You are on page 1of 14

Bonifacio Isidro

Si Bonifacio R. Isidro ay
isang Pilipinong imbentor ng 41
na bagay, na nagbigay sa kanya ng
parangal na Medalya ng
Presidente para sa kanyang
imbensyon. Natanggap rin niya
ang WIPO Gold Medal para sa
pagiging mahusay na imbentor
noong 1983 at kaparehong
parangal para sa kanyang
imbensyon sa Multi-Crop Sheller
noong 1985.

Nakapag-imbento rin siya


ng Bon-Car Tricycle na nagsilbing
sakayan para libutin ang kanilang
labing-apat na ektaryang taniman.
Maging ang kanyang taniman ng
orkidya ay naging showcase ng
iba't ibang uri ng orkidya sa
buong Timog Silangang Asia. Nakaimbento rin siya ng pandilig (Plant Watering Device) na
kusang nagdidilig ayon sa oras na itinakda, ng sapat ng tubig para sa hanay ng mga orkidya.
Lahat ng kanyang mga imbensyon ay nakapagdala sa kanya ng kasikatan at kayamanan ngunit
nananatiling palabiro at mapagkumbaba ang imbentor na si Bonifacio.

Ang ilan sa kanyang imbensyon ay:

 Agad Thresher-Model C

 Agad Multi-Crop Sheller / Husker

 Sorghum Thresher

 Bon-Car Tricycle

 Plant Watering Device

 Low Cost Windmill

 Improved Reaper
 Utility Cart

 Field Headgear

 High Effeciency Sand-sitter

 Lahar Sand-refiner

 Giant Diamond-toothed Marble Cutters.

Fe del Mundo
Imbentor ng Incubator, Pambansang Aghamanon
ng Pilipinas

Ang incubator na ginagamit para sa mga


sanggol na kulang sa siyam na buwan nang
ipanganak ay inimbento ng mahusay at magaling
na Pilipino, si Dra. Fe Del Mundo. Isa rin sa
kanyang imbensyon ay ang Jaundice relieving
device bilang kanyang mga ambag sa daigdig ng
teknolohiyang medikal. Isa siya sa kinikilang
pioneer sa pangalaga sa kalusugan ng mga bata sa
Pilipinas.
May isang kaso na inakalang tipus (typhoid fever)
ang kumalat na epidemya noong taon 1954. Dahil
sa pagtitiyaga ni Dr. Fe, ito ay nadiskubre na
dengue pala. Ito ang unang pagkakataong nakilala ang dengue sa Pilipinas.

Pinag-aralan din ni Dr. Fe ang mga bakteryang nagiging sanhi ng pagtatae (bacteriological
etiology ofdiarrheas) ng mga batang wala pang 5 taong gulang. Ito ang nagbukas ng daan sa
paggamit ng microbials para huminto ang pagtatae.

Hindi lamang panggagamot sa bata ang pinagdalubhasaan ni Dr. Fe. Pinag-aralan din niya kung
paano maaaring mapaayos at lubusang mapakinabangan ang mga hilot sa panganganak at
pangangalaga ng mga batang bagong silang. Pinangunahan din niya ang pagkakaroon ng mga
botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at bata (Mother and Child
Health Care Centers).
Alexis Belonio
Si Alexis T. Belonio (ipinanganak noong
Enero 1, 1960) ay isang propesor[1],
inhinyero, siyentipiko, at imbentor mula sa
Pilipinas. Siya ang unang Pilipinong
nakapagwagi ng Gatimpalang Rolex para sa
Gawain (Rolex Award for Enterprise,
natanggap niya noong 2008), isang
pagpaparangal na nagsimula noong 1976,
dahil sa kanyang pagkakalikha ng isang
hindi mamahaling kalan o kusinilyang
ginagamitan ng malinis na panggatong
na gaas na nagagawa mula sa ipa ng
palay. Ibinilang si Belonio ng Rolex, isang
kumpanyang gumagawa ng mga relo, sa
sampung huwarang imbentor noong
Nobyembre 2008.

