You are on page 1of 6

MARIANO MARCOS STATE

UNIVERSITY
College of Teacher Education

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph (077) 600- www.mmsu.edu.ph
2014
ARALIN A: PINAGMULAN NG PILIPINAS AT ANG MGA SINAUNANG K

PAUNANG SALITA
Ang Pilipinas ay bansang napapaligiran ng mga anyong tubig. Tinatawag itong
kapuluan dahil ito ay binubuo ng humigit-kumulang 7,100 malalaki at maliliit na pulo.
Ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalatag sa kanluran ng Karagatang Pasipiko.
Matatagpuan ang bansa sa Timog- Silangang Asya at may lawak na lupang 300,000 km2.
Dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas, ginagamit ang Doktrinang Pangkapuluan bilang
batayan ng pagsukat ng mga lupain at karagatan nito.
Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOWS
noong 1982, bawat coastal state o bansang may baybay- dagat tulad ng Pilipinas ay may
karapatan sa territorial sea na nasa 12 nautical miles o milyang pandagat; Exclusive
Economic Zone o EEZ na nasa 200 milyang pandagat; at continental shelf na nasa 200
milyang pandagat. Sinusukat ang lahat ng ito mula sa baseline ng mga lupaing
pangkontinente o pang-isla ng bansa (Source: washingtonepe.dfa.gov.ph na isinulat
nina Julian at Lontoc sa kanilang aklat , Bagong Lakbay ng mga Pilipino 5).

MGA INAASAHANG BUNGA (DESIRED LEARNING OUTCOMES )


Sa katapusan ng aralin , ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matalakay ang mga teorya sa pagkabuo ng Pilipinas at pinagmulan ng
sinaunang lahing Pilipino;
2. mailarawan ang sinaunang lipunang Pilipino .

MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO PARA SA ARALIN:


Teorya ng Pagkabuo ng Pilipinas
1. Paniniwalang Maalamat
Ang Pilipinas ay nagmula sa pagpupukulan ng tipak- tipak na lupa
at malalaking bato ng tatlong naglalabang higante upang patunayan
kung sino sa kanila ang pinakamapangyarihan sa Pasipiko . Ang
malalaking bato at lupang bumagsak sa karagatang ito ang siyang
pinagmulan ng kapuluan.
2. Paniniwalang Malaispiritwal
Ang Pilipinas ay nilikha ng Diyos (Genesis 1:1)
3. Paniniwalang Makaagham
a. Bulkanismo – Pinaniniwalaan ni Dr. Bailey Willis na ayon sa
teoryang ito ,ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng
pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa.
Ang mga magmang ito
ay galing sa mga aktibong bulkang nasa kailaliman ng
Karagatang Pasipiko .
b. Continental Drift Theory – Ayon kay Dr. Alfred Wegener ,
ang daigdig ay dating binubuo ng isang super kontinente, ang
PANGEA , na sa pagdaan ng panahon ay nagkawatak-watak
dahil sa pwersa ng kalikasan.
c. Continental Shelf Theory – Pinaniniwalaan ng teoryang ito
na ang kontinente ng daigdig ay nabuo sanhi ng diyastropismo
o ang paggalaw ng solidong bahagi ng mundo . Dahil sa
matinding paggalaw ng panlabas na mabatong bahagi ng
kalupaan (earth’s crust) bunga ng centrifugal force nagging
mabilis ang pag-ikot ng mundo na naging sanhi upang mahati
ang malaking kontinente .
d. Teorya ng Tulay na Lupa - Batay sa teoryang ito ang Pilipinas
ay bahagi ng Sunda Shelf o isang malaking nakausling bahagi
ng Asya . Sa pagtatapos ng Panahon ng Yelo , ang tulay na
lupa ay nahubog bunga ng paglusaw ng malalaking tipak ng
yelo .
Teorya ng Pinagmulan ng Sinaunang Lahing Pilipino
1. Teorya ng Pandarayuhan - Pinaniniwalaan ng mga nagsusulong sa
teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa rehiyong
Austronesyano at ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian
. Ang salitang ito ay hango sa salitang Latin na auster na ang ibig
sabihin ay “south wind” at nesos na nangangahulugan ng “isla “.
2. Teorya ng Tulay na Lupa - Ayon sa syentipiko , ito ang naging dahilan
upang makarating ang mga malalaking hayop at ang mga unang tao sa
Pilipinas .
3. Teorya ng Pandarayuhan / Wave Migration Theory – Ang teoryang ito
ay pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong
antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat
ng tao na dumating sa Pilipinas na nagpasimula sa lahing Pilipino. Ito
ang grupo ng mga Negrito, Indones at Malay.
4. Core Population Theory – Batay sa teoryang ito , bago pa man
dumating ang mga Negrito , mayroon ng mga taong naninirahan sa
bansa . Ang bahagi ng bungo ( skull cup ) at isang buto ng panga
( mandible) na natagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng
Pambansang Museo ng Pilipinas sa panunguna ni Dr. Robert B. Fox sa
yungib ng Tabon sa Palawan ang nagpapatunay nito . Kasama sa mga
nahukay na labi ng Taong Tabon ang ilang kagamitang bato gayundin
ang mga buto ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga
taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran. Tinatayang nabuhay
ang Tabon Man may 22,000 hanggang 24,000 taon na ang nakalilipas.
Sa mga makabagong impormasyon na nakalap noong 1962, lumalabas na
unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia. Pinatunayan
din ng pag-aaral ni Felipe Landa Jocano sa kanyang pag –aaral ukol sa
kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at mga
mananaliksik ng National Museum na ang bahagi ng bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas .
Makalipas and ilang taon, natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang
isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa Kuweba ng
Callao, Cagayan .Tinawag itong taong Callao na sinasabing nabuhay 67,000 taon
na ang nakalilipas.

