You are on page 1of 8

WEEKLY HOME LEARNING ACTIVITY SHEETS

Aral Pan 8, Ikalawang kwarter, Ikaapat na linggo

Ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng


pandaigdigang kamalayan

Pangalan: __________________________ Pangkat: __________________________


Kasanayang Pagkatuto:

Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang


klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan

 Nakapagbibigay-halaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang


klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

 Nakapag-uulat tungkol sa pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan

 Nakapagsusulat para mabigyan halaga ang mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan

Bilang ng Araw: Tatlong Araw

Susing Konsepto:

 Modyul sa pagkatuto Baitang 8, pahina 167-209.

Kontribusyon ng kabihasnang Greece


 Arkitektura Layunin ng arkitektura sa Greece ay parangalan ang mga diyos
at diyosa. Halimbawa na ang mga templo rito na gawa mula sa marmol na
karaniwang kulay puti. Parthenon
 Eskultura Hangad ng mga eskultor ng Greece na lumikha ng mga pigura na
ganap at eksakto ang hubog, ang mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit
o pagtawa, tanging katiwasayan lamang..Estatwa ni Athena
 Pagpipinta Ipinakita ng mga Greek ang kanilang kahusayan sa pagpipinta
sa magaganda nilang palayok at iba pang kasangkapan.
 Pagsulat ng kasysayan: Ang salitang history ay unang ginamit ni Herodotus
nang sinulat niya noong 440 BcE ang History of the Persian Wars bilang
isang ulat ng mga kaganapan sa digmaanng Greece at Persia.
 Agham Magaling ang mga greek sa matematika. Pinaunlad ni Pythagoras
ang geometry na taglay ang kanyang pangalan, ang Pythagorean
Theorem. Tinatiya ni Archimedes ang paraan ng pagsukat ng
circumference ng isang bilog. Natuklasan din niya ang prinsipyo ng
specific gravity.Si Euclid ang kinilalang ‘Ama ng Geometry’. Si Aristarchus
ang nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot sa sarili
nitong axis. Nakagawa si Eratosthenes ng halos tumpak na tantiya ng
circumference ng daigdid. Siya rin ang gumuhit ng mga linya ng latitude
at longitude sa mapa ng daigdig. Ipinanukala ni Democritus na lahat ng
bagay ay binubuo ng maliliit na sangkap na tinatawag na atom.

Kontribusyon ng kabihasnang Romano


 Batas: Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng
sinaunang panahon. Twelve tables
 Panitikan: Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng
ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at
dula ng Greece.
 Inhenyeriya: Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya.
Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy.
Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
 Pananamit: Tunic at Toga, Stola at Palla.
 Arkitektura: Sila ang tumuklas ng semento at unang gumamit ng stucco,
isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Gumawa din sila
ng Basilica at Coliseum.
Kontribusyon ng imperyong Ghana, Mali at Songhai

Mga kabihasnan Kontribusyon


1. Ghana Kakayahan sa pakikipagkalakalan,
mga Mosque.
2. Mali gumawa ng mga pinakaunang barko na
siyang ginamit sa pangangalakal at
mga paglalakbay
3. Songhai Pakikipagkalakalan lalo na sa mga
Berber.

.
Mga kabihasnan Kontribusyon
1. Azttec  Templo at pamilihang bayan
 Maliliit na himnasyo
 Makukulay na bahay
 Unang imperyo ng amerika
2. Maya  Sistema ng pagsulat, Templo,
palasyo at pyramid.
3. Olmec  Sistema ng irigasyon, Kalendaryo
4. Inca  Mahaba at batong kalsada,
 Makabagong lagusang tubig,
 Pagpapatuyo gamit ang lamig

Kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa mga pulo sa Pacific

Mga kabihasnan Kontribusyon


1. Polynesia  Paniniwala sa MANA o banal na
kapangyarihan
 Tapu: Pagbabawal o probisyong
makihalubilo sa babae at pili
lang ang dapat kainin ng mga
mandirigma kung may gagawing
pagsalakay o labanan upang
hindi mawala ang kanilang
mana.
2. Micronesia  Batong ginawang pera (stone
money).
 Turmeric bilang gamot at
pampaganda.
 Banig na yari sa dahon ng
pandan, at magaspang na
tela na galing sa saging at
gumamela.  Bilang tela,
ginagawa itong palda ng
kababaihan at bahag
3. Melanesia  Alituntunin ng mga
mandirigma tulad ng
katapangan, karahasan,
paghihiganti, at karangalan
 Pangangallakal

Mga Gawain:
Gawain 1. Kontribusyong Romano, Pinapahalagahan Ko!
Panuto; Isulat sa talahanayan ang mga kontribusyon at kahalagahan ng
Kabihasnang Romano. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel o
kwaderno.

Mga kagamitan: Papel, kwaderno, bolpen

Kontribusyon ng kabihasnang Romano Kahalagahan


1
2
3
4
5

Gawain 2. Kontribusyong Klasiko, Iulat Natin!


Panuto: Dugtungan ang mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan ng paulat na
salita tungkol sa mga kontribusyon ng mga kabihasnan sa Africa, Mesoamerica at
mga Pulo sa Pacific. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel o kwaderno.

Mga kagamitan: Papel, kwaderno, bolpen

1. Narito ang mga nagbabagang balita. Ayon sa aking nakalap na


impormasyon, ang mga imperyo sa Africa katulad ng Ghana, Mali at
Songhai ay may angking ____________ at ____________ kaya umunlad ang
kanilang kabihasnan. Sana ay may nakuha kayong kaalaman sa aking
balita. Ang nag-uulat ay si (Pangalan ng nagbabalita). Magandang Umaga
Butuan.
2. At ako naman si (Pangalan ng nag uulat) na mag-uulat tungkol sa mga
ambag ng mga kabihasnan sa MesoAmerica. Ayon sa aking pananaliksik,
may natuklasan ako na may mga ambag sila sa kabihasnan katulad ng
_______________, _______________, _______________, _______________,
_______________, _______________, _______________.

3. Sa ating pinakahuling ulat para sa araw na ito, ako si (Pangalan ng nag uulat)
ang nagbabalita. Ayon naman sa aking nakalap na impormasyon, ang mga tao
sa pulo sa Pacific ay naniniwala sa ____________ at ang kanilang mga kawal ay
nagsagawa ng isang ritwal na tinatawag na ____________. Ang ritwal na ito
ay____________. At iyon ang kabuuan ng aking ulat. Salamat sa inyong
pakikinig. Magandang Umaga Butuan.

Gawain 3. Hugot-Tula Sa Kabihasnang Greece


Panuto: Sumulat ng isang orihinal na tula tungkol sa kahalagahan ng
kontribusyon ng kabihasnang Greece. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel o
kwaderno.

Mga kagamitan: Papel, kwaderno, bolpen

Ang Sinaunang Greece

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
https://www.scribd.com/document/412891773/Rubric-Sa-Pagsulat-Ng-Tula-docx
Pagninilay:

1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang mga kontribusyon ng kabihasnang


klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?

Mga Sanggunian:

Modyul sa pagkatuto Baitang 8, pahina 167-209.


DepEd commons
Internet sources:
https://www.scribd.com/document/412891773/Rubric-Sa-Pagsulat-Ng-
Tula-docx
https://www.facebook.com/ancientgreecee/posts/hugot-quote-tulaang-
sinaunang-gresya-ay-ating-pahalagahannang-malaman-nagawa-nit/
134230233894453/

Mga Susing sagot:

Gawain 1. Kontribusyong Romano, Pinapahalagahan Ko!

Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Kahalagahan


Twelve tables. kinikilala bilang
1. Batas pinakadakilang mambabatas ng
sinaunang panahon at naging
huwaran sa kasalukuyan.
Salin ng mga tula at dula sa Greece.
2. Panitikan Sila ang mga nagsalin ng mga
panitikan
Appian Way, aqueduct. Ito ang
3. Inhenyeriya unang mga halimbawa ng matibay
na tulay at patubig.
Tunic at Toga, Stola at Palla. Ang
4. Pananamit mga ito lalo na ang toga ay
ginagamit sa panahon ng
pagtatapos sa pag-aaral sa
kasalukuyan.
Stucco, Basilica at Coliseum. Ito
5. Arkitektura ang tanyag na mga estruktura noon
na hinahangaan pa rin hanggang
ngayun.

