You are on page 1of 2

CUYOS, YORI NICOLE MARTINE T.

FIL 221 (M/W 1:00-2:30PM)


BSN II

MGA PILIPINONG IMBENTOR

1. Fe Del Mundo (Bamboo Incubator)

Si Dr. Fe del Mundo (Nobyembre 27, 1911 – Agosto 6, 2011) ay isa sa pinakamagaling na
manggagamot ng bata sa Pilipinas. Nanguna siya sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata
at nagsimula ng Ospital na Pambata sa Pilipinas (Children's Medical Center of the Philippines).
Siya ay pinangarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1980.
- Inimbento ni Fe del Mundo ang Incubator. Ang mga sanggol na ipinanganak ng
premature ay inilalagay sa incubator. Siya ay ang unang asyano na nakapasok
sa Harvard University's School of Medicine. Noong 1980, siya ang unang Filipina
National Scientist. Isa rin siyang pediatrician – isang doctor na gumagamot ng
mga bata.

2. Alexis Belonio (Rice Husks)

Si Alexis T. Belonio (ipinanganak noong 1 Enero 1960) ay isang propesor, inhinyero,


siyentipiko, at imbentor mula sa Pilipinas. Siya ang unang Pilipinong nakapagwagi ng
Gatimpalang Rolex para sa Gawain (Rolex Award for Enterprise, natanggap niya noong 2008),
isang pagpaparangal na nagsimula noong 1976, dahil sa kanyang pagkakalikha ng isang hindi
mamahaling kalan o kusinilyang ginagamitan ng malinis na panggatong na gaas na nagagawa
mula sa ipa ng palay. Ibinilang si Belonio ng Rolex, isang kompanyang gumagawa ng mga relo,
sa sampung huwarang imbentor noong Nobyembre 2008. Isa siyang kasamang propesor ng
inhiyeriyang pang-agrikultura sa Central Philippine University ng Lungsod ng Iloilo. Dahil sa
pagkakasama niya sa limang Kasamang Laureanong pinarangalan ng Rolex, nakatanggap siya
ng $50,000 at isang kronometrong Rolex. 48 na taong gulang si Belonio noong matanggap niya
ang parangal, at nagpahayag na gagamitin niya ang natanggap niyang halaga upang itaguyod
at ipamahagi ang teknolohiya sa iba pang mga tao na walang hihilinging kapalit, at sa
pamamagitan din ng paglalathala ng mga babasahin ukol sa imbensiyon. Naganap ang pormal
na pagkilala at pagpaparangal ng Rolex kay Belonio bilang unang Pilipinong naging Kasamang
Laureano sa The Manila Peninsula ng Lungsod ng Makati noong 21 Enero 2009. Gagamitin din
Belonio ang natanggap niyang salapi para sa pagtatayo ng isang Lundayan para sa
Teknolohiyang Pang-ipa ng Palay (Center for Rice Husk Technology) sa kanyang bayan sa
Iloilo.

3. Roberto Del Rosario (Sing Along System)

Roberto L. del Rosario isang sikat na Pinoy Imbentor ng Sing Along System na nakilala
bilang Minus-One na kabilang sa Karaoke. Pinaglaban ni Roberto sa Kongreso ng Pilipinas ang
panukala para sa insentibong mg imbensyon ng mga Pilipino na ngayon ay naging batas RA
7459 0 Inventors and Invention Incentives Act noong Abril 28, 1992. Siya ay napili bilang
miyembro ng Executive Board ng International Federation of Inventors Accociation (IFIA). Si
Roberto del Rosario ay ginawaran ng World Intellectual Property Organization (WIPO) Gintong
Medalya sa kanyang mga natatanging imbensyon noong 1985.

- Naimbento niya ang Sing Along System na binubuo ng isang mikropono at amplifier
noong 1974 at ito ay sumikat sa pangalang Minus One sa Pilipinas. Sikat ang Pinoy na
si Roberto del Rosario dahil sa kanyang natatanging imbensyon na hangang ngayon ay
patuloy na ginagamit.

You might also like