Bilang isang dalubhasa, nakapagdisenyo na siya ng mahigit sa tatlumpung mga aparato,


katulad ng mga pampatuyo ng mga palayan at mga pambomba ng tubig na magagamit ng mga
mahihirap na magsasakang Pilipino. Isinagawa ni Belonio ang pagpapainam ng imbensyon
bagaman hindi na bago ang ideya sapagkat nagkaroon na dati ng Lo Trao, isang kusinilyang
Biyetnames na ginagatungan din ng ipa ng palay. Ang pagkakaiba ay nasa pagkawala ng
pagiging mausok, pagkaalis ng hindi matatag na apoy, at katangian ng dumi mula sa paggamit ng
nasabing kusinilya. Sa imbensyon ni Belonio, ginamitan ito ng mabuting inhinyeriya at sapat na
hangin, na kinasasangkapan ng isang maliit na bentilador na pinaaandar ng kuryente o baterya,
na nagdurulot ng mas kapaki-pakinabang na pagkasunog ng mga ipa ng palay

Ang kusinilya ni Belonio ay isang maliit na bariles o malaking lata na may bentilador sa
pang-ibabang bahagi nito. Nagbibigay ng hangin ang bentilador sa pamamaraan ng pagiging
gaas o panglutong hangin ng ipa ng palay. Dinisenyo ang lutuan na madaling gamitin.
Nakapagluluto rito ng piniritong isda sa loob lamang ng labinlimang mga minuto.
Nakakakonsumo ito ng 2 mga kilogramo ng ipa ng palay bawat oras. Walang usok na inilalabas
ang kusinilya ni Belonio at muli pang magagamit ang mga nasunog na ipa, bukod sa pagiging
uling, bilang sementong pumipigil sa paglagos ng init ng apoy para sa tradisyonal na kalang
ginagatungan naman ng kahoy.

Rolando dela Cruz


Si Rolando dela Cruz ay isa sa mga
pinakapipitagang imbentor na Filipino sa larangan ng
agham sa Pilipinas. Nakatanggap siya ng mga parangal
mula sa iba't ibang dako ng mundo dahil sa tuklas niyang
mga lunas at gamot para sa iba't ibang uri ng sakit sa
balat.

Una siyang pinatanyag ng kanyang tuklas na


pantanggal ng nunal at kulugo o butlig gamit ang katas
ng kasoy, at tinawag na DeMole at DeWart. Ito ay isang
cream na ipinapahid sa balat at napatunayang mabisa –
kahit na malalalim na nunal at kulugo ay kayang alisin na
walang bahid o peklat na maiiwan. Gawa ito sa mga likas
na sangkap, lalo na ng katas ng kasoy (Annacardium
occidentale) na talamak sa Pilipinas.

Ang DeBCC ay isang cream na napatunayang


nakakalunas sa basal cell carcinoma, isang
pangkaraniwang uri ng kanser sa balat sanhi ng matagal
na pagkakabilad sa araw at madalas tumatama sa mukha, tenga, anit, leeg, balikat at likod. Ito ay
gawa sa katas ng kasuy at iba pang halamang gamot na makikita sa Pilipinas. Sa tulong ng
[Unibersidad ng Pilipinas] at Philippine General Hospital, ang nasabing imbensyon ay sinubakan
sa mga pasyente na may di na malutas na kasi ng kanser sa balat. Pagkalipas apat na buwan na
pagpapahid sa napinsalang balat, bumuti ang kalagayan ng mga pasyente at sila'y gumaling.
Matapos ang dalawang taon ay wala naman nasuring masamang epekto ang cream sa mga
gumamit nito.

Ang kahusayan at pagiging malikhain na ipinamalas ni Rolando dela Cruz ay kinilala rin
ng World Intellectual Property Organization
Roberto del Rosario
Si Roberto L. del Rosario ay isang
kilalang Pilipinong imbentor ng
Sing-Along System na kilala
bilang Minus-One na kalaunan ay
kilala bilang Karaoke.
Naipaglaban niya sa Kongreso ng
Pilipinas ang pagpasa ng panukala
para sa insentibo sa mga
imbensyon ng mga Pilipino na
kalaunan ay naging batas RA
7459 o Inventors and Invention
Incentives Act noong Abril 28, 1992. Siya ay nahalal bilang miyembro ng Executive Board ng
International Federation of Inventors Association (IFIA). Siya ay ginawaran ng World
Intellectual Property Organization (WIPO) Gold Medal sa kanyang natatanging imbensyon
noong 1985.

Ilang mga imbensyon ni Roberto Del Rosario:


 Piano Tuner's Guide
 Piano Keyboard Stressing Device
 Copper Wire String Winding Machine
 One-Man Band (OMB)
 Voice Color Tapes
 Sing-Along System (SAS)
 Method of Determining a Singer's Voice Range

Agapito Flores
Si Agapito G. Flores ay isang
Pilipinong imbentor na inakalang
bumuo ng imbudo ng fluorescent light
tube.

