda ang tinutukoy na Lower


Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea sa pag-unawa sa heograpiya
ng sinaunang Egypt, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may
4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na
pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-
apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/2/25/River_Nile_map.svg
maisaayos ang suplay ng tubig. Ang Egypt ay
tinawag bilang The Gift of the Nile dahil kung wala
ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na
ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa noon pa mang unang panahon.Sa Panahong
Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog.

Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-


iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka
ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay
unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang
tinatawag na delta. Ang
lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang
tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.

Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng
mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang
ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga
manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng
panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa
mga panahong ito.

Ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga


panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang
matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa
silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay
nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang
panahon.

Heograpiya ng Mesoamerica

Ang Mesoamerica o Central


America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang
Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador. Sa
hilagang hangganan nito
matatagpuan ang mga ilog ng
Panuco at Santiago. Samantala, ang
katimugang hangganan ay mula sa
baybayin ng Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng
Nicaragua sa Pacific at sa Tangway
ng Nicoya sa Costa River. Sa
kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica
ang malaking bahagi ng Mexico, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/74
/Mayan_Language_Migration_Map.svg/1280px-
Guatemala, Belize, El Salvador, at Mayan_Language_Migration_Map.svg.png
kanlurang bahagi ng Honduras.
Hango
ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito
ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Sa lupaing ito, ang
malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot
ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago
ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa
ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang
Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang
rehiyong ito.
Pagyamanin

Gawain 1: Larawan-Suri
Ilarawan ang katangian ng isang lambak-ilog base sa iyong nakikita sa
larawan at punan ang mga pahayag ng hinihingi nitong impormasyon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Matatagpuan sa kontinente ng
A ang tatlo sa mga
sinaunang k sa
daigdig.
Umusbong ang mga k ito sa mga pook na
malapit sa
.
Pinatutuyanan nito na ang tatlo sa mga
sinaunang k sa daigdig ay umunlad sa
kontinente ng A .

Gawain 2: Katangian – Epekto, Tukuyin Mo!


Isulat sa unang hanay ang mga katangiang pisikal na taglay ng Mesopotamia at
sa ikalawang hanay ay ang epekto ng tinukoy na pisikal na katangian. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Epekto ng Pisikal na
Pisikal na Katangian Kapaligiran
ng Mesopotamia
1._ _
1.
2._
2.
3._
3.
Gawain 3: Geo-Bookmark
Pumili ng isang sinaunang kabihasnan na iyong ilalarawan ang heograpiya.
Gumawa ng isang Geo-bookmark na nagpapakita ng kaugnayan ng heograpiya at
pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Daigdig

Pamantayan sa Pagmamarka ng Geo-Bookmark


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Wasto ang mga detalye ng piniling
Nilalaman ng bookmark paksa;nakapaloob ang mahalagang 15
datos sa geo-bookmark
Magkakaugnay ang mga larawan sa
Mga Larawang Ginamit sa
bookmark geo-bookmark; malinaw ang mga 10
larawan

Mahusay ang pagkakadisenyo ng


Disenyo ng bookmark geo-bookmark, gumamit ng 5
angkop na kulay
Kabuoan 30

Gawain 4: Talaan ng Natutuhan


Punan ang chart base sa hinihingi nitong impormasyon ukol sa kaugnayan ng
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
MGA KAHALAGAHAN
AKING ALAM NAIS MALAMAN

Maglista ng limang
bagay na iyong alam Ano-ano pa ang Magbigay ng limang
ukol sa heograpiya ng nais mong bagay na iyong
sinaunang kabihasnan malaman? natutuhan sa aralin

Gawain 5: Reflection Journal


Gumawa ng komitment sa iyong reflection notebook. Gawing gabay ang mga
sumusunod na tanong.

• Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng preser-


basyon ng pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan?
• Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon, paano mo maipakikita ang
pagmama- lasakit at pagmamahal sa sa mga sinaunang kabihasnan?
Reflection Journal

Gawain 6 Double Matching Type


Iugnay ang Hanay A sa mga sinaunang kabihasnan sa Hanay B at tukuyin ang
kinaroroonan nito sa Hanay C. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay
1. Sa A
pagitan ng Hanay B Hanay Cng Yucatan
A. Lupain
A. Egypt
dalawang ilog Peninsula

