You are on page 1of 4

Mecaelah S.

Palaganas

Arkiyoloji 1

2014-20608

2:30-4:00pm

College of Engineering (BS Materials Engineering)

WFX-1

Ang Kontribusyon ni F. Landa Jocano sa


Kaunlaran ng Antropolohiya ng Pilipinas
Si Felipe Landa Jocano, isinilang sa Iloilo noong ika-5 ng Pebero taong 1930, ay kilala sa
kanyang walang humpay na kontribusyon sa pag-unlad ng antropolohiya sa Pilipinas. Siya ang
tinaguriang kauna-unahang cultural anthropologist ng ating bansa.
Si Jocano ay nanggaling lamang sa isang mahirap na pamilya na hindi sapat ang
kakayahan upang siya ay suportahan sa kanyang pag-aaral. Ito ang nag-udyok sa kanya na
magpursigi upang magpatuloy ng pag-aaral. Sa kanyang murang edad, lumuwas siya ng Maynila
upang mag-aral sa hayskul. Siya ay nakapagtapos sa Arellano University na pinasok ang ibat
ibang trabaho upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Bagamat sinubukan niyang
magpatuloy ng kolehiyo, ay hindi ito natupad dahil siya ay nagkaroon ng sakit na nagging
dahilan upang siya ay umuwi pabalik sa Iloilo. Dito nagsimula ang kanyang pagkahilig sa
antropolohiya. Nakilala niya ang isang kilala at batikang anthropologist na si Dr. Robert Fox na
siya naming tumulong sa kanya upang makakuha ng trabaho sa National Museum. Una siyang
nagsilbi rito bilang tagalinis ng mga specimen at iba pang gamit sa museum. Kasunod nito ay
nagkaroon siya ng pagkakataong sumulat ukol sa buhay ng halaman at hayop, na siya naming
pumukaw sa pansin ng ibat ibang publisher tulad ng Manila Times. Maging ang Departamento
ng Edukasyon ay namangha sa kanyang gawa kaya naman ito ay naisulat sa isang libro na
ginagamit ng mga estudyante at dito nagsimula ang kanyang karera. Nagkaroon siya ng
pagkakataong makapagtapos sa Central University of the Philippines at di nagtagal ay nakakuha
ng Masters Degree in Anthropology noong 1962 at Ph.D. in Social Anthropology ng sumunod
na taon sa University of Chicago. Dito nagsimula ang kanyang karera. Bumalik siya sa dito sa
ating bansa upang magturo sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya ay nagturo at nagsilbi sa
ibat ibang posisyon. Siya ay naging chair ng Department of Anthropology at the College of Arts

and Sciences. Siya rin ay naging Dean and Professor of Anthropology of the Institute of
Philippine Studies at the Philippine Center for Advanced Studies na ngayon ay Asian Center na.
Isa sa pinakamaaga at pinakatanyag na kontribusyon ni Jocano ay ang kanyang salin at
dokumentasyon ng bisayang epikong Hinilawod (Tales From The Mouth of The Halawod River).
Ito ay naging mahalagang parte ng literatura at kultura ng bansa. Maliban dito, si Jocano ay may
kontribusyon din ukol sa alternatibo para sa teorya ni H. Otley Beyer, kilala sa tawag na wave
model, na nagsasabing ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa migrasyon ng mga Aeta,
Indonesian at mga Malay. Ngunit para kay Jocano, ang teoryang ito ay walang sapat na
ebidensya. Ayon sa kanyang Core Population Theory ay mayroon na talagang mga naninirahang
tao dito sa ating bansa bago pa man magkaroon ng kahit anong migrasyon. Nakasaad sa aklat na
pinamagatang Philippine History ni Christine N. Halili ang konsepto tungkol sa core population
theory.