Gawain 2. Kontribusyong Klasiko, Iulat Natin!

1. Narito ang mga nagbabagang balita. Ayon sa aking nakalap na impormasyon,


ang mga imperyo sa Africa katulad ng Ghana, Mali at Songhai ay may angking
kakayahan sa pakikipagkalakalan at malaki rin ang ambag ng imperyong Mali
sa nabigasyon kaya umunlad ang kanilang kabihasnan. Sana ay may nakuha
kayong kaalaman sa aking balita. Ang nag uulat ay si. Juan dela Cruz Magandang
Umaga Butuan.

2. At ako naman si Maria Corpuz na mag-uulat tungkol sa mga ambag ng mga


kabihasnan sa MesoAmerica. Ayon sa aking pananaliksik, may natuklasan ako na
may mga ambag sila sa kabihasnan katulad ng sistemang irigasyon, kalendaryo,
sistema ng pagsulat, templo, palasyo at pyramid.

3. Sa ating pianakahuling ulat para sa araw na ito, ako si (Jose Ramos) ang
nagbabalita. Ayon naman sa aking nakalap na impormasyon, ang mga tao sa pulo
sa Pacific ay naniniwala sa MANA o banal na kapangyarihan at ang kanilang mga
kawal ay nagsagawa ng isang ritwal na tinatawag na Tapu. Ang ritwal na ito ay
Pagbabawal o probisyong makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat kainin
ng mga mandirigma kung may gagawing pagsalakay o labanan upang hindi
mawala ang kanilang mana. At iyon ang kabuuan ng aking ulat. Salamat sa
inyong pakikinig. Magandang Umaga Butuan.

Gawain 3. Hugot-Tula Sa Kabihasnang Greece

Ang Sinaunang Greece

Ang Sinaunang Greece ay ating pahalagahan


Nang malaman nagawa nito sa bayan
Nang maliwanagan sa nangyari sa kabihasnan
At upang malaman ang pamana nito sa kasaysayan
Kahit moderno na sa lipunan
Mga nagawa nila'y huwag nating kalimutan
Mga naituro nila'y huwag nating talikuran
At mga natirang bakas nito'y huwag apak-apakan
Mga ambag nila'y huwag pabayaan
Bagkus ito ay ating ingatan
Upang may magawa tayo para sa nakaraan
Dahil malaki ang naitutulong nito sa kasalukuyan

https://www.facebook.com/ancientgreecee/posts/hugot-quote-tulaang-sinaunang-gresya-ay-ating-
pahalagahannang-malaman-nagawa-nit/134230233894453/

Mga Sanggunian:

Modyul sa pagkatuto Baitang 8, pahina 167-209.


DepEd commons
Internet sources:
https://www.scribd.com/document/412891773/Rubric-Sa-Pagsulat-Ng-
Tula-docx
https://www.facebook.com/ancientgreecee/posts/hugot-quote-tulaang-
sinaunang-gresya-ay-ating-pahalagahannang-malaman-nagawa-nit/
134230233894453/

Mga Manunulat:

Elmer T. Piquero
Butuan City School of Arts and Trades
Butuan City Division
Elmer.piquero001@deped.gov.ph

Maria Elinor M. Cacafranca


Butuan City School of Arts and Trades
Butuan City Division
mariaelinor.cacafranca@deped.gov.ph

Leah D. Grana
Butuan City School of Arts and Trades
Butuan City Division
leah.grana@deped.gov.ph

Tagasuri:
1. JOASH GUANZON
T-III, Social Studies Dept.
BCSAT

2. HONORATO MENDOZA, PhD.


Head, Social Studies Dept.
Butuan City School of Arts and Trades

3. CARLOS C. CATALAN JR., PhD.


Division Aral Pan Coordinator
Butuan City Division

You might also like