2. Nasa gitna ng B. Timog ng


B. Indus
kontinente Mediterranean

C. Nasa Kanluran ng
3. Biyaya ng Nile C. Mesoamerica
Yellow Sea

4. Nasa tangway D. Dumadaloy ang


D. Mesopotamia
ng Timog Asya Indus River

5. May matabang lupain E. Nasa Kanlurang


E. Tsino
sa Huang Ho Asya
Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at


pag- unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Isulat ang tamang
impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Sumibol malapit sa mga ang halos lahat ng mga sinaunang


kabihasnang naitatag ng tao.
Ang ang lunduyan ng sinaunang kabihasnan na umusbong sa
pagitan ng Ilog Tigris at . Ang kabihasnang India naman ay umusbong
sa kambal na lungsod na Mohenjo-daro at . Kabihasnang ang
naitatag sa Ilog at Yangtze. Itinuturing ang Egypt bilang unang
kabihasnan na sumibol sa . Ang o Central America ang
rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca
sa katimugan ng El Salvador.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Paano nakaimpluwensiya ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga


sinaunang Kabihasnan sa Daigdig?
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang


mga sinaunang kabihasnan?
A. dahil sa pagpupursigi ng mga taong naninirahan dito
B. dahil sa matatagpuang anyong lupa at anyong tubig sa lugar
C. dahil malawak ang sakop ng mga sinaunang kabihasnan
D. dahil higit na biniyayaan sila ng Maykapal kaysa sa ibang rehiyon
2. Ang malakas na pag-ulan noon sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay
nagdudulot ng pag-apaw ng ilog sa anong buwan bawat taon?
A. Hunyo C. Agosto
B. Hulyo D. Setyembre
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng tao?
A. makasaysayang lugar na maaaring pasyalan
B. pinagkukuhanan ng pagkain at masaganang hanapbuhay
C. makahihikayat ng mga dayuhan upang mamuhunan
D. nagsilbing aral sa mga kabataan ang kasaysayan na dulot nito
4. Sa heograpiya ng Egypt, ano-ano ang pagkakahati nito?
A. East at West C. North at South
B. Lower at Upper D. High at Bottom
5. Ano ang tawag sa nabuong latian dulot ng putik na naipon sa bunganga ng
Nile sa hilaga?
A. alpha C. charlie
B. beta D. delta
6. Saan matatagpuan ang Mesoamerica?
A. sa pagitan ng Sinaloa at Fonsenca C. sa pagitan ng Huang Ho at Yangtze
B. sa pagitan ng Tigris at Euphrates D. pagdumi ng Indus at Ganges
7. Ano ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?
A. Aztec C. Olmec
B. Inca D. Toltec
8. Ano ang positibong naidudulot ng pag-apaw ng ilog Huang Ho sa China?
A. pagbaha sa North China Plain C. pagtaba ng lupa
B. pagkasira ng mga pananim at bahay D. pagdumi ng lungsod
9. Alin sa katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang
may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
A. ang pinag-usbungan ng mga kabihasnan
B. ang mga paniniwala ng mga kabihasnan
C. ang mga uri ng tao sa kabihasnan
D. ang mga likas na yamang matatagpuan sa kabihasnan
10. Paano napararami ng mga Egyptian ang kanilang maaaring itanim bawat taon?
A. tinatabasan ang tangkay ng kanilang pananim linggo-linggo
B. naghihintay ng tag-ulan at tag-araw
C. sinasabuyan ng pataba ang pananim
D. nag-iimbak ng tubig at naghuhukay ng mga kanal
11. Ano ang tawag noon ng mga Tsino sa sinaunang lupain?
A. Central Kingdom C. Top Kinggdom
B. High Kingdom D. Middle Kingdom
12. Anong lungsod ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon sa Lambak ng
Indus?
A. Harappa at Mohenjo-daro C. Olmec at Toltec
B. Sumer at Babylon D. Yellow at Yangtze
13. Bakit mahirap ipagtanggol ang Mesopotamia sa ibang lugar kung
pagbabatayan ang heograpikal na katangian nito?
A. dahil walang likas na hangganan ang mga lupain
B. dahil pala-kaibigan ang mga tao
C. dahil sa mga ilog na kayang tawirin
D. dahil hindi mahigpit ang seguridad
14. Ano ang kahulugan ng salitang Mesopotamia?
A. sa gitna ng dagat
B. sa pagitan ng bulubundukin
C. sa pagitan ng dalawang ilog
D. sa gitna ng kapatagan
15. Alin sa sumusunod na katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan?
A. ang mga taong naninirahan dito
B. ang mga lupain na sinakop ng mga nandarayuhan
C. ang mga lambak-ilog na pinag-usbungan ng mga kabihasnan
D. ang mga ginto at pilak na matatagpuan sa lugar

You might also like