PARA SA KARAGDAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA ARALING ITO,


TINGNAN ANG MGA LINK NA ITO:

SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO


Bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa, ang mga ninuno natin
ay may sarili ng paraan ng pamamahala at masasabing maayos ang kanilang kalagayang
panlipunan . Tunghayan ang mga videong ito .
MAGAGAWA NATIN

Gawain 1 - Gawin ang tsart sa ibaba .

Teorya sa Pagkabuo ng Pilipinas Kaalaman na Pinaniniwalaan


1.
2.
3.
a.

b.

c.

d.

Gawain 2 - Alin sa mga teorya sa pinagmulan ng Sinaunang Lahing Pilipino ang


pinaniniwalaan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 3 – Gawin ang mga sumusunod:

A. Paghahambing ng Barangay at Sultanato

Barangay Sultanato
1.Pinakamataas na
Pinuno
2. Katulong ng Pinuno
3.Paggawa ng Batas
4.Pagpapakilala sa
Bagong Batas
5.Pakikipag-ugnayan
6.Nagsisilbing Hukom
7.Paraan ng
Pagpaparusa
*Maaring dagdagan ang kahon

B. Pangkat ng Tao sa Lipunan at ang kanilang mga karapatan at tungkulin .


Ipakita ito sa pamamagitan ng graphic organizer.

C. Sumulat Tayo
Gumawa ng isang jingle o tula na nagpapatunay na mayaman ang lipunan
ng ating mga ninuno at ipinagmamalaki natin ito bilang mga Pilipino . Kung
ang gagawin mo ay isang jingle, maari kang manghiram ng himig mula sa
ibang awit na pamilyar sa iyo . Isulat ang pamagat ng awit na nilapatan mo ng
lyrics sa ibaba ng pamagat ng iyong jingle.
MGA SANGGUNIAN:

Halili , Maria Christine N. (2004 )Philippine History. Quezon City: Rex Book
Store,Inc

Julian,Ailene Baysa and Nestor S. Lontoc (2018) Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5.
Quezon City :Phoenix Publishing House, Inc.

https://youyu.be/2WgNePVsAhA

https://www.youtube.com/watch?v=5hR9uKtF7ug

https://www.youtube.com/watch?v=4WQQMM7EqCY

https://www.youtube.com/watch?v=OvyGUXxLdlk

https://www.youtube.com/watch?v=E_UKcjqnQ7E

You might also like