You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Petsa : Oras: Baitang: 7

Pamantayang Pangnilalaman:
a. Natatalakay ang ibat –ibang uri ng kabihasnan at sebilisasyon ng
sinaunang Ayano.
Pamantayan sa Pagganap:
a. Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

I. Kasanayang Pamnpagkatuto
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan
b. Nasusuri ang pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon
c. Napapahalagahan mga sinaunang pangyayari at pagbabagong
naganap sa bawat panahon na naging dahilan ng pag-usbong ng
kabihasnan.

II. Nilalaman
a. Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
b. Sanggunian: Curriculum Guide AP7KSA-IIb-1.3
c. Kagamitan: PPT
d. Assignaturang Pinagsanib: Agham at Kasaysayan

III. Proseso sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtatala ng lumiban sa sa klase
 Pagbati sa mga mag-aaral

A. 1 Drill: You complete MeMES


Panuto : Buuin ang pangungusap sa bawat larawan
1.

“Lahat ng tao ay nag ”

1. Babago
2.

Kung binato ka ng
tianpay,batohin mo rin
ng _____.

2. Bato

3.

________________________

3. Pagtatanim
4.
_____________

4. Metal
5.

Tao lang ako, hindi marunong __________.

5. Makuntento

A. 2 Pagbabalik Aral
Mga gabay na tanong:
a. Ano ang huli ninyong tinalayak na leksyon?
b. Anong mabuting aral na iyong natutunan?

B. Panlinlang na Gawain
B.1 Paganyak – “Salamin ,salamin, sabihin sa akin”

Salamin , salamin,
salamin sabihin sa akin
ang isang bagay mong
dadalhin upang
mabuhay kasama
namin at bakit?

B.2 Paghahawan ng Balakid


Ibigay kahulugan ng mga sumusunod at gamitin sa pangungusap.
1. Kabihasnan
2. Sibilisasyon
3. Asyano
4. Pagbabago
B.3 Pagsusuri
Suriin ang mga larawan
1. Ano ang iyong napansin sa larawan
2. Ihambing ang uri ng pamumuhay bawat kabihasnan
3. Sa anong yugto ang mayroong pinka modernong kagamitan
B.4 Pagtatalakay
A. Panahong Paleolitiko (400,000 – 8500 BCE)
Ang salitang paleolitiko ay mula sa salitang Greek na palaios na ang
ibig sabihin ay matanda o luma at lithic na ang ibig sabihin ay bato. Tanda ng
matalinong tao ang kakayahan sa paggamit ng bato. Umaasa lamang sila sa
kapaligiran na makakatustus sa pangunahing pangangailangan.
B. Panahong Mesolitiko (10000-4500BCE)
Ang salitang Mesolitiko ay nagmula sa salitang Greek na meso na ang
ibig sabihin ay gitna at ang lithic ay bato na kung tawagin ay Panahon ng Gitnang
Bato. Dahil sa pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo nagsimulang
lumago ang mga kagubatan. Nanirahan sa mga pampang ng ilog at dagat ang taong
mesolitiko upang mabuhay.
C.Panahong Neolitiko (7000-3000 BCE)
Ito ay hango sa salitang Greek na naois na nangangahulugang bago at
lithic na ibig sabihin ay bato na kung tawagin ay Panahon ng Bagong Baton a kung
tawagin sa wikang Ingles ay New Stone Age. Liban sa paggawa ng pulidong
kagamitang bato, ang agrikultura ang pinakamahalagang natuklasan ng tao sa
panahong ito. Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong Rebolusyong
Neolitiko. Sila ang tinatawag na unang magsasaka sa kabihasnan.
D.Panahon ng Metal (4000 BCE)
Nabuo ang panahong metal dahil na rin sa patuloy na paglaganap at
pagbabago sa lipunan. Sa paglaon ng panahon, ang mga kagamitang bato ay
napalitan ng mga kagamitang metal na tanso, sa proseso ng pagtunaw ng copper
ore nakagawa ang mga unang tao ng metal na tanso. Sa katalinuhang taglay ng tao
naka-eksperimento ng bronze gamit ang pinaghalong metal na tanso at tin , isang
metal na mas matibay sa tanso. Mula dito nakagawa sila ng mga kagamitang
pansaka at mga kagamitanmg pandigma. Kinalaunan ay natuklasan ang bakal ng
mga Hittite sa Kanlurang Asya na gamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.

C. Pangwakas na Gawain
a. Paghahalaw
a.1 Paglalahat
Ano-ano ang kabihasnan ng mga sinaunang Asyano
a.2 Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
kagamitang na diskubre ng mga sinaunang asyano na hanggangngayon ginagamit
parin.
a.3 Paglalapat
Paghambingin ang mga kabihasnan ng mga sinaunang Asyano gamit ang
quadrouple diagram.

Paleolitiko

Panahon ng Mesolitiko
Metal

Neolitiko
IV. Pagtataya

Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba at tukuyin kung ito ay TAMA o


MALI. Isulat ang letrang T kung ito ay TAMA at M naman kung ito ay Mali;
tukuyin ang maling salita at palitan ito ng wasto upang maging akma sa
pangungsap.

1. Ang salitang paleolitiko ay mula sa salitang Roman na palaios na ang


ibig sabihin ay matanda o luma at lithic na ang ibig sabihin ay apoy.

Sagot : M – Roman (Greek) Apoy (Bato)

2. Nomads and tawag sa mga taong palipat-lipat ng pamumuhay.

Sagot : T

3. Panahong metal ang tinaguriang unang magsasaka sa kabihasnan


dahil sa kanilang makabagong kagimtan sa pagsasaka.

Sagot :M – (Metal) Panahong Neolitiko

4. Nanirahan sa mga kagubatan ang taong mesolitiko upang mabuhay


sapagkat sagana sa pagkain ang kagubatan.

Sagot : M- (Kagubatan) Pampang ng ilog at dagat

5. Ang iron o bakal ay higit na mas matibay sa kesa sa bronse at tanso.

Sagot: T

6. Ang salitang Mesolitiko ay nagmula sa salitang Greek na meso na ang


ibig sabihin ay simula at ang lithic naman ay tubig.

Sagot: M – Simula ( Gitna ) Tubig ( bato )

7. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite sa Silangang Asya kung kaya’t


nakagawa sila ng mas matitibay na kagamitang pansaka at mga
matatalim na sandata laban sa mga mababangis na hayop.

Sagot: M – (Silangang Asya ) Kanlurang Asya

8. Ang Neolitiko ay hango sa salitang Greek na naois na


nangangahulugang bago at lithic na ibig sabihin ay bato kung tawagin
ay Panahon ng Bagong Baton.
Sagot: T

9. Unang itinanim ng mga tao sa panahon ng mesolitiko ang cereal at


bulak sa Indus sa Timog Asya, palay at halamang ugat tulad ng gabi
naman sa Timog Silangang Asya at cereal at puno ng mulberry sa
hilagang China.

Sagot: M – ( Mesolitiko ) Neolitiko

10. Ang pinkamahalagang natuklasan ng mga tao sa panahong paleolitiko


ay ang paggamit ng apoy.

Sagot: T

V. Takdang Aralin

Paksa : Ang Unanng kabihasnan sa Asya


Panuto: Sa Isang A4 bond paper,gumawa ng Time graph na nag lalayong
ipakita ang pagkasunod-sunod ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.
Ilagay ang mahahalagang datos at mga natuklasan ng bawat kabihasnan.

Orchid

You might also like