Siya ay nagsagawa ng
eksperimento tungkol sa ilaw na
karaniwang gamit lalo na sa gabi. Nais
niyang makatuklas ng ilaw na ang
liwanag na dulot nito ay katumbas ng
liwanag sa araw. Ang kanyang
pagsisikap ay di nagtagal at nagbunga
na siyang kilala ngayon at ginagamit
lamang dito sa Pilipinas kundi maging
sa buong daigdig.

Ang imbensyon na ito ay pinakilala niya kay Pangulong Manuel L. Quezon. Nagulat ang
presidente sa natuklasan ni Flores. Hindi siya makapaniwala na ang isang tubo na yari sa bote ay
magagamit at makakalikha ng liwanag. Pero sa panahong ito, inilabas na sa publiko ng General
Electric sa Estados Unidos ang flourescent light.
Ramon Barba
Si Ramon Cabanos Barba ang nag-
imbento ng practical flower
induction treatments.

Si Ramon Barba ay isang Pilipinong


imbentor na nakaimbento ng paraan
upang lalo pang mapamulaklak ang
mga punong mangga sa
pamamagitan ng Ethrel at Potassium
Nitrate. Nahirang sila bilang isa sa
Ten Outstanding Young Men in
Agriculture noong 1974 at
napagkalooban ng Horticultural
Technology Award noong Hunyo,
1999.

Sa East-West Center, sa Hawaii


naman niya natapos ang kanyang
Doctorate in Plant Physiology,
specializing in Tropical Fruits and
Tissue Culture noong 1967.
Maraming napagdaanang pagtutol si
Ramon sa kanyang proposal upang
higit pang mapamulaklak ang mga
punong mangga. Subalit sa tulong ng kanyang kaibigang Ginoong at Ginang Jose Quimson ng
Quimara Farms sa San Antonio, naisagawa ni Ramon ang kanyang eksperimento. Sa 400 puno
ng 10 hanggang 12 taong gulang na puno, matagumpay niyang naisagawa ang kanyang pag-
aaral. Namulaklak ang mga ito isang linggo hanggang isang buwan matapos ma-spray ang
potassium nitrate.

Ang pag-aaral na ito ni Ramon ay kanyang isinulat at pinamagatang Induction of Flowering of


the Mango by Chemical Spray at nahirang bilang Best Paper ng Crop Science Society of the
Philippines (CSSP) noong 1974. Nahirang din si Ramon bilang isa sa Ten Outstanding Young
Men in Agriculture noon ding taon iyon. Ang pagkakatuklas na ito sa kakayahang mapabunga
eng mangga anumang oras sa buong taon ang nagpabago sa takbo ng industriya ng mangga sa
Pilipinas.
GREGORIO Y. ZARA
GREGORIO Y. ZARA (1902 - 1978) ay isang
Pilipinong imbentor mahigit 30 gamit sa
eroplano tulad ng Earth Induction
Compass at Vapor Chamber, ilang
enerhiya na
ginagamitan ng araw tulad ng Solar Energy
Device, Solar Water Heater, Solar Stove at
Solar Battery. Siya ang may-akda ng isang
physical law of electrical kinetic resistance na
tinatawag na Zara effect.
Gantimpala
Dahil ito binigyan siya ng parangal tulad ng
Presidential Diploma of Merit (1959),
Distinguished Service Medal, Presidential Gold Medal and Diploma of Honor
for Science
and Research, at Cultural Heritage Award for Science Education and Aero
Engineering
noong 1966.
JULIAN A. BANZON
JULIAN A. BANZON ay isang kilalang
siyentipiko, iskolar, propesor at biyopisikal
na
kemist. Siya ay ipinanganak sa Balanga,
Bataan noong Marso 25, 1908. Ang mga
magulang niya ay sina Manuel S. Banzon at
Arcadia Arca.
Pagkatapos niya ng titulong Batsilyer ng
Agham sa Kemistri sa Unibersidad ng
Pilipinas
noong 1939 ay agad siyang kinuha ng
UP College of Agriculture bilang assistant
instructor. Nagturo siya rito ng isang taon bago itinaas sa
pagiging instructor sa
kemistring pang-agrikultura sa parehong kolehiyo noong 1931. Bilang
pensiyonado ng
UP, ipinagpagtuloy niya ang pag-aaral sa paaralang gradwado sa Iowa State
University sa
Estados Unidos noong 1937 at nagtapos siya ng titulong doktor
ng pilosopiya sa
biyokemistri (maynor sa micro-biology) noong 1940. Ang kanyang
disertasyon sa
pagkadoktoral ay tungkol sa “fermentative utilization of cassava.”
PAULO C. CAMPOS
PAULO C. CAMPOS (1921 – 2007 ) ay kilala
bilang Ama ng Medisinang Nukleyar.