(Halili,2004)
Lahat ng mga gawa ni Jocano ay hindi magiging posible kung wala ang kanyang
participant observation- isang epektibo at sistematikong metodolohiya na ipinakilala niya sa
ating bansa. Ito ay isang paraan kung saan ang isang researcher ay tumitira o pumapasok sa isang
grupo ng tao o komunindad kung saan naroon ang populasyon na kanyang pag-aaralan. Ito ay
upang maobserbahan, mapag-aralan ang paraan ng pamumuhay, paniniwala , linggwahe, at iba
pa. Maaari ring makilahok ang researcher sa kung ano man ang ginagawa nila upang
maramdaman niya ang perspektibo ng populasyon. Sa ganitong paraan, ay nakakakalap ng mas
maraming impormasyon ang nag-aaral. Ilan sa mga pag-aaral ni Jocano na bunga ng paraang ito
ay ang The Traditional Work of Malitbog (1969) at The Experience and Perspective in a Slum
Neighborhood. An Anthropological View (1973).
Nakapagsulat din si Jocano ng ibat ibang aklat tungkol sa kanyang mga pag-aaral tulad
ng Filipino Prehistory: Rediscovering Precolonial Heritage (1998), Filipino Indigenous Ethnic

Communities: Patterns, Variations, and Typologies (1998), Slum as a Way of Life (1975) at
marami pang iba na talaga namang nakatulong sa paglawak ng kaalaman sa antropolohiya.
Dahil sa hindi mabilang at di matatawarang kontribusyon ni Jocano sa larangan ng
literatura at sa pag unlad at pag usbong ng antropolohiya sa ating bansa, nagkamit siya ng
maraming parangal. Kabilang dito ang National Science Awards (1973), Republic Cultural
Heritage Award (1971), Ten Outstanding Young Men (1965), and the Philippine Legion of Honor
(2007). Noong nakaraang Mayo ay binigyan din siya ng parangal ng National Commission for
Arts and Culture (NCCA) na pinamagatang Dangal ng Haraya.
Tunay ngang isa si F. Landa Jocano sa mga maipagmamalaki nating mga Pilipino. Siya
ay naging instrumento upang maisilang at mabigyang buhay hindi lamang ang sektor ng
antropolohiya kundi pati na rin ang kabuuang kultura ng Pilipinas. Ang kanyang mga gawa at
kontribusyon any naging daan upang magising ang maraming Pilipino sa kamalayan na
mahalaga at may kabuluhan ang pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Si Jocano ay
pumanaw noong ika 27 ng Oktubre, 2013.

Pinagsipian

National Commission for Culture and Arts. (2014). NCCA to Honor F. Landa Jocano with
Dangal ng Haraya Award. Accessed from http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/pressreleases/press-release.php?i=181
Cruz, V. (2013). F. Landa Jocano, anthropologist and U.P. professor emeritus, passes away.
GMA News. Accessed from Accessed from
http://www.gmanetwork.com/news/story/332871/lifestyle/peopleandevents/f-landa-jocanoanthropologist-and-up-professor-emeritus-passes-away

Halili, M. C. (2004). Philippine History. p35 Accessed fromhttp://books.google.com.ph/books?


id=gUt5v8ET4QYC&pg=PA35&lpg=PA35&dq=core+population+theory+in+the+philippines
&source=bl&ots=gw0bMP_4Xx&sig=kV6-

nlxG5T3iarEau1dkQk7XpJ8&hl=en&sa=X&ei=n94NVKS_L4jy8QW14YIY&ved=0CD0Q6AEw
BA#v=onepage&q=core%20population%20theory%20in%20the%20philippines&f=false

Jadloc, M. D. (2013). F. Landa Jocano, 83 . Accessed from


http://upd.edu.ph/~updinfo/oct13/articles/F_Landa_Jocano.html,

Panopio, I., & Rolda, R. S. (2007). Society and Culture: Introduction to Sociology and
Anthropology (Third Revision ed.). Katha Publishing Co., Inc. Accessed from
http://books.google.com.ph/books?
id=1SLb8yk5r3wC&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false

You might also like