Siya rin ay kilala dahil sa kanyang kontribusyon


sa pananaliksik sa sakit na goiter. Siya

ang utak sa pagkakatayo ng radioscope


laboratory, research laboratory at klinika para sa

goiter sa Pilipinas. Sa kanyang paglathala ng


iba't-ibang sulatin ukol sa sakit na goiter,

siya ay pinarangalan bilang Pambansang


Siyentipiko noong 1988.

Ipinanganak siya sa Dasmariñas, Cavite noong Hulyo 27, 1921.


Nakapagtapos siya ng

pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1945, sa John Hopkins School of


Medicine

(1953), at sa Oakridge Institute of Medicine (1958).

Nakapagsilbi bilang Chairman ng National Research Council ng Pilipinas


(1981-1984) at

ng National Academy of Science and Technology (1978 - 1989).

Ang kanyang pag-aaral na pinamagatan niyang "The Genetic Factor in


Endemic Goiter"

ay naipresenta sa Lungsod ng Mexico na kung saan siya ay binigyan siya ng


nominasyon

ng International Atomic Energy Agency para sa isang Nobel Prize taong 1970.
DR. FE DEL MUNDO
DR. FE DEL MUNDO (1911–Agosto 6, 2011)
ay isa sa pinakamagaling na

manggagamot ng bata sa Pilipinas. Nanguna siya


sa pangangalaga ng kalusugan ng mga

bata at nagsimula ng Ospital na Pambata sa


Pilipinas (Children's Medical Center of the

Philippines). Siya ay pinangarangalang


Pambansang Siyentipiko noong 1980.

Silang pangunahing manggagamot ng mga bata,


ipinagmamalaki ni Dr. Fe ang kanyang

mga pananaliksik sa mga sakit na polio, rubella at


varicella. Ang mga ito ang nagsilbing

basehan sa pag-aaral at paggamit ng mga bakuna sa buong bansa. Ang


kawalan ng mga

kagamitan at laboratoryo sa Pilipinas hindi naging hadlang kay Dr. Fe upang


patuloy na

magsaliksik. Matiyaga niyang ipinadadala sa New York (para sa polio), sa


London, (para

sa tigdas), sa Switzerland (para sa rubella) at sa bansang Hapon


(chickenpox) ang mga

specimen. Sa kanyang pag-aaral sa libo-libong mga bata mula sa iba't ibang


parte ng

bansa (1941), napag-alaman niya na ang mga bata pala ay maaaring


immune o higit na

mahina ang panlaban (susceptible) sa ilang mga sakit. Ito ang naging
panuntunan kung

ilang taon ba dapat bigyan ng bakuna ang isang sanggol upang higit na
magkabisa ito.
9. DR.FELIX D. MARAMBA isang magaling at malikhaing pilipino, Dahil siya
ang

kauna-unahang nakagawa ng gas/electricicdad mula sa dumi ng mga tao at


hayop . ito ay

nagsimula sa maya farms at ngayon ay may GAS/ELEKTRISIDAD ang maya


farms ay

malamang na hindi na ito kinakailangan.


MARIA YLAGAN-OROSA (29 Nobyembre – 13 Pebrero 1945) ay isang
Pilipinong

siyentista, pilantropo, at bayani noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Maraming naging kontribusyon si Orosa sa larangan ng paggamit ng mga


halaman sa

pagpepreserba ng pagkain. Siya rin ang nanguna sa paggamit ng pinya sa


paggawa ng

suka. Ang pinakasikat naman niyang imbensyon ay ang Soyalac, isang


pagkaing mula sa

soya na mataas sa protina. Si Orosa din ang nag-imbento ng resipe para sa


banana

ketchup, alak mula sa mga prutas galing sa bayabas, soyamilk, harina mula
sa saging at

kamote, at tinapay galing sa darak na nakatutulong sa pag-iwas sa sakit na


beri-beri.

Inimbento rin ni Orosa ang “Palayok Oven” para sa pagluluto ng iba't ibang
putahe.

You might also like